VoyForums
[ Show ]
Support VoyForums
[ Shrink ]
VoyForums Announcement: Programming and providing support for this service has been a labor of love since 1997. We are one of the few services online who values our users' privacy, and have never sold your information. We have even fought hard to defend your privacy in legal cases; however, we've done it with almost no financial support -- paying out of pocket to continue providing the service. Due to the issues imposed on us by advertisers, we also stopped hosting most ads on the forums many years ago. We hope you appreciate our efforts.

Show your support by donating any amount. (Note: We are still technically a for-profit company, so your contribution is not tax-deductible.) PayPal Acct: Feedback:

Donate to VoyForums (PayPal):

Login ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 12345[6]78 ]
Subject: Laplapang Gretchen-John Estrada kalat na sa Internet


Author:
Cocoy (karabaw)
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 22:24:54 06/09/07 Sat
Author Host/IP: NoHost/203.84.174.194




TIYAK buhay na naman ang intriga sa mundo ng showbizness sa pagkalat ng umano’y larawan ng sikat at kontrobersiyal na aktres na si Gretchen Barretto kasama ang hunk actor na si John Estrada habang sweet na sweet sa couch at naghahalikan.

Ang naturang larawan ay kuha sa surprise birthday bash ng sexy actress na si Rufa Mae Quinto noong Mayo 27 sa bahay nito,

Ang unang larawan ay isang mukha ni Gretchen na nakahilig sa balikat ng lalaking kamukha ni John Estrada. Ang dalawa ay nasa komportableng posisyon habang may hawak na bote ng beer ang babae.

Tila lasing na rin ang dalawa nang kunan ng stolen shot na naghahalikan.
Sinasabing ang larawan ay kuha ng isa sa mga bisita sa party at sa paglipat-lipat ay kumalat na hanggang sa mapunta sa Internet.

Sa kanyang panig, inamin ni Rufa Mae na sa kanyang bahay naganap ang ‘Gretchen-John kissing’ subalit hindi umano niya alam kung sino ang kumuha, maging ang motibo nito para ikalat sa Internet.

Lubos umano siyang nahihiya sa dalawang kaibigan.

Nauna na ring hinabol si John para kunin ang reaksyon ngunit ayaw nitong pagsalita gayundin ang aktres.

Si Gretchen ay live-in girlfriend ni billionaire businessman Tonyboy Cojuangco kung saan ay may 12-anyos na anak na babae samantalang si John ay kahihiwalay lang sa starlet-dancer na si Vannesa del Bianco, ang babaing ipinalit sa asawang si TV host actress Janice de Belen.


Gretchen dismayado sa pagkalat ng `kissing photo' nila ni John
By: Vinia Vivar
Pinag-uusapan at kalat na kalat ngayon sa Internet ang dalawang larawan nina Gretchen Barretto at John Estrada na kuha sa surprise birthday party ni Rufa Mae Quinto nu’ng isang buwan. Ang unang photo ay ipinakikitang magkaakbay ang dalawa habang nakaupo sa couch na in fairness, puwedeng sabihin na walang malisya dahil normal naman ito sa mga celebrity, lalo na kung alam nilang kukunan ng larawan.

Pero ang pangalawang larawan ang ikinagulat ng lahat at talagang pinagpistahan sa Internet dahil naghahalikan sina Gretchen at John habang nakaakbay ang huli sa una.

Nakapikit pa ang mata ni Greta, may hawak na bote sa isang kamay, habang nakahilig sa aktor.

Halatang ang dalawang larawan ay sa iisang lugar at okasyon lang kinunan dahil na rin sa pareho ang kanilang mga suot.

Inamin na ng komedyanang si Rufa Mae na sa bahay nga niya kuha ang mga litrato, pero ayon sa kanya, wala siyang kamalay-malay sa nasabing picture-taking dahil busy siya nang gabing iyon.

Sari-saring reaksyon naman ang bloggers sa Internet. Siyempre, karamihan ay negative considering na alam ng lahat na may karelasyon si Gretchen – si Tonyboy Cojuangco – at may isang anak.

Ang mga nasabing larawan ay naghahanap ng kasagutan mula kina John at Gretchen, na ayon sa balita’y dismayado sa pagkalat ng mga picture.

Una, sila ba talaga ang nasa picture at hindi niretoke lang? Sino ang kumuha ng mga larawan? Malapit ba o isa sa kanilang dalawa ang kumuha ng mga ito?

Pangalawa, kung sila nga iyon, siguro ay dapat nilang ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng mga larawan na iyon. Are they really having an affair tulad ng palagay ng ilan?

Pangatlo, ano kaya ang reaksyon dito ni Tonyboy at ng kanilang anak na si Dominique? Ano rin kaya ang reaksyon dito ng mga anak ni John kay Janice de Belen?

Marami pang kabuntot na tanong, na for sure ay hindi matitigil hanggang hindi nagsasalita sina Gretchen at John.

Magsalita naman kaya? ’Yan ang ating abangan.

Tiyak na puputaktihin sila ng showbiz-oriented talk shows at hindi titigilan ng press dahil ilang linggo na rin naman sa ere ang isyu ng hiwalayang Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas.

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Replies:
Subject Author Date
yung unang pikture, si John mismo ang kumuha(kita yung position ng kamay nya). yung pangalawa, nag-pakuha sya sa iba. ibig sabihin, galing sa sarili nyang cell phone/kamera at kinalat sa internet. Pwede vah, wala akong panahon sa mga losyang at laos na artista na gagawa ng intriga para ma-revive ang career nila. 'wiz ko sila type, pakialam ko kahit mag-kantutan pa sila sa haraf ko....tse, jutay! kakakakkkk!!!!Pitotoy (siarga)22:37:26 06/09/07 Sat


Post a message:
This forum requires an account to post.
[ Create Account ]
[ Login ]

Forum timezone: GMT-8
VF Version: 3.00b, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2019 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.