VoyForums

VoyUser Login optional ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 1234 ]


[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Date Posted: 17:41:54 12/16/08 Tue
Author: kulas
Subject: barangay chairman of sto domingo patay

ano na naman itong patayan na ito.kay tagal pa ng eleksyon e inililiquidate na yata ang mga sagabal sa administasyon.napakarami ng nawalan ng buhay ng walang silbi dahil lang sa politika.isa na naman itong unsolved crime ng ating magagaling na police.pakibalitaan naman kami kung may suspek na at kung wala sarado na namang kaso yan

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


Replies:

[> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- Jay vee (Panahon ng Hapon, Turo din Turo doon!!!!!!), 21:37:17 12/16/08 Tue

Ano ba ito turuan na lang tayo ng turuan...? Bakit di na lang tumulong sa kapulisan para madali ang pag resolba ng krimen, kung may alam kang inpormasyon. Di lang turo ng turo. Baka manuno nyan...
Iyan ang hirap eh.. napakadaling kasing mag bintang kesa hanapin ang tutuong may gawa. O kaya takot lumantad kung may -alam... Nakakaawa ang nangyayari sa ating bayan.. lahat ng patayan ay hinahaluan ng politika. Baka pati ang pagkawala ng kalabaw o aso eh ituro nyo rin sa inyo kina-aasaran. Sana po ay mahikayat natin na iyung may alam eh lumantad para sa ikadadali ng pag-resolba ng krimen.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- barok, 04:21:06 12/17/08 Wed

e ano pa ba ang bago?ang tinuturo naman ay kung paano malulutas ng ating kagalanggalang na polisya

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- edgar, 18:23:51 12/18/08 Thu

Alam mo kabayang Jay vee, tama ang obserbasyon mo na turuan na lang ng turuan at palagi na lang nakatali sa pulitika ang mga patayan. Pero kung ating iisipin, sa lahat ba ng naging patayan na puro lider pulitikal ang involve meron na bang nalutas? Meron na bang naglakas loob na tumayong testigo? Wala! Bakit? Kasi alam ng mga taong ito na ang babanggain nila ay pader! Alam nila na kung talagang magkakatuntunan, baka umabot sila sa matataas na opisyal ng ating lalawigan at baka lalo lang maging masalimuot ang naghihirap na nilang mga buhay.

Ang nakakapagtaka naman kasi sa Administrasyong Umali, bakit lahat ng mga kapitan at mga lider na nagkamatayan nitong huling taon magmula ng na-upo siya ay puro kilalang lider ng kalaban niya. Pag may papatayin, walang mga checkpoint pero pagkatapos ng patayan meron na ulit.

Ang mabigat pa dito, tulad ng nilahad ng ilang mga nagsusulat dito, lantaran ang ginagawang pagpatay. Sa lahat ng lider na pinatay, puro sa araw, at puro sa kadamihan ng tao binibira.

Sa totoo lang, ayoko man sana magkomento sa isyung ito, masyado ng nakababahala ang mga insidenteng ito. Biruin ninyo ang nangyari sa Sto. Domingo, tatlong tao ang patay, may mga sugatan pa kasama ang dalawang bata! Bukod dito naganap daw ang pamamaril sa loob ng ginagawang simbahan!

Sa limang dekada kong paninirahan dito sa ating lalawigan, isa ito sa pinaka-magulo at marahas na taon! Ang mahirap dito, wala ng pinipiling lugar, oras at pagkakataon ang mga mamamatay tao na ito! Kahit sino sa atin at kahit sino sa mga mahal natin sa buhay ay maaaring maging biktima nitong walang kahabas-habas na mga pagpatay na ito!

Kgg. Gob. Oyie Umali, kung ito lang ang ipinangako mo saming pagbabago, sayo na ang pagbabago mo! Kung talagang wala kang kinalaman sa mga pangyayaring ito, manguna ka upang malutas ang mga kasong ito. Tulungan mo ang mga pamilya ng namatayan kahit anong partido pa nila. Bukod dito, bilang ama ng ating lalawigan, ikaw lang ang may kakayahan upang panatiliing maayos at tahimik ang ating minamahal na Nueva Ecija.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- knike, 02:26:29 12/19/08 Fri

nueva ecija is like the old roman empire during the reign of the praetorians...unahan n lng kung sino mauunang mapupuksa sa mga aspiring leaders dito...

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- buboy, 12:19:59 12/21/08 Sun

hindi din natin alam kung ang PUMAPATAY AY YUNG ISANG PANIG.. PARA MAPAGBINTANGAN NAMAN DIN YUNG KABILANG PANIG???PWEDE DIN DI BA??O KAYA NANAKOT BAKA KASI MAY GUSTO NG BUMALIKTAD??? basta tayo sigurado na si hakahaka at kurokuro ang may kagagawan nyan hehehehe....

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- jack, 00:34:16 12/23/08 Tue

ano ba yan buboy? masyadong namang pang-matalino ang analysis mo! hahaha! nandito ka ba sa pilipinas o nasa ibang bansa? para kasing hindi mo alam ang mga nangyayari dito sa ating lalawigan. komento ko lang sa analysis mo, hindi naman siguro ganun kahina ang ulo ng kabilang panig para ipapatay ang sariling sa kanila. halos maubos na nga ang mga kapitan at lider nila, babawasan pa ulit nila???? hahaha!

kasamang edgar, damang-dama na natin ang pagbabago! lantaran, garapal, at walang takot na pagpatay ang ipinamamalas sa ating lahat.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- cab boy, 23:13:06 01/03/09 Sat

alam mo ba pareng buboy, ewan ko kung mahina ulo mo umintindi eh, kaya nga sinabi mo na nakatitiyak kang si kuro kuro at haka haka ang may kagagawan ng patayan na mga yun. at buti nalang at wala ka dito sa Pinas dahil ang mga nandito eh mga bulag at nagtatanga-tangahan kaya ayan ikaw pa may kasalanan tuloy eh wala ka namang tinutumbok, at kung pahinaan naman ng kukote ang nais mong talakayin, wag ka na mabigla, mahihina talaga kukote, may maipukol lang

at edgar, magtanung ka muna ng background nung napatay, sa dami ng atraso niyan e di na kami nagtataka kung ganun ang kinahantungan niya. huwag na sa akin manggaling, pumunta ka nalang sa sto. domingo at magtanung para di ka na mabahala, hindi ka siguro tunay na novo ecijano kasi di kapa sanay sa patayan, ipanalangin lang nila na wag sana maubos takot namin sa katawan at magkakakilanlan matatapang dito sa ating lalawigan.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- barok, 17:56:40 01/05/09 Mon

ok din naman ang puntos mo cab boy.pero ang aking tanong lang ay hindi ba nagkaroon na ng attempt sa buhay ng biktima.kahit papano sana na bago pa lang mangyari ang pagpatay sa kanya ay sana ang ating adiminitrasyon sana ay nagwarning na sa kanya na pagkameron nangyari sa kanya ay sila ang pagbibintangan, dahil nasa kabilang lugar siya ng pulitika.meron ng nagtangkang patayin siya e pinabayaan pa ninyo ng walang warning man lang para hindi naman kayo ang paghinilaan.normal lang naman na me kutob ang mga tao na sa kabilang panig ang karahasan.at saka yung mga sinasabi mo pang imbestigahan siya sa kanyang kampo kung talagang meron siyang ibang atraso e waste of time lang yun dahil napatay na yung biktima.trabaho na ng ating mahal na polisya kung saan man pupunta ito.kahit marami na itong atraso kung kanino man dapat lang na mabigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay.maawa ka naman sa pamilyang iniwan nito kung meron ka pang awa sa mga taong namamatayan.kung talagang matapang ka at maginoo huwag mong ilalabas sa pagsulat dito ipakita mo na lang sa mga kalaban mo diyan.matapang ka ba noon o ngayon lang dahil meron kang bagong padrino?

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- edgar, 19:03:32 01/05/09 Mon

Alam mo cab_boy, hindi ko na kailangan pumunta ng Sto. Domingo para analisahin at imbestigahan ang pangyayari. Kahit ano pa man ang background ng nababanggit na tao dito, ang paraan kung pano siya pinatay ay lubhang nakakabahala.

Biruin mo, ultimo mga bata at mga inosenteng sibilyan ay nadamay. May isang babae pa nga daw na binaril sa likod ng bungo, sa anong dahilan? Yan ba ang paraan ng pagju-justify mo sa sinasabi mong background ng biktima at target? Ang idamay ang mga inosenteng sibilyan?

Tama ka, hindi ako at ang pamilya ko sanay sa patayan at karahasan. Pero hindi nagpapatunay yan ng hindi ko pagiging isang tunay na Novo Ecijano. Naging tahimik na sa ating lalawigan sa napakahabang panahon. Kung babalik lang tayo sa nakaraang sitwasyon, lilikas na ako at ang buo kong pamilya. Kung nasa kampo ka man ng mga Umali, magpasalamat kayo at hindi kumikilos ang kabilang panig at hindi na lumalaki pa ang gulo at sana naman huwag na!

Hindi pagiging marahas ang depinisyon ng matapang. Huwag mo sanang hintayin ang panahon na magkakilanlan ang matatapang dito sa ating lalawigan at sigurado hindi ka kasama dun.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- edgar, 19:10:25 01/05/09 Mon

Kaya Natin! scores Nueva Ecija killings
Philippine Star Updated December 28, 2008 12:00 AM

SAN ISIDRO, Nueva Ecija – Stalwarts of Kaya Natin! (Yes we Can!), a movement for good governance, have denounced the string of killings in the province, particularly politicians, a throwback to a bygone era where it was known as the “wild,wild West” of local politics.

Mayor Sonia Lorenzo, one of the pillars of the movement which was initially convened by the Ateneo de Manila University-School of Government, lamented that the recent surge of killings appears to have gone out of hand amid what she believes was the inability of the local police to solve these murders.

“It (killings) has become a vicious cycle. It’s very sad because we are trying to come up with a group advocating good governance and here comes these rash of killings,” she said.

Lorenzo issued her statement even after the successive killings of the presidents of the Association of Barangay Captains in the province in recent weeks. The latest victim was Sto. Domingo ABC president Guillermo Bernardo.

Bernardo, an ally of former vice governor Mariano Cristino Joson, was gunned down, along with a former barangay chairman and a civilian by heavily armed men in Sto. Domingo, Nueva Ecija last week.

Lorenzo decried that murders have been going on with wild abandon in many places of the province, many of whom remain unsolved. She cited that in this town, authorities have failed to solve the killings of former ABC president Rodolfo Lopez and those of Alex Mempin and Danny Cabiedes.

Aside from Lorenzo, Kaya Natin! is led by governors Ed Panlilio of Pampanga, Grace Padaca of Isabela and Teddy Baguilat Jr. of Ifugao and Mayor Jesse Robredo of Naga City. The movement has spoken out openly against certain key issues such as Charter change, the fertilizer scam among others.

- Sino ba sa atin ang nagbubulag-bulagan o nagtatanga-tangahan? Bakit ang mga ibang gobernador napupuna ang mga katiwalian at karahasang nangyayari sa ating lalawigan samantalang ang ating AMA ng LALAWIGAN, kasama ka cab_boy ay tila bulag, pipi at bingi sa mga pangyayari?

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- mavic, 12:52:29 01/09/09 Fri

pag pala ang aso gutom tahol ng tahol at pag ninenerbiyos umuungol tulad din ng mga linta ng politiko malapit na ang election lalabas na ang matatapang ang hiya mga kuhol at sipsip at linta na nag papahirap sa mga taga NE.
si barok at edgar ninenerbiyos yata he he he at si cab_kid
pag sila ang na weather lagot ka nya ha ha ha ha

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- barok, 04:25:52 01/10/09 Sat

ano ba namang sagot ito?mas matino pa ang sagot ni buboy sa iyo.saang planeta ka ba nangaling at mainam e bumalik ka na lang sa pinangalingan mo puede.hehehehehe.merong mga taong walang pakiramdam at manhid na ang kalooban na kunwari nagtatapangtapangan wala namang binatbat.yung mga sinabi mo tamang tama sa pagkatao mo dahil walang kabuhay buhay ang sarili mo.get a life hehehehehe.baka tama yung sabi ni ka jack,ito ba si DND.dondi venaracion ba ito na frustated politician hahahahaha.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- mavic, 03:44:05 01/12/09 Mon

har har har har si kulas alyas barok kahol ng kahol tila alam lahat ng pangyayari sa nueva ecija ala eh ikaw pala
ay nasa toronto canada batikos ka ng batikos he he he ikaw
kaya ang bumalik sa pinanggalingan mo ng ma update ka naman sa NE

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- barok, 04:10:58 01/12/09 Mon

bakit,ano naman ang masama kung nasa toronto.mabuti nga kahit malayo e alam ang mga pangyayari diyan.hehehehehe.at hindi ako nasa toronto,isang city na malapit sa toronto.kahit nandito ako,updated ako sa news diyan thru internet and tv.mukhang totoo ang sinabi ko na si mavic ay si dondi.gusto atang bumawi sa pagkakaalam sa kanya.hehehehehe.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- mavic, 05:01:47 01/12/09 Mon

Geo-Location Information


Country: Canada
State/Region: ON
City: Brampton
Latitude: 43.6833
Longitude: -79.7667

Hello kulas y barok nang aasar lang po
mainam yan at concern ka sa nangyayari sa ating bayan
kahit nasa malayong lugar po kayo ingat kayo dyan baka rayumahin ka har har har

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- barok, 04:02:52 01/13/09 Tue

hehehehe.thank you for advertising my city to the public.its nice to have free tourism publicity lalo na sa ating mahal na NE.too much snow this week but people enjoy their lives around.salamat po sa paalala ninyo.pero mas mabuti kayo dapat ang magingat diyan dahil pagme nangyari sa katawan ninyo e ubos ang kaban na ninakaw ninyo sa ating pamahalaan.ngayon,napatunayan mo na hindi ako inaambunan ng kahit sino at kayod lang sa sariling pawis.magingat ka na lang mavic pag nahospital ka diyan ubos ang buto buto mo kasama ang bosing mo.at saka,wala pa naman akong rayuma,e bata pa naman ito at hindi gumagamit ng viagra.hehehehehe nangaasar lang po.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- jaen, 07:48:59 01/13/09 Tue

2 charged for killing of Jaen ABC president

The Philippine National Police filed murder charges against two men for the killing of the president of the Association of Barangay Captains in Jaen.

The Nueva Ecija police director, Sr. Supt. Ricardo Marquez, identified the suspects as Leonilo Sarmiento and Virgilio Domingo, both of Pulong Dalaga, Quezon town.

The victim, Renato Fermin, barangay chair of San Jose, Jaen and ex-officio Sangguniang Bayan member, was shot while talking to the gunman who pretended to be asking for a permit to raise ducks in the area. The killer then fled aboard a motorcycle driven by an accomplice.

The witnesses' description of the gunman fit that of Sarmiento.

Earlier, 4th Dist. Rep. Rodolfo W. Antonino, an ally of the slain barangay official, condemned the killing and offered a P1 million reward for information that would lead to the arrest of the suspects.

Jaen Mayor Santiago Austria, Vice Mayor Henry Velarde and other local officials also condemned the killing.

Fermin's widow, Eloisa, had said that the only motive she saw in the attack on her husband was politics. ###

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- kalabaw, 18:20:43 01/15/09 Thu

Barok, wag ka ganyan, dyan ka pa naman sa lugar na maraming puno, mali naman kinakahulan mo, magpatulong ka kay bentot or sa ibang taong maraming alam sa hacking para malaman mo lugar ni avic, pati ibang taong nananahimik pinagbibintangan mo, may side comment ka pa, lumalabas tuloy baho ng ugali mo, o o o laway mo tumutulo....

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- buboy, 05:31:17 01/16/09 Fri

ayos na yun... hahaba lng ng hahaba yan.. titigas pa hahahaha...peace mga kababayan..nagkakatuwaan lng paminsan minsan..ano na ba ang mag bali balita dyan sa ating lalawigan? my pagbabago bang nagaganap na ikakatuwa ng mga ilan nating kalalawigan??sana lng magcomment tayo ng walang asaran.. yun bang fair sa lahat para maging masustansya ang ating balitaan at palitan ng opinyon?? wish ko lang... kasi naman mga minamahal kong kalalawigan.. 2 taon na kong nawawalay sa inyo.. namimissed ko na kulturang novo ecijano??eka nga sabi nila..may mga pumumupustura na bang mga politiko dyan.. malapit na 2010... medyo madugo at makulay na namang pulitikahan ang ating masasaksihan??yan ang pinaka exciting na senaryo ang namimissed ko yeh...kampanya dito kampanya doon.. pangako dito pangako doon..batuhan ng putik hehehe...etcetera etcetera...sarap nyan tiyak...sige mga kapatid.. ingat lang kayo palagi... maging alerto lang kayo sa inyong paligid..mukhang pakalat kalat lang ang masasamang elemento dyan sa ating lalawigan..basta cool lang tayo palagi.... god bless nueva ecija... habang buhay may pagasa pa tayo...

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- mavic (pe), 06:48:02 01/16/09 Fri

cenciya na pareng barok he he he cialis gamit ko
sa isang banda mainam yon ng malaman nila na hindi ka nakikinabang sa politiko
si kalabaw bakit intresado ka sa lugar ko he he he baka magkapitbahay lang tayo nya ha ha ha unga ka ng unga din
ikaw pala ay naka payroll sa bossing mo har har har
nakasama ka ba sa pag higa sa pera he he he
Kung under Martial Law kaya ang NE mawawala kaya ang patayan
at magiging tahimik ang NE
Buboy next year election na naman har har har sino kaya mauubusan ng pera ang maubusan talo

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- barok, 11:18:18 01/18/09 Sun

kalabaw,masyado kang nagpahalata na ikaw si dondi venaracion.tipong hindi mo matanggap ang pagkakabisto sa iyo a.anyway,hindi tutulo ang laway ko dito dahil bago tumulo e magiging yelo na.hehehehehehehe

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- kalabaw, 22:49:17 01/19/09 Mon

ang gulo mo talaga barok, pwede ba magdesisyon ka kung sino sa amin ni mavic ang dondie veneracion na sinasabi mo, halatang nanghuhula ka lang talaga eh, unfair sa amin ni mavic yun ginagawa mo, kahit kay donie unfair yun, gulo mo talaga, kaya wag kang turo ng turo baka mamatanda ka

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- barok, 03:59:36 01/20/09 Tue

paano ako manghuhula e na kay mavic ang hinala.at saka wala ka naman sa usapan namin dati bigla ka na lang sumabat at pati si mavic gusto mo pang malaman kung kapitbahay mo.di ba tumakbo kang talo sa cabanatuan at ayon sa lahat e wala ka raw nakuhang boto man lang.hindi umubra ang hokus pokus mo ano.sa susunod magpaalipin ka na lang sa bosing mo para garantisado kang laging nasa payrol hahhahahahaha.o baka naman maninuno ka sa punso kaya wala kang boto.hehehehehe/paala lang sa iyo kung meron kang katinuan sa sarili mo,huwag kang sasabat kung hindi ikaw ang pinaguusapan ok ba.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- parak, 10:52:07 01/21/09 Wed

Gunman in killing of N.Ecija barangay chairman arrested
01/21/2009 | 09:04 AM

Email this | Email the Editor | Print | ShareThisMANILA, Philippines -
After nearly three months, the suspected gunman in the killing of a barangay (village) captain in Nueva Ecija was arrested in the province's capital.

Radio dzRH reported that the alleged gunman Virgilio Sarmiento, 40, was arrested at a fast-food outlet in Cabanatuan City.

Sarmiento is wanted for murder and frustrated murder for the killing of Renato Fermin on October 23, 2008. Fermin's father Elino, 75, was also wounded in last year's incident after being hit by a stray bullet.

The dzRH report also said police hinted they are closing in on the other suspect, Nilo Sarmiento. - GMANews.TV

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- Blue (Binabagyo!kaya sad), 01:45:12 08/08/09 Sat

Hello po mga kababayan,bago lang po ako dito,kamusta naman po patayan diyan satin,karumal dumal padin

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: barangay chairman of sto domingo patay -- pat (sad), 08:29:33 08/23/09 Sun

Bago lang po ako at pamilya ng pinaslang na makikiusap po sanang lubayan na ang isyu tungkol sa kapatid ko hayaan na lang po natin ang nasa taas na humusga sa mga pumaslang... Wala na din po naman mangyayari kung pag usapan pa..tanggap na po namin at di na maibabalik buhay ng kapatid ko...salamat na lang po sa malasakit sa nakakakilala sa kapatid ko..at dun sa nagpapa imbistiga sa kapatid ko..masasabi ko lang kung masama ang kapatid ko sana walang taong bayan na umiyak sa pagkawala nya..MABAIT ANG KUYA KO....

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]



VoyUser Login ] Not required to post.
Post a public reply to this message | Go post a new public message
* Notice: Posting problems? [ Click here ]
* HTML allowed in marked fields.
Message subject (required):

Name (optional):

  Expression (Optional mood/title along with your name) Examples: (happy, sad, The Joyful, etc.) help)

  E-mail address (optional):

Type your message here:

Choose Message Icon: [ View Emoticons ]

Notice: Copies of your message may remain on this and other systems on internet. Please be respectful.


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 2.94, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2008 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.