VoyForums

VoyUser Login optional ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: [1]2345 ]


[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Date Posted: 10:06:55 09/15/08 Mon
Author: JOSIE (MAY BAGO NA BA SA TIN SA NUEVE ECIJA)
Subject: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI

to all novo ecijano lets help our city ..before we are no. 1

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


Replies:

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- dnd, 18:17:14 09/15/08 Mon

Aba eh marami rami na rin po ang nabago dito sa atin, bagamat may mga mapag-samantala rin po sa mga naka paligid ay makikitaan naman po natin ng malaking pagbabago.

Basically po sa "basic of the basics", napapa sweldo napo sa tamang panahon at nakaka-utang na rin po sa GSIS ang mga maninilbihan sa Kapitolyo. Hindi napo delayed ng 3months ang mga sweldo nila.

Unti unti na pong nababayaran ang mga utang ng mga "Political Scholars" sa mga Unibersidad na umabot po ng P65 Million sa kalahatan, kaya po nakukuha na ng mga bata ang kanilang "hostaged diplomas" para magamit sa kanilang pag-aapply ng trabaho.

Sa kabila po ng malaking pagbawas sa budget ng walang justifiable cause, naisasakatuparan pa rin po ng Gobernador, sa tulong ng kanyang maybahay na nasa kongreso, ang kanyang mga programa sa mga mamamayan bagamat medyo "nakapila" po ang pag-usad ng mga ito ay unti unti naman pong naibibigay sa mga tao.

Malaki rin po ang naitulong niya upang ang kanyang kasamang si Popoy Taruc ay mapasok na isang Director ng PCSO upang magamit ang naturang ahensya sa pagtulong sa mga mamamayan ng Nueva Ecija kung sakali man pong hindi makasapat ang mga naibigay na paunang tulong sa mga maysakit.

Nagpapaikot po ang mag-asawa ng mga truck na may kargadang mga pagkain gaya ng bigas at mga de-lata upang maibenta ang mga ito sa mababang presyo na abot kaya ng mga mahihirap nating mga mamamayan.

May mga proyekto rin po silang mag-asawa sa bawat barangay para sa buong lalawigan, sinisikap po nilang maibigay ang bawat kahilingan ng mga ito, mula sa pagsesemento ng mga kalsada hanggang sa maliliit na mga tulay, atbp. Kasama na rito ang pagpapa-ilaw ng buong Highway mula boundary ng Gapan-San Miguel hanggang sa San Jose-Nueva Vizcaya, gamit ang mga matitipid na solar powered lights.

Nagkaruon po ng malawakang animal dispersal sa abot po ng maipamimigay na mga hayop para sa ikau-unlad ng industriyang panggatas at karagdagang karne mula sa pagpaparami nito, para sa mga mahihirap na magsasaka.

Pagpapalaki ng kinita ng lalawigan mula sa 3 beses na pagkataas ng buwis ng mga hydro-electric plants na umabot ng mga bilyong piso, kung kaya't ang dating naghihirap na Municipalidad ng Pantabangan ay isa na ngayon sa pinaka mayamang bayan dito sa ating lalawigan.

Ngunit ang mga ito po ay lalo pang magiging matagumpay kung ang bawat mamamayan, lalo na ang mga kabayan nating nasa ibang lugar ay mag-aambag ng tulong sa ating lalawigan bilang pagtanaw natin ng pagmamahal sa ating kinamulatang bayan, sana po ay magkaruon tayo ng Adopt-A-School-Program, or Adopt-A-Barangay-Program upang hindi lamang natin iasa ang mga pagbabago mula sa ating Gobyerno kundi ang pagbabago ng bawat isa sa ngalan ng pagmamahal sa kapwa, lalo na sa mga mahihirap.

Salamat po at more blessings po sa mga buhay ninyo at sa ating lahat.





Scholarship

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- buboy, 14:41:27 09/18/08 Thu

MAY BAGO NG PANGALAN ANG ATING BISE GOBERNADOR, siya si VICE GOVERNOR EDWARD F. JABLA.....

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- shooter, 02:13:26 09/16/08 Tue

pasali po ulet ... may nabasa akong article dito sa internet [hindi ko lang alam kung matagal na 'to na published] meron na daw mga solar-powered lamp post sa maharlika highway, particularly along santa rosa-cabanatuan area, kung totoo ito, well magandang project 'to, considering the cost of electricity eh bawas gastos na, environmental friendly pa ...

tanong lang po ulet ... sa NE kase ako pinanganak, jan na din nag-aral, napansin ko lang bakit yung mga kalapit probinsya like tarlac or pampanga eh nagkaroon ng mga industrial area, meron na sila mga pabrika which generates job for their province-mates and income for the local government pero ang NE wala yata ... ok granted na NE is "supposed to be the rice granary ng pinas" ... pero we're not living up to it naman di ba? ... yung mga bukirin eh ginagawa ng subdivisions or golf courses pero bakit walang pabrika, ang tarlac or pamgpanga eh meron din mga rice fields, pero they manage to be in the industrialization genre ... yun ba bagong gobernador naten eh meron platform or even vision to have such industrialized areas? dati kase meron daw mga investors na gusto magtayo ng pabrika sa NE pero natatakot kase magulo at wala silang nakikitang magandang incentives being proposed or offered by the provincial government.
I'm not saying na walang vision ung dating gobernador ng NE, kase the Joson's way of politics is on an intra-personal way, like pag may namatay punta kay gob. hingi ng pampalibing, or apply ng scholarship ang anak, which ang nangyayari is parang yung nanghingi ng tulong eh tatanaw pa ng utang na loob, eh ang pinang-tulong sa kanila eh pera naman ng gobyerno ...
going back siguro naman hindi pangit ang location ng NE para nde magkaroon ng industrial area and to attract companies to build their manufacturing plants sa NE ..... Pampanga, Tarlac and Bulacan did it ... hope NE can do it also [para nde lang NE mall ang pwede ipagmalaki jan ... wahehe]
peace mga kabayan!!!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- dnd, 02:46:22 09/16/08 Tue

nice shooter, you still remember your history.... tama ka, kasi ang ating province was not prepared structurally to accommodate factories, the previous administration were satisfied serving the patays and the scholars rather that improve the lives of our kalalawigan. hindi ko alam kasi kung malawak ang natapos ng mga namuno sa atin for have short, medium, and long term plan for our province.

Sabi ko nga sa ibang Thread, 40 years silang namuno, siguro kung nuong ika 10th year nila sa power eh naiprepare nila ang province for industrialization, eh baka hindi lang tayo rice granary ng Pilipinas kundi rice exporters pa tayo ng bansa, bukod pa sa mga factories na sana ay napapakinabangan natin in terms of jobs and taxes.

Kaso masaya na sila sa simpleng buhay, pasabong sabong, pacasino casino, kaya wag ka na magtaka kung bakit naiwan tayo....

kung centro ang pampanga where provinces of ilocos, pangasinan, tarlac, zambales, bataan at nueva ecija MEET, i could say na centro din tayo dahil sa atin nagme-meet ang quezon, vizcaya, isabela, cagayan, pangasinan, tarlac, pampanga at bulacan.

Kaso kulang tayo sa mga Port to accommodate shippings, naglalakihang highways to accommodate big haulers, airports to accommodate investors, Cheap electricity, Modern communications, etc.

The same are readily available in Subic, Clark, Luisita Complex, Dagupan-Sual-Pangasinan, SFO-la union, SFO-pampanga, etc. In short pupunuin muna mga yun bago maglipatan dito, unless bibigyan natin ng tax incentives, na kaya rin ibigay ng ibang provinces.

i believe too late a hero for our province, sayang, kung nuon sana naisip yun mga yun kesa sa mga patay at scholars na hindi naman makapag trabaho dahil naiipit mga diplomas dahil hindi mabayaran ng kapitolyo mga universities.

kaya para sa akin, mas maganda kung pagbutihin nalang natin ang food production ng province natin bago pa ito maagaw ng Benguet at Vizcaya areas.

yun lang

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- Botchok, 07:13:59 09/16/08 Tue

WALANG SISIHAN

Ang pamamalakad ng mga namumuno ang syang dahilan ng magiging kahihinatnan ng isang lokalidad. Datapwat yung mga naghahalal sa kanilang mga pinuno ang mananagot kung anong MAGIGING BUNGA SA HINAHARAP. EH SINO BA ANG PUMILI NOON SA MGA JOSON NA WALANG ALAM NA PANG-TEKNOLOHIYA AT EKONOMIYA? DI BA ANG MGA NOVO ECIJANO RIN? SABAGAY, NAGING BUKANG-BIBIG NA NG ATING MGA NAKATATANDA....TUTAL DI NAMAN NATIN SUBOK ITONG SI.......AT BAGO PA...EH DI DITO NA LANG TAYO SA DATI...AT LEAST KILALA NATIN....DI KO PO MASISISI KAHIT ANG AKING MGA MAGULANG AT MGA KAANAK, KAIBIGAN, AT KUNG SINO-SINO PANG HERODES NA GANITO ANG NATURANG LITANYA SA TUWING BOBOTO NUONG MGA KAPANAHUNANG YAON....

BWENO...ITO ANG NAGING KASAGUTAN SA ATING PAGIGING HULI ATAWALANG ASENSO KUMPARA SA MGA KARATIG LALAWIGAN...SA BAWAT PAG-PAPALIT-PALIT NG KANILANG LIDERATO, AT LEAST MAY ISA O HIGIT PANG NABABAGO SA PAMAMALAKAD... TULOY UPANG MA-IBA ANG SISTEMA NG LEADERSHIP...EH ANO NAMAN ANG NANGYARI SA NUEVA ECIJA? AYUN...NAGING POLITICAL DYNASTY NA ANG MGA JOSON...MATAGAL PA ANG INILAGI KUMPARA SA MGA MARCOS NA ATING ISINUKA!!!!

BIGYANG HALIMBAWA NATIN ANG BANSANG CUBA...SA TAGAL NG PANAHONG SI CASTRO LANG ANG KANILANG PINUNO...ANO NA ANG NANGYARI SA KANILANG BANSA...KAHIT NGA BA KOMUNISTA SILA...NGUNIT ISANG TAO LANG ANG SA KANILA AY NAGPAPATUPAD KUMPARA SA IBANG BANSANG MAY KAHAWIG NA LIDERTO (RUSSIA, CHINA, ATBP) ISIPIN NATIN KUNG SA SUSUNOD PANG 20 TAON EH NASA NUEVA ECIJA PA RIN ANG MGA JOSON…MASASABI NATING DAYUKDOK AT GANID NA TALAGA SILA SA POWER AT ANO NAMAN ANG MASASABI SA MGA NOVO ECIJANONG TATANGKILIK SA KANILA?? EH DI %%@@@%##### KAYO NA ANG MAGDAGDAG DAHIL AYOKONG SA SARILI KONG PANULAT MANGGALING ANG MASASAKIT NA PANANALITA…

[[PANAWAGAN SA VICE GOV. JOSON...WAG KA NAMANG TUWINA EH HABLA NANG HABLA...UMISIP KA NAMAN KUNG PAANO MAKA-PAGLILINGKOD NANG MATIWASAY AT TULOY AY DI MAGING ANINO KA LANG NG MGA MATATANDANG NINUNO MO NA ANG ALAM LANG AY PAMUMULITIKA...MAG-ARAL KA KAYA NG MGA SHORT COURSES PARA SA GOOD GOVERNING (KUNG MAYROON MANG OFFER KATULAD NG SA IBANG DEGREE-PROGRAMS) PARA NAMAN MA-UPGRADE MO ANG QUALITY NG ISANG MAGALING MAMUNO.]]

NGAYON...ANO NA ANG MANGYAYARI KUNG MULI AY MAY JOSON NA NAMANG MAMUMUNO...EH DI PARANG GULONG LANG IYAN NA MULI AY BABALIK AT PA-IIRALIN ANG LUMANG SISTEMA...DISINSANA EH KUNG NAKAPAG-ARAL MAN LAMANG AT BAGO NA-PALARANGAN SA PULITIKA AY SANA'Y NAGKAROON NG PAGKAKATAONG MAGLINGKOD SA PRIBADONG SEKTOR.....I MEAN A BROADER EXPERIENCE THAT WOULD SERVE THE PRIVATE SECTOR BEFORE SERVING THE PUBLIC AT HIS/HER BEST.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- dnd, 22:41:29 09/16/08 Tue

Ang galing mo kabayang Botchok, kaya tama ka, tayo rin ang umani ng mga tinanim natin, kung naghihirap man tayo eh dahil sa karuwagan natin baguhin ang mga nakikita nating kamalian sa mahabang nagdaan.

Sa totoo lang kabayan, si VG ay naka tapos ng Public Administration sa University of the Philippines, ganun siya kagaling dahil napakaganda at napakagaling ng kanyang pinag-aralan, kaya naman naisip ko nuon na siguro nga ay hinog na itong batang ito upang lumihis na sa matanda at palpak na pamamalakad ng mga matatanda J sa lalawigan.
Kayat nabihayan ako ng loob na may pag-asa pa ang ating lalawigan sa batang J, ngunit ng tinanong ko na siya kung ano ba ang magagawa niya kung sakaling palarin siya sa pagtakbo bilang isang Kongresista ang mabilis at mayabang ngunit nakakalungkot niyang sagot ay ang "ipagpatuloy ang magandang balakin ng lolo J niya para sa lalawigan"

Ay lintek kako, eh tyak wala rin kapupuntahan tayo niyan, at lalo nga nagkatotoo ang aking hinala nung una niyang batikusin si Umali sa kaliwa't kanang Jueteng matapos ang May 2007 election.

Nung naka upo siyang Senior Board Member eh HINDI man lang niya binatikos ang mga Pa-jueteng ng kanyang mga Amain, o kaya ang P6,000,000 halaga ng pagkaing nautang ng kanyang ama mula 2004 na natatag ang Convention Center hanggang 2007 bago naupo si Umali, anong klaseng paglamon ang ginawa at halos umabot ng 2 milyon KADA TAON pagkaka-upo ng nasibak na administrasyon?

Meron pang isang SUV na maraming taon na binabayaran ng Kapitolyo NGUNIT nakapangalan naman ang rehistro sa mga J. kaya naisipan ngayon ng bagong pamunuan na huwag bayaran ito dahil hindi naman ito pag-aari ng Kapitolyo, di ba maliwanag na Graft and Corruption yun? Bakit siya tumahimik dito? Inipon kaya niya ang karuwagan niya at panis na laway upang sa panahon ni Umali niya isambulat ito at daigin pa ang isang dumalagang inahin sa kapuputak kaliwa't kanan?

Pero kung lumihis lamang siya gaya ng prinsipyo ng kanyang amain na si Liit, may sariling disposition, may sariling diskarte, ang mali ay mali at ang tama ay tama, marahil ay isa na ako sa masugid na nagtatanggol sa kanya.

Bilang kabataang pag-asa ng bayan, natural lang sa isang kabataang agresibo na gaya niya ang maging rebelde paminsan minsan lalo na kung may nakikita siyang kamalian sa sistemang ginagalawan, tutal obsolete na ang mga kaalaman ng mga matatanda, gawin na lamang sana niya itong gabay para makapaglilok ng mas magandang programa para sa bayan lalo na sa mga mahihirap, at ipakita niya sa atin ang natutunan niyang makabagong paraan ng pamumuno sa ating bayan mula sa kanayang paaralang Pamantasan ng Pilipinas.

Maging aral at gabay nawa sa kanya ang mga taong kamukha ni Mayor Neri Santos at Mayora Sonia Lorenzo, pawang mga public servant na hindi dalubhasa sa Public Administration at naiiba sa mga propesyong natapos ng mga ito SUBALIT mas lumilitaw na mas magaling pa ito sa mga matatanda at bihasang politiko ng ating bansa sa larangan ng paglilingkod sa bayan.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- dnd, 22:45:37 09/16/08 Tue

Ang mga nakaraang pangyayari ay nararapat lamang na balik-tanawan upang maging aral ito at gabay sa isang magandang kinabukasan ng paglilingkod.

Sana maging aral sa bawat isang namumuno ang kabulukan ng sistemang sumisira sa ating lipunan at ito'y iwasan para sa ikauunlad ng ating bayan at mamamayan.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- VJ, 01:22:18 09/17/08 Wed

cguro tama lahat ang mga pananw nyo.ok bkit isa lang ang tinitingnan nyo sa pag unlad ng bayan dapat sama sama ang lahat diba?. wala ng sisihan tapos na un nangyari n kasi d na maibabalik pa!Eh anu ngaun ang dapat gawin tingnan mo muna ung sarili mo kaibigan and ask ur self anu ba ang naitulong ko sa aking bayan? meron ba?.Wag na kung sinu sino pa ang sisihin mo tama na ang turuan.Naniniwala k ba na ang mga novo ecijano ay magagaling at masisipag? bakit di tayo magsasama at kumilos ito na ung panahon na dapat magkaisa biniyayaan tayo ng Diyos na napakagandang bayan.Let'S REINVENT NUEVA ECIJA pero sa papanung paraan?.Cguro unahin natin ang peace n order sa ating lalawigan tama na ang gantihan nakakapagod na isunod natin ang kaayusan at kalinisan sus!naman look ang daming basura nakahalang sa daanan dumi ng ating bayan noh!idevelop natin ung mga magagandang lugar o pasyalan sa ating bayan ilabas natin ung galing natin sa pagtuklas at pagdevelop ng mga makinarya pang agrikultura.Magagaling ang novo ecijano ipakita natin ang pagiging creativity natin!Oh anu sasama ka ba? para sa pagbabago ngaun na kung di ka kikilos kailan pa pag huli na ang lahat! Huag naman sana!.Kaibigan gising na tulungan natin ang NUEVA ECIJA!.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- raskal, 02:51:02 09/17/08 Wed

Napakaganda ng suggestion nyo mga kabayan!mas maganda kung ia-apply natin o sama-sama nating gawin...suggestion lng po...bakit d tyo bumuo ng isang organisasyon na ang layunin ay tulungan ang ating mga kababayan na alm ntin n nangangailangan TALAGA NG TOTOONG TULONG o DAPT TULUNGAN at dapat dumistanxa sa mga pulitiko .At sa tingin ko si kabayang DND ang pwedeng mag lead dyn!kaya kabayang DND umpisahan mo na suportahan ka nmin..God Bless

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- Sarah, 22:06:43 10/28/08 Tue

Nice suggestion:) meron akong "itinatag" na samahan Quo Vadis Novo Ecijano Youth Movement, layunin nito na maging progresibo ang ating probinsya, na hindi nangangailangan ng tulong ng kahit sino mang pulitiko. Tanging tunay na serbisyo lamang. Kung interesado pwede kang sumali samin:)

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- shooter, 03:10:35 09/17/08 Wed

yeah... i agree ... tama na ang sisihan dahil we have to look forward ... and yes reinvent NE [nice line VJ] in such a way na magiging productive ito [hindi sa shabu at kung anu anung bawal na gamot ha ... hehehe, biro lang po) ... pero I also agree that we have to look back hindi para sisihin ung mga dating nangulimbat este namahala pala but to make sure na yung mga hindi magandang nagawa noon eh hindi na dapat mauulit muli ...

siguro nga late na tayo for industrialization compare dun sa mga neighboring provinces but then again we can go back to basic and that is to cultivate our soil. i mean if other provinces can supply us with locally manufactured goods then we can supply them the basic necessities of man ... ano yun? food ... bigas, gulay, meat, poultry products... since NE naman talaga is agricultural by nature then let's maximize it, anjan ang CLSU to get started with... i mean those successful "field test" they do at the university can be implemented into our very own rice fields / farmlands ...
it's been what, like 15 years am away from NE so hindi ko talaga alam kung ano ang situation, ang sa akin lang naman po ay kuro-kuro lang. pero taon-taon naman po ay umuuwi ako ng pinas at tuwing magbabakasyon naman ako jan eh in my own little way nagtatanim po ako ng kahit 5 o 10 fruit bearing trees, let's just say for environmental and crop raising purposes ... :)

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- dnd, 06:49:19 09/17/08 Wed

Magaganda po ang mga suhestyon ninyo pwera lang dun sa ako ang mag lead, edi nakilala po ako nila jack, mariposa, gerry at kung sinu sino pa, baka naisumbong napo ako ng mga yun sa mga matatapang edi kawawa naman po ako, hindi nako makakasulat dito sa Forum.

Kidding aside, kung may nasagasaan man po ako sa mga pinagsusulat ko dito, ito po ay sarili kong inipon na mga sama ng loob na dapat sana ay matagal ko nang naiwan nung mapunta ako ng Amerika ngunit akin binalikan dahil parang tumalikod ako sa isang problema na dapat sana ay isa ako sa solution bilang mas nakaka-alam ng mga bagay bagay kaysa sa mga kapwa nating salat sa kaalaman at kaperahan.

Kung may magmamasama man po nito, ako naman po ay hindi na takot mamatay sa kabila po na mga bata pa ang aking mga anak, ang gusto ko lamang po sana ay yung nagagalit sa akin dahil sa pinagsusulat ko dito ang gusto kong pumatay sa akin at hindi iutos sa mga taong pumapatay dahil sa kawalan ng pera.

At kung sa pagtulong naman po sa akin kapwa, ayaw ko na po sanang magmalaki......pero patuloy po ang mga ambag kong tulong sa aking kapwa, sukdulan pong madalas naming pag-awayang mag-asawa ang mga ito dahil mas ninais ko pa pong ibahagi ang konti kong pera para sa ikagiginhawa ng iba kesa sa ikagiginhawa ng aking sariling pamilya.

At pinipilit ko pong hindi maging pabigat sa ating gobyerno, lokal man o national, bagkus ay may sarili akong mga programang malaki ang maitutulong sa gobyerno, gaya ng pagbibigay ng mga pagkakakitaan ang mga mahihirap at punan ang kakulangan sa mga ibang programa ng pamahalaan gaya ng livelihood, animal dispersal, productive reforestation, etc. AT HINDI PO AKO TATAKBONG POLITIKO

Sana po yung mga may konting sobrang barya mag-ambag din kasi po mahirap kung kokonti lang kami sa ganitong adhikain. Pumili lang po kayo ng mga NGOs na matino gaya ng Alalay Sa Kaunlaran, Inc. (ASKI)at iba pang Religious NGOs. Salamat po ulit

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: RE-INVENTING OUR PROVINCE [NOT TOO LATE] -- Botchok, 06:50:35 09/17/08 Wed


NAPAKAGANDANG LAYUNIN

Sama ako dyan, alam kong sa ganitong malayang talakayan...walang mali at tama...dapat may ilan munang suhestyon [MAJOR OBJECTIVES ABOUT SHORT TERM (1) AND LONG TERM (1)]..with the concensus of majority who would vote THROUGH this web Forum...then we might as well propose to the NE Board...kung kanilang aaksyunan...OK kung di naman...dapat i-pa-alam sa nakararaming mamamayan upang maka-buo ng lakas at tuloy MULING i-propose kasama na sa Upper management (Gov and VG)...

TAPUSIN MUNA NILA ANG BANGAYAN AT MAG-ISIP...MOVE FORWARD AND SET ASIDE CONFLICTS. ITS NOT TOO LATE TO ACT. "NO MATTER HOW FAR THEY HAVE GONE ON A WRONG ROAD, TURN BACK AND SEEK THE RIGHT PATH."

KAHIT MABAGAL ANG USAD, BASTA MAY PAGBABAGONG MASISIMULAN, SIGURO MAKAKAMTAN PA RIN NATIN ANG PAG-UNLAD. Be not afraid of going slowly, but rather be afraid of standing still....

See you Folks!!!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- dnd, 07:09:14 09/17/08 Wed

Ay may nalimutan ako, kasi sabi ni kabayan sa kanyang panimula na WALANG SISIHAN gaya ng hindi niya masisi ang kanyang mga magulang, pero kahit siya ay isang anak nito ay namulat siya sa mga kamalian sa desisyon ng kanyang mga magulang kaya siya na rin ang nagkusang umiba sa landasin ng mga ito kung siya lang ay bibigyan ng pagkakataon.

Ganun din ang nais ko sana ipahiwatig sa nakababatang VG, hindi ko sinisisi ang mga tiwaling pamamalakad nila dahil HINDI naman ako ang direktang apektado ng kahirapang dulot nito, ang mga mahihirap at empleyado ng kapitolyo ang mga apektado dito, ako eh pwede ako pumunta sa America o kahit saan man lugar kung maghihirap lalo ang Pilipinas.

Ang sa akin lang ay MALAKING PANGHIHINAYANG, biniyayaan ka ng Diyos na maglingkod sa kapwa mo, isang paglilingkod na minana mo lang sa magulang mo ng walang kahirap hirap, SANA LANG eh pinagbuti naman nila ang patakbo para kahit patay na sila eh naaalala ang magandang Legacy na naiwan nila sa Bayan.

Diba mas maganda yung patay ka na eh abot pa rin ang papuri sa iyo ng tao KESA tuwing naaalala ka eh puro mura at masamang pananalita ang mga nasasabi sa iyo?

Kaya para sa akin eh malaking kasalanan sa Diyos kung ikaw pa ang magiging "cause" ng paghihirap ng kapwa mo. Para kang isinumpa sa langit, sabi nga kung ikaw pa ang magiging dahilan ng pagkakasala ng iyonmg kapwa eh mas higit pa sa kanya ang parusang matatamo mo sa kabilang buhay, sabi nga ng Pinoy "dito palang sa lupa eh sinusunog na kaluluwa mo".

yun lang po ulit

Tip, kung kayo po ay tutulong sa inyong kapwa, malamang po na magkabangga po tayo at maging magkaibigan pa sa pagtulong sa kanila, it would be my pleasure if you become one of my friends. God bless po sa lahat ng bumabasa.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- Sampaguita, 13:16:33 09/17/08 Wed

Mang DND at sa iba pang journal news contributors or anlysts,

Ano ho ba ang pakahulugan ninyo sa sinabi ni VG "ipagpatuloy ang magandang balakin ng lolo J niya para sa lalawigan?" Kasi natatandaan ko nung mangumpanya sila sa aming barangay, they said something to that effect, kuno ipagpapatuloy nila ang minana nila sa kanilang ama. Ang tanungan nga ng mga kabarangay ko, namamana ba ang pagiging gubernador?

Salamat po,

Sampaguita

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- raskal, 18:33:31 09/17/08 Wed

Siguro nmn dk gagawan ng masama ng mga nbnggit mong pangalan kung malawak ang knilang pang-unawa sa knilang kapwa...na ang layunin mo nmn ay 2mulong sa mga nangangailangan talaga ng tulong.....at dapt kalimutan n ntin ang bangayan sa mga thread na wla nmn mganda mai22long sa bayan bagkus mag tulong-tulong nlang tyo na mag-isip kung pano natin mai a2ngat ang ating lalawigan...sa suggestion ko nmn dapat wlang pulitiko na makiki-alam para maiwasan ang dibisyon sa isang organisasyon ksi nga po pag npasok n ng pulitiko ang isang org. dun n nag u2mpisa ang pagkasira .....Marami pong magagaling n Novo Ecijano/Ecijana pagtulungan cguro ntin kung paano pagsasama-samahin.....GOD BLESS.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- raskal, 19:08:00 09/17/08 Wed

Kaya kabayang DND umpisahan na2tin! at sa tingin ko naman marami susuporta sayo kung ikaw ang magli-lead pwede mo rin isulat sa forum n 2 ang layunin ng ORG. .....GOD BLESS.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- shooter (;)), 03:31:30 09/18/08 Thu

to Sampaguita:

alam nyo po since i was born sa NE up to the time na i left it to work somewhere else, it's always VG's family who lorded it over at hanggang ngayon nde ko pa din alam kung ano yung sinasabi nilang magandang layunin ... ang kinagisnan ko na talaga eh yung "bigay ng pampalibing sa patay at scholarship sa anak, para may utang na loob yung nanghingi" type of politics or service if they call that serbisyo publiko. .. pero in terms ng economic vision wala po talaga ko maalala.... baka c dnd alam ibig sabihin nung litanya nila VG tuwing eleksyon na "ipagpapatuloy namin ang magandang layunin ng lolo ko para maghari sa lalawigan" ... ay wala pala yung mag-hari [erase-erase ... wahehe]
Gandang araw po sa lahat.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- dnd, 16:07:52 09/18/08 Thu

Hehehehe pahamak kayong dalawa sakin, masaya na ako sa mundo ginagalawan ko, tumulong sa abot ng aking makakaya, balang araw magkakakilala rin tayo kung uumpisahan na rin ninyo mag-ambag o humingi ng tulong kung saan man kayo naroon, para sa mga naiwang mahihirap dito.

Then sa bandang huli saka natin pag-isahin ang samahan para mas lalo lumawak,sa ngayon gumagawa naman na rin ako ng paraan para lumawak ito kaya lang talagang limitado pa ang mga resources namin kaya dun muna ako naglalaro para mapalaki ito.

Kay Sampaguita naman, kung pano rin sinambit sa barangay ninyo ang mga kataga at kung ano rin ang pagkaka-intindi mo run, ganun din intindi ko, kaya nawalan rin ako ng gana after that.

Pasensya na po kasi ganito ako mag-isip dahil rebelde po ako sa pamilya namin, kahit po tuwing eleksyon may sari-sarili kaming iboboto, at nagdedebate kami kami para kumbinsihin ang isat isa sa mga hawak namin mga kandidato.

Kaya po sumakit ulo sa akin ng tatay ko at mga biyenan ko dahil sumalungat ako sa mga pinili nila, isa lang ang sinabi ko sa kanila, kumbinsihin nila ako kung ano nagawa ng mga matatapang sa loob ng 40 taon para iboto ko sila..... ang sagot....."mabait naman si T...." KALAYO NG SAGOT

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- raskal, 17:59:19 09/18/08 Thu

He he mukang dp handa si Kabayang DND,sana nga magkakilala tyo ng personal at sa tingin ko pareho tyo ng layunin sa ating mga ka-lalawigan wala pong problem sakin mag ambag gingawa ko na rin po yon di nga lng sicuro kasing laki ng sayo..hehe.My mga connection din po ako sa US n samahan ng mga Pilipino ,nksama ko sila don n nag so-solicite para mpdala d2 sa Pinas at maibigay sa mga nangangailangan ng tulong...kaya po gnon ang aking suggestion n gumawa ng isang ORG.,sa ngayon po kasi diko pa kaya n mag-lead sa kadahilanang medyo busy pa ako ngayon sa aking work.....God Bless.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- dumalaga, 23:34:30 09/18/08 Thu

Makasali nga sa usapan ninyo. Anong tulong ba ang binabalak natin para sa ating mga kababayan? Siguro maganda kung magkaroon tayo ng parang "mission". Halimbawa, feeding of the children, magpatayo ng poso para sa mga tagabukid, donasyon sa mga homeless, orphans, battered women, libreng gamot sa hypertension or cholesterol, o kaya ay donasyon ng isang equipment sa hospital tulad ng MRI or cat scan para sa libreng gamit ng mahihirap. Napakamahal ng bayad sa atin ng MRI at cat scan, kaya ang mayayaman lamang ang nakaka-afford ng serbisyong ito. Karamihan pa nga sa Maynila dumadayo. Marami akong naiisip na tulong para sa mahihirap, kaya lang, baka naman ningas kugon lang tayo ha?

At saka what if si Mr. Valmonte ang gawin nating in-charge sa ating proyekto? Kasi baka mapagkamalan pa tayong namumulitika. Gusto lang naman nating makatulong sa ating mga kababayang mahihirap.

Ito naman ay suggestion lamang.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- dnd, 23:14:31 09/18/08 Thu

nice to learn your whereabouts, anyway, wag kang mahiya kung maliit lang yan, at least may nagagawa ka at may dugong pinoy ka pa rin, may mga nakilala kasi ako dyan na para bang wala ng magandang hinaharap ang Pilipinas.

Anyway, pag may party dyan na madalas naman, ikwento mo nalang or dare your friends if your group could adopt a school or a scholar, kahit isa lang pag-aralin ninyo then my Memo of Agree (MOA) na pag nagka work yung scholar nyo at naging successful sa career eh tutulong din siya at mag-aadopt din siya ng another scholar. Mag domino effect na yun di ba?

You dont have to donate much, naipapalit paba mga pennies dyan? Kasi nung time ko may incident dyan na itinapon nung isang amerikano yung mga pennies niya sa kalye kasi ayaw palitan ng isang bangko. o di ba hindi natin pinapansin mga pennies dyan? yun nalang ang ipasok ninyo sa isang bank account at tingnan mo sa dami ng walang pumapansin sa penny, magugulat ka at marami palang maiipon mga yun.

Lagyan mo ng name group nyo...... "a penny for your better future" kung ayaw nila ng penny edi "a dollar...."

Anyway, hindi naman kailangan madaliin yun, ang kailangan lang RIPPLE EFFECTS sa mga pinoy community, all you need is a great charity network and good objective and honesty and the rest will follow, the money will come......

Sabi ko nga nuon sa conversion ko, "Lord, wag moko madaliin kasi 4 decades akong bugok sa buhay ko, pwede po ba "1 baby step at a time" lang....... and you know what.....he carried me and brought me running to the finish line", believe me, grabe tama. Serving the Lord through His people is very hard and the reward is not that good, BUT DEFINITELY THE REWARD IS OUT OF THIS WORLD.

In short, pag maganda layunin mo, tingnan mo at magiging successful ka, sa penny ka nalang mag-umpisa then hanap tayo ng deserving students dito yung tipong pwede nyo kausapin thru letters.... eventually sa ganda ng outcome nito, baka bawat pamilyang pinoy dyan e biglang mag-adopt ng scholar, if that will be the case siguro ang Pinas ay mayaman na ulit after several years.

Kung may tanong ka, tanung lang at pilitin kong sagutin, sige po at may kausap lang po me

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- jam (haha), 01:57:16 09/24/08 Wed

Wala me makita improvements sa NE. nagtataka pa kayo.

http://www.nuevaecijatoday.com

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- DOMENG (wala talaga), 14:47:25 10/06/08 Mon

wala talaga ako makit a din... dapat lahat ng kurakot ma ikulong...

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- dnd, 05:33:10 09/24/08 Wed

well yung maka sweldo ka ontime at mabalik ang privilege mong maka utang sa GSIS plus makuha mo finally ang diploma mo sa school after 2 - 3 years of graduating.... what else.

maka-generate ka ng 1.280 Billion peso before 2008 ends, ano pa ba? jam baka di ka taga Nueva Ecija ha magpapagod lang ako dito

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- TITA (WALA TAMANG SWELDO), 10:56:14 10/13/08 Mon

dnd BAKA naman po pwede n tignan kung lahat ng iyan tutuo, at kung tutuo sana po mag bigay ng kumento na tutuo.. dahil sa aming tanggapan parati late sweldo.. pati clothing wala at parang sukatan na naman at na kalakal na naman.. at sigurado palpak na naman yan! kasi sa mga joson ganun dati. abay yan pala ang pagbabago..

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- jack, 09:16:56 09/24/08 Wed

pwede ba dnd huwag mo bolahin mga tao dito! kung pagbabago lang sa sweldo at benipisyo ng mga empleyado ng kapitolyo ang sinasabi mong pagbabago, wala kaming pakialam at hindi kami empleyado ng kapitolyo.

dito sa cabanatuan, tuloy-tuloy ang pagbabago at progreso, sa kabuuan ng probinsya, puro pagnanakaw at katiwalian niyong mag-amo!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- raskal, 05:49:41 09/25/08 Thu

Sana po magtulong-tulong nlng po tyo at isipin kung pno ntin matutulungan ang ating prov..Wag po tyong pa-apekto sa mga pulitikong d maganda ang kanilang ginagawa sa byan, sila rin po ang magdadala nyan balang araw.Kalimutan/iwasan nlng po natin ang palitan ng masa-sakit n salita bagkus ay pag-isipan kung pno tyo makakatulong sa ating lalawigan....Peace...God Bless..

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- DOMENG (MAYAMAN NA SIGURO MASYADO..), 14:11:05 10/04/08 Sat

Siguro mayaman na masayado...
pati mga kawatan, kapatid sigurado mayaman nadin...

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- DOMENG (KAWAWANG KAWANI.....NG GOBYERNO....), 14:14:24 10/04/08 Sat

stop na lahat ng project, kasi wala nang pera... eh saan napunta? yan ang legacy ni Gob.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: KUMUSTA NA SI GOV. UMALI -- Photochop, 06:02:02 03/01/09 Sun

Walang ginawa ang mag-asawang Umali kundi pagkakitaan ang gobyerno.

Nung panahong ng mga Joson, puro trabaho. Ni hindi nakikita ang mga mukha sa mga pagawain.

Ngayon, nagpagawa ng ilaw... lahat ng poste nilagyan ng mukha ng mag-asawang Umali.

May konti gawain, mukha nilang mag-asawa ang nakabandera.

Kahilig sa publicity.

Dapat kay Oyie ipakulong din sa senado at pagpaliwanagin di sa milyones na nakuha niya sa fertilizer scam!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]



VoyUser Login ] Not required to post.
Post a public reply to this message | Go post a new public message
* Notice: Posting problems? [ Click here ]
* HTML allowed in marked fields.
Message subject (required):

Name (optional):

  Expression (Optional mood/title along with your name) Examples: (happy, sad, The Joyful, etc.) help)

  E-mail address (optional):

Type your message here:

Choose Message Icon: [ View Emoticons ]

Notice: Copies of your message may remain on this and other systems on internet. Please be respectful.


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 2.94, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2008 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.