Author:
Germax D'weird (Unique!)
|
[
Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
]
Date Posted: 01:38:06 07/03/09 Fri
Author Host/IP: NoHost/202.78.91.181
Ako, bilang isang kabataang Pilipino
By: Germax D’weird
Ako, bilang isang kabataang Pilipino,
May pagtingin sa ating mundong magulo,
Naniniwala, ako ang simula ng pagbabago,
Gamit ko, pagiging maka-Diyos, makalikasan at makatao.
Turo, ni Itay at Inay na maging totoo,
Gumawa ng tama, lumayo sa tukso,
Sa oras ng kagipitay, gamitin ang talino,
Sabi ng mga Lola’t Lolo yan ang sandata mo.
Ako ang unang tatayo sa utos ng puso,
Pipili at bubuto sa taong tapat sa mundo,
Hindhing-hindi magpapaalipin sa tukso,
Pagkat ako ay may dugong tapat na Pilipino.
Ipapakita sa mundo na akoy huwarang tao,
Nagtuturo ng tama sa mga bata at katulad ko,
Magiging masipag sa pag-aaral ang una kung bisyo,
Mamahalin ko ang salita ng mabuting libro.
Sa oras na may makulay na pakpak na ako,
Lilipad at sisigaw ako na “Ako ay isang Pilipino”,
Dahil alam kong Ako, Sila at Tayo,
Ang pag-asa ng kinabukasang Pilipinas, lahing pilipino.
[
Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
]
|