Subject: Master Heim, sad but true ang iyong mga assessments. Ang tanong, kailan kaya tayo pakikinggan ni Ginang Stella Araneta upang hindi na maulit ang mga ganitong bagay-bagay? Sampung taon na tayong tigang sa Miss Universe! Bakit kaya hindi gayahin ni STELLA ARANETA ang ibang countries na hindi ipadala ang delegada natin for 2 years or so? Di ba ganon ang ginawa ng Sweden at Iceland, kita mo pasok sila sa semi-finals this year? At saka kailan kaya magpapahinga si STELLA ARANETA dahil she lost her golden touch! Puro thank you girls na lang ba ang ipanlalaban natin at kailan kaya pananalunin ang mga totoo at nararapat na binibini upang ipadala sa iba't-ibang beauty contest? At kailan kaya tayo titigilan ni Alfredo Barazza sa kanyang pagsabotahe ng ating mga delegada???? KAILAN??! Tama na, ayoko na, palitan na. Bilihin mo na kasi Master Heim ang franchise ng Binibining Pilipinas at hayaan ang mga tunay na PINOY ang mag-handle sa ating mga delegada! |