VoyForums

VoyUser Login optional ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 12[3]45 ]


[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Date Posted: 01:43:11 05/29/08 Thu
Author: Consumer
Subject: NEECO

nais ko lang pong magtanong sa mga kinauukulan kung anong proseso nila sa pag-aaproba sa aplikasyon sa koneksyon ng kuryente sa ating probinsya.kamakailan ay nakabili kami ng pwesto ng tindahan at nag-aplay kami ng koneksyon pero ilang buwan na ang aplikasyon namin ay ayaw pa ring aprubahan kasi di daw nakakabayad ng bill ang kapitbahay namin at yon daw kasi ang BAGONG patakaran ng NEECO.nakakahiya man pong aminin na parang umuurong ang serbisyo publiko sa ating probinsya kaya siguro napag-iiwanan na tayo ng mga katabing probinsya natin na mag-move on dahil sa ganitong patakaran. pakaliwanag lang po.

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


Replies:

[> Re: NEECO -- Bosse (MMMMMM), 19:56:42 05/29/08 Thu

Basta ako isa lang ang masasabi ko,walang kwenta ang kahit na anong patakaran ng gobyerno lahat ng departamento !!! Hindi organisado ang mga patakaran LALONG LALO na ang mga TAUHAN!

Wala rin akong idea sa kung ano man ang bago nilang patakaran kaya mas maganda pare personal kang magsadya sa opisina nila at sasalubungin ka ng mga nakasimangot at pangit na mga empleyado. Ilang beses na akong nakapunta dya at nakupo, grabe ang mga empleyado dyan lalo na yung mga kaherang gurang, ubod ng susuplada. Meron pa nga dyan naninigaw ng kustomer! Sarap ilubog sa tubig na kumukulo. Dun naman sa NEECO San Isidro, meron dung isang lalaking gurang din, malakas ang boses, akala mo ba tindero sa palengke! Kinagalitan yung isang kustomer na nakikiusap na baka pwedeng isang buwan muna ng electric bill nya ang bayaran dahil hindi kasya ang pera nya. Lesyo ganun, kesyo ganito with matching kumpas ng kamay at panlalaki ng butas ng ilong. Mukha syang hippopotamus sa totoo lang!

Hay naku, mabibilang mo sa daliri ng paa mo ang matitinong empleyado ng gobyerno. WHAT A SHAME!!!!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: NEECO -- Jayvee, 23:25:26 06/03/08 Tue

Ano naman kaya ang koneksyon ng di pagbabayad ng kapitbahay mo sa electric bill nila sa iyong aplikasyon ng serbisyo ng koryente mula sa NEECO? di yata makatwiran iyan. Puntahan po ninyo ang Customer service ng NEECO at dalhin ninyo ang mga supporting papers nyo sa inyong bussiness gayon din ang inyong katibayan ng aplikasyon sa serbisyo at kung ayaw pa rin kausapin na ninyo ang mismong manager at sabihin nyo ang mga sinasabi ng mga tauhan nila. naitanong nyo ba kung may pinanghihinawakan silang kautusan na kung ang kapitbahay mo ay di nag babayad ng bill ay di dapat kang bigyan ng serbisyo? pag ganyan katamaran lang nila iyan at gawa gawa lang nila. sabihin na nating baka may hinihintay na..... hmmmmp. dapat mawala na sa serbisyo ang mga taong ganyan.... mga tatamad tamad!!!!!!!

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]



VoyUser Login ] Not required to post.
Post a public reply to this message | Go post a new public message
* Notice: Posting problems? [ Click here ]
* HTML allowed in marked fields.
Message subject (required):

Name (optional):

  Expression (Optional mood/title along with your name) Examples: (happy, sad, The Joyful, etc.) help)

  E-mail address (optional):

Type your message here:

Choose Message Icon: [ View Emoticons ]

Notice: Copies of your message may remain on this and other systems on internet. Please be respectful.


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 2.94, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2008 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.