VoyForums

VoyUser Login optional ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 12345 ]


[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Date Posted: 05:44:37 11/03/09 Tue
Author: Kulas
Subject: Re: FREEMASONRY, talakayin nga po natin.....
In reply to: Simpleng Tao 's message, "FREEMASONRY, talakayin nga po natin....." on 23:55:19 08/24/08 Sun

Wala naman pong magagawa ang bendisyon ng Pari sa ating mga kaluluwa pag tayo ay patay na, mga kaibigan.

Ang Masoneriya po ang pinakamatanda at pinakaprestihiyosong kapatirang pang-lalake sa mundo. Sina Dr. Jose Rizal po, Andres Bonifacio, at Apolinario Mabini ay pawang kabilang dito. Ito po ay isang napakamapagkawanggawang organisasyon at palagiang nagkikintal ng espirito ng kapayapaan at kabutihan sa puso ng kaniyang mga miyembro.

Napakahirap pong pumasok dito at talagang salang-sala (bagaman, tulad ng ibang samahan, may mga nakakalusot pa rin na hindi dapat), kaya may mga hindi pinapalad na naghihinanakit at nagsasalita ng paninira laban sa organisasyon.

Kung meron po kayong kilala na isang mason na ginagamit ito sa pulitika, gumagawa ng katiwalian o ano pa mang kasamaan, maari po kayong lumiham sa Grand Lodge of the Philippines at magsumbong. Pagtibayin po ninyo ang inyong ulat nga mga notaryadong testimonya at lakipan ng mga ebidensyang katiwatiwala. Maari pong matanggal ang taong iyon sa kapatiran. Dito po kayo lumiham:

NEW PLARIDEL MASONIC TEMPLE
OFFICE OF THE GRAND MASTER
1440 San Marcelino Street, P. O. Box 990
Ermita, Manila, Philippines 1000

Eto po ang kasalukuyang Grandmaster sa Pilipinas http://www.youtube.com/watch?v=7I2dEZHLDqc

Eto naman po ang katunayan na hindi bawal bendisyunan sa simbahan ang isang yumaong mason http://www.youtube.com/watch?v=OEP9RTXgrbw

Ganito naman po magpugay ang mga mason sa isang kapatid na pumanaw http://www.youtube.com/watch?v=9Jb11qNRv40

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


VoyUser Login ] Not required to post.
Post a public reply to this message | Go post a new public message
* Notice: Posting problems? [ Click here ]
* HTML allowed in marked fields.
Message subject (required):

Name (optional):

  Expression (Optional mood/title along with your name) Examples: (happy, sad, The Joyful, etc.) help)

  E-mail address (optional):

Type your message here:

Choose Message Icon: [ View Emoticons ]

Notice: Copies of your message may remain on this and other systems on internet. Please be respectful.


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 2.94, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2008 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.