VoyForums

VoyUser Login optional ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time ]


[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Date Posted: 23:20:21 07/06/06 Thu
Author: jasmine tricshka Aco
Subject: Re: Anong masasabi mo sa kaugaliang ito?
In reply to: Bench/sinhs/96 's message, "Anong masasabi mo sa kaugaliang ito?" on 22:48:11 11/05/05 Sat

>Nagdadalaga na si Nimpa. Tinutubuan na siya ng pimples
>at nagsisimulang umumbok ang kanyang harapan. Sa
>makalawa, ipagdiriwang na niya ang ika-13 kaarawan.
>Gaganapin na ang kanyang kinatatakutan niyang ritwal
>ng pagtitinta ng ngipin. Sa seremonyang ito, habang
>nginunguya ang nganga, bababa si Daugbulawon – ang
>diyosa ng kagandahan – upang sumanid at gisingin ang
>kaluluwang natutulog sa murang katawan ni Nimpa.
>Punla
>Kung naiintidihan lang ni Nimpa ang mahabang
>kasaysayan at kahalagahan ng ritwal na pagnganganga sa
>kanilang kultura, marahil, hindi na siya aalma pa. Ang
>pagnganganga o betel nut chewing ay isang kaugalian ng
>pagnguya ng bunga ng areca at apog na nakabalot sa
>dahon ng ikmo. Pinaniniwalaang nagsimula ang tradisyon
>ito 4,500 hanggang 5,000 taon na ang nakararaan. Ayon
>kay Rosa Magno-Icagasi, isang iskolar ng araling
>pansining, laganap ang pagnganganga sa lahat ng
>etnolingwistikong grupo – mula Batanes hanggang
>Tawi-Tawi, sa kabundukan at kapatagan, sa lipunan ng
>mga Kristiyano at Muslim, at gayundin sa mga tribong
>animistiko.
>
>Ayon sa mga alamat, isang sagradong pamana ng mga
>diyosa ang ritwal ng pagnganganga. Dahil sa mayamang
>mitolohiyang bumabalot dito, naging sentro ito ng
>pamumuhay ng mga katutubong Pilipino. Lahat ng gawaing
>panlipunan tulad ng kasalan, lamay, paglilitis o
>pagpupulong ay nagsisimula at nagtatapos sa
>pagnganganga. Noong sinaunang panahon, maaring
>maubusan ng bigas o mais ang isang pamilya ngunit
>hindi kailanman ang nganga.
>
>Masusukat ang kahalagahan ng pagnganganga sa lipunan
>ng mga katutubo sa paggamit nito sa wika, ayon din kay
>Magno-Icagasi. Mahahanap ang terminolohiyang ito sa
>iba’t ibang anyo ng panitikan—tulad ng bugtong,
>kasabihan, at alamat – saan mang lugar ng Pilipinas.
>Sa katunayan, mas marami pang salita tungkol sa nganga
>kaysa sa bigas, buko, at mais. Makikita rin ang nganga
>sa mga alamat ng mga Tiruray, Manobo, Bagobo, Hanunoo
>at sa mga kasabihan ng mga Pangasinanense, Tagalog,
>Kalinga, at Yakan.
>
>Pagdura at Paglimot
>Subalit sa kasalukuyan, unti-unting kumukupas ang
>tradisyon ng pagnganganga dahil sa pagpasok at
>paglaganap ng kulturang popular na tangan ng mass
>media. Bilang isa sa mga salarin sa tuluyang pagkawala
>ng katutubong gawi at paniniwala, sa kumpas ng mass
>media, naididikta kung ano ang uso at hindi, tama at
>mali, maganda at pangit. Hinuhubog ito ng kanluraning
>pananaw kaya napalalaganap ang pagsupil ng kulturang
>tradisyonal.
>
>Ganito hinuhubog ng mass media ang pananaw ni Nimpa.
>Sa mga panoorin sa telebisyon at larawan sa diyaryo’t
>magasin, nahihibang siya sa kanyang mga hinahangaan
>artista. Tulad ng iba pang kabataan, pinapangarap din
>niyang matamo ang sinasabing magandang anyo ng kanyang
>mga idolo. Ginagaya ang hitsura, porma at pananamit ng
>kanilang mga hinahangaan; na pinakete, inayusan, at
>binihisan ng mundo ng showbiz. Kaya’t hindi
>nakapagtataka, abalang-abala si Nimpa sa pagpapaganda,
>sa pagpapahaba ng buhok, at pagpapaputi ng ngipin.
>Gusto niya maging Britney Spears o Kristine Hermosa.
>
>Ngunit habang naaakit siya sa kinang ng showbiz,
>nagiging alipin siya sa dikta ng mga institusyong
>nagpapalaganap ng kulturang popular. Malaki ang
>ginagampanang papel ng mga kapitalista sa pagpapalago
>ng ganitong kultura dahil ang kulturang popular ay
>laging nakaangkla sa dikta ng konsyumerismo. Katambal
>ng popular na konseptong pinpalaganap ng media,
>sinusulong din ng kulturang popular ang mga produktong
>makatutulong sa pagtamo ng ninanais na katayuan o
>hitsura. Binulag na si Nimpa ng mga patalastas ng mga
>produktong pampaputi ng ngipin at pampabango ng
>hininga. Para sa kanya, hindi na rin ang mapait na
>nganga ang katangap-tangap na nguyain, kundi ang
>matamis na bubble gum.
>
>Dahil sa pangingibabaw ng kulturang popular, natitinag
>ang mga etnikong grupo sa lipunang ginagalawan ni
>Nimpa. Ang nangyayaring dominasyong ito ng isang
>kultura (na kadalasa’y produkto ng Kanluran) sa isa
>pang kultura ang tinatawag na “cultural hegemony.”
>Ayon kay Antonio Gramsci, isang Italyanong teorista,
>paraan ito ng isang dominanteng grupo upang magpatuloy
>sa kapangyarihan sa pamamagitan ng pagkontrol ng mga
>institusyong kultural. Sa kaso ng Pilipinas,
>pinapalawig ng mass media ang gahum na ito upang
>humakot ng kita at mapanatili sa kanilang katayuan ang
>dominanting pangkat.
>
>Kaya’t masasabing ang kultura at mitolohiyang
>bumabalot sa pagnganganga ay isang terayn ng
>tunggalian ng mga taong nakikinabang sa pagkamatay o
>sa pagpapatuloy nito. Nagsasalpukan na parang dalawang
>batong ayaw magpatinag. Maraming lebel ng
>kontradiksyon ang nagaganap dito habang marami ang
>nabibitag sa gitna ng banataan ng magkatunggali. Hindi
>isang madaling linggatong ang bumabagabag kay Nimpa.
>Hindi ito simpleng usapin ng banggaan ng luma at
>bagong tradisyon o ng pag-iiba ng kaisipan at pananaw
>tungkol sa kultura at lipunan. Higit sa lahat, ito ay
>usapin ng kapangyarihan at ang unti-unting pagkitil
>nito sa iba’t ibang gawaing katutubo.
>
>At sa banggaan ng kulturang popular at etnikong
>tradisyon, lumilitaw ang pagkabihag ni Nimpa sa una na
>mas niyayakap ng nakararami at itinuturing na mas
>katangap-tangap.
>
>Bunga
>Ngunit sa kabila ng pananaig ng mga dayuhang kultura,
>ayon nga kay Nick Joaquin, lagi’t lagi pa rin tayong
>mumultuhin ng kulturang residual ng mga katutubo.
>Mahalagang tandaang hindi lahat ng banyagang
>impluwensiya ay masama – mapanupil lang ang mga ito
>kung may nagaganap na dominasyon sa lipunan.
>
>At dahil unti-unting nawawala ang ating mga katutubong
>tradisyon, tayo’y napipilitang na magbalik-tanaw na
>lamang sa panahong malaya tayong bumuo at gumawa ng
>sarili nating kultura. Ngunit hanggang nabubuhay pa
>ang mga ganitong tradisyon, nabubuhay din ang
>puwersang sumasalungat laban sa isang kulturang
>homogenized. Dahil ang mga kagawiang ito ang
>nagpapatibay at nagpapaalala sa ating nakaraan.
>
>Mahirap sumalungat sa rumaragasang ilog. Ito ang
>natanto ni Nimpa habang napapagitna siya sa kontensyon
>ng iba’t ibang kultura. At sa gitna ng giitan,
>napipilitan siyang pumili sa dalawang magkatunggaling
>kultura. Pero buo na ang pasya ni Nimpa na magkaroon
>ng “pearly white teeth” dahil nabihag na siya ng
>nangingibabaw na hegemonya. Dahil mahirap maging
>mapula sa kalawakan/espasyo ng kaputian.

ewan....basta nabasa ko 2 ok na yun!!1.........kc ayon sa mga matatanda sabi nila na ewan...basta yun na yun!

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

VoyUser Login ] Not required to post.
Post a public reply to this message | Go post a new public message
* Notice: Posting problems? [ Click here ]
* HTML allowed in marked fields.
Message subject (required):

Name (required):

  Expression (Optional mood/title along with your name) Examples: (happy, sad, The Joyful, etc.) help)

  E-mail address (optional):

* Type your message here:

Choose Message Icon: [ View Emoticons ]

Notice: Copies of your message may remain on this and other systems on internet. Please be respectful.

[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT+8
VF Version: 2.94, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2008 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.