VoyForums

VoyUser Login optional ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 12345 ]


[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Date Posted: 23:29:39 05/06/09 Wed
Author: Domeng (ANO??????)
Subject: MAY NABAGO BA?

Ano ba ang nabago sa N.E.?

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


Replies:

[> Re: MAY NABAGO BA? -- bianong, 05:00:33 05/07/09 Thu

ka domeng paanong magkakaroon ng pagbabago e ang namumuno ay si umali pa rin.hintayin natin ang 2010 at saka natin damahin kun may pagbabago sa kabutihan ng mamamayan.habang nandito si umali panay patayan at corruption lang ang magiging pangyayari dito sa atin.isa dito ay ang pinakamalaking scam na inilaha ni dating gob tommy tungko sa pagaayos ng ating mga daan.umaabot sa 1bilyon ang nakurakot dito at hindi pa dumaan sa dpwh ito kaya nakatago para ipanglaban sa darating na eleksyon.kung parehas lang ang laban e joson pa rin kaso bago pa lang mageleksyon alam na ng kabilang partido kung ilan na ang lamang.lutong makaw na naman ang mangyayari dito kaya paalala sa kabilag partido balane,bantayan po ninyo ang halalan at huwag pahintulutan ang wholesale cheating.hindi na nakukuha sa bilihan ng boto kundi sa pakikialam ng mga ibaibang sangay ng ating gobyerno.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: MAY NABAGO BA? -- eddie a. cowlit (hay naku), 16:12:31 05/07/09 Thu

Malaki po ang nabago, magpunta po kasi kayo sa bayan ng Pantabangan, Carranglan, Licab at Quezon

HAMAK ganda ng Carranglan kumpara sa mga bayan ng Quezon at Licab, ang mga kalsada dito ay pawang mga sementado sa kabila na bulubundukin ang lugar na ito at ISOLATED, makikitaan mo ng katinuan ng pamumuno sa bayan na ito, samantala sa bayan ng Quezon, mabibilang mo sa daliri ang nasementong mga barangay, ganun din sa bayan ng Licab, Daig ng bayan ng Nampicuan ang dalawang bayan na ito na pinamumugaran ng mga matatapang. Paraiso ang Pantabangan pag nakumpara ang bayang ito sa mga unang bayan na akin binanggit.

Pangalawa, at least pwede nang mag salary loan at emergency loan ang mga empleyado ng kapitolyo sa GSIS hindi kagaya nuon.

Pangatlo, nakukuha na ng mga Scholars ang kanilang diploma at transcript matapos ang kanilang Graduation, hindi kagaya nuon na bibilang ka ng tatlo - limang taon bago mo makuha ang mga papeles na ito.

Pang-apat, 800 Milyong Piso ang nai-ambag ng Kapitolyo sa pondo ng bayan ng Pantabangan dahil sa tamang paniningil ng Buwis, pondo magagamit ng naturang bayan para sa kanilang ikaka-unlad, bayang napabayaan ng nakaraang administrasyon.

Pang-lima, Bayanihang gawaan ng mga kalsada at eskinita ng bawat barangay sa buong lalawigan. Maliban pa sa mga gawaing school buildings at Gyms.

Pang-anim, ang mapatubigan ang bayan ng Gen. Tinio at Penaranda sa pamamagitan ng paggawa ng isang Dam sa gawi ng Pias, Gen. Tinio

Pang-pito, ang pagyamanin ang bayan ng Gen. Tinio upang hindi na bumalik sa pamumutol ng kahoy ang mga mamamayan nito sa pamamagitan ng pagbebenta ng tubig sa MWSS ng kamaynilaan at pag-gawa ng hydroelectric plant sa naturan din lugar.

Pangwalo, ang ayusin ang irrigation ng San Antonio at Jaen upang hindi na nilulubog taon taon ang nasabing mga lugar.

Pang-siyam, Lakihan ang pondong ipinapahiram sa mga magsasaka na binabayaran ng mga ito sa napakababang interest upang lalong gumanda ang kanilang inaani.

at marami pang iba

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: MAY NABAGO BA? -- No name, 23:01:52 12/01/09 Tue

Sa bayan ng pantabangan tutuo ka paraiso ito ng mga taong nakikinabang sa kaban ng yaman ng pantabangan, itunuring na nila na sa kanila ang mga buwis na nakokolekto, na umaabot sa daan daang milyon, na kung gagamitin sa tama at para sa bayan dun mo matatawag na PARAISO ang bayan ng Pantabangan. Puntahan mo at magmasid ka!!!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: MAY NABAGO BA? -- shooter, 14:05:34 05/10/09 Sun

gandang araw everyone, magandang tanong yan ah... kung may nagbago na ba sa NE, pero parang ang hirap sagutin, kase kung ang tatanungin naten ay yung mga maka-joson malamang sasabihin nila walang nagbago ... pero kung ang tatanungin naman natin ay yung mga maka-umali sasabihin madaming nagbago ... siguro the best way to answer this is ano ba yung pagbabago na hinahanap naten sa NE, eto ba yung pagbabago or improvement ng mga kalsada, mga bagong infrastructures, planta or any income generating business, schools, government employee benefits at kung anu-ano pa? or meron pa tayong mas higit na pagbabago na hinahangad? ... or baka pampersonal na pagbabago, like yung makakuha ng kontrata sa gobyerno, or yung magamit naten yung famous line na "di mo ba ko kilala, driver ako ni mayor or ni governor"...
hirap sagutin hano...? pero isa lang ang alam kong nagbago dati ang hirap magsalita ng laban sa namumuno kase pwede kang "patahimikin", ngayon salamat sa internet pwede ng mag-comment ... wahehe ...

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: MAY NABAGO BA? -- woodtiger74 (yes!nadale mo shooter...), 05:42:29 06/16/09 Tue

saktong-sakto mga sinabi mo shooter,ano nga ba kasing pagbabago ang gusto ng ibang novo ecijano,sa ngayon hindi mo pa masyadong makikita o mararamdaman ang mga programa ni GOV. UMALI sa Lalawigan,
1)hindi sapat yung unang termino nya (3 years)para sa lahat ng pagbabago na ito na ayon sa iba "buti" pa daw yung dating nanungkulan,ano ba naman yan,ikumpara ba sa dekada ng namuno sa "BAGO" palang na nanunungkulan na Gobernador.
2)at sa sobrang pamumulitika na nagaganap sa pagitan ng Governor's Office at Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ng Bise Gobernador,na bukambibig eh pwede naman re-allignment ng pondo ng lalawigan kung talagang kailangan,paano gagawa ng Progarama ang Gobernador kung kapos sa inilaang pondo ng SP?dinadaan nyo kasi dami nyo eh,sana sa ating mga KAGALANG-GALANG NA BOKAL,kayo po ay inihalal para paglingkuran ang inyong mga nasasakupan hindi para sa 1 panagalan lang,wala pong personalan,trabaho lang.
Pahabol)saka paanong dadayain nga pala ang nakaraang eleksyon eh Gobernador at Bise Governador magkapatid ang naka-upo kasama pa yung 1 Bokal na anak,kabayan hinay-hinay sa sinasabi mong pandaraya,sa Cabanatuan nga "NATALO" ibig sabihin ayaw na ng nakararaming NOVO ECIJANO dahil ang gusto namin,PAGBABAGO!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: MAY NABAGO BA? -- eddie kaw nman, 07:44:16 05/11/09 Mon

Tama ka kasamang shooter, walang nabago para sa maka Joson, at marami nabago para sa maka Umali
isa lang ang dapat gawin ng nasa gitna, ang personal nilang iverify ang sinasabi ng magkabilang panig kung tama ba o mali ang mga nabanggit na pagbabago

so puntahan ang quezon, licab, carranglan at pantabangan kung totoong kawawa ang mga nasabing bayan, tanungin ang mga empleyado kung nakaka utang na sila sa GSIS at nakakabayad na ng mga low cost housing nila, kung talagang makakakuha ng 800Million ang pantabangan base sa kaso ng probinsya vs. casecnan na dininig sa San jose City, tanungin ang mga Pamantasan kung may utang paba ang kapitolyo sa kanila, pasyalan ang mga lugar gaya ng natividad at laur para iyong makita ang bayanihan sa pagitan ng barangay at Kapitolyo. ahhh ang irrigation at power project na pawang nakalathala sa malalaking dyaryo para sa P25 Billions na bidding nito. at tanungin ang Joson Loyalist na si Apen Santos ng OPA kung magkano ang AMU Fund na pinapaluwal sa mga magsasaka sa napakababang interest.

o ayan na mga bonus kung papaanong mabe verify ang mga nabanggit na mga pagbabago.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: MAY NABAGO BA? -- jack, 06:58:55 07/06/09 Mon

listahan ng pagbabago kasama ng mga inilista ni eddie!

1. fertilizer scam

2. multicab scam

3. solar-lamp scam (sabitan ng tarpaulin)

4. medicine scam (expired at ghost deliveries)

5. illegal quarry scam

6. illegal logging scam

7. crime rate tumaas 4times ayon sa phq

8. advance sop scam (50% sop 30%advance 20% every billing)

9. school bag scam (overprice at ghost deliveries)

baka may nakalimutan pa ko pakidagdag nalang sa listahan.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: MAY NABAGO BA? -- domeng, 00:21:32 08/10/09 Mon

wala na talagang pag-asa ang bayan ko....

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]



VoyUser Login ] Not required to post.
Post a public reply to this message | Go post a new public message
* Notice: Posting problems? [ Click here ]
* HTML allowed in marked fields.
Message subject (required):

Name (optional):

  Expression (Optional mood/title along with your name) Examples: (happy, sad, The Joyful, etc.) help)

  E-mail address (optional):

Type your message here:

Choose Message Icon: [ View Emoticons ]

Notice: Copies of your message may remain on this and other systems on internet. Please be respectful.


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 2.94, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2008 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.