VoyForums

VoyUser Login optional ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 1234 ]


[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Date Posted: 00:16:01 04/03/09 Fri
Author: MP5
Subject: armas sa mga kupitan

Pagsasa-armas sa mga Kapitan May Kulay -Vice Gov Joson
Submitted by onin on Thu, 04/02/2009 - 15:18.
Written by:
RNG FM News/ABRIL 2, 2009
Program:
Balitang Bayan
Issue related:
Politics

MAY "kulay" ang pagbibigay ng Administrasyong Umali ng baril sa mga Kapitan sa Lalawigan. Ito ang pahayag ni Bise Gubernador Edward Thomas Joson sa pagpupulong ng Sangguniang Panlalawigan (SP) nitong Lunes.

Kaniyang kinondena ang pagbibigay ni Governor Aurelio Matias Umali ng baril sa mga kaalyado nitong Kapitan.

Aniya, hindi ma-ikakailang may kakaibang kulay dahil sa pagkakaiba nila ng Partido ng Gubernador. Okay lang daw sana kung ang lahat ng 849 Barangay Captains sa lalawigan ay nabigyan.

Komento pa ng Bise Gubernador, hindi nya makita ang objective ng pagsasa-armas ng mga Kapitan. Lumalabas umano na taliwas sa kampanya para sa Peace & Order dahil lalala lamang ang friction at conflict sa pagitan nila ng Punong Lalawigan at mga kaalyado nitong Kapitan.

Samantala hindi naman makakapag-komento si Nueva Ecija Provincial Police Director Ricardo Marquez dahil hindi niya aniya alam kung sinu- sino ang mga Kapitan na nabigyan ng baril.

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


Replies:

[> Re: armas sa mga kupitan -- eduard johnson (natatangahan), 16:00:57 04/10/09 Fri

ako ay natatangahan sa mga kumokundina ng mga ganitong usapin, kung hindi nila pinapatay at binabantaan ang mga kapitan, sa tingin kaya nila ay mag aarmas ang mga ito?
mabuti na lang at nahuli yung nilo na pumatay kay guiller dahil sa personal nilng alitan o inggitan. umamin naman ang pobre na 120 na ang kanyang napatay kasama ang abc ng jaen dahil sa umanong utos ni ex mayor na siya rin humiram sa kanya kay MBJ para nga patayin si ABC jaen, ang maganda eh sinasabi na niya kung sinu nagpapatay sa 120 tao na yun at kung ano ang motibo sa bawat patayan at kung magkano ibinayad sa kanya.

ikaw ano gagawin mo kung bigla kang babantaan eh wala ka namang ginagawang masama kundi mamili ng iboboto mo, dati rati eh nakakatulog ka at malayang nakakapasyal...
kung ako ang babantaan ng ganun e baka ako na ang maunang pumatay sa kanila, abay nananahimik ako eh guguluhin nila buhay ko, tama ba yun?

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: armas sa mga kupitan -- romy b., 23:17:42 04/23/09 Thu

KUNG MAY DAPAT ARMASAN SA NUEVA ECIJA EH DAPAT ANG MGA KAPITAN NA BUMABATIKOS SA MGA KALOKOHAN AT KATIWALIAN NG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON.

ANG 2008 AY ISANG TAON NA HINDI MAKAKALIMUTAN NG LAHAT NG MGA NOVO ECIJANO. SA STATS NG PULIS, ITO ANG TAON NA MAY PINAKAMATAAS NA BILANG NG MGA PINATAY NA KAPITAN AT MGA LIDER NG PULITIKA SA ATING LALAWIGAN.

ANG NAKAKAPAGTAKA DITO, SA LAHAT NG PINASLANG NA MGA LIDER AY PURO LIDER NA MALALAPIT SA MGA JOSON AT PARTIDO BALANE.

GOB. OYIE, TAKOT KA BA SA SARILI MONG MULTO AT PINAGBIBIGYAN MO NG ARMAS ANG MGA KAALYADO MO? SIGURO WALA KA NAMAN NG DAPAT IPANGAMBA AT NAGING TAHIMIK NAMAN ANG MGA KALABAN MO SA PULITIKA.

AKSAYA LANG NG PERA ANG GINAWA MO NA YAN. ANO ANG MAIDUDULOT NA KABUTIHAN SA BARANGAY NIYAN. PUSTAHAN TAYO, KARAMIHAN SA MGA KAPITAN NA YAN AY WALA MAN LANG SEMINAR SA GUN SAFETY O GUN HANDLING. BAKA MAMAYA MISMONG MGA KA-BARANGAY PA NIYA ANG TAMAAN DIYAN.

WALA KANG IBINATO SA MGA JOSON NUNG KAMPANYAHAN KUNG HINDI VIOLENTE AT MARARAHAS NA TAO... SINO BA ANG TOTOONG VIOLENTE AT MARAHAS, SILA BA O IKAW AT ANG MGA BATAAN MONG ABUSADO?

SANA LANG, IMBIS NA SA GANITONG PROYEKTO MO NILALAGAY ANG PERA NAMING MGA MAMAMAYAN, ILAGAY MO SA MAS KAPAKI-PAKINABANG NA MGA PROYEKTO. ABA'Y PURO PAM-BARANGAY ANG GINAGAWA MONG PROYEKTO, PURO OVERPRICE PA. TAPOS ISISISI MO NA NAMAN SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN ANG MGA KAKULANGAN MO. DAPAT NGA WAG KANA UNABIS BIGYAN NG BUDGET AT PURO KATIWALIAN ANG MGA BATAAN MO.

SANA NAMAN MABIGYAN MO NG PANSIN ANG ATING MGA MAGSASAKA NA SIYANG BUMUBUHAY SA ATING LALAWIGAN. TIGILAN MO NA ANG MGA OVERPRICE NA FERTILIZER AT MGA BOMBA AT GUMAWA KA NAMAN NG KABUTIHAN. MASYADONG NAKAKADISMAYA ANG GINAWA MONG PAMUMUNO SA LOOB NG DALAWANG TAON. GAMITIN MO NAMAN SANA ANG IYONG HULING TAON PARA SA KAAYUSAN AT KABUTIHAN NG PROBINSYA NATING MINAMAHAL.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: armas sa mga kupitan -- Eduard Johnson (Nagtataka), 07:02:58 04/25/09 Sat

Mang Romy, Medyo hindi ako updated eh sino sino po ba ang namatay na kalaban ng umali nung 2008

kasi po ang Jaen abc solved na, si mayor esquivel ang tinuturo nung hitman, si guiller naman na abc rin inamin din ng nasabing hitman na tauhan ni mbj. sinu pa ho ba?

120 killings po ang inamin ng hitman na si Noli o nilo yata name nun, pati presyo at motibo naka record, pati nag-utos naka record yun po ang gagamitin niya kung sakaling balikan siya, baka po yung mga 2008 na sinabi ninyo eh nasa listahan niya

si Peralta nalang naman po ang hindi pa umaamin sa kanyang krimen kahit itinuturo na siya ng bayaw niya na siya ang namuno sa pagpatay sa pamilya pascual sa dahilan lang po ng kumpetensya sa sabungan between gapan at san isidro, kababaw na dahilan pero yun ang totoo
hindi po kasi sumunod sa utos si boy pascual na baguhin ang araw ng kanyang pasabong kaya ayun pinapatay siya, kababaw na dahilan

mang romy paki lista dito para malaman natin istorya kasi baka pati away pamilya kay Umali maibintang

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: armas sa mga kupitan -- MP5, 20:59:01 04/26/09 Sun

ang dami pa lang pinatay ng taong yan sino po kaya ang amo niya at taga saan ba yang killer na yan sana makulong silang lahat pati na ang amo nila para magkaroon ng hustisya sa mga pinatay

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: armas sa mga kupitan -- Kalabaw, 16:39:46 04/27/09 Mon

Ang munting kaalaman ko ay magkasama sa "gang" yung Kapt. Guiller at Nilo na yun kaya nakakagulat talaga kung inamin ni Nilo ang pagpatay nito kay Guiller at sa ABC ng Jaen.
Parang hiniram siya ng dating Mayor ng Jaen para yariin si ABC sa halagang 40,000

ito po ay taga Quezon, lugar ng mga atatapang atao

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: armas sa mga kupitan -- gregorio, 08:05:33 04/28/09 Tue

Isa sa mga nabanggit ni romyb. na namatay ay ang kapitan sa licab na kilalang taga-suporta ng mga joson. Ito ay kapatid ng isa sa mga hepe ng opisina sa kapitolyo nung nakaraang administrasyon. Kilala ang kapitan na ito na malakas magsalita tungkol sa mga kalokohan ng kasalukuyang administrasyon, ayun, pinatahimik siya. Napakaliliit pa naman ng anak ng kapitan na ito, nakaka-awa.

Tama si romy na napakadaming pinatay nung isang taon, hindi lang lider politikal kundi pati mga pangkaraniwang tao na hindi naman nareresolba ang mga kaso. Kwento nga ng kaibigan kong pulis, nagtambak na daw ang unresolved cases sa istasyon nila. Napakadami daw matatapang ngayon sa administrasyong ito. Basta nakakagat daw sa batok ng ating gobernador, para na daw naturukan ng pang-patapang, tapos binigyan pa ng baril. Eh siguradong lahat mas lalo pang yayabang ang mga yan. Ang hirap, siguradong karamihan sa mga kapitan na yan eh hindi naman marunong humawak ng baril.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: armas sa mga kupitan -- ed dy aco, 22:43:47 04/28/09 Tue

Boss Greg, ano full name ng namatay na abc, kasi may kamag-anak ako sa Licab, makikitsismis ako run kung ano nangyari, yung Guiller po yata kasi eh tauhan din ng mga Joson kaya nung pinatay eh sa Umali nabintang, lalo na po dun sa Fred Hermoso, ganun din po sa abc ng Jaen, kasi po dumalaw ang mag-amang Joson don at umali pa rin ang pinag-bintangan tapos po malalaman natin dito na tauhan din pala ng mga Joson ang pumatay sa dalawang kapitan, baka po sa pangatlo eh tauhan din nila dahil ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnananakaw, inggitan po ba

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: armas sa mga kupitan -- mbs. (question lang po kay mang eduard Johnson), 02:01:17 04/29/09 Wed

Yung tungkol po sa sabungan ng Gapan..nakademanda na po ang mayor ng Gapan at mga kasangkot pa. ANG TANONG? ang ibig nyo bang sabihin e mekinalaman lang sa araw ng pasabong kaya ipinapapatay ang mga pascual?ang babaw po.hindi kopo alam kung may kinalaman din o may BASBAS ang dating nakaupo sa kapitolyo ang nangyari sa mga Pascual...ang alam po namin sa Gapan,yung mayor natividad ang nagbayad sa mga hired killers,ang kumontak kila Peralta ay yung isang City councilor na may maliit na sabungan na yuon daw ang unang nainsecure ng ipagawa ang magandang sabungan ng mga Pascual.kaibigan nito ang kapatid ng mayor na naghahariharian sa buong Gapan. ang moyibo po!!!POLITIKA AT NEGOSYO HIGIT SA LAHAT PAG KAINGGIT!!! hindi po natin alam ang kabuoan pero may Diyos na nakaka alam ng lahat, siya po ang magbibigay ng karampatang parusa sa mga nagkasala at nagmalabis.AMEN...

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: armas sa mga kupitan -- gregorio, 04:45:08 04/29/09 Wed

Hindi nagtutugma ang mga teoriya ni mang eduard johnson. Unang-una, lahat ng mga namamatay na kapitan at mga lider ay puro tao ng Joson, bakit naman nila ipapapatay ang sarili nilang tauhan? Kung si guiller at nilo ay parehong tao ng Joson, bakit naman papatayin nung nilo yung guiller? Tungkol naman sa sabungan at mga Pascual, ano naman ang motibo ng San isidro na hawak ng mga Joson para ubusin ang buong pamilya ng Pascual? Dahil lang sa iskedyul ng sabong? Kung naniniwala ang mga Pascual na ang mga Joson ang nagpapatay sa buong pamilya niya, bakit si boyet joson pa ang kinampanya niya nung '07 na eleksyon? Walang sense ang mga sinasabi diba? Baka naman ang sinasabi mong sabungan eh yung isa pang sabungan sa gapan, yung sta.cruz na ang nagpapatakbo naman eh yung tao ni myr natividad...

Eto naman ang nasagap ko sa kaibigan kong pulis. Buti naman at nabanggit na din ni ed dy aco ang pangalang Fred Hermoso, na malaki daw ang naging kamay sa mga pangyayaring ito. Si Fred hermoso daw at si Nilo ay magkababata sa Quezon. Si Fred Hermoso daw ang kumausap dun sa nilo para tirahin yung kapitan sa Jaen at Sto.domingo. Kahit na daw magkaibigan yung nilo at guiller, nagamit daw ni hermoso si nilo para tirahin si guiller. Hindi alam ni nilo na ipahuhuli din pala siya ng kaibigang si hermoso pagkatapos ng kanilang operation. Sino ba ang may hawak kay Fred hermoso, diba yung magkapatid na Umali. Ano naman ang motibo ni hermoso para ipahuli si Nilo? Gusto niyang ma-solo lahat ng mga negosyong ibinibigay sa kanya ng magkapatid na Umali, quarry, logging atbp. Kayo na ang magtanong sa katotohanan ng istoryang ito, pero sikat na sikat ang pangalang Fred Hermoso dito sa atin pati na din sa mga katabing lalawigan. Madami lang ang takot at hindi nagsasalita at napakatapang daw niyang Fred Hermoso. Kahit nga daw mga pulis hindi makaporma dyan sa hermoso at may basbas daw ni gob. oyie at doc anthony ang mga transaksyon.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: armas sa mga kupitan -- Kalabaw, 17:51:41 04/29/09 Wed

Ang ibig pong sabihin ni ka greg eh pipilayan ko ang silya ko para paupuin ang kababata ko? Parang mali, papatayin ko ang kasama ko sa grupong mamamatay tao ng dahil lang sa kaibigan, mas sumunod ako sa hiling ng kababata ko para patayin ang isang kaibigan na alam kong makaka apekto ang pagkawala nito at mapipilayan ang amo ko? sa totoo lang INGGIT lang ang pinagmulan.

Kaya nga po ako nagtataka kung bakit kakampi ng mga Joson ang pumapatay sa mga tauhan at kapitan ng mga Joson, ito ba ay sa dahilang Pera o Inggitan lang? Nandun po si Nilo nakakulong sa PHQ, sa Highway Group po yata, paki interview na lamang po para lalo tayo malinawan sa mga dahilan kung bakit niya pinapatay ang mga sarili niyang kasangga.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: armas sa mga kupitan -- edgar, 00:38:53 04/30/09 Thu

Kung parehong bata ng joson yung nilo at guiller ano naman ang pwedeng motibo at papatayin ni nilo si guiller at iba pang mga lider ng mga joson kung walang bahid pulitika ang kanyang motibo? Ngayon pa ba magkakagalit yung dalawa kung wala na sa puder ang kanilang mga amo? Hindi naman sa humuhusga ko pero parang mas totoo ang sinasabi ni greg at galing pa sa isang pulis ang kanyang source. Kahit interbyuhin natin yung Nilo sa kulungan, maaasahan ba natin na magsabi ng totoo yon? Takot na lang nung Nilo na idamay yung Hermoso at siguradong kayang-kaya siyang balikan pati ang kanyang pamilya....

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: armas sa mga kupitan -- Milet, 04:21:52 05/01/09 Fri

HAAY, buti na lang at may nakakaalam ng katotohanan. HALATANG-HALATA naman sa ilang post dito na gusto lang nila ipagtanggol ang MGA KAMALIAN AT KATIWALIAN ng ADMINISTRASYONG UMALI. HINDI TANGA ANG TAONG BAYAN, AT WAG NIYO GAWING TANGA! Wala kayong alam kung hindi isisi sa mga kalaban niyo ang mga KALOKOHANG GINAGAWA ninyo! Maawa kayo sa TAONG-BAYAN! MAGKAROON NAMAN KAYO NG KONTING MALASAKIT SA NATITIRA NIYONG PANAHON NA NASA POSISYON KAYO. ISTAYL niyo BULOK! GOB. OYIE GISING!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: armas sa mga kupitan -- eddie aco uylit, 20:40:29 05/01/09 Fri

kung pulis po ang nagkwento ka mang greg, sa akin po Judge na iginagalang dito sa Cab City, pag binanggit ko po name niya eh wala pong bahid ang pangalan nila, bilang na bilang lang po matitinong judge dito sa atin ha?
siya po nagkwento na may listahan yung nilo na kung saan nakalista dun kung sino pinatay niya, magkano ang bayad bawat trabaho at ano ang motibo o sino ang nag-utos, ang mainam po kay nilo eh hindi sya duwag na kamukha ni Peralta na parating nagtatago sa Bonnet twing may pinapatay
kaya po may mga testigo na identified si nilo ang bumaril mismo, remeber po may nakaligtas dun sa patayan na yun

saka logical ba na sa kalaban ka mag hire ng papataying pipitsugin? dito nga sa squatter dito sa atin P5000 lang halaga, gagawin mo lang yun pag yung puno gigilitan mo, ang kumuha ng malapit sa puno para magilitan ng sigurado

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: armas sa mga kupitan -- olin, 19:55:57 07/15/09 Wed

sana ay magkaroon ng katarungan

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]



VoyUser Login ] Not required to post.
Post a public reply to this message | Go post a new public message
* Notice: Posting problems? [ Click here ]
* HTML allowed in marked fields.
Message subject (required):

Name (optional):

  Expression (Optional mood/title along with your name) Examples: (happy, sad, The Joyful, etc.) help)

  E-mail address (optional):

Type your message here:

Choose Message Icon: [ View Emoticons ]

Notice: Copies of your message may remain on this and other systems on internet. Please be respectful.


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 2.94, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2008 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.