Friday, May 2, 2008 - New servers are in! Click-in for more info!
VoyForums

VoyUser Login optional ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 12345[6]78910 ]
Subject: RV, pinaiyak ang mga magulang sa ika-37th anibersaryo


Author:
bird news on-line
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 09:29:40 08/01/05 Mon

Regine Velasquez, pinaiyak ang mga magulang sa ika-37th anibersaryo
ng kasal! -Jun Nardo

INASIKASO nang personal ni Regine Velasquez pati na ang mga kapatid
niyang babae ang surprise 37th wedding anniversary ng parents niya
last Friday na ginanap sa Fernwood Gardens sa Quezon City.

Inokupa ng mga Velasquez ang isang malaking function room doon na
nilagyan ng sound system dahil may mga special guests na singers
bilang bahagi ng selebrasyon.

Nagsalu-salo sa masarap na pagkain ang mga kamag-anak ni Regine at
ng mga parents niya na galing sa Bulacan at sa ilang probinsiya sa
Visayas. Ang dinig nga namin, inilipad halos lahat ang kanilang
kamag-anak nang libre para maging bahagi na rin ng natatanging
okasyon para sa magulang niya.

Eh, pagpasok pa nga lang sa Ferwood, nakasakay sa tiburin sina Mang
Gerry at Mrs. V (tawag sa mother ni Regine) ay nasurpresa talaga
nang makita ang nakapilang kamag-anak na sumalubong sa kanila.

Matapos ang masarap na kainan, si Allan K ang siyang nag-host ng
konting programa. Paborito kasi siya ng mother ni Regine lalo na
kapag depressed ito.

Sa skit nga ni Allan with Phillip Lazaro, talagang bukod sa tawa ni
Regine, pati na ng crowd, panay rin ang bungisngis ng mother ni
Songbird, huh!

Special guest din that night si Anton Diva na bumirit ng dalawang
kanta na pinasikat ni Regine. Nagbigay rin ng kanta si Erik Santos
at ang kaibigan ni Regine na si Pops Fernandez.

Sa huling bahagi ng programa, isang mini-concert ang inihandog ni
Regine sa mga mahal na magulang.

"At this point, ang mahal kong magulang naman ang kakantahan ko.
Hindi masyadong alam ang mga paborito nila, but I'm sure, favorites
din nila ito," say pa ni Regine.

Mistulang concert nga ang anniversary na `yon dahil present ang
brother in-law ni Regine na si Raul Mitra na nagsilbing musical
director ng okasyon. For sure, isang selebrasyon `yon na hindi
makakalimutan nina Mang Gerry at Mrs. V. Kitang-kita naman sa
kanilang mga mata ang luha ng kaligayahan dahil sa regalo sa kanila
ng mabait na anak.

-------------------- > :-) < --------------------

rv_foreverinmyheart · RV_Forever In My Heart
http://tv.groups.yahoo.com/group/rv_foreverinmyheart/

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


VoyUser Login ] Not required to post.
Post a public reply to this message | Go post a new public message
* Notice: Posting problems? [ Click here ]
* HTML allowed in marked fields.
Message subject (required):

Name (required):

  Expression (Optional mood/title along with your name) Examples: (happy, sad, The Joyful, etc.) help)

  E-mail address (optional):

* Type your message here:


Notice: Copies of your message may remain on this and other systems on internet. Please be respectful.

[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 2.94, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2008 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.