Friday, May 2, 2008 - New servers are in! Click-in for more info!
VoyForums

VoyUser Login optional ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 123456789[10] ]
Subject: Sana I-reinvent ni Regine ang sarili niya!


Author:
by Allan Diones
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 10:48:28 12/06/04 Mon

Sana I-reinvent ni Regine ang sarili niya!
by Allan Diones

Matapos ang panonood ng mga kalunos lunos na eksena at
mga nakakadepress na imahe ng trahedya sa TV nitong
nakaraang linggo ay napakasarap manood ng concert nung
weekend para kahit paano'y makalimot sa bangungot na
idinulot ng bagyong katatapos lang tayong hagupitin.

Hindi na kami nagulat na puno ang Araneta Coliseum ng
manood kami ng 2nd night ng Reigning Still concert
nung Sabado dahil laging jampacked ang Big Dome kapag
si Regine Velasquez ang nagko-concert dito at
kadalasan ay soldout ang tickets.

Opening number pa lang ay halata nang pinagkagastusan
at pinag-effortan ang concert na concept ni Regine at
siya rin ang nagdirek.

Palakpakan ang mga tao sa rain effect sa stage habang
tila nagpa-fashion show ang naka-masquerade ball
costume na si Regine at dancers niyang Hotlegs, itsura
ng Phantom of the Opera.

Could it Be Magic ang opening song ng Songbird na sa
ending ng kanta ay nagbuga ng apoy ang kapartner
niyang lalake na naka-panthom costume, si Master
Magician Eric Mana. Hinubad ni Regine ang kanyang
ballgown ar platinum wig. Hiyawan ang audience nang
tumambad sa kanila ang seksing-seksing pink outfi ng
Songbird, sabay sing ng Toxic ni Britney Spears. Ang
puti at ang kinis ni Regine. Malaman ang katawan niya
pero sexy at hindi mataba, kumbaga voluptous ang
dating. Tilian ang fans kapag gumigiling at kumekembot
siya na parang nanunukso.

Nagtapis siya ng manipis na paldang mahaba bago niya
inawit ang medley ng Tuwing Umuulan, Kung Maibabalik
Ko lang Pangako at Dadalhin. Muling bumagsak ang ulan
sa stage. Rainy season ang drama ng portion na iyon.

Dahil sa mga nagdaang bagyo, ayon kay Regine, dapat
daw ay Typhoon Still ang titulo ng concert niya. May
isang babaeng sumigaw ng "I love you, Regine!" na
sinagot niya ng "Thanks, sana naging lalake ka!"

Four years na raw siyang hindi nagko-concert nang
malakihan dahil kinakaban na siyang mag-solo concert.

Kinanta ni Regine ang kanyang revival ng Gary V hit na
Di Bale Na Lang na nasa bago niyang album na Covers,
sabay entra ni Andrew E at nagduet sila habang tatlong
dancers ang abala sa pagma-mop ng nabasang entablado.

Minsan Lang Kitang Iibigin ni Ariel Rivera ang kasunod
niyang inawit, segue sa Pangarap Ko'y Ikaw habang
music videos ng mga ito ay ipinapalabas sa giant
screen sa stage.

Enter frame si Sarah Geronimo na bumirit ng To Love
You More; Sheryn Regis na bumanat ng Come On In Out of
the Rain at Kyla na kakaibang version ng Somewhere
Over the Rainbow ang binanatan.

Applauded ang pagbirit ng tatlong bagong diva. May mga
nagsasabing kinabog daw ni Kyla sina Sarah at Sheryn
sa portion na iyon, but we beg to disagree dahil mas
bilib kami sa husay at sa pagkadiva nina Sarah at
Sheryn.Ewan pero eversince ay hindi kami ganun
kakumbinsido sa galing ni Kyla. Maganda at kakaiba ang
mala-R&B na paghagod at pagbirit niya ng Somewhere
Over the Rainbow pero nakukulangan pa rin kami sa
vocal power niya.

Gaya ng tatlo ay nakadilaw na gown din si Regine sa
pag-entra niya. Parang pangkasal ang suot niya sa haba
ng train. In Your Eyes ang inawit ni Regine at
pagkatapos ay kinanta nilang apat ang And I Am Telling
You na winning piece ni Regine ng lumaban siya sa Asia
Pacific Song Festival sa Hongkong nung 1989. Ayon sa
Songbird, very proud siya kina Sarah, Sheryn at Kyla
at ang tatlo raw ang mga bagong reyna na maghahari sa
ating industriya ng musika. "Patayan medley ang tawag
doon sa ginawa namin. Kulang na lang magsaksakan kami!
Ha ha ha!" biro ni Regine. "Ang gagaling nila, 'noh? O
taman na, ang lola naman!" sey niya na ikinahalakhak
ng audience.

I Will Love Again ang next niyang inawit bago
nag-change of season sa enteblado. Dance ang Hotlegs
habang unti-unting nagbabagsakan ang tuyong dahon sa
entablado na hudyat ng fall season o taglagas.

Pag-entra ni Regine ay naka-sexy violet gown na siya
na makintab at litaw ang kanyang tiyan, pusod at legs.
Sing siya ng Say That You Love Me ni Martin Nievera
habang ipinakikita sa screen ang music vido nila ni
Raymond Bagatsing. "Eto ang aking bagong fashion
statement, beaded panty! Kita ba?" pabaklang tanong
niya sa audience bago siya bumaba ng entablado at
kumanta ng Perfect ng True Faith.

Pagbaba ni Regine ay nagsuguran ang fans papalapit sa
kanya ang mga celfne nilang may built-in camcera par
kunan ang idolo nila. "Okey, picture taking!" sigaw
niya, sabay pose habang kumakanta. Nilapitan niya si
Ogie Alcasid sa audience at pinakanta ng ilang linya
ng hit song nitong Ako'y Iyong Iyo. Pakikay siyang
umupo sa kandungan ng isang lalake na nasa may harapan
bago siya bumalik ng stage.

Awit Para Sa Iyo ang next song ni Regine, segue sa
Tell Me na duet nila ni Ariel Rivera. Galing sa
audience si Ariel at ang lakas ng tilian pagakyat nito
ng entablado. Tilian ulit pagsabi ni Regine ng ,
"Ladies and gentlemen, my ex!" Tawanan din ng humirit
si Ariel bago umexit ng, " Nawala tuloy ako! Ikaw
talaga, Regine, kung anu-anong sinasabi mo!"

Inawit niya ang senting Kailan habang may dalawang
pares ng dancers na nagkukunyapit sa mahahabang telang
nakalawit sa stage at lumilipad lipad sa ere, na
halatang ginaya sa mal-cirque de soleil na french
acrobats sa Bench underwear na show na ginanap din sa
Big Dome.

Change of season na naman, Dance ulit ang Hotlegs
habang nagi-snow sa entablado, Umentra si Francis M
para sa rock medley duet nila ni Regine. May malakas
na sound effect na animo'y nagi-snow storm sa buong
paligid.

The Reason ng Hoobastank, Bring Me To Life ng
Evanescence at In the End ng The Calling ang binanatan
ng dalawa. Bombshell rocker ang itsura ni Regine sa
suot niyan black bra tops at hot leather pants.
Nagpatong siyan ng red gown bago niya inawit ang
Kailangan Ko'y Ikaw. Umentra sa giant screen ang music
video no Jasmine Trias at sinabayan ni Regine ang
pagkanta nito ng Kailang Kita, na obviously ay promo
ng Smart commercial ni Jasmine.

Mahabang thank you portion ang kasunod tapos ay
pinakilala niya ang kanyang band. Pagentra ng San
Miguel Chorale ay sing is Regine ng In the Name of
Love.

Pinasalamatan ng Songbird sina Rajo Laurel, Pepsi
Herreraat Edwin Tan na lumikha ng kanyang mga outfit,
pati na ang mga taong dumagsa sa Araneta nung gabing
yon kahit katatapos lang ng bagyo. Hindi niya
nagpigilang mapaiyak ng awitin niya ang medley ng
Miracle, I Believe I can Fly at Believe habang
ipinapakita sa screen ang pictures niya through the
years.

Umexit siya saglit pero lumabas din siya agad to do
her encore number. Sing and dance siya ala Michael
Jackson sa medley ng Billie Jean, Bad, Beat It at
Thriller. Hindi talaga dancer si Regine, pero
nag-effort siyang humataw ng sayaw.

For her last encore number ay kinanta niya ang Shine
na jingle ng isang commercial.

Apat na taon bago nasundan ang major solo concert ni
Regine sa Araneta. Ang tanong, was it worth the 4-year
wait? In fairness ay pinagisipan at pinag-effortan ang
Reigning Still at balitang 10M ang ginastos para lang
mapaganda at mapabongga ito, perso sana ay mas
hinabaan pa ang show para sulit na sulit.

Alam naming hindi dance diva si Regine pero sana ay
dinamihan ang dance songs sa repertoire niya para mas
mabuhay ang audience at nakisayaw kasama niya. Yun
kasi ang kulang sa mga concerts ni Regine, yung party
atmosphere at energy na magpapaindak sa yo at
gugustuhin mong makihataw ng sayaw sa kanya.

Tutal gusto niyang mapaiba, sana ay mag-isip din siya
ng ng naiibang repertoire sakaling maisipan niya na
magsolo concert uli.

Alam na ng lahat na siya ang numero unong diva at
biritera ang bansa, kaya mas maeexcite kami kung
ire-reinvent niya ang sarili niya at ibang facet ng
kanyang pagiging concert artist ang ipakikita niya.

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


VoyUser Login ] Not required to post.
Post a public reply to this message | Go post a new public message
* Notice: Posting problems? [ Click here ]
* HTML allowed in marked fields.
Message subject (required):

Name (required):

  Expression (Optional mood/title along with your name) Examples: (happy, sad, The Joyful, etc.) help)

  E-mail address (optional):

* Type your message here:


Notice: Copies of your message may remain on this and other systems on internet. Please be respectful.

[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 2.94, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2008 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.