VoyForums

VoyUser Login optional ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 1234 ]


[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Date Posted: 18:28:36 06/29/09 Mon
Author: kolokoy
Subject: UMALIS VS JOSONS (here we go again)

Umalis vs Josons looms in 2010 Ecija polls
CABANATUAN CITY, Philippines EAn Umali-Umali tandem against a Joson-Joson team-up is looming in the 2010 local elections in Nueva Ecija as incumbent Gov. Aurelio Umali is reportedly eyeing to tap his younger brother as his running mate against comebacking former three-term congresswoman Josie Manuel-Joson and Vice Gov. Edward Thomas Joson.

Umali is considering his brother Anthony as his vice gubernatorial running mate under the Lakas-Kampi-CMD banner to wrest control of the Sangguniang Panlalawigan in 2010.

Streamers of the younger Umali are seen prominently displayed in many towns and cities of the province. Anthony has also reportedly sought the endorsement and support of various groups for his candidacy.

Earlier, the Bagong Lakas ng Nueva Ecija of the Josons, announced the fielding of Josie Manuel-Joson, wife of former vice governor Mariano Cristino Joson, as its standard-bearer for governor in 2010 with Edward Thomas as his running mate. Manuel-Joson is a former colleague of Umali in the House of Representatives.
*********************************************************
Sila sila na naman!Sa ating probinsiya wala na yata ibang tao na magaling para mamuno at tapat na maglilingkod upang umangat or mahigitan naman ang ating mga karatig na bulacan and pampanga province sa pag unlad!
Patawarin mo po sila panginoon!Amen!

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


Replies:

[> Re: UMALIS VS JOSONS (here we go again) -- bradley, 19:13:03 06/29/09 Mon

e sino pa ba ang gusto mo.parepareho lang ng layunin ang lahat na iyan.maganda nga at silasila na lang ng magkaubusan at matira ang matibay.ang labananan na ito ang magwawagi ay kung sino ang may paraan kung paano mandaya.dagdag bawas ang lulutas nito at tiyak mas gagawin ng umali iyan dahil ang mga joson masyadong bilib sa kanilang pangalan na nakapagtayo ng dynasty ng walang halong dagdag bawas.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: UMALIS VS JOSONS (here we go again) -- eduard (kagulat gulat ang iyong kata.........an bradley), 03:36:03 06/30/09 Tue

tila nakatitiyak ka kalalawigang bradley na nasa Canada, na kahit nandyan ka sa malayo ay alam na alam mo at tiyak na tiyak mo ang magiging dagdag bawas sa darating na election.

Tila hindi ka nag-aral ng iyong mga impormasyon na:

1. ang mga joson ang naka upong gobernador nung nagkaruon ng eleksyon

2. tila kahirap magdagdag bawas kung mahigit sa daan libo, ulitin ko hundred thousand ang lamang ng umali sa joson mo.

3. at pakitanung narin sa panahon ni Lita Villareal kung panu siya natalo nuon bagamat alam ng lahat na nanalo siya sa botohan, makibalita ka rin sa bongabon kung papaano sapilitang inagaw ang urna upang palitan ang loob nito, at hindi naman si villareal ang nakaupo sa lokal para magawa yun.

4. walang dagdag bawas ang mga joson dahil puro dagdag nga at ang magreklamo binabawasan ang reklamador, kaya mahiya ka sa balat mo, bradley

5. pati mga bata pinatulan ng mga amo mong walang utak, mga bag na walang katuturan inagaw pa sa mga paslit, mahiya kayo, isumpa nawa kayo, kunin na sana kayo ni Lord.

eh alam mo ba kung bakit si Josie? kasi ang mga amo mong sinasamba mo eh nagpa survey, gastos nilang sarile, LAHAT SILA TALO! kesakit tanggapin, so tingnan natin kung si josie eh makaka score, di ba asawa niya nagpasunog ng mga bag?

at alam mo ba, yung anak ni danding joson tatakbong konsehal sa partidong umali, hekhekhekhekhek oh kay lupit naman ng tadhana, sariling kadugo isinusuka ng bata.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: UMALIS VS JOSONS (here we go again) -- BUNDOY (KAAWA AWANG NUEVA ECIJA!), 08:47:00 07/01/09 Wed

Sila sila nanaman?!pagkayari ng mga Joson eh Umali naman ang magpapahirap sa nueva ecija,wala na bang ibang pwedeng kumandidato sa nueva ecija?ang inaasahan nating pagbabago sa mga Umali eh walang saysay,nagsisisi ako at bakit naniwala ako kay Oyie,tapos eto at ang kapatid nya eh makakatandem nya pa!e ung sa ngaun nga wala pang posisyon sa kapitolyo eh lintik ng kumurakot e maging vice pa kaya!?very disappointed talaga!UMALI DYSNASTY NAMAN!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: UMALIS VS JOSONS (here we go again) -- novo ecijano ako! (;-)), 01:01:46 07/06/09 Mon

tama ka sa mga sinabi mo pare,lalo na sa una na maraming ayaw tanggapin ang katotohanan.2007 Local Election ang Gobernador Tomas Joson,Bise Gobernador Boyet Joson,Senior Board Member Edward Joson,paano kaya sila dadayain ng panahon na sila ang "HARI" ng Kapitolyo at ng Probinsya.Napaka-imposible nyong mga maka-Joson,2004 National Election alam ko rin Villareal panalo kaya lang Joson nga naka-upo di po ba,kya napatahimik nila si Villareal,kung ano-anong kaso isasampa sa nasabing ale kapag nag-protesta sa resulta di po ba.2001 Local Election,itinumba si Perez dahil ramdam nila pagkatalo sa dating mayor ng Cabanatuan.Ngayon palang ako hindi makakaboto pero kung may pagkakataon ako,UMALI pa rin ako.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> [> Re: UMALIS VS JOSONS (here we go again) -- novo ecijano ako! (paglilinaw lang po), 01:13:26 07/06/09 Mon

1998 Natonal Election pala si Perez,2001 Local Election si Fajardo nakalaban nila

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: UMALIS VS JOSONS (here we go again) -- Antonio Fernandez (Hayyy naku!), 01:52:05 11/08/09 Sun

Akala ko po sa San Antonio lang ginagawa ang "pangaagaw" ng mga bag para sa mga eskuwela ng mga kampon ng mga Joson at Mayor Arvin Salonga. Yuon pala ay laganap sa buong Nueva Ecija. Ang mga patayan po na unsolved pa rin dito sa San Antonio ay laganap din. Nakatanim po sa isip ng aming alkalde dito, na manugang ng isang Joson, na sinuman ang tinik sa lalamunan ay alisin sa kanilang landas. Ngayon po ay masyado ang pagkatakot ng mga kababayan ko na magsalita kahit kaunti dahil baka makarating sa pandinig ng aming MATAPANG na alkalde Salonga. Matindi rin kasi ang biihan ng boto nuong 2007 sa parte ni Mayor Arvin kaya natamo niya ang kanyang pagkapanalo. Baha ang pera nuon. Ganuon pa rin kaya ngayon? Tulungan mo naman kami Gov. Umali na mawala na ang ganitong klase ng pamunuan sa aming bayan ng San Antonio.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: UMALIS VS JOSONS (here we go again) -- ed (wag ka mawalan pag asa), 06:26:19 07/02/09 Thu

ikaw naman bundoy, kabilis mo mawalan ng pag asa, edi ikaw nalang tumakbo dahil para sa iyo mas matino ka kesa kanila, o di ba, ikaw ang talagang pagbabago. o di ba mas sikat ka, kahit wala kang pera basta totoo sa puso mong hindi ka kagaya nila baka manalo ka, di ba maramoi na kayong sawa sa administrasyong umali? arya, iboto si bundoy, ang pagasa, o ang phenobarbital mo inumin muna para okay ang usapan, masyado, kung ano ano tuloy naiisip mo

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: UMALIS VS JOSONS (here we go again) -- BUNDOY (TAMA NGA...), 14:27:55 07/02/09 Thu

Tama nga ED maligo ka muna at nang pati ung init sa ulo mo e mawala at maka pag isip isip ka ng maigi at baka mabuksan ang isip mo...

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> [> Re: UMALIS VS JOSONS (here we go again) -- buboy, 19:28:23 07/02/09 Thu

YUNG MGA PUMUPURI AT BUMABATIKOS SA MGA ALAGAD AT KAMPON NG MAGKABILANG PANIG...IISA LANG LIKAW NG BITUKA NYO!! AMININ???PURO LANG KAYO SALITA...WALA DIN NAMAN KAYONG MAGAGAWA PARA BUMUTI ANG KALAGAYAN NG PULITIKA SA NUEVA ECIJA...

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> [> [> Re: UMALIS VS JOSONS (here we go again) -- kolokoy, 01:35:23 07/03/09 Fri

Buboy bakit mo pinipigilan ang mga kababayan natin na magbigay ng komento at sasabihan mo ng likaw ng bituka e pare parehas masyado ka naman yata mainitin.
Sana kung ayaw mo magbigay ng komentaryo sa bawat panig e ikaw ang tumahimik at magbasa ka na lang para kang walang pinag aralan dyaskeng bata ka!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> [> [> [> Re: UMALIS VS JOSONS (here we go again) -- konsiyen-siya, 04:24:10 07/03/09 Fri

pasalamat ka buboy at nasa new zealand ka kahit atakahin ka sa puso ngayon meron sasalo sa gastos mo.pero,huwag mo namang gawing diktadura ang mga pahayag mo.masyado namang pareho kayo ng layunin ninyo ng umali mong ganid.alam mo ba na ang layunin nitong umali ito ay hindi lang dynasty?buong nueva ecija gustong tapakan at wasakin para lang sa kanyang ganid at corupt na patakaran.pinagaaralan ng amo mo kung paano niya makokontrol pati ang sangunian para sa ganoon walang sagabal sa gusto niya.huwag po nating hayaan na makontro ni oyie pati sangunian dahil mawawala na po ang check ang balance ng kanyang mga aksyon.importante po ito sa ating kabuhayan bilang demokrasya na magkaroon ng opposition sa pamamahala upang hindi lumabis ang pangaabuso lalo na po kung nasa tabi ni oyie ang kapatid na gahaman.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: UMALIS VS JOSONS (here we go again) -- jack, 06:26:25 07/06/09 Mon

napaka-kapal naman talaga ng mukha ng gobernador nating ito... puro korupsyon na nga ang ginagawa nakuha pa patakbuhin ang kapatid niyang "commissioner" tulad niya. ano ba ang trabaho niyang kapatid mo na yan at galing sa pagiging tambay dito sa bayan eh biglang di-kotse at di-bodyguard pa ngayon??? saan ba niya kinukuha ang ginagastos niya sa pag-iikot niya sa probinsya??? bakit ba kasama siya pagnagpapamigay ng mga bag, ano ba ang item niya sa kapitolyo??? ano ba ang personalidad niya para makielam sa mga transakyon sa kapitolyo, gamot, pagkain, supplies, projects, illegal logging, illegal quarry at marami pang iba na alam na alam ng lahat ng empleyado ng kapitolyo. hale nga, pakipaliwanag atty. dondi este eduard...

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: UMALIS VS JOSONS (here we go again) -- temyong, 18:30:38 07/11/09 Sat

ako, di na ko boboto. wala namang mangyayari. 25 taon na kong nagbabantay ng boto, dayaan pa rin ng dayaan. hayaan na lang natin sila. gusto nilang magpatayan, magpatayan sila. wag lang silang magdadamay. sila na lang magbarilan. gusto nila ng botohan, namimili naman sila ng boto. paang atat na atat maglingkod. sino niloko nila? kumandidato ka pa kung ayaw mo rin namang tumanggap ng pagkatalo. si edward, mabilis daw pumangit sabi ng isang kaibigan ko. kai naman puro lang yung sinasabi ng ama niya ang ginagawa. si umali naman, gnaya na rin nya yung taong kinalaban niya. political dyansty na rin. para banag namamana ang galing sa pamamahala.

kapag iniwanan ng joson ang mga sabungan nila, maniniwala na ko sa kanilang kapakanan ng tao ang gusto nila. kung bakit nagkakagulo sa probinsya ngayon, sila namang nasa taas ang may kagagawan. yun na ang nakmihasnan ang nakagayahan. palo the lider lang yan.

at ang pinakanakakagulo sa lahat nyan, ang mga iglesia ni kristo. binoboto nila ang pinakamalking magbigay sa kanila. hindi yung pinakamatino at magaling. biro mong sa matagal na panahon e tinangkilik nila ang mga joson. e alam naman na nilang walang nagagawa. kaya nga hindi kailanman nanalo sa cabanatuan, dahil hindi napapaloko mga tagaron. ewan ko.

ang cheap ng mga nagsunog ng mga bag sa quezon. para silang nasa panahon ni mahoma.

inis na ko sa inyo ha. sobra na kayo.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: UMALIS VS JOSONS (here we go again) -- atty, 04:04:54 07/12/09 Sun

ayon sa mga political analyst last fight
na ng Joson pag hindi nanalo di na makakabalik
kahit kailan kasi ang pera nila pang ngayong
election na lang at mag uubusan ng pera ngayon
para manalo bawat isang kampo wala sila kasing
matibay na negosyo di tulad ng kalaban may weteng
at Jose Pidal na suporta

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: UMALIS VS JOSONS (here we go again) -- tum pak, 03:56:35 07/14/09 Tue

sa mga sinabi mo kagalanggalang na atty masasabi nating tama ang iyong mga sinabi.wala nga lang jose pidal ang mga joson kaya limitado ang pondo ng kampanya.at tila nagdalawang isip ng tumakbo bilang gobernador para lang makaipon sa mga nagastos.napakadaling talunin ang mga joson maski na ang tatang joson noong panahon niya basta meron lang jose pidal na lalaban sa kanila.tila hindi marunong gumastos pagdating ng eleksyon?kaya yung kabila,alam na alam ang style nilang walang jose pidal kaya natalo.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: UMALIS VS JOSONS (here we go again) -- Panday, 20:05:06 07/15/09 Wed

abay tumpak ka tumpak sa iyong tinuran na ayaw nila gumasta
alam mo ba kung bakit galit si mang Jose Pidal kasi binigyan sila ng 350 milyon pang gastos para kay pandak noong naglaban sila ni Panday hindi ginastos ayun 500k boto lamang ni Panday sa NE buti na lang naka hello kay Garci dats der karma now

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: UMALIS VS JOSONS (here we go again) -- novo ecijano ako!, 01:57:57 07/18/09 Sat

hahaha!nadale panday,wala na silang magoyong presidentiables dahil wala ng tiwala sa kanila....

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: UMALIS VS JOSONS (here we go again) -- julio de guzman (happy), 15:00:59 09/14/09 Mon

alm ninyo po ba na pati ang kinabukasan ng ating mga kabataan ay tinanggal ni umali kasi inalis nya ang scholarship.mahiya kanaman umali sarili mo lang ang ini-isip mo.ngayon huwag na po sana tayong padala sa mga matatamis na salita ni umali.sana lang po tingnan natin kung meron pong nagbago sa nueva ecija doon sa mga maka umli.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: UMALIS VS JOSONS (here we go again) -- UMALI-YA, 18:56:38 09/16/09 Wed

WALA KASING KICK-BACK SA PAGBIBIGAY NG SCHOLARSHIP, WALA SILANG KITA!!!!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]



VoyUser Login ] Not required to post.
Post a public reply to this message | Go post a new public message
* Notice: Posting problems? [ Click here ]
* HTML allowed in marked fields.
Message subject (required):

Name (optional):

  Expression (Optional mood/title along with your name) Examples: (happy, sad, The Joyful, etc.) help)

  E-mail address (optional):

Type your message here:

Choose Message Icon: [ View Emoticons ]

Notice: Copies of your message may remain on this and other systems on internet. Please be respectful.


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 2.94, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2008 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.