VoyForums

VoyUser Login optional ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 1234 ]


[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Date Posted: 23:55:19 08/24/08 Sun
Author: Simpleng Tao (Excited ako!)
Subject: FREEMASONRY, talakayin nga po natin.....

Bakit ka ba kalaban ng simbahan, hindi lang ng Katoliko ha, kahit ibang protestante ay ayaw sa iyo. Ano ba pinagmulan mo?

Maki-isa nga po tayo para magkalinawan ang lahat kung bakit ayaw ng Simbahan sa mga Mason at ang mga ito ay automatikong EXCOMUNICADO, Tiwalag in short.

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


Replies:

[> Re: FREEMASONRY, talakayin nga po natin..... -- romy b., 03:42:23 08/25/08 Mon

NARINIG KO NA NGA DIN ITO PERO HINDI KO ALAM ANG DAHILAN... MUKANG HISTORIAN ANG DAPAT SUMAGOT NITO SAPAGKAT SA PAGKAKAALAM KO, MATAGAL NA ANG HINDWAAN NG MASON AT SIMBAHAN.

BAWAL NGA YATA SA SIMBAHAN NA BIGYAN ANG MGA MASON NG KAHIT ANONG SAKRAMENTO NG DIYOS...

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: FREEMASONRY, talakayin nga po natin..... -- dnd, 07:24:19 08/25/08 Mon

Gud Pm ka Romy, wag ka mananawa ha?

bagamat ayaw aminin ng mga mason na HISTORICALLY, ay may halong religion o mystism ang Freemasonry - kaballa, iluminati, lucifera, etc. may mga mason na hindi maiwasan magkwento tungkol dito at may mga mason na umamin sa simbahan na talagang may conflict sa bawat docrina ng bawat isa bagamat brotherhood lamang ito kung sila ang tatanungin.

Sa kabila ng kanilang claim na mali ang simbahang katolika sa pag excommunated sa kanila at pag persecute sa kanila nuong araw na panahon ng mga Prohibition, Death or Christianity, atbp. Mga panahong ang Simbahan ay nagpapapatay ng mga taong ayaw sumanib sa kanila at mga taong nagpapractice ng witchcraft at kung ano ano pa.

Dapat ba nilang suwayin ang turo nito ay pagdudahan ang Diyos na sinasamba nito sa buong pagkatao niya? Madalas ay nagkakagalit pag tinanggihan ang mga mason na ipasok sa kanilang simbahan at hindi basbasan kung namamatay.

Kahit kailanman, ang simbahan ay hindi yuyuko sa mga mason kahit nuong araw ay may pagkakamali rin ang mga ito, isang basehan ang utos ng Diyos na Siya lamang ang sasambahin at wala ng ibang Diyos, ngunit sa mason, kinikilala din nila si Buddha, si Mohammed, si Allah, at kung sino pa dahil nga sa ngalan ng Brotherhood.

kung ikaw ba ay mason, iko-compromise mo ba si Kristo? handa ka bang baguhin mo ang pananaw mo kay Kristo maging miembro ka lamang ng mason?

Batid ng simbahan na may sariling pananaw ang mga mason sa pagkatao ni Kristo, at "asawa" nitong si Magdalena, dun pa lamang ay may conflict na, dahil sa isang secreto at mga kayamanan na sila na rin ang umaming "nagnakaw" o secretly hinukay sa templo ni Solomon at secretly nilagay sa isang lugar na walang nakaka alam, not even King Solomon.

Pano ko pagdududahan ang pagiging Diyos ni Kristo kung may mga milagrong nangyayari sa Pangalan niya, milagrong kahit ang siyensya ay hindi maipaliwanag, ang pagiging laman na may dugo ang Ostia sa San Jose City, ang mga milagro ng mga santo dahil sa pananampalatay ni Kristo, ang mga sinaniban ng Dimonyo na napapa alis sa ngalan ni Kristo, at kung anu ano pa. Duda ka pa ba sa pagka Diyos ni Kristo?

Ipagpapalit mo ba Siya maging mason ka lamang, pwes lumipat ka ng relihiyon na tatanggap sa pagiging mason mo at wag mo ipamukha sa simbahan ang mga nagawa at naitulong ng mason sa Simbahang Katolika. Ang pagtulong mo ba sa isang simbahan ay sapat na para gawaran ka nito ng pagka santo? ngunit iyo namang isusumbat kung hindi ka nito mapagbibigyan dahil sa isang batas na dapat ipatupad, simple lang naman ang nais ng Simbahan, ang magsisi ka at manumbalik sa Kanya bago ka mamatay at itakwil ang pagiging mason. yun ba ay mahirap?

Kaya pala nuon ay na-alala ko na may panahong ang mga libro nuong araw ay pinagsusunog ng simbahan lalo na sa larangan ng siyensya dahil isa ito sa mga kalaban ng relihiyon, ang pagiging sobrang matalino ay nagiging balakid sa pagiging isang mabuting Kristiano.

Talino na siya rin nagbunsod sa kayabangan ni Lucifer at siya rin nagpabagsak sa kanya sa impiyerno, upang makapantay lamang siya sa ating Diyos na kahit kailan ay hindi pwedeng mangyari, gaya ng pagka akit niya kay Eba at Adan.

PERO sabi ko nga ay may mga pangyayari sa Simbahan na hindi naman maipaliwanag ng siyensiya gaya ng mga Milagro, ang pinagmulan ng buhay, atbp.

Muli, ang tanong ko, HANDA KA BANG BAGUHIN ANG PANANAW MO AT IPAGPALIT SI KRISTO MAGING MIEMBRO KA LAMNG NG MASON?

Kayabangan ang iwasan dahil ito ang nagbubunsod ng maraming kasamaan, pag maraming pera ay mayabang ka, pag may kapangyarihan ay mayabang ka, pag may baril ay mayabang ka - PARA BANG ANG BAWAT ISA AY KAYA MONG TAPAKAN

Kaya kung minsan ay sinisipa ka na ng Diyos sa pamamagitan ng Kanser at Pagkalugi ng Negosyo para matuto kang magpakumbaba at manumbalik sa Kanya. Pero bago ka manumbalik eh itatanong mo muna sa Horoscope mo, o di kaya'y kukunsulta ka muna sa Fung Shui, o kaya sa mga manghuhula at baraha, pati kaluluwang nananahimik eh pilit ninyo pinagsasalita, "WALA NAMANG MAWAWALA KUNG MANINIWALA KA", simple lang ang sabi ng Diyos di ba, AKO LANG AT WALA NG IBA, duda ka pa ba sa Kanya kaya ka sumasangguni sa mga ganito? KULANG PABA ANG MGA BIYAYA NA NABIGAY SA PAMILYA MO?

Pag-isipan ng may mga binayayaan ng katalinuhan.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: FREEMASONRY, talakayin nga po natin..... -- nomer sy, 15:42:11 10/25/09 Sun

Unang una po, huwag natin husgahan ang isang organization kung hindi natin nalalaman kung ano ang nakapaloob dito.Ang hinagpis po ninyo ay resulta ng inggit na may kahalong galit sa mga MASON ng ang totoong adhikain lamang ay makatulong sa ano mang uri nang nilalang na nilikha ng PANGINOON.Hindi rin po totoo ng ang Mason ay hindi tangap ng simbahan Catolico.Dito po sa America walang ipinagbabawal ang simbahan na bawal ang isang mason sa simbahan Catolico.Kapit kamay po ang mga ibat ibang religous organization kabilang ang Masonic organization upang magbigay ng tulong sa mga nangngailangan lalong lalo na sa mga kabataan na may malubhang karamdaman at gustong makapagaral. Ang napansin ko po sa inyong panulat ay isang personal na galit sa isang Mason. Ang miyembro po nitong masonic organization ay hindi 100 percent na matino katulad din po ng ano mang samahan. Sa halip na humusga ibukas po natin ang ating kaisipan sa mga positibong bagay ng ang ating sarili ay umunlad ng sa ganon tayo naman ay makatulong sa mga nangangailangan..

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: FREEMASONRY, talakayin nga po natin..... -- romy b., 16:08:51 08/25/08 Mon

ANG HIRAP SAGUTIN NG MGA TANONG MO KABAYANG DND... BUTI NA LANG AT WALA AKONG PLANO MAG-MASON KAYA WALA AKONG DAPAT PAGISIPAN.. HEHE!

ANG DOKTRINA BA NG MASON NA GINAGAMIT DATI YUN PA DIN ANG GINAGAMIT HANGGANG NGAYON? WALANG REVISIONS?

HANGGANG NGAYON BA NANGYAYARI PA ANG "DISCRMINATION" SA MGA MASON? MADAMI KASI AKONG KILALANG MASON NA NAKIKITA KO NAGSISIMBA AT NANGONGOMUNYON PA... PERO KAYA KO NALAMAN ANG CONFLICT NG SIMBAHAN AT MASON DAHIL MINSAN KO NG NA-WITNESS ANG ISANG PATAY NA AYAW BASBASAN NG PARI... NAAWA AKO SA ASAWA NG NAMATAY SAPAGKAT NAGSISISIGAW AT NAGWAWALA SA LOOB NG SIMBAHAN PARA MABASBASAN ANG KANYANG ASAWA PERO TINIGASAN NG PARI AT LUMAYAS NA LANG SIYA...

MAY KARAPATAN BA MAMILI ANG SIMBAHAN NG KUNG SINO LANG BIBIGYAN NILA NG SAKRAMENTO? HINDI BA TALIWAS ITO SA UTOS NG DIYOS? PWEDE NGA SIGURONG MAY PAGKAKAIBA SA PANINIWALA PERO SA MATA NG DIYOS, LAHAT TAYO AY PANTAY-PANTAY... SABI NGA NILA, LAHAT TAYO AY MAGKAKAPATID SA DIYOS, MERON MANG MALIGAW NG LANDAS, HINDI DAHILAN ITO PARA TALIKURAN TAYO NG DIYOS...

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: FREEMASONRY, talakayin nga po natin..... -- dnd, 00:58:00 08/26/08 Tue

Yun po kasi ang problemang nakikita ko, ang simbahan unti unting umaayon sa takbo ng panahon, mula ten commandments, hanggang sa mga bagong utos ni Hesus, hanggang sa ngayon nga po na kasalanan na rin kung pababayaan mo ang mga empleyado mong maghirap, ganun po yata yun, nabasa ko lang po sa dyaryo.

Pero sa mason po ay wala po silang binabago sa mga patakaran nila, kaya mo nakukuhang mangumunyon ng mga mason ay dahil hindi po sila nakikilala ng mga pari na mga mason sila, subukan po nilang ipakitang mason sila kundi magkakapahiyaan lang. Ngunit may mga Pari din po na hindi sapat ang kaalaman sa pagbabawal sa mason kaya napapayagan ang mga ito, pero sa mga nakaka-intindi, bawal po talaga.

Ayaw naman po nilang ilahad ang mga sekreto nilang ritual dahil ang gusto nila ay magmason ka muna para malaman mo, pero ang simbahan, kahit sino ay pwedeng makita ang mga batas nito at mga basehan ng pagbabawal, yun nga lang pupunta ka sa Vatican.

Kaya nga po para mahinto na ang samaan ng loob ay LUMIPAT NALANG PO SILA NG RELIHIYON NA TATANGGAP SA PAGIGING MASON NILA.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: FREEMASONRY, talakayin nga po natin..... -- dnd, 01:01:57 08/26/08 Tue

at nasa Bibliya rin opo yung talagang binigyan si Pedro na karapatan na kung sino ang gagapusin niya sa lupa ay gagapusin din sa langit at vice versa, at hindi rin po pantay pantay, dahil ang Kambing po ay hindi pwede ihalo sa mga Tupa, gaya po ng Trigo sa mga Damo na sa huli at paghihiwalayin ang mga ito at susunugin ang damo.

Sa mga sumusunod sa utos, dun pantay pantay ang tao, pero kung pasaway ka, binibigyan ka pa rin ng pag-asang bumalik eh pano kung biglaan ang pagkamatay mo at hindi ka makabalik?

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: FREEMASONRY, talakayin nga po natin..... -- isko, 20:22:08 09/07/08 Sun

Ang tatay ko po ay MASON sa konstraksyon,siya din po ba ay kasali sa hindi bebendisyunan kapag namatay?pakiliwanag lang po!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> [> Re: FREEMASONRY, talakayin nga po natin..... -- MABAIT PO AKO, 05:37:25 09/08/08 Mon

ay hindi po, ibang mason po tatay nyo, hahahahahaha

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: FREEMASONRY, talakayin nga po natin..... -- knike, 00:31:26 11/14/08 Fri

ang alam ko tlgng may alitan n yn s simbahang katololika romana. d b nga ang ama ni gregoria de jesus na aswa ni bonifacio ay tutol s relasyon ng anak bito sapagkat si bonifacio ay isang mason??
sa labite namn tlgng mtindi ang hidwaan ng mason at ng mga prayle noon dhil pinagparte partehan ng ibat ibang orden ang buong kalupann ng kabita..

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: FREEMASONRY, talakayin nga po natin..... -- MEL ISON (YESSS), 18:05:06 02/06/09 Fri

Alam mo DND kung hindi mo kaya ipaliwanag ng maayos ang tungkol sa Mason at sa Relihiyon dapat wag ka na magcomment ang gulo ng mga sinasabi mo sa mga tanong!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: FREEMASONRY, talakayin nga po natin..... -- asking? (yezzz!!), 20:57:23 10/15/09 Thu

bkit nyo pa kailangan pag alitan kung anu ang mason at katoliko???pwede naman tayong mag salita nang wlang na kakagulo s isipan natin!! dba?? ehh kasi kung mag sasalita tayo dapat sana naman ehh yung,, kung mag tatanung tayo,,,,, di sana tayo nakaka touch sa mga ibang cnu man ang nakakabasa kasi ako naaapektuhan kahit di ko sinasadyang bumasa sa mga debate nyo!sana lang po kahit isipin natin na s atin kalooban na wag nating sayangin ang oras kung idadaan lang natin sa alitan ang pag sasalita!



sana lang po!!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: FREEMASONRY, talakayin nga po natin..... -- ebdane, 12:24:05 10/16/09 Fri

DND,edi si DPWH Secretary Ebdane at iba pang opisyal ng PNP ay di bebendisyunan ng mga pari pag nangamatay pala je je je si GMA kaya at Jose Pidal

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: FREEMASONRY, talakayin nga po natin..... -- Kulas, 05:44:37 11/03/09 Tue

Wala naman pong magagawa ang bendisyon ng Pari sa ating mga kaluluwa pag tayo ay patay na, mga kaibigan.

Ang Masoneriya po ang pinakamatanda at pinakaprestihiyosong kapatirang pang-lalake sa mundo. Sina Dr. Jose Rizal po, Andres Bonifacio, at Apolinario Mabini ay pawang kabilang dito. Ito po ay isang napakamapagkawanggawang organisasyon at palagiang nagkikintal ng espirito ng kapayapaan at kabutihan sa puso ng kaniyang mga miyembro.

Napakahirap pong pumasok dito at talagang salang-sala (bagaman, tulad ng ibang samahan, may mga nakakalusot pa rin na hindi dapat), kaya may mga hindi pinapalad na naghihinanakit at nagsasalita ng paninira laban sa organisasyon.

Kung meron po kayong kilala na isang mason na ginagamit ito sa pulitika, gumagawa ng katiwalian o ano pa mang kasamaan, maari po kayong lumiham sa Grand Lodge of the Philippines at magsumbong. Pagtibayin po ninyo ang inyong ulat nga mga notaryadong testimonya at lakipan ng mga ebidensyang katiwatiwala. Maari pong matanggal ang taong iyon sa kapatiran. Dito po kayo lumiham:

NEW PLARIDEL MASONIC TEMPLE
OFFICE OF THE GRAND MASTER
1440 San Marcelino Street, P. O. Box 990
Ermita, Manila, Philippines 1000

Eto po ang kasalukuyang Grandmaster sa Pilipinas http://www.youtube.com/watch?v=7I2dEZHLDqc

Eto naman po ang katunayan na hindi bawal bendisyunan sa simbahan ang isang yumaong mason http://www.youtube.com/watch?v=OEP9RTXgrbw

Ganito naman po magpugay ang mga mason sa isang kapatid na pumanaw http://www.youtube.com/watch?v=9Jb11qNRv40

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]



VoyUser Login ] Not required to post.
Post a public reply to this message | Go post a new public message
* Notice: Posting problems? [ Click here ]
* HTML allowed in marked fields.
Message subject (required):

Name (optional):

  Expression (Optional mood/title along with your name) Examples: (happy, sad, The Joyful, etc.) help)

  E-mail address (optional):

Type your message here:

Choose Message Icon: [ View Emoticons ]

Notice: Copies of your message may remain on this and other systems on internet. Please be respectful.


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 2.94, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2008 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.