VoyForums

VoyUser Login optional ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 1234 ]


[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Date Posted: 18:04:16 08/16/08 Sat
Author: romy b.
Subject: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’

‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’

Sunday, August 17, 2008

CABANATUAN CITY – A security overkill marked by the presence of platoons of fully armed bodyguards and an impenetrable cordon sanitaire surrounding Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali have turned off many Novo Ecijanos who gave him an overwhelming mandate in last year’s gubernatorial elections.

Church officials and concerned citizens have expressed frustration over the presence of dozens of warm bodies encircling Umali which has alienated the governor from the masses.

A Catholic priest who spoke on condition of anonymity told The STAR that Umali has gone “paranoid” (distrustful) of people coming near him over supposed death threats and Novo Ecijanos could not get near him in the process.

“Praning na siya pagdating sa security (He’s paranoid when it comes to security),” the Church official said.

He said the governor’s excessively huge number of bodyguards has been causing disorder in some public functions he had attended, or was invited to.

Citing a recent incident, the Church official recalled that Umali was invited to a recent gathering. He said that two days before the event, the governor’s advance party arrived at the venue and started sifting the place for supposed bombs. “Ocular inspection lang daw sabi nila (They said it’s just an ocular inspection),” the official said.

Not contented with the advance party, he said the governor sent another group a day before the actual event, causing unnecessary alarm to the host.

The Church official said that even food preparations for the event where Umali would be the guest were severely affected because of the large number of bodyguards. He said that during a recent occasion, the host invited the governor and prepared food for only 20 members of his entourage.

However, around 80 bodyguards of Umali arrived, resulting to the shortage of food.

Political observers said that Umali’s security cordon would put to shame the Presidential Security Group (PSG) of both President Arroyo and former President Joseph Estrada combined.

A husband of a prominent former public official in Central Luzon even remarked that with the presence of so many bodyguards, Umali had shown signs he was scared stiff of his life, amid the supposed death threats. “Duwag siya kung ganon. Hindi siya matapang (He is timid. He is not brave),” he told The STAR.

The Church official said that when Umali is at the provincial Capitol in Palayan City, his visitors have to pass through the proverbial eye of the needle before they could get near, or talk to him because they are screened thoroughly.

When asked to explain the excessively tight security at the Capitol, the governor’s aides would often say “me death threats kasi si Boss (Boss has death threats),” referring to Umali. – Manny Galvez, Philippines Star

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


Replies:

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- romy b., 18:43:06 08/16/08 Sat

ISA ITO SA NARIRINIG KONG ISYU SA MGA NAGPUPUNTA SA KAPITOLYO NA NANGHIHINGI DAW NG TULONG... HINDI DAW NILA NAKAKAHARAP MISMO ANG GOBERNADOR AT HINDI DAW SILA PINAPAPASOK SA OPISINA. LALO NA DAW YUNG MGA TINATAWAG NILANG "INDIGENT" NA HINDI KAGANDAHAN ANG SUOT AT NAKA-TSINELAS LAMANG.

KABAYANG DND, BAKA PWEDE NIYO NAMAN I-SUGGEST SA ATING GOBERNADOR NA BAWASAN ANG KANYANG MGA SECURITY... KUNG HINDI MAN BAWASAN, KAHIT PAPANO MAGING "DISCREET" NAMAN ANG KALAHATI SA KANILA. KUNG BAGA, IMBIS NA IBABABA PA LAHAT NG BARIL NA MAHAHABA, BAKA PWEDE YUNG "SIDE ARMS" NA LANG. PWEDE NAMAN SIGURO MAGING "LOW PROFILE" LANG ANG MGA SECURITY NI GOB PARA NAMAN HINDI NATATAKOT MGA KABABAYAN NATIN NA LUMAPIT SA KANYA.

BUKOD PA DITO, MINSAN KAMING NADAAN NG PAMLYA KO SA KAPT. PEPE PARA KUMAIN SA RESTAURANT... PAGDATING NAMIN AY NAPAKADAMING SUNDALO NA NAKA-FULL BATTLE GEAR AT NAGCHECHEKPOINT SA MAGKABILANG DULO NG KANTO... NATAKOT ANG ASAWA AT ANAK KO KAYA HINDI NA KAMI TUMULOY KUMAIN. KINABUKASAN BUMALIK KAMI AT NAGTANONG SA WAITER KUNG ANO BA ANG GULONG NANGYARI KAGABI... WALA NAMAN DAW PA LANG GULO, GANUN LANG DAW TALAGA PAGKUMAKAIN DUN ANG GOBERNADOR... HALOS PATAY NGA DAW ANG NEGOSYO NILA PAGNANDUN ANG GOBERNADOR AT NATATAKOT DAW PUMUNTA ANG IBANG MGA CUSTOMER.

ANG PUNTO, HINDI NAMAN MASAMA NA MAGSAMA NG SECURITY, IWASAN LANG MAGING SOBRA-SOBRA AT MAGING "ISKANDALOSO".

NAPAKALAKING BAGAY SA ATING MGA KABABAYAN NA NANGANGAILANGAN ANG MAKALAPIT, MAKAHARAP AT MAKAUSAP ANG ATING TINUTURING NA "AMA" NG ATING LALAWIGAN.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- dnd, 01:02:50 08/17/08 Sun

nagbabakasyon sana ako ka romy kaso nabanggit mo pangalan ko dito kaya sasagutin ko na rin po...

hindi ko po kilalang lubos si Manny Galvez kung tutuusin, pero sa tingin ko po ay hindi rin niya kilalang lubos ang sinusulat niyang taong "duwag"...

sa mga nakakakilala kay Gov. Umali, alam nilang hindi aabot ng 80 ang bodyguard ni Oyi dahil napakarami pong sasakyan ang involved pag nagkataon...

kung magkakasalubong nyo po ang mga sasakyan ni Gov eh marami napo ang 5 sasakyan kasama na ang kanya... kanya pa ang pinakamalaki... ang napapansin ko lang po ay innova at kung ilang van kaya po exaggerated yung 80 katao...

kahit po magsama sila ni Ateng Che, hindi rin po aabutin ng ganun....

sa istoryang sundalo po, wala pong sundalong bodyguard si Gov.... at pag naiimbita po ang mga yun kahit maghanda kayo ng lamesa para sa mga bodyguard para kumain eh hindi po kumakain mga yun, kahit anung kulit pa ng host sa kanila....

kaya po dapat talaga hindi ko na sinagot ito pero kumbaga para lang malinawan hindi yung bumibira kahit papaano nalang...

napabilib naman din po ako dyan kay Mr. Galvez.... sa tanang buhay ko po sa Nueva Ecija eh ngayon ko lang narinig bumatikos yan kung kelan iba na nakaupo sa pwesto... pareho po sila nung reporter sa gawing San Jose....yung matandang ewan....

saka hindi ko naman po masisisi yun ganun sa Gov natin kasi mula pagkabata eh hindi po naging violente pagpapalaki ng mga magulang dyan, hindi po sanay sa suntukan yan....

mas basagulero papo ako kesa dun at mas violente po siguro ako ng 8 paligo....nalaki po kasi ako na ang tropa ko eh mga taga matadero nung araw at araw araw naming kabagbagan ang mga "PC boys" nuon sa freedom park....

Eh history wise alam naman po ng lahat.... as in LAHAT.... kung sino pasaway dito sa Nueva Ecija nuong araw pa maliban kay Urbanito Dizon....

alam natin kung sino nag-aalaga ng mga HITMAN ng mga Aliaga nuon at sa ngayon nga eh yung RVG ni Ric Peralta.... balikan na lang po nila history ng Nueva Ecija....

Pero in fairness sa pamilya....napakabait nung bunso nila wala lang pera ganun kalaki para manalo.... masunurin kasi sa bilin ng ama....kung hindi sana ay HINDI TAYO BAON SA UTANG....

Pero kung ang mga tao dito sa Nueva Ecija eh kamukha na ng mga Siga sa Isabela na eka nga eh "weather weather lang" at hindi na ganun katatapang at sa halip ay ipinakita ang pagiging Edukado nila kaya ayun nagnenegosyo nalang....

eh sigurado ako na ang bagong Gobernador natin eh wala na ring bodyguard.... AT HINDI TOTOO NA WALANG NAKAKALAPIT, nahihiya lang silang lumapit....

subukan mo ka romy lumapit at tingnan mo kung kakapkapan ka, sigurado akong hindi.....

salamat po

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- dnd, 01:23:39 08/17/08 Sun

ka romy pasensya napo ha? dagdagan ko lang ulit ng konti...

sabi po kasi hindi matapang si Gov, napansin ko lang naman din po sa mga nagbabanta...na pareho lang din silang duwag kasi inuutos lang naman din nila ang pagpapapatay kay Gov kung meron man...

kaya kung matapang din sila edi sila mismo ang mamuno sa pagbabanta at planong pagpatay kay Gov...

dun naman po sa pari na nagsabing paranoid....eh pareho lang naman din po sila eh dahil bakit ayaw niya pabanggit pangalan niya....natatakot rin ba siya?

sa totoo lang po...maraming pari dito sa atin ang mga nabili at nagbebenta ng prinsipyo.... at mga mahihina ulo.... may mga pari po kasi na nakinabang kahit papaano nung mga nakaraan.... sa ngayon po may mga buhay pa sa mga ito....

ang sa akin lang maging objective dapat sila sa pagsilip ng isang bagay dahil mas marami silang pinag-aralan kesa sa ordinaryong tao tulad namin ni ka romy....

pati "aura" ng isang tao pinag-aralan ng mga yan kaya madali nila maramdaman kung may kasamaan ang isang tao o wala....

un lang po

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- matias, 01:27:16 08/17/08 Sun

Isipin mo na lang kung magkano ang ginagastos nitong si umali para pasuwelduhin, pakanin ang 80 bodyguards. siempre kailangan ay may sasakyan, gasolina at iba pang gastos itong mga ito. saang pondo nangagaling ang kanyang ginagastos sa mga ito. iyon kayang asawa niya at mga anak, ilan kaya ang kanilang mga alalay. hindi yata tama ito, bakit pa siya kumandidato kung hindi siya malalapitan ng mga ordinaryong tao. bihira nga daw tumuntong sa kapitolyo (palayan) itong si umali, sa cabanatuan daw nag-oopisina ito. kung wala kang ginawang masama sa iyong kapuwa ay hindi ka dapat matakot gov., guni-guni lang iyan.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- romy b., 04:32:24 08/17/08 Sun

ANG SAKIN LANG NAMAN KABAYANG DND AY SUWESTIYON LANG NAMAN PARA SA ATING GOBERNADOR. YUNG NAIKWENTO KO PO AY HINDI KO ALAM KUNG SUNDALO YUNG MGA YON PERO YUNG UNIPORME NILA PARANG PANG-SUNDALO... GABI PO KASI NUN KAYA HINDI KO NA NAPANSIN KUNG ANO YUNG MGA NAKASULAT SA UNIPORME PERO LAHAT SILA AY MAY BITBIT NA MAHAHABANG BARIL.

SA AKING OBSERBASYON NAMAN PO TUNGKOL KAY MANNY GALVEZ AY MASASABI KONG PAREHAS SIYANG MAMAMAHAYAG DAHIL NATATANDAAN KO PO NUNG PANAHON NG NAKARAANG ADMINISTRASYON, PURO NEGATIBO DIN ANG KANYANG ISINUSULAT SA MGA JOSON. PHILSTAR PO KASI ANG DYARYO NAMIN SA BAHAY KAYA NASUBAYBAYAN KO MGA ISINULAT NIYA.

HINDI KO NA PO MULING PAHAHABAIN ANG THREAD NA ITO... ANG AKING LAYUNIN LANG NAMAN AY MAKAPAGBIGAY NG SUWESTIYON SA ATING GOBERNADOR SA PAMAMAGITAN NINYO. KUNG MAPAGSASABIHAN NIYO PO AT KAYO AY PAKIKINGGAN, SALAMAT. . . KUNG HINDI NAMAN KAYO PAKIKINGGAN, SALAMAT NA DIN.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: ?Nueva Ecija gov?s security an overkill? -- Prescription pills with overnight (Vedle pocitace), 17:10:29 01/04/09 Sun

<a rel=nofollow target=_blank href="http://myrxpill.com">Prescription pills</a> http://MyRxPill.com

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- An Ordinary Man, 05:17:13 08/17/08 Sun

Ang masasabi ko lang, kapag talo n talo n, wag ng ipilit ang sarili kung ayaw na ng taong bayan sa pamilya nila. Naaawa lang ako ke Gov. Umali, sana ay hindi na sya pumasok sa pulitika. Sadyang napaka gahaman ng iba, hindi na lang tumulong sa ikakaunlad ng lalawagigan, tatapusin yata ang termino na lagi na lang reklamo at magbigay ng walang kwentang batas.

Sa totoo lang, alam natin kung sino ang walang mga kwenta sa ating lalawigan, wag na taung magbulag bulagan p, nakawala na tayo, wag ng pakulong uli.

Sa mga matatalino dyan at masyadong marunong, kayo na ang mamuno, kayo na ang matalino, tama na kayo, narinig na ang mga hinaing, tanungin mo nga sa sarili mo kung nakakatulong ka, ano na ba nagawa mo?

Sa aking mga kalalawigan, suportahan po natin kung sino ang namamahala sa atin, tulad lang yan ng magasawa kailangan ang p[agtutulungan..

Gov. Umali, salamat po at nakawala na kami... Ipagpatuloy nyo po ang inyong mga mabuting adhikain..

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- raskal, 01:04:10 08/18/08 Mon

Kaisa mo ako dyn kbayang Ordinary man,Dapat talaga nating suportahan kung sino ang nanalong kandidato.Ang dapat nating gawin ay tumulong at gampanan ang ating trabaho bilang isang mamamayan....di kaya ng ating mga lider ang kanilang trabho kungdi natin sila tu2lungan...sa ating mahal n Gobernador sana po wag mong sayangin ang panahon n ipinagkaloob sayo ng mga Novo Ecijano...Sa mga natlong kandidato o mga kalaban sa pulitika ng ating mahal n Gob.sana po magtulungan nlng tyo upang umunlad ang ating lalawigan..hindi po ako maka-Umali at maka-Joson ordinaryong mamamayan lng po ako wlang kilalang pulitiko at wlang nkakakilala sa aking pulitiko in person...Gawin nlng po sana natin kung ano ang naaayon sa batas....GOD BLESS

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- Bebot, 01:48:45 08/18/08 Mon

Whether it is true that there are so many bodies guarding the Gov or not, this security issue is only big news to those who oppose the leader.Who would not want to be secured in a violent province that caters to political killings and make national news almost every month?While we degrade them as 'Duwag'for ensuring their safety,we actually don't want to be called 'matapang'but inducted to the dead zone afterwards.Look at the courageous persona who crossed the path of the ruling elite and show outspoken views of the political situation.Gone with the wind they are.
The issue that should be raised is the question of who pays for the extra security personnel over the 'allowed govt budget'for such function.If it is private money,we can not dictate or criticize their prerogative.But at the same time we can not condone politicians to have private armies AGAIN that will only put Nueva Ecija in the same arena as in Mindanao.The only difference is motive,theirs is ancestral domain,ours is political domain!In that case we can yell and say "Sumuko ka na matapang,napapaligiran KO na ikaw".

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- kevin, 07:51:47 08/18/08 Mon

we are part of a democracy that ninoy aquino fought and died for,and the news article coming from a major daily newspaper is very alarming not only in nueva ecija but nationally.nueva ecija was one of the province that some family dynasties had been dismantled and i am very surprised why other provinces like pampanga,abra,isabela etc. have adjusted peacefully without any ill feelings towards the incumbent leaders.it could have been these provinces have elected their leaders without dagdag bawas cases and the leaders were elected from the hearts and minds of the people.reversing the tide of history to go back to pre martial law years of having private armies,guns,goons, and gold will only isolate the incumbent governor into a lameduck administration.if he believes that he won fair and square from his opponent,he has no reason to be scared of as his own people will offer their support.great leaders do not succumb to threats and they are willing to face their duties even it will mean their lives.ninoy aquino never feel the threats from the marcos regime but instead offered his principles for a country to die for.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- dnd, 20:20:09 08/18/08 Mon

ang galing ni kuya Bebot!!!

Tama ka rin kevin pero kung hindi naging masyado matapang si ninoy siguro wala tayong PGMA ngayon....este FG Mike Arroyo pala....

Ganun din sa mga media na matatapang ngunit hindi makabayad ng bodyguard...

ang sa akin lang kasi.... hindi napo napapanahon ang Ages of the Savages na kung saan sumikat si Django at si Leon Guerrero.... Diplomacy napo ang uso ngayon lalo na sa mga may pinag-aralan at mga elitista ng lipunan... kaya't ako ay nalulungkot pag nakakarinig pa ako ng mga bantaan ng patayan dito at doon...

uso lang ang mga yun sa mga taong napagkaitan ng karunungan kaya't may kababawan ang mga pinaghuhugutan.... gaya ng mga nangyari sa banda pa ruon na ngayon ay naghahasik ng mga kaguluhan....

simpleng usapang legal eh hindi nila maintindihan kaya't ginamit ang mga hawak na sandata upang sabihin lamang na amin na ang Mindanao...

ano naba mga pinagsasasabi ko....

sana po ay maging batayan nalang natin ang isang magandang abiso na " huwag natin isipin at hintayin ang mga maitutulong sa bayan ng ating mga namumuno bagkus ay isipin natin kung ano ang maitutulong natin sa ating bayan at mamamayan "

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- dnd, 21:03:34 08/18/08 Mon

ay madagdagan ko pa po ulit ka romy, patungkol naman sa mga Media

nuon pong panahon ni Marcos ay bumilib ako sa mga media nuon sa kanilang tapang at sa istoryang kanilang tinatalakay... ngunit naglao'y unti unting nawawala ang gana ko at respeto sa kanila dahil sa kanilang mga BIASED VIEWS...

Na dapat lamang na hindi sila ganun dahil sa kanilang lamang nalalamang ng mga karamihan ang tamang istorya ng mga kaganapan sa ating bayan at sa ibang lugar...

madalas ay sinasakyan nila ang isyu at hindi nila kinukuha ang panig ng kabila upang maging patas ang pagsasalaysay ng isang problema...

Bigyan ko po kayo ng ilang halimbawa....mga istorya ng

Pagtaas ng Krudo..... binabayaan po nilang batikusin ang pagtaas nito kay PGMA pero dapat ay sila na rin ang magpaliwanag na Morld Market Force ang nagdidikta nito....

EVAT....siyempre dito naman ang bira, pero kung hindi magiging maluho ang tao, bakit ka tatamaan ng EVAT? at papaano magiging maganda ang ekonomiya natin kung tuloy nating babaratin ang ating gobyerno sa buwis, sana ipakita rin nila ang mga buwis sa ibang bansa gaya ng singapore, hongkong, atbp. Parking Lot nga lang sa mga yun eh katumbas na ng isang bagong kotse....

Pagmahal ng mga bilihin....kasalanan ba ng Gobyerno kung ang kapitbahay mo ay taon taon kung manganak? ano gusto nila ipaputol natin yung manoy ni kabayan?

MGA ganitong mga halimbawa ng hindi naipapaliwanag sa ating mga mamamayan....

mabuti na lamang at gagayahin ng SAUDI at KUWAIT ang DUBAI na kung saan ang mga lugar nila ay gagastusan upang maging sentro ng turismo.... dahil tyak madadamay tayo sa kakailanganing mga trabahador para sa pagawa nito dahil ito lamang ang natatanging paraan ngayon para guminhawa ang mga pamumuhay ng mga mahihirap, kesa magmukmok sila dito sa Pinas at mawili sa bangayan ng mga politiko at mga aktibista....hanggat nahihilig ang pinoy sa bangayng pampolitiko ay walang kahihinatnan ang ating lipunan...

kayat sa mga Media kung meron man makakabasa nito...walang masamang mag ulat ng isang bagay pero sana ay magkaroon tayo ng konti responsibilidad upang ipaliwanag mabuti ang naturang bagay, wag sana kayong tamarin sa pagsasalaysay upang lalong maliwanagan ang mga mamamayan lalo na yung mga kapos sa kaalaman....

kung ang balita ay tungkol sa dami ng bodyguard ng ating gobernador SANA sinabi na rin kung BAKIT GANUON, ano ang dahilan....salamat muli

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: �Nueva Ecija gov�s security an overkill� -- romy b., 01:52:00 08/19/08 Tue

SIGURO KABAYANG DND, KAYA LANG DIN NAMAN NAPUNA NG MEDIA ANG DAMI NG KASAMA NI GOB AY DAHIL KA-PUNA PUNA NA SIGURO. SA AKING OBSERBASYON, MASYADONG BULGAR ANG PAGDADALA NG BARIL NG MGA BATAAN NI GOB... HINDI KASI PANG-KARANIWAN SA MATA NG ORDINARYONG TAO NA MAKAKITA NG NAPAKADAMING PULIS NA MAY DALANG MAHAHABANG BARIL.

KUNG INYONG PAPANSININ KAHIT PSG NG PANGULO AY DISCREET SA PAGDADALA NG BARIL. YUNG MGA CLOSE-IN SECURITY AY HALOS HINDI PANSIN ANG KANILANG MGA NAKASUKBIT NA BARIL. KUNG BAGA, HINDI SILA INTIMIDATING TIGNAN.

ISA PANG NAKIKITA KONG DAHILAN KUNG BAKIT NANINIBAGO ANG ILAN SA ATING MGA KABABAYAN AY DAHIL NUNG PANAHON NA MAINIT ANG PULITIKA SA ATIN... YUNG KAINITAN NG AWAYAN NG JOSON AT PEREZ, WALA KA MAKIKITANG GANYAN KADAMING KASAMA ANG MAGKABILANG PANIG.

NAPAKAIMPORTANTE NA MABIGYAN NG MAGANDANG SEGURIDAD ANG ATING GOBERNADOR, WALANG KWESTYON DYAN. PERO YUNG HINDI MAGANDANG IMAHE NA NAKIKITA NG TAO AT YUNG HINDI MAGANDANG PAMAMARAAN NG PAGBIGAY NITO AY SA ATING GOBERNADOR DIN ANG BALANDRA. SANA NAMAN AY PAG-ARALAN ITO NG CHIEF SECURITY NG ATING GOBERNADOR.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- kalabaw, 16:50:03 08/19/08 Tue

imposible naman yung 80 figure na bodyguard pagisipan nyo nga kung me katotohanan yun?Manny pare di yata ako makapaniwala sa report mo lahat ng pilipino nakabasa nito sa abrod e napailing.Sabagay mahirap ang TIWALA lalo nasa panahon ngayon lalo at nasa pulitika ka.Si mayor Perez matapang at matalinong tao kayalang naging pabaya ayun maagang nawala.Para sakin mga kalalawigan ko natural lang ang proteksyunan ang sarili kayalang pagisipan pano makalalapit ang mga maliliit na tao ng walang agam agam saka yung pasweldo ito ba ay sariling bulsa o naka payrol sa probinsya kagaya nung nakalipas na administrasyon.Saan kaya kinukuha ang pasweldo nito dnd?wag kamuna magbakasyon at kaylangan ng mga tao ang kasagutan mamimiz kalang namin.Musta kana?

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- dnd, 20:11:37 08/19/08 Tue

tama po ang obserbasyon ninyo dun ka romy.... masyado nga pong lantad ang mga kargada para po bang may giyera, dapat konti lang ang mahahaba at puro pistola lang ang mga dala o di kaya eh sa sasakyan itago ang mga ito....

pasensya napo dahil pati yata bodyguard ng gob eh mga paranoid, di ko lang po kasi kung karamihan eh PNP, nung minsan nasa kapitolyo ako ang nakita ko po eh mga SAF pero mga 8 lang po yun bukod pa sa mga PNP na talagang simula palang eh bodyguard na, yung iba po mukhang alalays lang.

oo nga pre kalabaw, kalungkot pala pag walang balitaktakan dito, kahit ako na-aaddict na dito kaya lang nagbabakasyon ang mga kadebate, hahahaha

kung mga 20 lang ang bodyguard, eh kayang kaya paswelduhin bukod pa sa legal na sweldo nito, baka naka karga sa CSU then dinaragdagan nalang ni Gob. pero kung sa pagkain ang tatanungin mo, minsan nasilip ko kumain, sinampalukan pero katiting lang mga ulam, marami kanin bumabaha....sa isang party naman, nagkakulitan pa pero hindi talaga kumain, pinaghandaan pa man din sila....

eh syempre may allotted din sa congress na bilang ng bodyguard, at pwede pang dagdagan kung magrerequest ka at ijustify mong may death threat ka....

si sandra cam nga 3 bodyguard eh ordinaryong daga lang yun, libre pa sweldo ng mga yun.

anyway sana tumahimik na probinsya natin para mawala na mga matatapang dito at lumipat na ng ibang lugar...

musta nalang sa inyo lahat

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- kalabaw 1, 13:10:02 08/20/08 Wed

tama yung suggestion na isinop nalang ang mga gamit hindi yung para nga namang me gyera palagi.Alam nyo bang nakaka adik ang magbasa at magcomment dito?hehe musta nakayo mga kababayan parang marami ang nakabakasyon.Wag naman sana tayong masapol ng malakas na bagyo.Ingat kayo palagi!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: �Nueva Ecija gov�s security an overkill� -- jack, 03:31:31 08/21/08 Thu

bulletproof na nga sasakyan niya, ang dami pa niya kasama. may mga saf pa, eh hindi naman dapat ginagamit pangescort ng pulitiko ang mga yon. imbis na nakadeploy na lang sa lansangan ang mga pulis at makapagbantay sa mga mamamayan, siya lang ang nakikinabang. napakadami pa naman krimen sa panahon na to.

ang tao pag-oras mo na, oras mo na. kahit si jfk nga na presidente na ng america eh walang nagawa ang secret service nya.

ang hirap kasi kay gob, nung kampanyahan bago mag-eleksyon, panay ang sigaw niya na huwag matakot, handa daw siya mamatay para sa mga novo ecijano at kung ano ano pang drama na akala mo kung gano katapang, tapos ngayon isang batalyon ang kasama. abay, matapang nga naman pala!

si mayor jay nung nakaupo pa, lima lang ang kasama. nagmomotor pa paikot ng cabanatuan. ganyan ang tao na walang atraso, walang takot!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- kevin, 11:59:54 08/21/08 Thu

kaya nga there is a biq question about his leadership attitude.hindi nakukuha sa tapang o sa duwag ang leadership kundi sa personal conviction mo on how to address the people.if u r sincere that you won fair and square in the last election and that you deserve to be the governor of nueva ecija then you dont have to be afraid to any threat and intimidation.mahatma gandhi, a small lanky man of india brought down the whole british empire to their knees without the support of bodyguards.his own people protected him and made him their true leader.you will only be afraid of the ghost of your deed if you have done something that is immoral and unconscionable.perhaps the ghost of the last election come into mind and what ways and means you have done to get elected.thank you.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- kalabaw1, 18:11:50 08/21/08 Thu

iba parin yung nag iingat iba na sitwasyon ng pamumuhay natin kung kumpara mo nuon.Mahirap naman yung sa huli ang pagsisisi di ba?iisa lang ang buhay ng tao.Ganyan din ang katwiran ko sa inyo nuon kyalang narealize kong mali at hindi akma sa kasalukuyang panahon.Saka abogado si oyi mas higit siguro nyang alam ang mas BEST para sa sarili niya PERO sana naman alalahanin nya na nasa public serbis sya at marami ang lalapit sa kanya e kung puro de baril ang daraanan mo e nakapag aalala rin diba?simple lang sana ang mga bodyguard.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: �Nueva Ecija gov�s security an overkill� -- edgar, 19:52:10 08/21/08 Thu

Maganda ang palitan ng mga opinyon dito. Ang isang bagay lang na nakakatawa ay ang nabanggit ni Jack, isa din sa nagpahanga sa akin sa kasalukuyang Punong Lalawigan ay ang MATITIGAS AT MATATAPANG NA SALITANG binitawan niya nung kampanyahan. Yan isa sa mga dahilan bakit siya ang binoto ko. Pero bakit ngayon parang nagiba na ang ihip ng hangin? Para bang kulang na lang ay magkulong sa kwarto at bihira siyang makita ng ating mga kalalawigan?

Tama ang punto ni kasamang Kevin. Kung wala ka naman atraso sa bayan, bakit hindi ka lumantad at ipakita sa tao na isa kang magaling na Lider gaya ng isinisigaw mo nung kampanyahan.

Alam niyo Romy at Kalabaw, kung gugustuhin ng ating Gobernador na maging simple at low profile ang kanyang security, matagal na niyang ginawa ito.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- dnd, 23:38:09 08/21/08 Thu

mas maganda po kung makikibalita nalang po kayo sa kapitolyo dahil mas ramdam nila ang pagbabago. sa kabila ng malalaking utang sa GSIS, sa Scholarship, at kung saan saan pa.....na pawang nabayaran ng ating Punong panlalawigan sa KABILA ng pagbabawas ng Sangguniang panlalawigan ang budget ng kapitolyo ay isa na po sa mga pagbabagong nararamdaman.

maaaring madalang natin makita ang ama ng ating lalawigan pero nararamdaman ng mga taong naninilbihan sa mga mamamayan ang ginhawa sa panahon ngayon. kung hindi po kasi maglalakad at gagamit ng impluwensya ang ating gobernador sa kanyang mga kakilala sa Maynila ay malamang na walang malaking pondo ang papasok sa ating lalawigan. kung hindi lamang po sana iniipit ng SP ang pondo ng kapitolyo ay mas malamang po na madadalas siya dito sa ating lalawigan.

nagtutulungan po silang mag-asawa para makakuha ng mga tulong sa mga departamentong national upang kahit sila ay ginigipit at patuloy parin mapondohan ang mga proyektong panlalawigan gamit ang perang pang national.

bagamat wala nga po siyang atraso sa bayan, at wala po siyang dahilan upang "magtago sa kwarto", kahit po siguro sino eh natural lang ang paghandaan kung may pagbabanta man sa iyong buhay.

ano po ba ang gusto ninyo...ang unahan niya ang pagpatay sa kalaban para lamang maipakita niyang matapang siya? sabi ko nga po panahon po ng SAVAGES ang ganung pag-uugali, mga panahong ang mga tao ay walang pinag-aralan. nataon po kasing may mga banta bago at matapos ang election, dapat po bang bigyan ng pagkakataong maisakatuparan ang mga nasabing banta?

kayo nga po ang magsabi kung papano ang gagawin ninyo sa isang pagbabanta, ibalik ko lang po ang sitwasyon sa inyong buhay?

pakisagot nga po pls.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- dnd, 23:47:57 08/21/08 Thu

sagutin ko po ang puntong mahatma gandhi....

nung panahon po ni mahatma, ang mga naghahasik po ng kaguluhan dun eh yung mga taong walang pinag-aralan o mga taong ayaw bumitaw sa kapangyarihan...

bakit po nanaig pa rin si mahatma....bago po nanaig ang matanda eh sangkatutak na buhay ang nalagas at sangkatutak na usapan ang naganap. nataon pong nanaig ang mga may pinag-aralang mga British nuon kesa sa mga ganib sa kapangyarihan.

saka ibang iba po ang pinag-uusapan dun, independence ng India at Pakistan mula sa Britanya, iba naman po ang usapan dito sa ating lugar....

dito tipong pag hindi ka nag-ingat at napatay ka eh yung kalaban mo papalit sa iyo, gusto mo ba ng ganung buhay na may naka ambang pagbabanta sa kabila na ang hinangad mo lamang ay tumulong sa iyong mga kalalawigan?

dahil kung ganun ang nais mo mangyari sa ating lugar, eh wag ka na tumulong sa mga mahihirap dahil utak tulisan ang nalalaman mo...

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: �Nueva Ecija gov�s security an overkill� -- romy b., 02:38:40 08/22/08 Fri

NANISI NA NAMAN ANG KABAYANG DND SA KAKULANGAN NG KANYANG KAIBIGAN... ANO NA NAMAN ANG KINALAMAN NG GSIS AT SANGGUNIAN PANGLALAWIGAN SA ISYUNG ITO? PONDO NA NAMAN?

ANG HIRAP NAMAN KASI PAGNAKAHAWAK NG PONDO ABAY WINAWALDAS. ANG NAKIKINABANG LANG EH SARILING BULSA, MGA KAMAG-ANAK AT MGA KAIBIGAN (KASAMA KA BA DUN KABAYAN?) HEHE! KAILANGAN PA BANG I-MEMORIZE YAN? HEHE!

KAYA LANG LALAYO NA NAMAN TAYO SA ISYU...

BALIK TAYO SA ISYU... SAAN BA KASI NANGGAGALING ANG BANTA SA BUHAY NG ATING GOBERNADOR? MERON NGA BA? PARA KASING NAKA-RED ALERT PALAGI ANG MGA SECURITY NIYA...

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- kalabaw, 13:28:32 08/22/08 Fri

Ke me banta o wala laging magingat si Gov Oyie magaling ang mga kalaban nya sa pulitika lahat ng paraan gagawin mabalik lang ang nawalang karangalan.Saka yun lang namang mga against sa kanya ang ayaw ng security marami buti nga at mga militar ang ginamit e kung mga hoodlum?baka marami ng naisalvage sa NE.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- dnd, 23:36:18 08/22/08 Fri

Magpapaliwanag lang po at hindi po para ilihis ang isyu, kasi po ang sumbong ay parating wala dito sa Nueva Ecija ang ating Governor. Sinagot ko lamang po na nagtatrabaho po siya para sa ating lalawigan sa kabila ng wala siya dito sa atin lugar. Nataon po kasi na ang mga nakakatulong sa ating lalawigan ay mga taga Maynila, kaya dapat lang po na suyuin natin ang mga ito upang ang mga biyaya ay umulan dito sa atin.

Ang halimbawa nga po ay ang mga nabanggit ko, kung sa local GSIS lang po pupunta ang ating Governor, siguro po ay matatagalan ang pagbabago sa problemang GSIS ng mga taga Kapitolyo, at panu naman po mababayaran ang utang sa Scholarship kung hindi rin po siya mag-iikot para ligawan ang mga taong makakatulong sa ating lalawigan?

Hindi ko po binibira ang SP, ang sa akin lang po eh isang tabi muna ang pagkakaiba ng paniniwala at partido at unahin ang mga mamamayan ng ating lalawigan lalo na ang mga salat sa buhay, hindi po ba yun naman talaga ang obligasyon ng bawat nabotong namumuno ng ating bayan? hindi po yung sakalan dito sakalan dun, gantihan dito, etc.

At hindi rin po ako naniniwalang mawawaldas lang ng ganun ganun ang pera ng bayan sa ngayon, dahil po marami na po ang nagmamasid, marami na po ang nagsasalita, hindi po kagaya nung na ang Media ay pawang tikom ang bibig sa mga pagnanakaw sa atin lipunan at pawang namamatay ang mga masigasig na mag-imbestiga sa mga katiwalian. Pwede naman pong paimbestigahan agad kung sa tingin nila ay may nagawang pagnanakaw, kagaya po ng sa quarry, may kapangyarihan po ang SP na mag-imbistiga tungkol dito kung totoo nga po ang mga nabanggit na pagnanakaw? Bakit po kaya ayaw paimbistigahan, may iniiwasan po kaya ang pamunuan ng SP?

Patungkol po ulit sa mga banta, mukha po kasing hindi kayo nakaka attend ng mga kampanyahan ng magkabilang partido nung nakaraang election, dahil dito po ay hayagan kung pagbantaan ang mga konsehales ng barangay pati na rin po ang mga kapital del barrio, at mga banta ng pananakot sa mga katunggali sa election, ang mga ito po ay hindi lamang sa Cabanatuan nangyari kundi sa ibat'ibang bayan at barangay sa buong Nueva Ecija, ganun po ka bulgar na sa mikropono po mismo binabanggit ang mga nasabing pagbabanta.

Ngayon kung ipagpipilitan ninyo sa akin na walang naganap na ganun pagbabanta eh wala na po ako magagawa dahil ako po ay naroon sa Bongabon at mismong ako po ang naka rinig nito. Itanong na rin po ninyo sa dating mga kapitan ng Barrera, Mabini Ext.,Bonifacio, Etc, at sa mga kabarangay nito kung sino ang hayagang nagbanta sa kanilang mga kapitan.

Ngayon po kung ipagpipilitan pa po ninyo na walang bantaan ay wala na po ako magagawa, at sayang lang ang oras natin sa pagtatalo. Pwede po naman akong magsinungaling talaga at gumawa ng istorya kung nanaisin ko PERO mas mainam napo kung maraming tao magsabi sa inyo, kamalas naman po namin kung lahat ng matatanong ninyo eh puro sinungaling.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- dnd, 07:21:03 08/23/08 Sat

at kung malaman naman po ninyo ang katotohanan ng banta ayon sa mga sasabihin ng mga nakarinig, ay wala pa rin po kami magagawa kung ipagpipilitan pa rin po ninyo na "WALANG BANTA".

mas nanaisin nalang po naming tumahimik kesa makipagbalitaktakan ng walang katapusan at maghintay nalang ng susunod na mapapatay. bakit naman kasi kailangan pang patayin, hindi nalang putulan ng kamay o paa. di po ba mas mahirap maging inutil kesa mapatay ng walang kahirap hirap? pati tuloy ako nagiging sadista. sorry po

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- kevin, 08:02:58 08/23/08 Sat

ka dnd,wala naman akong masamang layunin para kay gob oyie.ang sa akin lang ay tungkol sa report na ito tungkol sa overkill.in fact, i think gov.oyie is the best person to handle the economy of nueva ecija.economic growth ang kailangan sa atin and i think he is more than capable doing his job being a lawyer not just an ordinary lawyer but a product of makati based corporation.i only want to know the truth on the topic which you explained very well,the only thing i want to ask since you are there,pakibalitaan mo nga kami ng security arrangement ng pampanga governor,and also isabela.i know nothing on this so i cannot comment.maybe if u can explain then you can judge the perspective among the governors who won without the full support of the SP.mahirap din naman ang tayo ni gob oyie dahil majority of the SP do not belong to his party.medyo maganda siguro kung paguusapan natin dito ang parliamentary form of goverment na kung sino ang majority members e sila rin ang gagawa ng gobyerno bilang premiere of the province.but that is a long shot to say,so if you could give us some details i asked from you,we will aprreciate it.salamat ho kasamang dnd.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- dnd (salamat po!), 09:14:55 08/23/08 Sat

yun pong taga pampanga, bilang pari eh hindi po takot mamatay yun dahil alam niyang sa langit siya pupunta. iba raw po kasi ugali ng pari na yun, down to earth baga kaya minahal po ng mga taga pampanga yun, eh wala pa pong pamilyang tatawagin natin kanya, nataon lang pong nagsawa lang siya sa takbo ng pilitika dun tipong "wala nabang ibang mapipili, puro sila nalang ba parati?", tipong ganun po.

at kahit naman po "alam na natin kung sino kaaway niya" na alam naman natin ang POWER at INFLUENCE ng pamilya nito, in fairness po sa kalaban ng pari, HINDI PO MGA VIOLENTE ANG MGA YUN, NEGOSYANTE LANG, YUN NGA LANG - SUGAL.

Kung may natatago man pong baho yung mga yun, eh pawang nakatago na lamang po at tipong ang mga nakakatay eh yung mga pasaway lang talaga, yung mga abusado. Pero sa tanda ko po eh wala pa po akong nabalitaan pinapatay ng mga yun, pinagbalakan meron pero yung aktwal, wala.

Eh lalo napo si Leon Guerrero, bagamat may baril po yun, kahit highschool lang natapos nun eh sa pelikula lang po pumapatay yun gamit ang walang kaubusang bala sa baril.

kaya sa problema ng Pampanga eh malayo po ang kaguluhan dun kaya pwede kahit WALANG bodyguard.

Sa Isabela naman po, ay matatapang po talaga lahi ng mga yun, pag ang mga baka o kalabaw ninyo ay hindi ninyo isiningkaw at naligaw sa highway, sisiguraduhin ko po sa inyong mababaril yun, kahit po mga tricycle dun, BAWAL tumuntong sa hiway kundi sasampilungin ka ng Atapang Atao run.

Kaya kahit ako nga po ay nagulat dahil naging matahimik ang Isabela sa kabila ng kanilang pagkatalo, at ang siste ay tinalo lang po sila ng pipilay pilay na brodkaster, babae pa. Hindi naman po ako nagdidiscriminate ng may mga kapansanan at mga babae, pero sa kultura po ng Pilipino na nahawahan ng Machismo attitude ng mga Mehikano, di po ba nakakagulat na talunin ng isang babaeng may polyo pa ang dekadekadang panunungkulan ng isang sikat na pamilya?

kung sa bodyguard naman po ang pag-uusapan, ako po ay naniniwalang walang ganun karaming bodyguard si Gobernadora, dahil kung meron man pong sasaling sa dulo ng buhok nito, mas nanaisin ko pa na ako ay isumpa at mamatay kung ayaw kong matunghayan ang delubyo ng pag-ahon ng mga maligno sa kabundukan ng sierra madre. hehehehe NPA po yun.

Naging heroine po kasi ng masa si gobernadora dahil sa walang takot na pagbatikos nito sa Radyo laban sa mga magigiting na pamilya, kaya ganun na lamang ang paghanga ng mga maligno sa kanya. eh sino papo lalaban kung ganun, ni hindi mo kilala kung sino kalaban mo. ganun? kahirap po nun diba?

Yun naman po ang kaibahan dito sa ating lugar, sa tinubuan ng lintek na kapatagan ng Nueva Ecija. Na kung saan ang mga taong makakatulong sana sa mga mahihirap at naaapi ay naging "partisan" na rin at iniwan ang ideolohiyang dati rati ay kanilang ipinaglalaban ng walang bayad.

Kaya kung susubaybayan ninyo ang ibang tsismis ko dito, naging mayabang pa po ako kahit hindi na sana dapat, kaso napilitan lang po,.... na kung saan sinabi kong pinagalitan ko pa ang isang kumander alibasbas dahil naiba ang iip ng angin ng kanilang ipinaglalaban, na karamihan sa mga kasama nila ay nagbebenta ng kanilang loyalty at ideology, na ang jueteng na pahirap sa mamamayan ay kanilang pinapayagan dahil nakikinabang kaya sila dito sa kabila na ito ang totoong nagpapahirap sa taong bayan?

Kung patas lang po sana ang laban o ang "Playing Field" at pawang "weather weather" attitude lamang ang prinsipyong susundan, sana ay walang bata-batalyong bodyguard na naglisaw dito sa lupang tinubuan.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- Langay-langayan, 10:11:23 08/23/08 Sat

My dear KABABAYAN, kailangan ng Gov. ang security, the number of security guards of the Gov. needed is his own privilege or special right. It is not bec. the Gov. is "duwag",it's bec. of the situation. I knew him long time ago, hindi siya violent man, he was a nice guy, but time changes and people change too (either better or worse). My question to you My KABABAYAN: What is more important a dead Gov. and a black mark to the province or very cautious Gov. that works for people honestly (I hope he does). Any treats to you, you have to take it seriously, especially in Nueva Ecija(I know that). In the place where I live(big city), the Mayor don't have security guard and they can do their grocery by them selves. Because when elections done, the fighting(debate/opinion/principles) ends as well. They concentrating on doing business, and how to improve the revenue of the city. May be the Governor need to set up a town meeting twice or three times a month to hear the opinion of our KABABAYAN, so that he wont be out of touch. In one year you will have 36 towns. I don't know how many towns we have, I'm so sorry I should know this. In closing, I want to thank you, DND, Romy B, etc... in expressing your opinion. I enjoy reading this forum. Please take care MY KABABAYAN

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- kevin, 11:09:35 08/23/08 Sat

napakahusay ng explanation mo ka dnd.ako ay natutuwa dahil meron ka pang sense of humor.ito ang dapat mangyari sa forum dahil exchange lang ng kanyang bawat opinion.pero kayo ang dapat nakaalam sa situwasyon diyan dahil nandito naman ako sa NA.huwag po kayong mawawalang ng ibabalita sa aming nasa abroad because we want to get in touched with our kababayan diyan.marahil kung meroon akon sapat na savings $ para mauwi e puede po ba kayong mapasyalan bilang kababayan na mahigit pa sa politiko ang nalalaman.i really appreciate the flow of conversations in this forum cuz you get the pros and cons on both sides.salamat po ng marami.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- dnd, 16:14:47 08/23/08 Sat

Maraming salamat po kapatid na langay-langayan at ka kevin at nasisiyahan kayo sa aming palitan ng kuro kuro dito, dangang nga lang pong hindi maiwasan magkapikunan lalo na sa mga extremely fanatics, pero ayaw ko po sana bumaba sa level nila pero tao lang po ako at ako ay nadadala na rin sa sarap ng kwentuhan dito at panunutya.

Sana nga po ay magkasama sama tayong lahat isang araw NGUNIT kung kayo man po ay makapagsave ng babaunin dito sa pag-uwi, mas nanaisin ko po yung gagastusin nyo sa pagkikita natin ay ipag Kitchen Soup nyo nalang po ang mga malnourished na bata dito sa amin KAHIT ISANG ARAW LANG PO ay malaking bagay na, natatakot po kasi ako sa pagdami ng mga bansot at antuking mga bata. Kung ngayon nga lang po ay may mga nakakatunggali ako dito na ayaw paganahin ang kanilang utak o sadya bang engot talaga sa pagtanaw sa mahahalagang bagay pampolitika, pano pa po kaya in 10 years time? ito po kaya ang kabataang sinasabi ni Rizal na pag-asa ng kinabukasan? aba eh nakakatakot po, isama nyo nalang ako dyan kung ganun lang din. Biro lang po, nakakaawa lang po kasi.

Siguro po kaya mahilig ang mga Pinoy sa politika dahil sa kakulangan ng trabaho at walang magawa, gutom pa marahil, kaya ang napagtutuunan ay politika, maganda po pag-usapan wag lang dibdibin masyado at bagkus maging gabay ang bawat kuro kuro para makaimpluwensya sa pamamalakad kundi man sa kinabukasan ng politika sa ating bansa.

Marami lang po kasing hindi nakakakilala sa aming Gobernador, nung kabataan po niya eh naghirap yan at ibang tao pa nagbibigay ng tsinelas sa kanya dahil nga po butas na ang ginagamit niya, paminsan minsan pati baon sa eskwela ang may bigay eh nanay ng kabarkada, mabait po kasi yun, tipong pwedeng ampunin nung araw kaya napabilib lang po ako dahil nagsumikap siya para maging isang ganap at magaling na abogado at maiahon ang pamilya sa kahirapan sa pamamagitan ng edukasyon. Malay po ba naming siya pala ang magiging Gobernador natin, eh ke dami naman mga sikat na politiko at taong simbahan dito sa ating lalawigan na pwede rin magsilaban ngunit kulang sa katapangan.

Nakakatuwa nga po kasi pwede naman ang tahimik ngunit masaganang buhay para sa buong pamilya niya ngunit naisipan niyang paguluhin ito sa pagpasok ng politika para makapaglingkod lamang sa mahihirap bilang pagtanaw ng loob niya at pasasalamat sa mga blessings na natanggap ng pamilya niya. Sige napo at umaarte na story ko, Count your blessings nalang po at wag po kayo makalimot magpasalamat hindi lang po sa mga biyaya ng Diyos kundi kahit po sa mga problema, magpasalamat tayo at share sa mga mahihirap ang mga excesses sa buhay natin so that we build our treasures in heaven and not on earth. Salamat po at God bless sa lahat!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: �Nueva Ecija gov�s security an overkill� -- romy b., 03:41:26 08/24/08 Sun

KAYA SAYO KO KABAYANG DND! HAHA! MAAYOS NAMAN SANA ANG MGA IDEYA MO AT PANANAW SA BUHAY KUNG PAANO MAKAKATULONG SA MGA KAPOS-PALAD NATING MGA KA-LALAWIGAN...

ANG PROBLEMA LANG, PANATIKO KA NG ATING GOBERNADOR UMALI KAYA HINDI MO NAKIKITA ANG ILANG MGA ISYU DITO SA TAMA AT MORAL NA ASPETO. PERO KUNG PAPAREHAS KA LANG, MARAHIL AY MALAKI ANG MAITUTULONG MO SA ATING GOBERNADOR NA TILA NALILIGAW NG LANDAS AT TILA NAKALIMUTAN ANG MGA ISINIGAW NIYA NUNG KAMPANYAHAN.

KABABATA MO BA ANG ATING GOBERNADOR? PANO MO NALAMAN PATI YUNG ISTORYA NG TSINELAS? PARANG KWENTO NI JOSE RIZAL AH... HAHAHA!

SIGE MGA KABABAYAN, HOLIDAY NA NAMAN BUKAS... BAKASYON NA NAMAN... ENJOY TAYONG LAHAT!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- dnd, 08:05:33 08/24/08 Sun

Hahahaha Metikuloso po kasi ako pagdating sa mga iboboto kong tao, pinag-aaralan ko muna ang background ng mga ito, nakikitsismis kung kanikanino pero mga reliable na tao.

Hindi po kasi ako basta basta napapabilib, eka nga po "he should walk the talk" kung puro daldal lang po at walang gawa eh mabilis po kaming maghihiwalay at sayang lang panahon ko sa kanya.

Pati po sa mga umaaligid na mga bangaw eh pinag-aaralan ko rin po kung may dalang parasito o wala, kasi nga po sabi ko nga po nuon, mga graduate kami nung panahon ni Marcos, marami kaming natutunan dun, at kasama rin kami sa culture shock nung panahon ni Cory na kung saan, ng dahil sa tagal ni Marcos sa panunungkulan at pagpapayaman, ang mga alipores din po pala ng mga "magigiting" na politiko eh GANUN DIN KAGARAPAL MAGNAKAW, wala rin pinagkaiba kay Marcos. Nasabik po ba sa pwesto, kaya nung napwesto naman sila after Edsa 1 eh ayun puro pagnanakaw din ang mga pinag-gagawa.

Kaya po nung maraming sinabi at sumbong dito eh hindi napo ako nagulat dahil kahit po kasi papano eh KAKAININ DIN SILA NG SISTEMA, kaya nga po ang pag-asa nalang natin eh ang mga taong may takot sa Diyos, mga taong simbahan na kainin man ng sistema ay nakakasiguro akong ibabalik ang karamihang "kurakot" nito sa mga tao.

Magsubi man po yun eh baka yung ikapu lang at yung 90% eh ibalik sa mga tao. Theory ko lang po yun ha? To see is to believe, kaso ayaw manalo ang mga taong simbahan eh kasi walang perang pambili ng boto at pangsuhol sa ibang relihiyon.

Ingat po sa bakasyon.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- kevin, 12:05:40 08/24/08 Sun

ka dnd meron lang po sana akon maitanong sa inyo tungkol sa pagbili ng boto na nailahad ninyo.tutuo po ba ang retail vote buying na front lang ng ibang politiko para mailabas nilang marami silang pera kaya pagnanalo e hindi halatang me daya.at saka yun pong tinatawag nilang wholesale vote buying ang talagang sistema para garantisadong panalo ang kandidato.maraming involved daw po sa wholesale na mismo opisyales ng comelec,school superintendent,titser,treasurer at higit sa lahat daw po e yung mismong poll watcher ng kalaban e puede daw pong pabagsakan,hindi lang daw po sa local,probinsyal at mismo sa national election daw po.(eto po ba ang tinatawag nilang dagdag bawas.)kung meron po kayong alam e puede ninyo pong ilahad sa amin kung meron mang katotohanan at saka ano raw po ba ang magiging epekto nito sa darating na eleksyon kung i cocomuputerized na po.salamat po sa inyo kung meron kayang masasabi kung wala naman po e ok pa rin dahil open mind naman po ang karamihang magbabasa.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- dnd (Hehehehe mahirap po tanung ninyo), 16:12:59 08/24/08 Sun

Kabayang Kevin, pipilitin ko pong sagutin ang tanung ninyo sa abot ng aking makakaya at direct experience.

Pasensya napo kung kulang kulang ang sagot ko dahil impromtu po ang takbo ng utak ko at kagigising ko lang, pero pag may naalala po ako eh ihahabol kong pilit.

Sa Retail... ang purpose po ay (1.) masiguro mo na yung tao at buong pamilya nito ay ikaw ang iboboto kayat binabayaran mo sila mula P100 - P500 kada botante OR employed mo silang pollwatcher mo despite na super dami na ng pollwatcher mo to make sure that his family will vote you as you give employment to the head. Nangyari po ito last election, sa dami po ng naka uniform ng kalaban eh mahihiya kang ilabas yung uniforme mong sarili at lalamunin ka po talaga, kaya nagulat sila dahil may mga pollwatcher sila sa isang presinto pero na zero sila dun sa presintong yun, either may prinsipyo din po yung botante para kunin ang pera pero ibinoto ang kursunada o nabili sarili mong pollwatcher.

(2.) Identify the supporters of your enemy and buy them out to change their vote-for those small time voters or just pay out, couple with intimidation to take a vacation on the election day, for the hardliners.

Computerization may give a fast result, the faster the better for it may not give the loser and the cheaters the time to buy and do the dirty works for it will all be in PRINTED form, so the ballpens and erasers will be out of the place for such printers. BUT they could hire a hacker instead if and only if the voting will be online to intercept the informations.

Regarding their reputation of being rich, wala naman pong conflict dun dahil talaga naman pong mayaman sila pero uubusin mo po ba ang hard-earned money mo ng ganun ganun nalang ng hindi mo babawiin? Personal argument ko po dyan, kung ang gagastusin ko po eh INTEREST lang ng pera ko at hindi magagalaw ang principal at nanalo naman, malamang po na hindi ako magnakaw at pati sweldo ko itutulong ko pa.

Ang problema, kung sino mang contractor ang papayag sa malinis kong hangarin WILL BE BLACKLISTED once i'm out of the office. Para pong isinumpa, eh yun lang po source of income nila. Kaya YUNG KAPARTE (8-10%) mo lang ang magiging honest pero dun sa ibang ahensya like DPWH eh tuloy pa rin ang commission nila (20-30%).

Sa wholesale vote buying naman po under the Traditional Set Up... mula pollwatcher, you need to have a couple of hardliner for every precint to monitor round the clock the behavior of your pollwatchers, kailangan po matalas ang mga ito para pag may napansin kang kakaiba eh immediately pull them out and replace them with a new batch. AT pag tapos na ang bilangan, another set of new pollwatcher na magbi-vigil dahil some teachers will take advantage dun sa kapaguran ng bawat isa, minsan po habang nagmemeryenda kami at nagpapahinga, since well secured na ang URNA sa isang room dahil tapos nga at padlock, isa sa elders namin ang napansin na may pumasok na titser at pilit binubuksan ang padlock by pounding it. So secure the area kung san naka deposit ang URNA.
So sa part po ng teachers yun, aside from the mali maling pagbasa, kaya mas mainam kung maraming pollwatchers sa likod ng bumabasa, kaya magtaka po kayo kung magsusungit ang titsers at babawalin ang mga tao sa likod nito, bukod sa pagod eh pressured sila sa gagawing milagro. Usually po may mga ordinaryong ususero sa mga likod kaya mainam po naman yun, kung mabait ang teacher. at maging vigilant po kayo at take ng note kung may buburahin ang mga teacher na nagkakamali dahil sa pagod nga. Take note your observation and let them affix their signatures to let them know that you are monitoring their every move, and immediate report the case to comelec officer concerned. Ganun lang po sakop ng mga teacher na usually po ay parating gutom by that time dahil wala ng nagbibigay ng pagkain kahit tubig man lang.

Pero hindi na po grabe mga cases sa presinto because of the vigilance ng mga tao, ang nakakatakot po eh pag nadala na sa Munisipyo kung saan magkakaroon ng official tally. the boxes will be "secured" in a place, put a round a clock hardliner pollwatchers dun dahil dun napo ang official milagro......

Una, maglalagay po ng maraming lamesa, more than 5, for a simultaneous counting, para mo may diversion ng attention, eh limited capacity lang po yung lugar kaya babawalin ang maraming pollwatchers, malamang po papayagan lang nila mga 2 pollwatchers na tatalon talon from one table to another.

Kung hindi naman sila makakakilos dahil sa gilas ng pollwatchers ninyo, na kailangan po prepared kayo na maraming volunteer hardliners para pag napagod eh maraming papalit. Ipapaclose na po muna nila ang session for an "alleged" break, DUN PO kayo magbabantay mabuti, may konsehal po dito sa amin na alam niyang siya na ang kulelat at malayo na yung humahabol sa kanya, eh sukat pong nagboracay na to celebrate kahit wala pang official declaration, iniwan lang po abugado niya at ibang watchers. Ayun nagtawag ng "break", edi natural umuwi yung abogado para magpahinga, within 15 minutes biglang nag-resume without announcing, edi ayun, nangyari ang milagro dun sa next 5-10 minutes na kung saan wala pang tao dahil nasanay sa 30-60 minutes rest na kadalasang ginagawa. kaya po pag balik ng abugado eh nagulat siya dahil biglang lamang na kalaban nila, at sila ang nalaglag.

ANG MAGIC? DUN KA BABAWAS NG BOTO SA TOP 3 DAHIL HINDI NA MAGREREKLAMO MGA YUN DAHIL SA KANILANG SECURED PLACE KAHIT ALAM NILANG NABAWASAN BOTO NILA, AT SIYANG ITATAPAL SA NATATALONG KALABAN IF THE PRICE IS RIGHT!!!!!

MGA FIXCALS PO KASI ANG PRESIDING SA MGA GANYAN EH. GALING PO HANO.

Regarding computerization, sa tingin ko po sa labasan ng presinto magkakatalo, vote buying, natatakot po kasi mga botante dahil BAKA MAHULI SILA NG NAGBAYAD na iba binoto nila, ganun po sila ka naive. Saka sa tingin ko po BALLOT "REPORT" FORM SWITCHING ang isa pang pagkukunan kaya kailangan po mahigpit sa inventory ng mga important forms, HANDLING AT TRANSFER OF THE SAME until the last counting.

Massive info drive to assure the public na hindi malalaman ng mga candidato mga identity ng mga voters and their respective votes at value formation, medyo mahirap ang huli bec. of poverty. Lots and lots of VOLUNTEERS

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- dnd, 16:20:30 08/24/08 Sun

Regarding NATIONAL LEVEL, kapabayaan nalang po ng mga abugado nila yun kung madaya pa sila, mahigpit po dayaan sa national, bilihan ng abugado napo yun. pero for the national to buy the votes of the local citizens? sa tagal ko na po nagbabantay WALA PONG BILIHAN MULA SA NATIONAL, in short sa main at regional COMELEC na po dayaan dun. Pang Barangay at local lang po ang mga observations ko.

Kung sa National man galing ang perang pinapamudmod dito, hindi po National nakikinabang kung hindi ginagamit ng mga lokal candidates para sa sarili nila or itatago nalang nila sa bangko nila, kahit po sa supporters walang napapamudmod.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- milan, 17:25:41 08/24/08 Sun

Anak ng baka naman e. Sino ba bumaril kay Perez? Si Perez ba? Itatanong nyo pa kung bakit napapraning si Governor Umali? Buhay naman niya yung binabantayan niya. Buhay naman niya mawawala pag nagkataon. Maibabalik mo ba yun pag nawala na?

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- dnd, 17:37:32 08/24/08 Sun

Kabayang Milan, puso mo! Cool kalang at sasagutin ko tanung mo.

OO BINARIL NI PEREZ ANG SARILI NIYA..... AT ITO ANG MAGANDA.... SA LIKOD NIYA BINARIL ANG SARILI NIYA.....ETO PA.... ANG GINAMIT NIYA EH CALIBRE 45 AT GALIL RIFLE.... NAPANSIN KASI NIYA NA MAHIRAP UBUSIN ANG BALA NITO SA HABA NG RIPLE KAYA NUNG NANGAWIT EH BUMUNOT PA NG CALIBRE 45 PARA IPUTOK MULI SA LIKOD NIYA.... CARAMBA!

At sa kabila ng maraming tao sa pinangyarihan eh biglang nagka himala na tipong nagkaruon ng SOLAR ECLIPSE kaya bawat isa ay walang nasabi o nakita sa pangyayari. BIHIRA

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- kevin, 18:11:34 08/24/08 Sun

sorry milan,masyadong focus kulang kay ka dnd,hindi lang ako makapaniwala na ganito na pala ka garapal ang labanan ng ating mga minimahal na lider.so sa palagay ninyo ka dnd,ang bawat kandidato e alam na ang procedures na ito at walang santo sa kanila kesyo manalo o matalo ka.depende na lang sa bagsakan ng pera paris ng nasabi ninyo na kapag nagbreak sa munisipyo saka nangyayari ang milagro.hindi po bang masyado ng walang pagasa ang ating electoral system kapag ganito na lang ng ganito at ang ating mga ibinoto ay pawang fake na leader.i guess this is the way of life sa atin at sabi nga e when you are in rome do what the romans do.napakadetalye po ng inyong explanation at sana i hope in the future,drastic change in people s attitude will correct this problem,very realistic po ang mga nailahad ninyo at sa ating mga readers e sana po ay maintindihan ninyo ang tunay na pangyayari sa bawat eleksyon sa lokal level.ang huling tanong ko na lang po sainyo ka dnd e itong sistemang nabangit ninyo e bawat kandidatong magkalaban po e gumagamit po ng paraang nasabi ninyo?both sides po ba dahil kung hindi e bago pa lang mageleksyon ay tapos na po ang bilangan?maraming salamat po sa inyong mga nailahad sa amin,and may god bless you from our hearts.many thanks.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: �Nueva Ecija gov�s security an overkill� -- romy b., 20:15:23 08/24/08 Sun

ETO NAMAN EH OPINYON KO LANG TUNGKOL SA PAGKAKAMATAY NI PEREZ... UNANG-UNA, SINO BA ANG UNANG NAMATAYAN? SINO BA ANG NAGPAPATAY KAY DANDING JOSON NA MAKAKALABAN SANA NI PEREZ SA PAGKA-MAYOR NUNG 1992?

PANGALAWA, ANO NGA BA ANG GINAGAWA NI MAYOR PEREZ SA LA TORRE NUNG ARAW NA SIYA AY MAPATAY? SA PAGKAKATANDA KO SA MGA NABASA KO SA DYARYO, MAY POLICE OPERATION DUN PARA MAHULI ANG GUNMAN NA PUMATAY KAY VICE MAYOR DANDING NA NAGKATAON NAMANG PERSONAL BODYGUARD NI MAYOR PEREZ... NGAYON, ANG TANONG... BAKIT NAGPUNTA DUN SI MAYOR PEREZ AT PILIT NA PINAHIHINTO ANG OPERATION SAMANTALANG LEHITIMONG POLICE OPERATION ANG NABANGGIT? DAHIL KAYA PAGNAHULI ANG GUNMAN AY SIGURADONG SI MAYOR PEREZ ANG ITUTURONG MASTERMIND?

PANGATLO, KUNG SA INYO MANGYARI NA MAPATAYAN KAYO NG KAPATID, TULAD NG NANGYARI SA MGA JOSON, TAPOS YUNG MASTERMIND NA ALAM NAMAN NG LAHAT KUNG SINO AY SINUSUBUKAN PANG MANG-HARASS AT IPATIGIL ANG OPERATION NA MAKAKADAKIP SA MISMONG PUMATAY SA INYONG KAPATID PAGKATAPOS NG LIMANG TAONG PAGHIHINTAY SA KORTE? ANO ANG GAGAWIN NIYO? KAHIT PAPANO, BUMILIB PA NGA AKO SA JOSON AT NUNG NAPATAY ANG KANILANG KAPATID, PINILIT NILANG DUMAAN SA TAMANG PROSESO AT MAGHANAP NG HUSTISYA PARA SA KANILANG KAPATID. ANG MASAMA, PILIT SILANG LUMALAGAY SA TAMANG PROSESO, PERO PILIT NAMAN BINABALUKTOT NG KALABAN NILA SA PULITIKA NA NAGKATAON NA SIYA RING MASTERMIND SA PAGKAKAPATAY NG KANILANG KAPATID. KUNG SA AKIN MANGYARI ITO, ABA'Y HINDI NA SIGURO AKO MAKAKAPAGHINTAY NG LIMANG TAON LALO NA KUNG NAKIKITA KO ANG MASTERMIND NA PAGALA-GALA LANG AT PANGISI-NGISI NA NAGPAPAKASAYA SA LABAS... IKAW KABAYANG DND, ANO ANG GAGAWIN MO KUNG SAYO MANGYARI ITO? YUNG WALANG HALONG SHOWBIZ HA... HEHEHE!

SA AKING OPINYON, SA BAGAL UMUSAD NG HUSTISYA DITO SA ATIN... AT SA CORRUPT NG "JUSTICE SYSTEM" DITO SA ATIN... NAGIGING "NORM" NA SA ATING MGA PILIPINO ANG PAGDADALA NG HUSTISYA SA SARILI NATING MGA KAMAY... LALO NA KUNG ANG INVOLVE AY MAHAL NATIN SA BUHAY. MASAMA MAN SA LOOB NATIN TANGGAPIN, EH MADALAS MANGYARI ITO LALO NA SA MGA KABABAYAN NATING KAPOS-PALAD NA WALANG PANGBAYAD NG MGA HUWES AT FISKAL. HAAAY BUHAY....

PERO ANG PANGYAYARING YAN AY MASASABI NA NATING ISA SA MGA MADILIM NA KASAYSAYAN NG ATING PROBINSYA. KUNG HINDI AKO NAGKAKAMALI, ANG MGA JOSON AT PAMILYA NG YUMAONG MAYOR PEREZ AY MATAGAL NG NAGKASUNDO. MARAHIL SIGURO, KINALIMUTAN NA NILA ANG MGA PANGYAYARI AT PAREHO LANG NAMAN SILANG NAWALAN NG MAHAL SA BUHAY.

MASASABI KO DIN NAMAN NA PAGKAYARI NG LABANAN NG JOSON AT PEREZ, SA PANGKABUUAN AY NAGING TAHIMIK NA ANG ATING LALAWIGAN...

KAYA KUNG INA-ANTICIPATE NG ATING GOBERNADOR NA MANGYAYARI SA KANYA ANG NANGYARI KAY PEREZ, MALAYO NA SIGURO MANGYARI YON. UNANG-UNA, MAGKAIBA SILA NG SITWASYON NI PEREZ, MALALIM NA ANG NAGING AWAYAN NG JOSON AT PEREZ NUNG ARAW NA NAGBUNSOD NG PAGKAKAMATAY NG MAGKABILANG PANIG. PANGALAWA, ALAM DIN NAMAN SIGURO NG JOSON NA KUNG SI GOB. AY MAPAPATAY, SILA LANG ANG PAGBIBINTANGAN. PANGATLO, KUNG PAPATAYIN NILA SI GOB. SANA MATAGAL NA, CONG. PA LANG SIYA. PANG-HULI, BUKOD SA KASO NI PEREZ, HINDI NA MULING NASANGKOT ANG PANGALAN NG JOSON SA KAHIT ANONG PATAYAN SA PROBINSYA...

MASASABI KO NGANG MALAKI NA ANG PINAGBAGO NG IMAHE NG ATING LALAWIGAN KUNG KATAHIMIKAN ANG PAG-UUSAPAN. DATI, PAGNALAMAN NG MGA KAIBIGAN KONG TAGA-NE AKO, AGAD NILANG TANONG... DIBA MAGULO DUN? PERO SA MGA DUMAAN NA PANAHON AY NABAGO NGA PAUNTI-UNTI ITO...

BALIK TAYO SA ISYU NG THREAD NA ITO... KUNG MAPAPANSIN NIYO SA LAHAT NG OPINYON DITO, WALA NAMAN KUMOKONTRA SA PAGSASAMA NG SECURITY NG ATING GOBERNADOR. ANG PUNTO LANG NAMAN EH YUNG "OVERKILL" NA SINASABI. SIGURO KAHIT SI KABAYANG DND MAKAKAPAGPATUNAY NITO NA ANG ILAN SA MGA KASAMA NG ATING GOBERNADOR AY NAKA-FULL BATTLE GEAR. KUNG BAGA, SINUSUOT NG ATING SANDATAHAN PAGMAKIKIPAG-GIYERA. SA MGA ORDINARYONG MAMAMAYAN KASI NA TULAD KO, MASAMANG IMPRESYON ANG NABIBIGAY SAKIN NG GANITONG IMAHE. LALO NA SIGURO KUNG MAKIKITA NG TAGA-IBANG LUGAR ANG GANITONG SCENARIO, MASAMANG IMAHE NA NAMAN ANG MAIBIBIGAY NITO SA ATING LALAWIGAN. TANONG NA NAMAN NG LAHAT... MAY TENSYON NA NAMAN BA SA ATING LALAWIGAN? SABI MO NGA, "HE SHOULD WALK THE TALK"... KUNG ANO ISINISIGAW NIYA NUNG KAMPANYAHAN DAPAT IPAKITA NIYA SA GAWA DIBA?

MINSAN KO NGANG NAKASALUBONG SA SM CLARK ANG ATING VG NA SI EDWARD... ABA'Y NAPAKASIMPLENG TAO LANG PALA. WALA MAN LANG AKO NAKITA KAHIT ISANG SECURITY. ISA LANG ANG KASAMANG BODYGUARD, YUNG KUMANDER NIYA... HEHEHE!

SIGURO MASASABI NATING PATUNAY ITO NA WALANG TENSYON NA NAMUMUO SA KANILA NG GOBERNADOR. MARAHIL MAY MGA PAGKAKAIBA SILA SA PAGPAPALAKAD SA GOBYERNO PERO HINDI NILA ITO PINEPERSONAL... AT LEAST SA SIDE MAN LANG NI VG, MASASABI NATIN TO... DAHIL KUNG NAKAKARAMDAM SIYA NG TENSYON HINDI SIYA MAGIGING KAMPANTE NA LUMAKAD MAG-ISA... KAYA NGA BUMABALIK LANG ULIT SA TANONG NA, MAY TENSYON NGA BA? MAY BANTA BA? SAAN BA NANGGAGALING?

NGAYON KUNG MERON O WALA, BAKA PWEDENG GAWAN NG PARAAN NG ATING GOBERNADOR NA MAGING LOW PROFILE ANG KANYANG SECURITY... ETO LANG NAMAN ANG ISYU... SIGURO NGA KAHIT SI KABAYANG DND, PWEDENG PAGSABIHAN NALANG ANG CHIEF SECURITY NG ATING GOBERNADOR.

SIGURO, BILANG AMA NG ATING LALAWIGAN, RESPONSIBILIDAD NI GOB. NA ISIPIN ANG MAGIGING IMAHE NG ATING LALAWIGAN SA BAWAT KILOS AT GALAW NIYA. NASA KANYA KASI ANG MATA NG LAHAT LALO NA NG MEDIA. HUWAG SANA NIYANG SAYANGIN ANG IBINIGAY SA KANYANG PAGKAKATAON NG MGA NOVO ECIJANO.

KABAYANG DND, MAGANDA ANG SALAYSAY MO TUNGKOL SA PANDARAYA SA ELEKSYON... PARANG EXPERT KA HA?! HAHA! ALAM MO BA ANG HINDI KO MAINTIDIHANG NANGYARI NUNG NAKARAANG ELEKSYON SA CABANATUAN... YUNG PANG-SAMPU NA KONSEHAL... YUNG ARIEL SEVERINO... PANO NANALO YUN EH HINDI KO MAN LANG NGA KILALA YON?! KILALA MO BA YUN? NGAYON NAINTINDIHAN KO NA KUNG PANO LUMUSOT... HEHE!

MAY ILANG ISYU PA AKONG NARIRINIG DATI NA MISMONG SA OPISINA DAW NI MAYOR GINAGAWA ANG HOCUS POKUS... NAKABUKAS DAW ANG MGA URNA SA LOOB NG OPISINA... NARINIG MO NA BA TO? ANO BA ANG PWEDE NILANG GAWIN SA URNA O SA CANVASSING NA NAGKAKATALO?

KAPAG BA NA-COMPUTERIZE HINDI KAYA MAS MADALING MAKAKAPANDAYA... KASI IMBIS NA NAPAKADAMI MONG AAREGLUHIN, MULA SA TITSER, FIXCALIZER ATPB SIGURADONG LIMITADO NA LANG... TAPOS PAGNAKAPANG-DAYA KANA, MAGHAHABOL ANG KALABAN, TSAKA PA LANG MABUBUKSAN ANG URNA... NAKAKATATLONG TERM NA YUNG KALABAN NIYA HINDI PA TAPOS ANG KASO... HAHAHA!

MAGANDA MAGAWAN NG THREAD YAN AH...

SA LAHAT NG NAGBABASA DITO, MAGANDANG ARAW SA LAHAT!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- dnd (ke saya-saya ko.....), 23:48:54 08/24/08 Sun

Hay salamat may mga nagsulat na dito. Cge po sasagutin ko isa isa, wala na po mapipikon ha? Sariling argumento ko naman po ito eh.

Okay po kabayang Milan, ALAM NA ALAM na po nila yun kaso nga po ay pag sinabi ng Presiding na ganuon lang ang watcher eh wala napo tayo magagawa kundi sumunod at tama po si Ka Romy, kung aapila ka eh matatapos na ang kaso kung malapit na susunod na election. Kaya ang maganda po sana kung PURO LANDSLIDES ang pagkapanalo dahil mahihirapan po silang maghabol ng solusyon, at kung mapapabilis ang bilangan gaya ng computerization.

Kaya po realistic ang detalye dito eh dahil sa dami ng panahong iniukol ko sa pagbabantay tuwing election, palibhasa po kasi, sabi ko nga sa ibang thread, na ako po ay minsang lumaban na din sa rehimeng Marcos lalo napo nung namatay si Ninoy nuon, nawala napo takot naming mamatay nuon kaya ang respeto namin sa mga pulis at militar nuon eh napakababa, kaya naman po nung snap election ni Cory eh sa magugulong prisinto po ako na-assign nuon kung saan ang talamak na dayaan. Mula nuon ay sa mga magugulong lugar napo ako nalalagay parati kung saan nakikipag murahan kami sa mga Kapitan del Barrio at nagtataboy kami sa mga namimili ng boto kung kanino man po yun eh wala na kaming pakialam, yun nga lang dahil sa kokonti lang po ang mga volunteer nuon eh pagdating ng Gabi eh super pagod po kami dahil walang relyebo.

Pero yung bilihan po ay nangyayari sa gabi bago mag eleksyon, dahil kung mamimili po sila habang kampanyahan eh sigurado pong nagkaka-amnesia mga botante pagdating ng eleksyon, kung sino po HULING nagbigay eh yun napo PERO napansin ko po nito na MEDYO nag-isip mga botante dito dahil sa kabila ng pagbaha ng pera eh kahit maliit ang napamudmod nung nanalo eh nakalandslide naman po sila. Bakit ko alam? Kasi po may nahuling tumanggap ng pera, eh nadaan po sa bahay ko at humingi ng tulong dahil hinaharass daw siya ng mga tao nung matapang, eh katanga, binawi sa kanya yung pera, so ano kako ebidensya nila, hulidap kako yun, umamin sya eh.

Kay kabayang Romy naman po ako sasagot, MALI po ang alam ninyo na unang namatayan ang mga Joson. Para po malaman ninyo eh kailangang pag-aralan ninyo ang mga history ng mga concerned. Bakit ko po alam na naman? Una-schoolmate ko po mga magkakapatid na Quebuyen, Pangalawa-since ako po eh tambay at maraming kabarkada sa gawi ng matadero, napapasyalan na po namin ang Aduas at bata palang po ako eh gumawa na ng pangalan ang panganay ni Col. Quebuyen sa kagaguhan, madalas po nagwawala sa aduas norte yun kaya po ipinasok sa army yun para masawata ng tatay, ganun din yung sumunod na si andres, eh gago rin po ako nun pero hindi niya ako katalo kahit pikon na pikon na siya sa akin dahil kinakantahan ko parati ng Andres Boni...Atapang atao... kasaya po kasama nun kaso naimpluwensyahan ng kuya sa kagaguhan dahil nga po kung may bibira sa kanya eh tyak yung kuya ang kalaban at mga bayaw na sundalo, eh Martial Law po nun, malalakas mga sundalo kay Macoy nun kaya sila hari dito.

Eh ang masama po kasi eh may gumalaw sa tatay nila, di po ba pinatay sa may tulay, kaya nuon ko pa po sinabi na may mamamatay dahil po ang mga Quebuyen eh Klanist, buong angkan po ang kalaban dun, PERO sabi ko nga nuon na kung ma-neutralize yung kuya eh mabubuwag yun dahil dun lang sila kumukuha ng tapang, kaso po hindi na-neutralize eh and bloody history na ang mga sumunod....hanggang mahuli ang kuya sa Manila at sinalvage nung nakahuli habang naka posas sa kotse ang matapang, kaya po yung nakapatay eh GAGO na rin po ngayon at naghahasik ng katarantaduhan ngayon dahil ipinagmamalaki na walang makakagalaw sa kanya dahil sa malakas siya sa mga matatapang, ang huling kagaguhan nun eh nung binaril niya ang kotse ng isang magaling at super bait na duktor, anak ng isang matanda at mayamang pamilya dito sa Cabanatuan.

At sa puntong pagpunta sa La Torre, may provocation nga po na nangyari PERO ito po ba ay EXCUSE sa batas para mapatay at mabaril sa LIKOD ang isang tao? Kahit papaano po ay Krimen pa rin ang pagpatay, sana po binugbog nalang nila o hinamon ng suntukan, sa tanda ni Perez e di na makakatama yun.

At pareho po kaming mahilig ni ka romy sa madudugo at violenteng pelikula gaya ng Baby Ama at Asiong Salonga na kung saan pag namatayan tayo ng mahal sa buhay ay gagantihan natin ang kalaban-bibili tayo ng mga magagarang baril na hindi nauubusan ng bala, uubusin ko lahat ng bodyguard nila sa tulong ng aking anting anting....

Ka romy, uso po nung araw yung ganun lalo napo sa mga Pre Martial Law babies wherein ang mga BAYAG ng mga lalaki ay nasa dulo ng baril nila na mayayabang na nakasuksok sa kanilang beywang, pero hindi naman po sila ang taga patay kundi taga utos lang kung sino papatayin. Ngayon pong Milenyo, hindi na po uso yun. Ipapasa Diyos ko nalang po yun, PERO nung araw nga po ganun din gagawin ko, uubusin ko pamilya kung sino man gagalaw sa pamilya ko. Wala pong showbiz yun ha? Ipagdarasal ko po siya para Diyos na magparusa sa kanya. Kung ano nga po hilig ko sa baril nuong araw eh biglang nabago kahit anong baril eh wala ako, kokontakain ko nalang si Ric Peralta o mga Maligno sa Bundok, hahahahahaha

At tungkol naman po sa panahon ngayon, kayo narin po nagsabi na naging madilim na kasaysayan natin yung mga panahon na yun ng patayan, at ang mga actors na involve eh nandito parin po at kasakasama natin. Tama po kayo na malalim ang hidwaan nila pero may nalimutan po kayong isang factor o aspeto ng mga nasasangkot. Kung alin man dito ay kayo napo maghanap, - sila ang mapagbibintangan kung mapapatay.... eh kahit po nung panahon ni Perez eh talagang wala naman ng ibang pagbibintangan, hanggang sa ngayon po eh wala pa rin ibang pagbibintangan DAHIL may makikinabang kung maisasakatuparan ito. - hindi po nila akalain na ang batang Umali ay susuwagin ang pagiging Gobernador, mahihina po kasi ulo ng mga advisers dun eh, makasipsip lang kay Gov Tommy. Tipong ang nirereport eh kung ano gusto marinig ni Tomas. Kung si Violago nga naman na may pera at magandang record eh hindi lumaban eh hamak dami pera nun kesa kay Umali, so minaliit nila si Umali, at nilabanan dahil sa isang factor sa pagiging tao ng tao, ang greediness. Eka nga ng bunsong kapatid " BAKIT MO UUNAHING PATAKBUHIN MGA ANAK MO EH BUHAY PA NAMAN TAYONG MAGKAKAPATID, DAPAT TAYO MUNA BAGO SILA" eh may ibang AGENDA si kuyang eh, saka di ba sabi ng tatang susundin ang pinaka matanda so tumahimik ka bunso kahit masama loob mo. eh kaso pilyo si Bunso, pasaway ng konti kaya ayun sakit ng ulo ni kuyang paminsan minsan.

Regarding sa after Perez eh wala na kinasangkutan? naku po ka romy, sana nga eh tama ka pero marami po tsismoso at tsismosa dito sa atin, kagaya ko po, may mga nadidinig din po ako kaso takot lang magsalita, mga apelyido kagaya ng Pangilinan, Dysangco, Pascual, Berin, Martinez, at nakalimutan ko napo yung iba. Yun nga po ang nakakahiya eh, bakit ang mga taga ibang lugar ALAM KUNG GAANO KAGULO DITO SA ATIN pero tayo hindi natin alam na ganun nalang pagtira natin sa Umali sa dami ng Bodyguard nito, nakita na po ba ninyo mga anak ng Gov Oyie? mga bata pa po mga yun, puro babae pa, kung graduate lang po sana mga yun eh pwede ka na magpakamatay kaso po may hindi pa nag-aaral. Naging OA or Over Reacting lang naman po ang puno natin dahil sa kalagayan niya. Ngayon kung sasabihin ninyo na EH BAKIT PA SIYA TUMAKBO KUNG GANUN LANG DIN PALA, eh maniniwala napo akong wala ng pag-asa ang lalawigan nating guminhawa dahil wala palang karapatan ang mga mamamayan dito na maglingkod ng malinis, kaya mag-abroad nalang po tayong lahat, sa abroad katitino natin at mga duwag tayo. Kaso pati pag-aabroad ibinabatikos sa usapang politika, "damn if you do, and damn if you dont".

Kung wala pong bahid ng Violence dito sa atin, sa tingin nyo po kaya dapat tayong mag security ng isang batalyon? paki sagot po pls.

At kaya po hindi nyo nakita si Vg na may kasamang security eh dahil hindi nyo po nilawakan ang observation nyo. pag tiningnan nyo po ang perimeter nung tao eh tyak akong mayroon. Dahil 2 vans po tuwing lalakad si VG at naka gitna yung de Otso niyang sasakyan. Madalas ko po kasi makasalubong yung mga yun eh. At saka di po ba sinabi kong PASALAMAT SILA DAHIL HINDI LUMAKING VIOLENTE SI UMALI? so ano po ikakatakot niya eh talagang hindi violente yung tao, di ba claim ko pang mas violente pa ako sa kanya. kaya po kahit papaano eh maswerte siya at yun ang nakalaban niya, kahit po si Violago hindi violente, mas violente pa po mga tao dyan sa gawi ng Jaen, San Isidro, Bongabon, pero si Dizon po ng Guimba mabait yun ha?

Ang hindi pagpersonal sa pamamalakad ng kapitolyo at isang malaking katanungan dahil kung ang IINTINDIHIN NG BAWAT ISA AY ANG KAPAKANAN NG MAHIHIRAP EH ano ang dahilan ng pagbawas ng pondo nito eh si VG na rin ang nagmasikat sa ABSCBN na maraming pera ang lalawigan. Di ba malaking tulong ito para sa mga dahop ang palad na pwede naman nilang pagtulungan ni Gov. Oyie, bakit tipong may allergy ang bawat isa sa isat isa? eh tapos naman na po ang election, kahit kanino nyo po sabihin ang mga nangyari at itanong ang bawat reaksyon eh kawalan po ni VG ang mga ginawa nila dahil sa kabila ng pagbawas nila sa Pondo eh may nagagawa pa rin ng mag-asawa ang tumulong sa kalalawigan nila, yun nga lang po in their Limited Ways. PERO tyak po akong mas irerespeto siya ng karamihan kung kalilimutan muna niya ang partido nilang mag-ama at uunahin nila pareho ang tao. REMEMBER ANG MGA TAO EH MAHILIG SA TELENOVELA, KAKAMPI NILA ANG MGA INAAPI.

Saan po nanggaling ang banta? Kabilis nyo naman po kasing magbasa eh, DIBA sabi ko nga po na kayo nalang magtanong sa gawi ng Barrera, Bonifacio, Mabini Extension, Vega-Bongabon, Sta. Rosa, para po malaman na ninyo sa ibang tao at hindi sa biased na tulad ko, kung sino ang may hawak ng mikropono at nagbabanta, "hindi lang siya tatakbo kundi hihiga pa sya" "kumpare ko ang namatay mong tatay, baka gusto mong magkita na kayo ng tatay mo para pagalitan ka dahil kinalaban moko", atbp. Objective Investigation po kailangan dito at hindi Subjective, para mas credible ang information.

Hindi ko po masasabihan ang Head nila dahil hindi po kami close, sabi ko nga po nagiging DISCREET lang po ako sa mga iboboto ko at kung mapapabilib nila ako eh pwede na rin po akong tumayong volunteer kahit unofficial, at my own expense.

Dun naman po sa Severino, mabait naman po ang taong yun kaso maraming nagagalit dahil may ugali po kasi yun na pag may nakitang MALI sa iyong gawain eh pupunahin ka niya kahit hindi ka niya hawak or hindi man lamang po dumadaan sa Department Head ng pinagalitan, in short pakialamerong nasa lugar na wala sa lugar, kagulo po yata.

Pero sa totoo lang po, siya ang pinaka mahirap sa mga tumakbo dahil anak po siya ng isang Tricycle Driver ng San Josef Norte o Sur po yata, maliit lang pong eskinita lugar nila, hindi po kasya kotse PERO nagsikap lang po sa pag-aaral kaya nakatapos bilang SCHOLAR at may dalawang degrees po yata sa kolehiyo, kahit po ang amain niya na Dean sa Wesleyan ay kilalang isang mabait at matinong dekano at pamilyadong tao. Lahat po ng poster niya eh pawang bigay ng mga ahente at tindera ng ARIEL LAUNDRY SOAP na pinatungan lang po niya ng picture niya, pati po sabon na pinapamudmod niya eh bigay din po, kung tatakbo po ulit siya eh iboboto ko parin po siya kesa sa mga kasama niyang masasama po mga ugali, at traditional politicians talaga. MAS GUSTO KO NAPO SA ISANG MAYABANG PERO MABAIT NA SEVERINO KESA SA MGA IBANG KONSEHALES NA AKALA MO MABAIT PERO MASASAMA MGA UGALI.

Ngayon kung may nandaya po nun, dahil hindi po kasi sila nagbantay mabuti, dapat pati meyor binantayan nila, dahil yun ang susi dun. At tama ka na naman po ka Romy. may koneksyon ang Office na yun, kung papaano eh hindi ko na alam, kaya PAGBABANTAY LAMANG PO ANG KASAGUTAN NG ISANG MALINIS NA HALALAN. Salamat ngarud.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- 3rd generation kid, 02:21:15 11/09/09 Mon

much to your so called knowledge of the history of blood bath every election in nueva ecijawith all due respect sir romy... you might be well too opinionated with the joson perez issue as well as the joson quibuyen issue... yes it all happened but with factual analysis of the incident i doubt you know that... the truth of the matter is all of the issues that have arisen with those incidents are not totally true... some of which are fabricated issues to gain sympathy and attention. none of you knows the truth and none of you knows what happened... it it wise to think of what to write before you publish them because these families and people are starting their own lives away from the traumatic bloodbath of the election bargain... these people are trying their hard to redirect their lives away from violence... dont be judgmental... you wouldnt want to be in their shoes anyway...

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: �Nueva Ecija gov�s security an overkill� -- romy b., 03:21:33 08/25/08 Mon

KABAYANG DND, SUSUBUKAN KONG SAGUTIN ANG ILAN SA MGA ISYUNG NABANGGIT MO DITO BASE SA AKING PERSONAL NA KAALAMAN... TULAD MO, MADAMI DIN AKO NABABALITAAN AT NARIRINIG NA TSISMIS PERO HANGGAT WALA AKONG PERSONAL NA EXPERIENCE O KAALAMAN TUNGKOL SA ISTORYA AY HINDI KO PO ITO MAPAPANIWALAAN.

NUNG GABI BAGO ANG ELEKSYON, AKO AY NAGMASID-MASID DIN SA ATING LUNGSOD NG CABANATUAN... NAKAKAHIYA MANG SABIHIN PERO KARAMIHAN SA TAO SA MGA BRGY NG IMELDA, BARRERA, MS GARCIA AT IBA PANG BARANGAY AY NAKATANGHOD SA LABAS NG KANILANG MGA BAHAY AT NAGHIHINTAY NG MAMIMILI NG BOTO. HINDI MO DIN SIGURO SILA MASISISI SA HIRAP NG BUHAY PERO ISA LANG ITONG PATUNAY KUNG GANO NA KABULOK ANG SISTEMA NG ELEKSYON SA ATIN LALO NA SA LUNGSOD NG CABANATUAN.

SA KASO NAMAN NG MGA JOSON AT PEREZ, PAREHO LANG NAMAN SIGURO TAYONG WALA DUN SA LUGAR NG PINANGYARIHAN. PERO BASE NA DIN SA SINABI MO, MAY PROVOCATION. NGAYON DAPAT SIGURO NATING TANDAAN NA ANG MGA BODYGUARD NI MAYOR PEREZ AY MAY DALA DING ARMAS... KUNG MAY NAGANAP NA PROVOCATION, KAHIT ANO PWEDENG MANGYARI SAPAGKAT MAGKABILANG PANIG AY ARMADO. ANG NANGYARI KAY MAYOR PEREZ AY PWEDE DING MANGYARI DUN SA MAGKAPATID NA JOSON. NAGKATAON LANG SIGURO NA MAS MAAGAP ANG MGA JOSON PERO SIGURADO AKO NA KUNG MABIBIGYAN NG PAGKAKATAON ANG NASIRANG PEREZ, BAKA PINAGSABAY DIN NIYA ANG MAGKAPATID NA JOSON SA LA TORRE.

DUN SA ISYU NANG KUNG SINO ANG NAUNA... KUNG ANG PAGBABASEHAN NATIN AY ANG PAGKAMATAY NI QUIBUYEN, MARAHIL SASABIHIN MO NA JOSON ANG NANGUNA... PANO NAMAN ANG MGA NAMATAY NA TAUHAN NG MGA JOSON BAGO PA MAMATAY SI QUIBUYEN... TULAD NUNG PULIS NA PINATAY SA PLAZA LUCERO, KAPITBAHAY NAMIN NA PC NA PINATAY PATI ANG ASAWANG BUNTIS... NA LAHAT AY KAGAGAWAN NG MGA TAUHAN NI PEREZ.

ANG PUNTO KO LANG DITO, KUNG KA-PAMILYA AT KA-DUGO ANG PAGUUSAPAN, UNANG NAWALAN ANG MGA JOSON. KUNG IHAHAMBING NATIN SA ISANG GYERA, ANG MGA TAUHAN AY ANG MGA TINATAWAG NA "FRONTLINERS"... ANG KA-PAMILYA ANG MGA OPISYALES... NABANGGIT KO LANG DIN SI DANDING DAHIL MARAMI NA ANG NAKALIMOT SA KANYA. SIGURO KUNG HINDI SIYA NAMATAY NUNG ARAW, NAGING MAGALING NA MAYOR SIYA DITO SA ATIN. MINSAN KONG NAKASALAMUHA SI DANDING DATI SA PALENGKE NATIN SA BAYAN... NAGULAT AKO NA SA TABING BANGKETA, KUMAKAIN SILA NG KAIBIGAN NIYA NG GOTO. VICE MAYOR NA SIYA NUN... KAHIT HINDI AKO KILALA, BINATI AT NGINITIAN AKO. BUKOD DITO, TALAGANG MAHAL NA MAHAL SIYA NG MGA TINDERA SA PALENGKE.

NGAYON, YUNG SA PAGLABAN NI GOB. UMALI SA JOSON, WALA NAMAN TALAGA MAKAKAPIGIL DUN. BUTI NGA AT LUMABAN NG PAREHAS ANG MGA JOSON. KUNG SI BOYET ANG SINASABI MONG NAGBABANTA KAY GOB. UMALI... MAGING PRAKTIKAL KA NAMAN KABAYAN, ABAY KUNG MAY PLANO KA BANG PUMATAY NG TAO, ISISIGAW MO BA SA MGA BARANGAY AT BAYAN NA PUPUNTAHAN MO? HEHEHE! MALABO NAMAN YATA YON... TSAKA KUNG TITIGNAN MO NAMAN YUNG PARAAN NG PAGSABI, MEDYO PABIRO, DB?

TULAD NG NASABI KO NA, MAKA-JOSON ANG PAMILYA KO PERO AKO MISMO AY KAY GOB. OYIE BUMOTO. KASI KAHIT PAPANO, GUSTO KONG MASUBUKAN ANG NUEVA ECIJA NA IBA NAMAN ANG NAMUMUNO AT BUKOD DITO, PAGNARINIG MONG MAGSALITA SI GOB. OYIE, TALAGANG MAIINGGANYO KA. PERO IBINOTO KO SI EDWARD SA VG PARA KAHIT PAPANO MAY INSURANCE. MERON SIGURADONG MAGBABANTAY SA NAKA-UPO.

SA PROBLEMA NAMAN NG MAGKAKAPATID NA JOSON... DAPAT MAGSILBING LEKSYON SA KANILA ANG NANGYARI NUNG NAKARAANG ELEKSYON. KUNG AKO ANG TATANUNGIN, WALA AKONG PAKIALAM KUNG SINO ANG MAS MATANDA AT KUNG SINO ANG ORIGINAL AT HINDI. ANG SA AKIN LANG EH KUNG SINO BA ANG MAY KAKAYAHAN SA KANILA NA ISAGAWA ANG MGA TUNGKULIN NG TINATAKBUHAN NILANG MGA POSISYON.

YUNG SINASABI NIYO PONG HINDI VIOLENTE ANG ATING GOBERNADOR... PWEDE NGA PO SIGURONG TOTOO YON PERO KUNG ANG NAKAPAIKOT NAMAN SA KANYA AY PURO VIOLENTE, ABA'Y KASAMA NA SIYA DUN. MINSAN NA DIN PO AKONG NAKAKAUSAP NG ISANG ABUGADO NA TAGA-SAN BEDA... SINASABI PO NIYA NA MORTAL NA KAAWAY NG FRAT NILA ANG FRAT NG ATING GOBERNADOR... AT SINABI DIN NIYA NA MISMO ANG GOBERNADOR AY KASAMA SA MGA RUMBLE NOONG ARAW... IKINAGULAT KO NGA PO ITO PERO NAPAGISIP LANG DIN AKO NA BAKA MAY KATOTOHANAN PO ITO... WALA SA ITSURA NG ATING GOBERNADOR ANG NAKIKIPAG-AWAY PERO KUNG TOTOO TO, MAY NAKATAGONG POTENSYAL PALA ANG ATING GOBERNADOR NA MAGING VIOLENTE... TOTOO BA ITO KABAYANG DND, MAY FRAT BA SA SAN BEDA ANG ATING GOBERNADOR?

ALAM KO MAGALING PO KAYO SUMAGAP NG TSISMIS KAYA MARAHIL AY NABALITAAN NIYO NA ANG MGA KAPITAN AT EX- KAPITAN NA KA-ALYADO NG MGA JOSON NA ISA-ISANG NAMAMATAY. KASAMA PO DITO ANG KILALANG TAGA-USIG NG KASALUKUYANG GOBERNADOR NA SI EX-KAPITAN MARTINEZ NG BANGAD. TALIWAS SA MGA SINASABI NG KANILANG MGA PAMILYA, AKO PO AY UMAASA PA DIN NA SANA AY WALANG KINALAMAN ANG ATING GOBERNADOR SA MGA PANGYAYARING ITO. DAHIL KUNG MERON, HINDI MALAYONG GUMULO NA NAMAN SA ATING LALAWIGAN.... HAAAAAY BUHAAAAAY....

TUNGKOL KAY VG NAMAN... BAKA NAMAN HINDI SIYA ANG NAKAKASALUBONG MO KABAYAN? MINSAN NAGPUNTA SI VG SA BAHAY NG KANYANG KAIBIGAN DITO SA AMING BARANGAY ISANG KOTSENG ITIM LANG ANG SAKAY NIYA. ISANG DRIVER AT ISANG PULIS...

KUNG SI SEVERINO PO AY MAGALING NA TAO, MABUTI NAMAN PO AT NAKAPASOK SIYA... BAGAMAT MAY KWESTIYON NG DAYAAN SA PAGKAKAPANALO NIYA OK NA DIN KUNG MATINO NAMAN PALA SIYA.

KABAYANG DND, UULITIN KO LANG PO... LAHAT PO YAN PATI ANG AKING MGA OPINYON AY BASE LANG SA NALALAMAN KO AT PERSONAL KONG EXPERIENCE.... MALAYA PO KAYONG MAGBIGAY NG KOMENTO KUNG MAY HINDI KAYO SINASANG-AYUNAN.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- dnd, 06:45:10 08/25/08 Mon

Kabayang Romy, kaya ko lang po nabanggit ang mga Quebuyen, specifically si Alex Q. eh para po malaman ninyo history nun na nataon lang po kasi na inaanak ni Perez ang tatay nito, pero kahit po walang kaalyado yun, eh ganun din po gagawin nun kung sasalingin ninyo pamilya niya.

Tanggap ko naman po ang kasalanan ni Perez dahil sa kanya po nanggaling ang provocation para magalit ang dalawa, base po ito sa record ng korte at medico legal report, pati po ang sagutan ng magkapatid sa loob ng kulungan, na hearsay lang kung tutuusin. Tama rin po ang analysis ninyo na pwedeng si Perez ang mauna, pero ayon po sa report eh tumalikod napo si Perez para umalis ang kaso ay may binitawan siyang salita na sa ordinaryong scenario eh NAKAKALALAKI kaya po nagalit ang magkapatid. Pero sabi nga po ng batas na bagamat ang provocation ay may puwang sa batas eh HINDI pa rin ito excuse para kumitil ka ng buhay. Kung gumamit lang po ng isip at hindi emotion ang isang tao, sana po ay walang ganung scenario. Anyway po isara na rin po natin ito, ito lang po kasi ang naisip kong scenario kung bakit maraming bodyguard si Gov. Oyie.

Totoo rin po ang nasabi ninyo, pinaka cowboy po si Danding sa mga magkakapatid, kahit po ako eh nanghinayang din, kaso po talagang ganun po ankan ni Alex Q., nakasilip po siguro ng butas at lumakas pa loob dahil may backer na Perez. Parang si Ric Peralta lang din po yun, pag nawala yung boss at financier eh tatahimik na rin yun.

Si Martinez po kasi eh maraming kaaway sa gawi niya kaya hindi napo ako nagtaka nung mapatay siya, atapang atao rin po kasi yun kagaya ng mga pascual ng Camp Tinio. Kaya nga po nagulat ako dahil baka nga po sa kampo dito yung mga gumanti, na sabi nyo nga po ay malamang na violente, kaya nagulat po ako nung sa sariling kampo ang lumabas na issue, hearsay po ulit ito ha? Anyway, hindi na po ako nagulat dun, nataon lang po kasi ng naging partisan si Kap.

Tungkol po sa Frat ng mga Law Students, ordinaryo nalang po sa Maynila yun, kasi po pag hindi kayo sumali sa frat eh outcasted kayo, kaya kahit ano po mangyari eh napipilitan kayong sumali. Sa lahat naman po ng balita, puro rambol lang na hindi naman ganun kagrabe, ang self defense po kaya ay consider ninyong violence eh natural napo sa pagkatao ng sinumang human beings yun ayon sa libro ng batas. Ang masama kung ikaw mismo ang mangunguna sa mga ganitong rambol. Pero sa buhay ko po sa San Beda na 6 na taon eh wala naman po nagiging rambol dun, kadalasan ng rambol po ay nasa UE Gastambide area at mga muslim sa lugar din na yun.

At kung kayo man po ay nag-aaral sa Maynila, dapat lang po kayong maging handa sa mga ganung bagay kahit na hindi kayo violente, dahil ang mga tao po run ay alam na ninyo ang mga ugali, ako nga po minsan ay nagsusulat lang sa lamesa ngunit may kaklase akong maingay at madalas madunggol ang mesa, binati ko lang at hindi ako makasulat, aba eh nalaman ko na lamang na hinihintay ako sa pag-uwi at may dalang beinte nueve knife para saksakin ako, nalaman ko na nakainum pala kaya napikon sa akin, eh akala po yata niya hindi ko dala bayag ko, although napaka naive ko po talaga nun dahil walang malisya sa pagbati ko sa kanya. Elementary palang po ako eh karambulan na namin mga PC boys sa Freedom Park, pero mainam na rin at walang nangyari kundi po ay nagaya ako sa mga kaibigan ko na nakapatay ng isang pulis TWO WEEKS after akong mapunta ng Manila for my high school eh kababata po namin nung mga panahon na yun, kagagraduate lang namin ng elementary, courtesy ni Asiong Salonga, Baby Ama, Ben Tumbling at Boy Negro. showbiz po hano.

At yun din naman po ang isa sa mga naipila kay Taas nuon, isama nyo pa po yung blatant killing sa Check Point ng Sto. Domingo o San Pascual po yata yun na nakilala ang mga trigger men pero hindi hinuli, dami po kasing sumbong kaya nagkaruon ng animosity. Bagamat gumitna nga pong totoo kaso hindi naman po nasawata ang mga loose firearms na hawak nung isa bilang UNAUTHORIZED to have such cache of firearms. Ganun po yata yun eh, yata lang po ha?

No Comment nalang po muna ako kay severino tutal naikwento ko na siya. ito nalang po ang tip ko para mabawasan ang vote buying, naging epektibo po sa aming barangay ito at madaming nahuli kaya ang kapitan naming super tagal sa pwesto ay biglang natalo.

SA PRE-ELECTION NIGHT PO, EFFECTIVE KUNG MAY MGA VOLUNTEER MARSHALS NA MAG-IIKOT SA BAWAT BARANGAY AT HUHULIHIN ANG MGA TAONG NAGLILIPANA SA DIS ORAS NG GABI, KAHIT NAPO YUNG MGA NASA LABAS PA AT NAGHIHINTAY NG MGA BAYAD, MALAKING BAGAY PO ITO PARA MAIWASAN ANG VOTE BUYING.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: �Nueva Ecija gov�s security an overkill� -- romy b., 15:15:26 08/25/08 Mon

MAGANDA SIR ANG SUWESTIYON NIYO NA YAN... ANG PROBLEMA NAMAN PO KASI SA NGAYON, ABA'Y WALA NG IBIG MAGVOLUNTEER NG WALANG KAPALIT. ABA'Y SA BARANGAY PO NAMIN, ANG MGA KABATAAN PARA MAPAKILOS MO, BIGYAN MO MUNA NG BILOG O LAPAD... HEHE!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- dnd, 01:08:40 08/26/08 Tue

KAYA NGA PO SILA ANG UMAANI NG KAHIRAPAN SA BUHAY EH, DAPAT PO MAISIP NILA NA KAYA KAMI NAGBO-VOLUNTEER EH PARA MAPATINO NAMIN ANG PALAKAD NG MGA NAMUMUNO NG SA GAYON AY GUMANDA ANG PAMUMUNO AT ATING LUNGSOD PARA SILA AY MAAHON SA KAHIRAPAN.

Dahil kung maganda ang pamumuno, yayaman ang kaban ng bayan, pag maganda ang ipon sa kaban, pwede na ang libreng Kolehiyo, libreng Hospitalisasyon-ung libre talaga lahat, magandang lansangan, madaming trabaho, etc.

Pag nakatapos ng kolehiyo ang mga anak ng mahihirap, hindi man sila dito makapagtrabaho dahil sa pamumulitika ng PANGULO, eh pwede naman silang mag abroad na hindi dapat ikahiya dahil kahit mga Chinese at Indian eh naglipana sa ibat ibang parte ng mundo para guminhawa sa pamumuhay, mga politiko at leftist lang maaarte dito sa atin pagdating sa OFW.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- dnd, 01:11:40 08/26/08 Tue

TULUNG TULONG PO TAYONG IPAMALITA YUN AT PAGANDAHIN ANG TAKBO NG POLITIKA DITO SA ATIN

MALAY NINYO MAY TUMAKBONG MAS MAGALING PA KAY UMALI SA SUSUNOD

KAHIT PO SI UMALI AY TANGGAP NA TATAPANG NA ANG MGA TAO PARA MAKILAHOK SA POLITIKA AT MARAMI NA SIYANG MAKAKALABAN SA DARATING NA HALALAN, PILIIN LANG PO NATIN ANG DAPAT AT TAPAT.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: �Nueva Ecija gov�s security an overkill� -- jack, 03:53:15 08/26/08 Tue

naku naman! pinuri na naman ang kanyang amo. bwahaha! sinasabi mo baka may tumakbong mas magaling pa kay umali?!?!?!?!?!?!?!?! sa dami ng anumalya ng amo mo kahit sino ang lumaban diyan siguradong mas magaling sa mata ng tao hano! kahit anong pakiusap sa amin ng magpinsang vergara sa susunod na eleksyon hindi na namin siya iboboto!

buti pa ang mga tao, tanggap niyang tatapang, siya kaya kailan tatapang?!?!?!?!?! basta magpapamigay ulit siya ng pera siguradong madami ulit tatapang at makikilahok sa kanya! 500 sa kanya, 1000 sa asawa niya, 500 sa kapatid niya, 2000 kada tao. ayos na naman ang buto-buto! bwahaha!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: �Nueva Ecija gov�s security an overkill� -- jack, 04:46:36 08/26/08 Tue

isa pa pala, naisip ko lang bakit si cong. cherry hindi naman madami ang kasama? hindi din yata bulletproof ang sasakyan? napaka-gentleman naman ni gob! bwahaha! matapang pa yata asawa niya sa kanya!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- dnd, 05:33:47 08/26/08 Tue

O EDI LUMABAN KA SA 2010, MANANALO KA PALA EH, YUN ANG SABI MO DIBA, KAHIT SINO MAKALABAN.

GUSTO MO JACK PUSTAHAN TAYO KAHIT HINDI MO IBOTO SI UMALI, ISAMA MO PA KAMAG-ANAK MO EH MANANALO ULIT YUN.

O DI BA SABI MO KAHIT SINO TATALUNIN YUN, SO KAHIT MAGBAYAD PA NG TIG 5000 YUN EDI HINDI MANANALO YUN SA ANALYSIS MO, EH TEKA, KAMOTE NGA PALA UTAK MO DIBA, DAGDAG BAWAS, DAPAT SA IYO REPORTER, KUTO

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: �Nueva Ecija gov�s security an overkill� -- jack, 05:57:59 08/26/08 Tue

talagang kamote ka dnd! kahina ng pang-unawa! hahaha!

siguro, nakahanda na ulit ang mga magician niyo sa comelec hano! hindi nako nagtataka na nanalo si gob. at kabisado mo pala lahat ng pandaraya sa eleksyon!

isa ka ba sa mga kuldanator niya?!?!?!

hindi ako lalaban sa amo mo at mahal ko pa ang buhay ko, baka masama ako sa mga namamatay na kapitan ng kalaban niyo!

tama ka, gawin mong ng 5000 ang ipamimigay niyo para maibalik naman sa taong bayan mga ninakaw niyo! sa dami ng scam ng AMU mo maliit na halaga na lang yan!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- dnd, 17:47:22 08/26/08 Tue

EDI KINAIN MO SINUKA MO, PURO KA YABANG

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: �Nueva Ecija gov�s security an overkill� -- jack, 18:22:10 08/26/08 Tue

talo ang pikon! hahaha!

lakas ng loob mo makipagpustahan, palibhasa pera ng taong bayan ang nilalaban mo!

matuto naman kayo magbanat ng buto! mga batugan!

tsaka sabihin mo naman sa amo mo, kung nagsasama siya ng isang batalyon na security, dapat kamo sa asawa niya doble o triple! madaya naman kamo siya, bulletproof na nga sasakyan niya, kay cong cherry hindi pa! napaghahalata tuloy na matapang pa si cong. sa kanya, nakakahiya! hahahaha!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- dnd, 20:24:46 08/26/08 Tue

hindi ako pikon nung sinabi ko yun, ganun na talaga pagkatao mo, yung nagbabasa na nito ang huhusga sa iyo.

edi pumusta ka para malaman mong hindi ko kinuha perang pamusta ko kay Umali, ng magkalinawan tayo, o tulad ka rin ni mariposa puro dakdak wala namang bayag

ako malakas loob ko dahil totoo sinasabi ko dito, eh ikaw? puro imbento at pangbubwisit lang may masabi lang sa thread.

at yung kay cherry, hay naku, wala ka talaga alam. ginagawa mong tanga mga bumabasa, eh mag isa kalang tanga dito

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: �Nueva Ecija gov�s security an overkill� -- jack, 20:56:45 08/26/08 Tue

ay kamote ka talaga dnd! sinabi ko ba na kay umali ka kumukuha ng pamusta?!?!?! eh hindi naman pera ng AMU mo ang mga yon, pera ng taong bayan! kapal naman ng mukha mo! hahahaha!

imbento ang mga sinasabi ko???? eh napakadami naming alam ang mga katiwalian ng AMU mo, ikaw na lang ang hindi pa nakakakita palibhasa naka-tapal si ninoy dyan sa mga mata mo! hahahaha! iisa-isahin ko ba ulit lahat ng scam ng amo mo?!?!?!

at yung kay cherry, ano?!?!?! bakit wala kang masabi?!?!?! hahahaha! kasi totoo ang mga sinasabi ko dito! hahahaha!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: �Nueva Ecija gov�s security an overkill� -- Milet L. (masaya pala dito), 00:18:16 08/27/08 Wed

Nakakatawa kayong dalawa! =)

Ibang klase ka jack, mantakin mong napapainit mo ang ulo ni dnd.....

Maganda ang obserbasyon mo tungkol kay cong. cherry.... kasi isang kulturang pinoy na pagmay nagbanta sa atin, uunahin natin protektahan ang pamilya bago ang sarili..... Pero sa kaso ni Gov. bakit parang inuna niya ang kanyang sarili kaysa sa asawa niya? Bakit hinahayaan niyang lumakad si Cong cherry ng konti ang kasama tapos siya isang batalyon?

Huwag magagalit...... obserbasyon lang po yan......

Peace sa lahat!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- dnd, 08:12:26 08/28/08 Thu

o kita na ninyo, miss milet, with the info na nasabi ni jack mukhang napaniwala ka agad at nagkaroon ka agad ng comment na inuna ni AMU ang sarili kesa sa asawa.

saka kung babasahin nyo po ang sabi ni jack......

-"lakas ng loob mo makipagpustahan, palibhasa pera ng taong bayan ang nilalaban mo!matuto naman kayo magbanat ng buto! mga batugan!"

ANO PONG PERA NG BAYAN ANG NILALABAN KO, E HINDI NAMAN PO SA BAYAN GALING PERA KO KUNDI PINAGPAGURAN KO? MAY PRESUMPTION PO SIYA NA GALING KAY GOV PERA NAMIN?

KAYA PO AKO NAKIKIPAGPUSTAHAN PARA MATAPOS NA MGA PANAGINIP NI JACK SA PARATANG NIYA, SYEMPRE MAY PENALTY ANG PAGIGING PANINIRA NIYA NA HINDI NAMAN TOTOO. KUNG TOTOO ANG SINABI NIYA EDI MAGMUMULTA AKO, GANUN LANG KASIMPLE YUN, SIYA LANG NAGPAPAHIRAP.

-"madaya naman kamo siya, bulletproof na nga sasakyan niya, kay cong cherry hindi pa! "

AYAW KO PO ITO PATULAN DAHIL HINDI NAMAN NIYA ALAM ANG MAKE NG SASAKYAN NI MAM CHERRY, IGNORAMUS PO SA IMPORTED SI KA JACK, SENSYA NA PO TAO LANG SIYA.

-"sinabi ko ba na kay umali ka kumukuha ng pamusta?!?!?! eh hindi naman pera ng AMU mo ang mga yon, pera ng taong bayan!"

SINABI KO NAPO ITO KANINA, KAYO NA MAGHUSGA KUNG SINO ANG WALA SA LUGAR, PAPATULAN KO PO BA ANG GANITO? KAYA KUNG SA PIKUNAN LANG PO EH MALABO DAHIL ALAM KO PO SINASABI KO, MAS CREDIBLE PO KESA SA MGA MABABABAW NIYANG ARGUMENTS.

-"ikaw na lang ang hindi pa nakakakita palibhasa naka-tapal si ninoy dyan sa mga mata mo!"

KALIIT NAMAN PO NI NINOY PARA SA MATA KO, KAYA KO NGA PO IPINUPUSTA PATO KO AT KATAUHAN DAHIL HINDI NGA PO AKO NABABAYARAN, AT LEAST AKO KAYA KO PANGATAWAN SINASABI KO, EH YUNG DALAWA PO DYAN HANGGANG BINTANG NALANG NA NABAYARAN AKO AYAW NAMAN IPUSTA PATO NILA.

EH NABABAKLAAN PO KASI AKO PAG GANUN ANG USAPAN, PARANG HINDI KAMI MGA LALAKI. EH AKO PO KAYA KO PATUNAYAN ANG TANANG AKIN.

_ "at yung kay cherry, ano?!?!?! bakit wala kang masabi?!?!?! hahahaha! kasi totoo ang mga sinasabi ko dito! hahahaha!"

PRESUMPTUOUS PO SI KA JACK EH, FOR SECURITY REASON, AYAW KO SAGUTIN, KAHIT ANO PA SABIHIN MO JACK.

ALAM NG NAKAKABASA NA NANGHUHULA KA LANG KASI WALA NAMANG MAWAWALA SA IYO, PERO CREDIBILITY WISE, MALAKING QUESTION MARK??????

KAYA REST ASSURED THAT WITH SUCH PEOPLE LIKE THE LIKES OF JACK, E HINDI PO AKO MAPIPIKON DAHIL HINDI KAMI MAGKA LEVEL, INUUTUTAN KO LANG PO MGA GANUNG TAO. WALA PO BINESA YUN.

REQUEST KO LANG PO, MAGING OBJECTIVE TAYO

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- KADYO, 04:17:59 10/25/08 Sat

lahat naman may sekyu

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: ‘Nueva Ecija gov’s security an overkill’ -- BENTONG (HEHEH SOBRA OVER KILL), 04:00:44 07/06/09 Mon

DAPAT LANG CGURO MATAKO C UMALI SA DAMI NYA GINAWANG MABUTI SA NUEVA ECIJA. GOOD LUCK NEXT YEAR

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]



VoyUser Login ] Not required to post.
Post a public reply to this message | Go post a new public message
* Notice: Posting problems? [ Click here ]
* HTML allowed in marked fields.
Message subject (required):

Name (optional):

  Expression (Optional mood/title along with your name) Examples: (happy, sad, The Joyful, etc.) help)

  E-mail address (optional):

Type your message here:

Choose Message Icon: [ View Emoticons ]

Notice: Copies of your message may remain on this and other systems on internet. Please be respectful.


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 2.94, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2008 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.