VoyForums

VoyUser Login optional ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 1234 ]


[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Date Posted: 02:17:34 01/23/08 Wed
Author: missy
Subject: Nakapangingilabot naman ang mga balita dito!

Ng buklatin ko ang mga pahina ng mga balita mula sa Nueva Ecija, puros mga balita ng tungkol sa mga napatay na Nueva Ecijano. Ang ibig sabihin niyan maraming mga mamamatay tao ang kahalubilo ng mga mamamayan. Hindi ba nababahala ang mga mamamayan? Nalalaman ba nila kung gaano karami nang mga kababayan nila ang sumalangit na (kung me langit nga) dahil pinatay sila ng kapwa nila? Marunong bang mag-imbistiga ang mga binabayaran ng pamahalaan para mahuli ang mga pumatay sa mga namayapa na? Sino ang mga susunod? Di ba kayo natatakot manirahan sa isang lugar na pag me napatay, walang nahuhuli? At kung mahuli naman, pinawawalan din, tulad nuong araw na nabalitaan ko, pinatawad daw ni Estrada e kitang-kita ng mga tao kung paano pinatay ang kanyang kalaban sa politika.

Baka kaya ganyan ang ating lalawigan, marami ang hindi natatakot pumatay at mahuli, lalu na kung konektado sa mga nakaupo sa pamahalaan.

Dapat maligalig ang mga tao sa mga nangyayari, pero tila walang nayayanig dahil patuloy lang ang buhay at kung mapatay, bahala na ang diyos.

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


Replies:

[> Re: Nakapangingilabot naman ang mga balita dito! -- Michael (Nakaka takot ngang manirahan ngayon sa NE), 00:30:35 04/11/08 Fri

Naalala ko pa ng kabataan ko na ginagabi akong nag lalakad sa mga sabana sa aming lugar sa NE at walang anumang bagay akong kinatatakutan, sa 11yrs kong pag lalagi sa abroad ay dito nalang ako nakakabasa ng mga balita tungkol sa mahal kong Nueva Ecija, dahilan narin sa pag mamatyag ko sa napipinto kong pag balik sa aking lugar na kinalakhan. Subalit sa aking mga nababasa ay puro karahasan at lubhang nakakatakot na nga palang manirahan sa aking matandang lugar. Sana ay mapag igting ang pag supil sa mga maling kaganapan sa atin dyan sa NE, akoy nanawagan sa mga naka upo na sana ay gumawa ng kamay na bakal na susupil sa mga masasamang tao, pag supil na walang kinikilingan at walang kinakampihan. Dapat nating isipin na tayo ay mag kakapatid at lahat tayo ka uuwi din sa kamatayan ng nasa tamang oras.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: Nakapangingilabot naman ang mga balita dito! -- jojie pajarillaga, 00:59:42 04/28/08 Mon

Siguro kaya missy ang iyong name dahil matagal ka na di nakakauwi dito sa pinas at namimiss mo na ang kaganapan?Pangkaraniwan na lang dito sa ating province of nueva ecija ang patayan,rape,robbery atbp.pang krimen.Ito ang pang alis problema or past taym ng ating mga kababayan dahil wala nga work or trabaho kesa tumunganga na lang eka sa bahay maghapon e walang mangyayari di po ba miss missy?

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: Nakapangingilabot naman ang mga balita dito! -- liberty (nakakagalit), 03:48:41 01/17/09 Sat

Ang Nueva Ecija ay punong puno ng ibat-ibang klaseng krimen tulad ng pagnanakaw at pagpatay. May alam akong barangay ng sikat na bayan ng NE na talaga namang pugad ng magnanakaw. yun ang kailangan nilang pagtuunan ng pansin(mga nasa kapulisan, kaso sila mismo maambunan lang ng nanakaw pakakawalan na ang hinuli nila o kaya madalhan lang sila ng babae (pokpok).ayos na sila. Lalo na ang mga naka motor ng single, yun ang may mga motibo ng pagnanakaw. Pupuntahan nila ang mga liblib na lugar para makapagnakaw ng mga hayop tulad ng kambing na madaling isakay sa motor at itago sa suot na jacket.
Kaya galit na galit ako sa mga taong di lumalaban ng parehas sa mundo. Di sila magbanat ng buto o mag trabaho ng marangal.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: Nakapangingilabot naman ang mga balita dito! -- irma, 10:34:49 01/21/09 Wed

di mo ba alam na may nakawan nga ng kambing na nahuli sa laur? nung mahuli yung magnanakaw, pinatrabaho ng isang col panregalo sa mga opisyal sa maynila. di ko lang nakuha ang pangalan.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: Nakapangingilabot naman ang mga balita dito! -- Jayvee (Huwag matakot dalawin o balikan ang NE.), 20:46:00 01/24/09 Sat

Iyung mga may alam ay dapat ipaalam, paano mo palalayain ang isang lugar na alam mong pugad ng mga masasama kung ayaw mong itong ituro para mabigyang pansin ng ating kapulisan, tila itinatago mo pa, hmmmmp.
Ang mga krimen at kung ano ano pa na sinasabi o nabanggit ng iba nating daberkats ay di lang sa NE nangyayari kahit sa makati, manila o saan mang parte ng Pilipinas o mundo may krimen. Huwag nyong takutin ang mga tao. Matakot kayo kung kayo ay may inaapakang tao dahil sigurado may balik iyon.
"Maging mapagmasid at maging responsableng mamamayan ng NE".
Mabuhay ang Nueva Ecija.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> [> Re: Nakapangingilabot naman ang mga balita dito! -- irma, 09:02:53 02/08/09 Sun

colonel baluyut diumano ang pangalan ng colonel. kasama yan diumano pati sa iba pang krimen. pati mga mahihirap sa isang dulong barangay sa laur diumano ninanakawan ng kambing. nasabat ng mga barangay tanod nang tinext kung saan gumawi ang mga magnanakaw ng kambing at yung pangalan niya sinabi. pati sa kidnap for ransom diumano ay pasimuno siya. siguro kung di sya totoong ganun, kelangan niyang pasinungalingan. tanung kung baki laging lumulutang ang pangalan niya.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]

[> Re: Nakapangingilabot naman ang mga balita dito! -- liberty (takot), 05:02:32 03/06/09 Fri

maaaring konsensya ko na nga lang kung bakit di ko masabi ang eksaktong lugar ngunit hindi ibig sabihin na itinatago ko, natatakot lang ako para sa kapakanan ko. Baka mamaya, may magaling na maka trace kung sino talaga ako.
Pasensya na kung meron lang sana akong sikretong pag sasabihan. Yung siguradong kakampi at hindi nag babalatkayo lang.

[ Post a Reply to This Message ]
[Edit]



VoyUser Login ] Not required to post.
Post a public reply to this message | Go post a new public message
* Notice: Posting problems? [ Click here ]
* HTML allowed in marked fields.
Message subject (required):

Name (optional):

  Expression (Optional mood/title along with your name) Examples: (happy, sad, The Joyful, etc.) help)

  E-mail address (optional):

Type your message here:

Choose Message Icon: [ View Emoticons ]

Notice: Copies of your message may remain on this and other systems on internet. Please be respectful.


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 2.94, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2008 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.