Friday, May 2, 2008 - New servers are in! Click-in for more info!
VoyForums

VoyUser Login optional ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 1234567[8] ]
Subject: FIMH : Dawn Joins Regine and Richard


Author:
MIB- news on-line
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 14:54:24 11/22/04 Mon
Author Host/IP: 203.213.193.247


Subject: Dawn Join Regine and Richard on FIMH

"This is entertainment, it's not like we are trying to fool people,"
aniya. - quote from this article


( I guess they don't know what's really going on then. eh? hehe..
Because someone is trying to fool the public into thinking Dawn
and Richard. Regine and Ariel.. di ba? -mmJun )


ISA si Dawn Zulueta sa may pinakamagagandang mukha sa Philippine show
business. Kaya nga't kina-kiligan talaga ng mga Pinoy ang tambalan
nila ng guwa-pong matinee idol na si Richard Gomez.
Naging classic lahat ang mga pelikulang kinatampukan nilang dalawa.
Huli silang napanood bilang magkasintahan noong 1993 sa Saan Ka Man
Naroroon. At hindi malilimutan ang pelikulang nagpaiyak at nagpa-in
love sa napaka-raming Pinoy noong 1991, ang Hihintayin Kita sa
Langit.

Ngayon, muling bubuhayin nina Dawn at Ri-chard ang kanilang pag-ii-
bigan sa pinakaromanti-kong programa sa Philippine TV, ang Forever
in My Heart ng GMA-7.

Magbabalik sa drama si Dawn bilang si Stella Car-bonell, ang babaing
nababalot ng misteryo at may malungkot na nakaraan na magiging
malapit kay Ra-phael (Richard Gomez) no-ong ang binata ay
napahiwalay sa minamahal ni-yang si Angeline (Regine Velasquez).

Isang doktor si Stella na mula sa mayamang ang-kan at may asawa't
anak. Ngunit isa siyang battered wife. Dahil sa isang trahed-ya,
mawawala ang lahat sa kanya - ang pamilya niya at maging ang sariling
propes-yon. Tatalikuran niya ang dating buhay at titira sa i-sang
isla kung saan ibubuhos niya ang lahat ng oras sa pagpipinta.

Mapapadpad naman si Raphael sa isla kung saan namumuhay nang tahimik
si Stella.

Naputol ang kamay ni Raphael sa aksidente at nag-aagaw-buhay nang ma-
tagpuan siya ni Stella.

Kahit tinalikuran na ang medisina, mapipilitan si Stella na iligtas
si Raphael. Ipapakilala ni Raphael ang sarili bilang Eric para
maitago ang magulo niyang nakaraan.

Pero, patuloy ang pagmamahal ni Raphael kay Angeline kahit sila'y
magkalayo. Ngunit sa paglipas ng mga araw, unti-unting mapapalapit
sina Stella at Ra-phael sa isa't isa. Sino na kaya ang tunay na
soulmate ni Raphael - si Stella na ba o si Angeline pa rin?

Sa press conference kamakailan para sa pagpasok ni Dawn sa Forever
in My Heart, sina-bi nitong excited na si-yang ma-katrabaho ulit si
Richard.

"It's very nice because we have a ve-ry good working relationship.
We have good chemistry," sabi niya. Pinakaaabangan din ng aktres ang
pagbabalik sa drama.

"I miss being creative in front of the camera, at work," sabi ni-ya
nang may ningning ang mga mata.

Kaya naman natuwa ang aktres nang i-offer ng GMA na maging isa
siya sa main cast ng Forever in My Heart. Ang appeal man ng role niya
ay upang ibalik ang dating love team nila ni Goma, si-nabi ni Dawn
na hindi siya nabahala rito.

"This is entertainment, it's not like we are trying to fool people,"
aniya.

Samantala, ito ang u-nang pagkakataon na makakasama ni Dawn si Regine
Velasquez sa isang drama, at nai-excite siya na makasamang muli ang
friends niya from showbiz.

"It's going to be fun I've been away from the limelight for seven
years and it will be just like a reunion for us."

Nang tanungin kung ang pagsali niya sa cast ng Forever in My Heart
ay simula na talaga ng pagbabalik niya sa telebisyon at sa showbiz,
sagot niya, "I think you could say that I want to continue to grow,
to continue my creativity, for this is really what I love."

Idinagdag pa ni Dawn, "Of course my family life takes precedence.
But it's a good thing to go back to movies or TV or hosting, as
long as I can work out a schedule wherein I'll be able to balance
time for my family and my work."

Sagot naman niya sa tanong kung okey lang sa mister niyang si Anton
Lag-dameo ang balik-tambalan nila ni Goma, "okey lang na-man,
pero no kissing scene," sabay tawa ni Dawn.

Ma-in love muli sa pagbabalik ng love team nina Dawn at Richard sa
Forever in My Heart na napapanood sa GMA-7 - -


--------------------- FIMH ----------->


“What we tolerate in our ears is a good measure of what we will allow to enter our hearts.” --- Anonymous


--------------------- FIMH ----------->

FOREVER IN MY HEART YAHOO GROUP :
http://tv.groups.yahoo.com/group/rv_foreverinmyheart/


------------- MUSIC INSIDE BUZZ ---------->

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


VoyUser Login ] Not required to post.
Post a public reply to this message | Go post a new public message
* Notice: Posting problems? [ Click here ]
* HTML allowed in marked fields.
Message subject (required):

Name (required):

  Expression (Optional mood/title along with your name) Examples: (happy, sad, The Joyful, etc.) help)

  E-mail address (optional):

* Type your message here:


Notice: Copies of your message may remain on this and other systems on internet. Please be respectful.

[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 2.94, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2008 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.