VoyForums
[ Show ]
Support VoyForums
[ Shrink ]
VoyForums Announcement: Programming and providing support for this service has been a labor of love since 1997. We are one of the few services online who values our users' privacy, and have never sold your information. We have even fought hard to defend your privacy in legal cases; however, we've done it with almost no financial support -- paying out of pocket to continue providing the service. Due to the issues imposed on us by advertisers, we also stopped hosting most ads on the forums many years ago. We hope you appreciate our efforts.

Show your support by donating any amount. (Note: We are still technically a for-profit company, so your contribution is not tax-deductible.) PayPal Acct: Feedback:

Donate to VoyForums (PayPal):

Login ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 12345[6]789 ]
Subject: Manny Pacquiao versus Antonio Barrera: on October 6, 2007


Author:
Erik Morales (in boxing no one is invincible)
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 09:54:59 09/25/07 Tue
Author Host/IP: NoHost/125.60.249.238



Magkakaharap na sina Filipino ring idol Manny Pacquiao at Marco Antonio Barrera bilang team captain ng kani-kanilang bansa, sa paghataw bukas (Manila time) ng Philippines vs Mexico World Cup of Boxing sa Arco Arena sa Sacramento, California.

Kasabay nito, inihayag ni American trainer Freddie Roach na iuuwi ng mga Filipino boxers ang tropeo ng magaganap na showdown.

"It would be a great battle and we’re gonna take the World Cup to the Philippines," ani Roach sa ginanap na press conference kahapon.

Kinumpirma ni Roach na ang pagdalo ni Barrera para igiya ang Mexican boxers, na pangungunahan ni WBO super bantamweight champion Daniel Ponce De Leon.

Ang 33-anyos na si Barrera ay mapapasabak sa pagbibigay ng puntos sa kanyang mga kababayan, laban kay Pacquiao na pupuwesto naman sa kabilang korner at magbibigay ng istratehiya sa mga Pinoy, na tatampukan ni Rey "Boom Boom" Bautista, na siyang kalaban ni De Leon.

Ayon kay Roach, sasamahan niya si Oscar De La Hoya sa pagpunta sa Los Angeles sakay ng private plane, upang sunduin si Pacquiao, na dumating noong Martes ng gabi roon.

"People would love to see Pacquiao and Barrera at the opposite side of the corner cheering for their compatriot," wika pa ni Roach.

Bukod kina Bautista at De Leon, maghaharap sa World Cup sina former WBC superflyweight champion Gerry Peñalosa at WBO bantamweight titlist Johnny Gonzales, habang si Z ‘The Dream’ Gorres ay titipanin si dating WBC light-flyweight holder Eric Ortiz, samantalang makakasagupa naman ni RP bantamweight titlist Michael Domingo si undefeated Miguel Roman at si AJ Banal laban kay Jorge Cardenas.

Ang sagupaan ay mapapanood sa pamamagitan ng ABS-CBN Channel 2 sa Linggo simula alas-8:30 ng umaga, kung saan panauhin bilang guest analyst si newly-crowned IBF/IBO flyweight champion Nonito "The Filipino Flash" Donaire.

Sina Pacquiao at Barrera ay magsasagupa sa Oktubre 6 sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas.

Ito ang rematch nina Pacquiao at Barrera, matapos ang unang pagsasagupa noong Nobyembre 2003 sa San Antonio, Texas, kung saan naitala ng Filipino ring idol ang unang pinakamalaki niyang upset win, nang payukuin si Barrera sa ika-11 round.

Sinimulan na ni Pacquiao ang paghahanda laban kay Barrera sa Wild Card Gym ni Roach at inaasahang makukumpleto nito ang pitong linggong ensayo at tamang kondisyon.

Idinagdag pa ni Roach, na kung sino ang may pinakamatibay na panga sa mga magsasagupa sa World Cup, ang siyang tatanghaling kampeon.

Noong nakaraang taon, tinalo ng Mexico ang Thailand sa World Cup sa labanang ginanap sa Mexico.


wa...hahahahahahahahaha

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Replies:
Subject Author Date
Re: Manny Pacquiao versus Antonio Barrera: on October 6, 2007divino (lee)23:50:42 12/18/07 Tue
(NT)Twin Sisters (we love Manny PAcman)17:35:51 01/03/08 Thu


Post a message:
This forum requires an account to post.
[ Create Account ]
[ Login ]

Forum timezone: GMT-8
VF Version: 3.00b, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2019 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.