Friday, May 2, 2008 - New servers are in! Click-in for more info!
VoyForums

VoyUser Login optional ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 1234 ]
Subject: Re: truth


Author:
nohin (buy)
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 06:46:15 01/28/08 Mon
In reply to: about 's message, "Re: truth" on 06:45:27 01/28/08 Mon

> The truth about Willie Revillame and Janelle Jamer
>
>HINDI na nga ma-reach si Willie Revillame. Para siyang
>punong mabunga na pinupukol.
>
>Heto’t isang “insider” ng Wowowee ang nagsasalita.
>Unang tanong: Bakit nagpaalam si Janelle Jamer sa
>Wowowee nu’ng May 31?
>
>“Ayoko nang magsalita, Mama Ogs, basta itanong mo na
>lang kung totoong six months na silang nagli-live-in
>sa Ferndale Homes.
>
>“Smooth naman sana ang relasyon nila kung hindi lang
>selos-to-da-max si Janelle kay Roxanne Guinoo.
>
>“Eh, kinuha lang talaga si Roxanne bilang co-host para
>pagtakpan nga ang isyung mag-on si Papi at si Janelle.
>
>“Naku, lalong lumala ang problema ng show at ng
>production unit manager, si Mama Bear. Imagine, pati
>si John Prats, bawal mag-guest sa Wowowee, dahil ang
>alam ni Willie, textmates si John at si Janelle.
>
>“Grabe silang magselosan. There was an instance pa sa
>hallway, sinigawan ni Papi ang isang poging bisita ni
>Janelle, ‘Tigilan n’yo ‘yan, syota ko ‘yan!’
>
>“Kaya kung madalas kang nanonood ng Wowowee, maraming
>absences sina Janelle at Willie, dahil hindi papasok
>‘yung isa ’pag magkaaway sila.”
>
>* * *
>
>“NU’NG Holy week, silang dalawa ang magkasama. At nang
>mag-outing ang staff sa Batangas na sagot ni Willie
>lahat, hindi na nahiya ang dalawa na maghalikan at
>mag-loving-loving sa harap ng staff!”
>
>Kaya raw ‘yung isinulat namin noon na kaya nag-excuse
>one time on air si Willie na wala siyang tulog at
>iidlip muna, ang totoo’y nag-away na naman sila ni
>Janelle at inumaga si Willie sa kasusuyo sa co-host,
>“Tama ‘yon. Nagbubulag-bulagan lang naman kami, eh.
>Scared kaming mawalan ng trabaho, dahil ‘yun ngang
>isang associate producer namin, tinanggal dahil kay
>Janelle.
>
>“Grabeng magselosan ang dalawang ‘yan. Kaso, ’pag may
>relasyon talagang namamagitan sa magkakatrabaho,
>nagsa-suffer ang work, kaya kahit sa August pa
>mag-e-expire ang contract ni Janelle, kailangan na
>siyang tsugihin.
>
>* * *
>
>“AT anong sabi ni Janelle? Meron siyang series of
>shows sa Tate? And looking for greener pastures? Hindi
>totoo ‘yan.
>
>“Hindi puwedeng mag-stay doon sa Tate si Janelle,
>kasi, ang visa ng staff ay 02 at naka-guarantee sa US
>Embassy ang ABS-CBN at si Gurfinkel, so isang no, no
>ang mag-stay siya roon.
>
>“Greener pasture? Sa panahon ngayon, may mas greener
>pa ba kesa sa pagiging senior co-host ng number one
>show at highest-rater sa Pilipinas? At ang pagiging
>right hand ng highest-paid entertainer ng bayan, aber?
>
>“May mas maganda pa bang opportunity doon? Hindi naman
>Broadway star si Janelle, ‘no!”
>
>Maging si Janelle ay hindi namin huhusgahan. Hayaan
>nating magsalita sina Willie at Janelle tungkol sa
>tunay na sitwasyon nila.
>
>Kung idinedenay man nila ang relasyon ay maiintindihan
>namin, dahil ongoing pa ang proseso ng annulment ng
>marriage ni Willie kay Liz Almoro.
>
>Saka, naniniwala kami na tao lang sina Willie at
>Janelle. Nag-e-enjoy sila sa company ng isa’t isa,
>pero hindi nila puwedeng ipagbanduhan.

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


VoyUser Login ] Not required to post.
Post a public reply to this message | Go post a new public message
* Notice: Posting problems? [ Click here ]
* HTML allowed in marked fields.
Message subject (required):

Name (required):

  Expression (Optional mood/title along with your name) Examples: (happy, sad, The Joyful, etc.) help)

  E-mail address (optional):

* Type your message here:


Notice: Copies of your message may remain on this and other systems on internet. Please be respectful.

[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 2.94, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2008 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.