VoyForums

VoyUser Login optional ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 1234567[8]910 ]
Subject: Purnada na talaga ang Juday-Aga-Regine movie!


Author:
media press movie news on-line
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 17:38:39 04/27/05 Wed

Thu Apr 28, 2005 8:52 am
Subject: Purnada na talaga ang Juday-Aga-Regine movie!


SPEAKING of DUBAI, na binanggit ko kahapon, may ikukuwento
ako sa inyo. Nu’ng kasagsagan ng preparasyon ng Viva Films
para sa movie nina AGA MUHLACH, REGINE VELASQUEZ at JUDAY
na ididirek ni Bb. Joyce Bernal ay aligaga rin ang
Star Cinema na gumawa ng Aga-Juday movie. Na ewan ko
naman kung bakit hindi ito itinuloy.

Parang gandang-ganda yata ang Star Cinema sa Viva project
at kailangang gumawa ng hakbang para hindi ito matuloy.

First, gumawa ng movie si Aga with Kristine Hermosa around
Asia kung saan namatay si Aga. Eh ‘yun mismo ang plot ng
movie nina Juday, Regine at Aga. Kaya kinailangang baguhin
ang kuwento ng Viva movie.

Ang magdidirek ng Aga-Juday-Regine movie na si Bb. Joyce Bernal
ay siyang pinagdirek sa sitcom ni Ai Ai delas Alas
na TANGING INA kaya naging busy ang binibining may anak
naman.

Nagpahayag ang Viva Films na hindi na magagawa ang
Aga-Juday-Regine movie dahil sa high budget nito. Kaya
isinosyo na lang ng Viva Films ang contract ni Regine
sa Star Cinema. Eh di ayos na ayos na sana ‘yung mapagsasama
na sina Aga-Juday at Regine under Star Cinema, debah? Mapupunta
na sa Star Cinema ang project ng Viva Films,
debah, debah?

Eh bakit ngayong nasa bakuran ng Star Cinema si
Regine Velasquez, bakit kay PIOLO PASCUAL siya ipinareha?

At si Aga Muhlach ay kay Claudine Barretto uli ipinareha
sa DUBAI.

At si Juday ang NAWALAN? Gumawa ang dalawang dapat eh co-stars
ni Juday ng ibang pelikula without her in the cast? Hayan tuloy,
purnada na ang pangarap ng matagal na ng mga gustong makapareha
ni Juday si Aga Muhlach!

Sinadya kaya ‘yan ng Star Cinema o marumi lang ang isip ko?

***

__________________________________________________

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Replies:
[> Subject: REGINE supportado ni PIOLO !!!


Author:
news postings on-line
[Edit]

Date Posted: 17:44:26 04/27/05 Wed

REGINE VELASQUEZ supportado ni PIOLO !!! paopaostarst...
Offline
Send Email

BIRTHDAY kahapon (April 24) ni Regine Velasquez. She's now 35 years old at mukhang hindi maganda ang naging pagsalubong niya sa kanyang kaarawan dahil sa tax evasion case na isinampa laban sa kanya ng BIR noong isang linggo.

Kumbaga, nakaka-bad trip na kung kelan birthday niya ay saka naman naglabasan ang tungkol sa kanyang kaso sa BIR. Wala rin siya rito sa bansa para ipaliwanag ang kanyang panig.

Nasa Amerika nga-yon si Regine para sa i-lang series of shows at commitments niya roon. Sa May 5 pa siya nakatakdang bumalik ng bansa. Ayon sa isang malapit kay Regine, aasikasuhin agad ng singer ang problema niya sa BIR pagbalik na pagbalik nito ng bansa.

Marami namang artista ang hindi naniniwala na magagawa ni Regine ang akusasyon sa kanya ng BIR. Maaaring


miscommunication lang daw ang lahat kaya nagkaroon ng konting problema.

Isa si Piolo sa nagwi-wish na malampasan ni Regine ang kanyang kasalukuyang problema. Makakasama ni Piolo si Regine sa isang pelikula sa Star Cinema na nakatakdang simulan nga-yong Mayo.
__________________________________________________

[ Post a Reply to This Message ]
[> [> Subject: Piolo-Regine movie starts shoot next month


Author:
movie press release on-line
[Edit]

Date Posted: 17:48:44 04/27/05 Wed

Piolo-Regine movie starts shoot next month


HINDI magkamayaw sa pagtili ang mga tagahanga ni Piolo Pascual sa launching ng kanyang third album under Star Records na "Renditions" sa Atrium ng Megamall. No wonder, ang saya-saya ni Piolo nu'ng makausap naming siya sa Max's after the launching.

Kapuri-puri ang performance ni Piolo that night kung saan nagra-radiate ang kasiyahang nadarama niya. Malaki ang improvement ng kanyang boses since we last saw him sa concert niya sa Araneta Coliseum. At mas relax na siya ngayon sa pakikipag-interact with his audience.

Nakatulong kay Piolo ang pagko-concert niya sa ibang bansa at ang pakikipagsabayan niya ng kantahan with more established singers like Gary Valenciano and Martin Nievera sa "ASAP '05" every Sunday. Plus ang disiplina na pagtulog ng maaga sa gabi. Alas-onse pa lang ay tulog na isya at gigising siya early in themorning.

Si Piolo mismo ang nag-request kay Louie Ocampo na I-produce siya ng album nu'ng magkasama sila sa first major concert niya sa Bog Dome kung saan tinawag pa niya ang mahusay na composer as 'prof.' Pinaka-favorite ni Piolo sa latest album niya ang "Sana'y Malaman Mo" na siya ring carrier single ng album.

After ng promo niya for "Renditions" ay haharapin naman ni Piolo ang first movie team-up nila ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez under Star Cinema. Wala pa raw title but it's a romantic-light drama movie.

"I love doing movies. Originally, May 1 ang start naming ng movie with Regine. But it was moved ng second week of May. Although, I've already met with Direk Joyce (Bernal)."

Then, gagawin na niya ang much-awaited talk balik tambalan nila ni Judy Ann Santos both in movies and television. Nagpapahinga muna si Juday pagkatapos ng kanyang "Krystala" kaya sa June pa maaaring simulan ang teleserye nila at banding July-August naman ang start ng movie nila ni Piolo.

Speaking of Juday, pabirong tanong ni Piolo ang young actress tungkol sa napapabalitang relasyon niya with Ryan Agoncillo. Pero napaka-secretive na tao ni Judy Ann kaya wala rin siyang nakuhang definite answer.

"But if there's anything for Juday, I want her to be happy. I wish her all the best. I wish that the guy will love Juday. I wish Ryan will love her. Wish ko na totoo si Ryan kay Juday," sey pa ni Piolo na magkakaroon ng bonggang album launch sa "ASAP 05" this Sunday.



--------------------------------------------------------------------------------

[ Post a Reply to This Message ]
[> [> [> Subject: Bilin ko kay Piolo noon: Don't play in your own backyard!


Author:
Alfie Lorenzo / showbiz on-line
[Edit]

Date Posted: 18:01:13 04/27/05 Wed

Bilin ko kay Piolo noon: Don't play in your own backyard!

Alfie Lorenzo

AFTER almost everyone has said their piece, my turn. The last say?
Uhumm... perhaps, but hardly?

It was an entirely "different" Piolo Pascual who gave out a world
press conference on TV similar to one who's aiming for the seat at
the White House. A "different" Piolo Pascual in the sense that here
is "the" ultimate matinee idol, the dream boy who's in reality
a "mama's boy", a cry baby-man!

Piolo is fond of getting himself into a situation which is
unthinkable, hind ipinag-isipan. Look, in his own sitcom BORA BORA
wherein he is supported by his fellow HUNKS (ha?), that while
everybody lets their hair down, Piolo kept his in a bun. While
Jericho Rosales gives out an "autistic" performance and co-stars are
in shorts and sando, si Piolo naka-long sleeves, takot maarawan sa
Studio Beach!

Around November-December nu'ng may UNANG magsulat at tinilad-tilad
ang mga sitwasyon at okasyon at mga pangalan ng mga actors na
iniugnay sa pangalan ni Piolo Pascual bilang mga "kabit" niya at
sariling mga "papa", downright and outright naming him bilang isang
berdaderong bakla. That was also the time na nakipagkalas na si
Piolo sa kanyang manager na si Joji Dingcong with matching dialogue
raw na, "Tutal kumita ka na naman sa akin eh!" diumano eh sey ng
aking Papa sa manager na nagtiyaga sa kanya. Si Joji Dingcong na nag-
alaga sa isang bubot na rosas until mag-full blown eh nilisan bago
pa man maibenta ang bulaklak sa tindahan ni Madirika!

Escape si Piolo sa Europe with his mama and sisters. Pagtakas sa
isang usapin na magiging TREND pala later on. Na kapag may usap-
usapan at bulung-bulungan regarding his gender, the easiest way for
Piolo to solve (that's what he thinks huh!) and silence the issue is
to get out of the country — kuno-kuno eh mag-show sa abroad. Which
he did again and again, time and again — the latest of which eh
nu'ng magkaroon ng eskandalo sa awards night ng PMPC at maakusahan
ang kampo ni Piolo of vote-buying. Hayun at kararating lang niya
mula sa pamamasko sa Amerika, hayun at lumipad na naman sa
California dahil may show raw sa Las Vegas with his HUNKS and Lani
Misalucha. Misali pa si Lani, huh!

Anyway, `yung unang ESCAPE ni Piolo sa Europe at pagdating niya ng
Enero, I purposely took the time to talk to him nu'ng mag-change
location ang SA PUSO KO IINGATAN KA mula sa Roces area to Cubao —
isinama niya si Juday at kami ay nagtungo sa Taste of L.A. kung saan
hardly may tao. Ang tanging naabutan namin sa quiet place na `yun ay
si KORINA SANCHEZ with female friends na patapos na sa tsikahan
nila. When I approached Korina's table, nagtanong siya kung sinong
kasama namin. When I told her, sina Juday at Piolo, ang tanong ng
matalinong future first lady ay, "Sila na ba talaga?" Lumapit sina
Juday at Piolo kay Korina at nagbigay-pugay. Was that the time na
ginugulo naman si Korina ng dating maid niya?

Naupo kaming tatlo nina Juday at Piolo sa mesa na malayo kina Korina
at hindi madidinig kung anuman ang pag-uusapan namin. Magkatabi sina
Juday at Piolo kaharap namin. Close na close sila, holding hands na
every now and then ay hinahalik-halikan pa ni Piolo ang kamay ni
Juday.

Hindi namin tinanong si Piolo kung totoo ba ang mga tsismis at `yung
sinabi ng naniguro na may relasyong sexual sina Eric Quizon, Rustom
Padilla, Romnick Sarmenta, Yul Servo, ah basta the list is endless,
period.

Basta pinayuhan namin si Piolo ng for me ay mas mabuti niyang gawin.
Sabi ko sa kanya, do not justify the rumors, treat them as mere
rumors, kundi man totoo huwag ng pagpistahan, just shrug off your
dainty shoulders at taasan mo na lang ang kilay. Kung may balak ika
ko si Mr. M na magpa-presscon eh huwag na lang, basta kay Ricky Lo
ka na lang magpa-interview and that's it. `Yun nga ang ginawa ni
Piolo after a few days lumabas na ang interbyu ni Ricky Lo kay Piolo
regarding those issues raised about him.

Bago kami nagkahiwalay (tinawagan na sina Juday at Piolo at ready na
raw ang set-up sa Araneta Center) ay mahigpit naming ibinilin kay
Piolo: "Don't play in your own backyard!"

Matigas na sagot ng American Mama's Boy: I don't play in my
backyard! I DON'T EVEN PLAY!"

Oh yeah? Sige, panindigan mo `yan ha, we said in parting. (ITUTULOY)

[ Post a Reply to This Message ]


VoyUser Login ] Not required to post.
Post a public reply to this message | Go post a new public message
* Notice: Posting problems? [ Click here ]
* HTML allowed in marked fields.
Message subject (required):

Name (required):

  Expression (Optional mood/title along with your name) Examples: (happy, sad, The Joyful, etc.) help)

  E-mail address (optional):

* Type your message here:


Notice: Copies of your message may remain on this and other systems on internet. Please be respectful.

[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 2.94, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2008 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.