VoyForums

Support VoyForums by visiting our sponsor, www.PainEase.com.

VoyUser Login optional ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 12345 ]


[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Date Posted: 11:01:19 07/18/08 Fri
Author: Marcos A. Martinez
Subject: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!!

Katakot takot ang pangako na ipapasemento ang kalsada ng Barangay Pinanggaan sa Jaen nung nakaraang Barangay Election. Bumisita si Gov, pumunta rin si Congressman ay nandun din si Mayor at iniindorso ang kanilang paboritong kandidato. Nang matapos na ang eleksyon at nanalo ang kanilang kandidato, wala ring nangyari sa mga pangako. Nakatiwangwang pa rin po ang ngayo'y nagpuputik na kalsada ng Pinanggaaan.

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


Replies:

[> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- Bebot Reyes, 21:11:31 07/18/08 Fri

Lahat ng kandidato ay siyempre ipapangako ang langit kahit di maabot.Ang papuntang kalsada sa Brgy P ay masyadong mababa ang elevation kumpara sa highway na sementado sa dudugtungan.Siyempre sa pagaaral ng Dept of Public Works & Hwy masyadong tambak ang uubusin para hindi bahain at hindi masira ang conreto ng mabilisan.Sayang lang kung baga,na basta sementuhin lang.Ibig sabihin,masyadong malaking gastos.Ang pagpondo sa proyekto ay natural lang na proportion sa pakinabang o taxes na nakukuha ng govt sa isang lugar.Maaaring maraming botante sa Bgy sa pakinabang ng politician pero kulang balik sa namamahala.Isa pa,wala namang pondo ang N.E. para patulan na gawin agad iyan lalo pa sa ngayon na pahirapan sa buhay.Siguro sa ngayon,mainam lng na unti-untiin ang tambak para tumaas at ng hindi masydong babaran ng tubig at magputik,para masiksik tuloy at gayak na pag nagkapera ang govt.O kaya maawa si Bill Gates or si Pacman!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- dnd, 21:38:23 07/18/08 Fri

san po ba ang nasabing barangay? ano po bayan ninyo?

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- Haloe, 01:57:01 07/19/08 Sat

DND parang me magagawa ka. Kung meron man isama mo na rin ang aking bayang sinilangan.. Ang bayan ng Carranglan NE.
Sus ang hirap kayang magbihaye sa kabundukan ng sira-sira ang daan.
Ang hirap sa amin kahit maraming pulitiko, walang nangangako! Kahit pa eleksyon!!! mahirap daw kumuha ng pondo sa Gobyerno para sa daan namin.

Kung gawa ang daan namin makukuha lang 40 minutes or less mula Carranglan to San Jose City pero ngayon mahigit isang oras ang biyahe kung ayaw mong mamatay sa bugbog ang pasahero mo! Isama mo pa ang mga bangin sa gilid.

Sintimyento na to!!!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- dnd, 08:33:00 07/19/08 Sat

curious lang po naman, ayoko naman din po kasing mangako at baka mapako ako...

anyway, hindi ko po kasi alam set up ng caranglan.... ano po ba nai ambag ng caranglan nung ginagawa ang casecnan?

kasi po ang Pantabangan malaki ang magiging pakinabang... sa totoo lang po magiging mas mayaman pa po ang pantabangan kesa sa cabanatuan dahil sa buwis na kikitain nila sa mga power producers dun.... balita ko nga po nasa 1 Billion ang singilin nila bukod pa sa mga 200 Milyon taon taon.....wala pa IRA dun ha?

kaya kayang kaya ng mayor dun na ipasemento lahat ng kalye at iskinita dun.... magandang at modernong paaralan at libreng kolehiyo, at iba pa...

napaka swerte naman nila kapalit ng ilang taon nilang tiniis sa hirap.... nagisnan ko pa sa kanila na ang mga Highschool nila ay lumalakad ng 3km hanggang 5km para lang pumasok at umuuwi ng tanghali para kumain at muling lalakad para sa pasok ng hapon....

wala pa ang mga kulane sa mga kilikili nila tuwing iigib ng tubig sa poso.....

napakaganda ng caranglan.... kaso ipinapamigay nyo lang mga lupa nyo dyan sa mga taong hindi naman taga dyan....

mahirap po kasi ngayon magsalita... una, dapat po yung congressman nyo muna kausapin ninyo.... yung matanda walang problema kaso po yung anak na naka upo ngayon...eh iba napo ugali nun.... sana lang po ay magmana sa ama....

pangalawa po, wala naman po talagang pera ang probinsya.... iniipit pa po ng mabait ang mga pondo na kahit papaano ay malaki ang maitutulong sa ating mga mamamayan lalo na sa mga farm to market road.....

magka isa rin po kayong sumulat sa Dept of Agri dahil may pondo po ngayon para sa mga farm to market road..... ayun nga lang po ke cong. pa rin kayo makikiusap....

kung magaling po ang mayor ninyo.....pwede po siya magpa adopt sa mga syudad sa america na handang tumulong para sa ikabubuti ng inyong lugar.... kahit po saan meron nun konting tyaga lang po sa pagsulat sa mga taong ganito.....

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- raskal, 02:37:51 07/23/08 Wed

sana khit p-konti konti masemento..I think 100-200mts per yr malking bagay n yan...

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- raskal, 02:53:07 07/23/08 Wed

isa pa, mahirap umasa sa mga pulitiko..kilala lng tyo ng mga yan pag panahon ng election..pwede rin natin gawin mag tulong tulong tutal marami narin may kaya dyan sa atin (Pinanggaan)...ang dapat cguro bumuo ng isang team n mag a2sikaso at kumuha ng isang lider ng mapagka2tiwalaan sa pera...mahirap cguro sa una dahil maraming kritiko n neg. comment,pero pag nakita nila na epektib ang idea cguro su2porta nmn yan....wag n nating ipamana or iparanas sa mga anak natin ang natikman nting hirap na daan esp. bet.san pablo and Pinanggaan....cguro pag n-umpisahan n ma-sementuhan yan baka magising din ang mga pulitiko at tumulong n rin.....

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- raskal, 03:24:28 07/23/08 Wed

Comment lang sa message ni Bebot....Dko alm kung tg saan k..at sabi mo masyadong tambak ang u2busin ...tama k dyan pro pwede rin konti2 lng ang gawing tambak at sabayan ng semento 100-200 mts per year or every 3yrs malaking ginhawa n yn, llo nmng mahirap pag ta2mbakan lahat bgo sementuhan baka kc pagdating ng baha mawla lahat tnambak...nsabi ko lng kasi yan dahil sa tagal ko ng nktira sa Pinanggaan at npkrami nrin n n-itambak dyn sa daan pro hangga ngayon mababa parin kasi nga yearly ang baha sa sabana inaanod lng ang n-itatambak tuwing tag araw...dina cguro dapat pklaliman ang pag a2ral ng DPWH dyn..mag survey lng sila at pkinggan feedback ng mga ma2yan dyan ...add with simple computation w/ budget solve n...

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- Bebot, 06:58:15 07/25/08 Fri

Raskal,I sympathize with your experience sa daan mo pauwi at paalis sa Bgy P,kasi yung lugar is like an isla sa laot ng bukirin.Sahod ulan at walang talagang direction ang tubig pag bumabaha.Yung sinabi mo na Ok na sementuhin kahit hindi elevated ay pwede magawa(kung may pondo)bakit hindi, kaya lang you have to make sure na may adequate drainage canal on both sides of the road at may pupuntahan pahupa ang tubig para di mababad at masira ang concreto.Pag natubig yoon,puputok,aalsA,magba-bako bako at malamang ang disgrasya sa commuters lalo sa gabi,tulad ng daan sa San Simon sa Pampanga(mayat maya sinemento,sira sira pa din).Sa first two years ok saiyo,after that mamanahin pa rin ng anak mo ang hirap ng daan.Kung baga,superficial ang solution hindi pati long term,pero I can understand you dahil sabi mo taga doon ka.Taga Jaen po ako at San Antonio,sagot ko sa tanong mo.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> [> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- RASKAL, 19:56:51 07/29/08 Tue

dko cnbi n pwedeng sementuhan kahit d elevated...ang sabi tambakan muna before sementuhan kahit 100-200mts/yr or every 3 yrs...BTW ok lng...actually yearly my pondo nmn ang isang bayan at barangay ang dapat lang cguro properly distributed ang funds(not in pockets).....I hope sa bago nting MAYOR mbgo n para d rin xa mklimutan ng mga tg Pinanggaan at kung dnmn nya kaya... maumpisahan man lng pkonti-konti....

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- dnd, 21:33:28 07/27/08 Sun

ang brgy. P po ba eh sa lubuging san antonio?

kasi po may programa po yata ang NIA dyan na gagawa ng malaking iirigation canal para po yata hindi ba bahain ang nasabing lugar... kaya lang po porke national po ang panggagalingan ay hindi po natin alam kung kelan masisimulan yan, hoping before 2010 election...

anyway po bombahin nyo po ng sulat si antonino para may kumalabit pa sa itaas... pero nilalakad na rin po yan nuon pa nagpalit tayo ng pamunuan sa probinsya... mga agosto po siguro yun...

kung san antonio nga yan....kasi naman nagtatanung ako ng maayos walang gustong sumagot ng maayos....

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- Bebot, 03:23:01 07/29/08 Tue

DND,ang barangay Pinangaan ay parte ng Jaen.Buhat sa Sta Rosa pasok mo ay La Fuente may sementadong kalsada namaybay sa ilog o sapa na papuntang Putlod ,Jaen or Poblacion.Somewhere in between doon sa highway papasok sa gawing kanan ang papuntang Bgy P.Pag tiningnan mo buhat sa malayong itaas,naiikot ito ng Sta Rosa,Zaragosa,San Antonio at Jaen suburbs sa gitna ng mga bukirin.I hope nakatulong ng kahit kaunti yoong description sa pagkaalam ko.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- raskal, 20:59:20 07/29/08 Tue

Anyway, DND thanks to your concern nbnggit nrin ni Bebot n ang Pinanggaan ay ns2kupan ng Bayan ng Jaen at hindi San Antonio....In addition sa Sketch ni Bebot from Sta Rosa town proper going to Zaragoza after bridge approx. 300-500mts turn left going Jaen my sign board nmn..ble 3 barangays ang d2anan Maliolio(Sta Rosa),Magsalisi(Jaen),San Pablo(Jaen)then my gasolinahan(Petron) sa kanto (turn right)yon ang papuntang Pinanggaan ble 2kilometersn sabana yon po ang problem n daan ...many thanks....

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- dnd, 23:01:43 07/30/08 Wed

AHH kay antonino naman po pala, in fairness po kahit hindi ko congressman yung tao eh mukhang may napapagawa naman po...

mag signature campaign po kayo para mas mapabilis ang trabaho... sabi ko nga po maraming pera sa farm to market road ngayon... pati po yung irrigation na binanggit ko baka po makatulong din kahit papaano... bayaan nyo po kung sakaling makakapanayam ko muli si Gob babanggitin ko po kahit panambak lang may makarating o kaya po imburnal...

may alam po akong imburnal malalaki mga 4 piraso, kung lalagyan po ba ng imburnal para daanan ng tubig eh ano po kaya sa tantya ninyo? matatangay pa rin kaya mga itatambak?

pag nagawi po ako kay Mercury dyan try ko pasyalan yung lugar ninyo.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- raskal, 23:23:21 07/30/08 Wed

Dnd,many thanks ...I think malaking bagay pag nilagyan ng mga imburnal every 500mts. tapos tambakan at siksikin at lagyan ng mahogany or paper tree magkabila para protect din sa baha i-maintain lng sa trim para d sagabal at mkasilong sa palay...god bless.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- raskal, 22:39:59 08/06/08 Wed

Sa ngayon sobrang hirap ng daan ngayon papuntang Pinanggaan,sana po mbigyan ng atensyon ng ating Mayor,Congressman at Gobernador...SALAMAT PO....GOD BLESS

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- raskal, 22:54:36 08/06/08 Wed

Mayor Santy Austria,Congressman Rody Antonino at Gov.Oyie Umali sana po bigyan nyo po ng pansin ang lubak lubak n daan papuntang Pinanggaan,Jaen Nueva Ecija....PLEASE PLEASE...GOD BLESS

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- dnd, 06:57:25 08/08/08 Fri

kabayang raskal paki update nga ako pls kasi kanina pumunta ako sa kapitolyo may nabalitaan akong pina semento raw dyan na mga 450 linear meters?

yun kasi pinagmamalaki nila sa isang local newspaper na galing kay Gob. Umali...

totoo ba talaga?

alam mo ba nung araw wala ako magawa, sinubukan kong sulatan mga senador at congressman....

sabi ng tatay ko sira ulo ko raw at mabuti kung pansinin ako ng mga yun...

anyway ang isinagot ko naman eh okay lang kasi sa halagang P20 (nuon) ay mas makikilala ko mga namumuno sa atin, lagot naman kako sila sa akin pagdating ng eleksyon, kakampanya ako laban sa mga hindi pumansin sa sulat ko at vice versa...

alam mo bang karamihan ay sumagot at may isang senador na nag donate ng P100,000.00 worth ng Goods....

try mo sulatan kahit sa mga email nila baka may sumagot...

anyway back to my report...if that's the case then you have no other choice but to make a formal petition to Antonino.... kung natapos nga yung kay gob ha?

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- raskal, 18:09:13 08/08/08 Fri

O2 22O po yon kabayang DND, pro sa tingin ko hindi gaanong makakatulong sa nakararaming mamamayan ng Pinanggaan dahil ang pinasemento nila ay yung pinakadulo at hindi yung major road.Balita ko isa sa coordinator ni Gob ang tga ron at sa pinakadulo nkatira kaya don nilagay ang budget,sana nman po tingnan muna at pag aralan kung saan dapat unahin ang pasemento.... kung mapapasyalan mo kabayang DND ang sinasabi kong pinagawa... kaw nlng ang mag judge kung tama talaga.Yung pong problema nmin ang pagitan ng San Pablo at Pinanggaan more or less 50% ng sabana ay nasasakupan ng Pinanggaan ,sa tingin ko taga Pinanggaan lng pwedng magpagawa non kasi wla pong taga San Pablo n nkatira don puro bukirin lang...1 week lng po n umulan ng araw2 bko2 n agad ang daan....try ko rin po n sumulat sa ssinasabi nyo......sa ngalan po ng aking mga ka-barangays ana po mabigyan ng pansin ang aming kahilingan....GOD BLESS ...

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> [> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- Weather, 10:00:01 09/12/08 Fri

Makikisabat po, totoo po na sa dulo ng pinanggaan nakatira ang isang tao ni Gov., sa bandang dulo din po ng Pinanggaan nakatayo ang mga naglalakihang bahay ng mga japayuki. Ito nga po siguro ang dahilan kung bakit inuna pang ipagawa ang dulo ng Pinanggaan. Sa ngayon po na panay na naman ang buhos ng ulan. Putik-putik na naman po ang kalsada.

Nasaan po kaya ang pag-asa?

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> [> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- ejghj (un), 22:17:20 02/25/09 Wed

ako taga dulo ako ng pinanggaan, hindi ko masisisi na mas inunang sementuhan ang aming lugar, kasi mayayaman ang tao sa gawi namin, at sa gawing hulo bukod sa mga chismosa at walang magawa sa kanilang buhay e mga inggitero pa.. sabihin na natin na nasamentuhan na ung part namin, but still part parin ng pinanggaan yun, e di gumawa din kayo ng paraan lumakad kayo para masamentuhan na ung sinasabi nyo na dapat iprioritize.. gets.. kaya hindi umuunlad e, kasi puro inggit ang laman ng ulo e.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- raskal, 21:12:06 08/08/08 Fri

Mas maganda sana kung sa sabana nlng muna inilaan ang budget para lahat ng mamamayan ng Pinanggaan ay nakinabang ...malaking bagay n po yung 450 meters n yon at kung every 3 yrs merong gnong poject samin in 12 yrs tpos ng sementuhin yon at isa p po at kung dun inumpisahan mas -ma-momotivate ang mga tao don n mngilak na pambili ng semento at bato kundi n kaya ng ating lalawigan o bayan ang budget...sana po matugunan ang aming hinaing ..salamat po na mrami...GOD BLESS

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- raskal, 19:49:10 01/06/09 Tue

maraming salamat po kay Cong.Antonino at Mayor Santy at natugunan ang aming panawagan n ma-sementuhan yung gawing sabana.my konting katanungan lng po ako kung bakit pinaghiwalay uli ang p-semento approx.100mts sa sabana at another approx.100mts sa elem school..Muli po marami pong salamat..God Bless

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- conce (sad), 00:03:04 02/01/09 Sun

you know what guys, pinanggaan is one of the richest barangay in jaen though its location are very far from the city.But if the government under the supervision of hon mayor santy, if he concreted the way from pinanggan to san pablo it takes 10 mins fo you to reach the jaen proper and about 8 mins to reach santa rosa.We dont need drainage, all we need is just to concrete the said area.

Thanks to governor umali for concreting our way in brgy luwasan.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> [> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- dndd (oi), 06:21:15 03/23/09 Mon

yeah we dont need drainage. just waste of money..
you know what guys, we cannot pls any politicians if where they want to use their funds.
obviously,the reason why gov umali chose to concrete brgy luwasan , it simply because there's a lot of voters living in the said area.

i would like to extend my gratitude and thankful to hon mayor santy austria, because he started to concrete the road from hulo to the boundary of pinanggaan and san pablo.

to congressman..

hahahahaha. can you imagine, as in talgang tapat lang ng school ang kanyang pinasemento.what a fuck

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- conce (hehe), 06:18:15 06/16/09 Tue

ei guys, its about time for us to vote wisely, you have a lot of complains in our leader, then be a good voter, otherwise you are not registered voters, and then you have a lot of complains, think again.ok.
Im strongly recommend to reelect the currect mayor of jaen, because he is doing his job and responsibilty to his constituent.dont worry time will come, the concretion of road ( sabana ) will be completed.

I hope they also put street light on the said area, because its very dangerous to the community.

you know what, before a bread vendor arrived in pinanggan at 4:00 in the morning, but now they let the sun rise first before they started to sell their bread in pinanggan, you know why? because of what they experienced.
Somebody trying to block their way and the unkwown people get all of their product even their cellphones and money.

Many of you guys might ask why do i have to tell all of this.

Simple i just want you to realize that security first before anything. we live in pinanggan for so long, its part of our daily routine to inhale dust, but not experiencing some tryin to block your way. We must prioritize in putting street light... it will help a lot.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- Puzon, 11:22:15 09/20/09 Sun

Yes, be a wise voter this coming election. Me and my whole clan will definitely vote the current Mayor Austria. Sorry for Cong. Antonino, my whole clan will not vote for him.

With all of his pork barrel, he did nothing for Pinanggaan.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: PAGSEMENTO SA BRGY. PINANGGAAN - WALANG NANGYARI !!! -- CONCE (question lang), 05:47:33 11/24/09 Tue

Ano ba ang dapat gawin sa mga tao na gustong gustong pag usapan ang mga nangyayari sa kanila mga kapitbahay???

I need your answer, it will help me a lot to finish my thesis about the filipino culture.. please help me....

Is it true that the oldest profession in this world is prostitution?

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]



VoyUser Login ] Not required to post.
Post a public reply to this message | Go post a new public message
* Notice: Posting problems? [ Click here ]
* HTML allowed in marked fields.
Message subject (required):

Name (optional):

  Expression (Optional mood/title along with your name) Examples: (happy, sad, The Joyful, etc.) help)

  E-mail address (optional):

Type your message here:

Choose Message Icon: [ View Emoticons ]

Notice: Copies of your message may remain on this and other systems on internet. Please be respectful.


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 2.94, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2008 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.