Subject: Forever in My Heart (pilot review) |
Author: Don
| [ Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
]
Date Posted: 09:54:54 09/27/04 Mon
Author Host/IP: ipdial-167-20.tri-isys.com/202.81.167.20
Heto na yung kwento ko:
It started from the heavens above. Merong garden scene where children are playing. Si Lucy eh bagay sa role nya na mala-Mother Angel na nag-s-supervise sa mga angels na bababa sa earth. Pinagsabihan nya yung dalawang angels na bababa na they have time until maubos yung candle, to find each other. Pag hindi, eh sensya na. Sorry na lang sila. Tatanda silang walang partner.
Second scene eh sabay-sabay pinanganak sina Angeline (Regine), Michael (Ariel), at Raphael (Richard). Nasa nursery silang 3, Side by Side by Side. Pinagkaka-tuwaan ni Freddie Webb (father of Angeline) at Juan Rodrigo (father of Ariel) yung mga anak nila. Kawawa naman si Raphael kasi yung nanay nya, played by Jean Saburit, eh di sya mahal.
30 years after. Nag-celebrate ng birthday si Reg. Her family went into her room tapos may blowing of the candles. Inisip ko agad baka dumating si Jaya, Janno, at Ogie. At may phone patch na si Gabby Eigenmann lang pala. Na-alala ko tuloy yung birthday ko last Friday. Anyhoo, back to my story. Angeline nga eh lukaret sa paghahanap ng kanyang soulmate. She believes na may isang person for her kaya di pa sya nag-aasawa. Ang trabajo nya pala eh wedding planner a la J. Lo sa isang movie. Kapatid nya si Mark Herras na babaero. At may friend syang di ko kilala. Assistant nya sa trabajo.
Si Ariel eh nag-celebrate din ng birthday with Cindy. Ang ganda nitong girl na to. Kaso ang gift sa kanya ni Elaine (Cindy's character) eh jacket.
Si Richard eh senti ang trip. Umiinom sa isang bar at nag-r-reminisce. First, iniwan sya ng lukaret nyang ina. Tapos nag-t-trabajo sya nung bata sa palengke. Kamukha nga nya yung gumanap na batang Raphael. Tapos, nag-p-push sya ng droga sa Chinatown. Ang gwapo namang pusher to.
En route to the wedding place, na-flat yung gulong ni Reg. Eto yung scene na gusto ko for this episode. Ang ganda nung likod ni Reg at kunyari eh nagmamasid kung sino ang darating. First na lumitaw ata si Ariel, tapos si Richard. Pareho silang lumabas ng cars nila kasi balak nilang tulungan si Reg. Kaso dumating si Chris (Mark Herras) at yung barkada nya. Sila ang tumulong kay Reg. Ayun, iniwanan si Reg nung dalawang future lovers nya.
Sa isang wedding event, nag-i-iyak daw yung supposedly na kakanta sa wedding. At iyun, pinakanta ang Songbird. Tip no. 1: Sana iniba ni Reg yung version ng "Ikaw". Kasi hindi nya na-separate yung Regine version sa Angeline version eh. At ang swerte naman ng kinasal na to (kunyari). Si Regine pa ang kumanta sa wedding nila.
Separated nga pala ang parents ni Angeline. Papunta sina Reg sa bahay ng tatay nila. They had a few drinks muna sa isang mini-stop. Nagkataon na pumunta rin dun si Richard at Gabby. At andun din sina Ariel at Cindy. Di muna pinag-tagpo yung mga characters nila.
Si Freddie Webb eh may bagong jowa (ang jologs), si Maureen Larazabal. Ang sexy ng loka. Obviously eh di type ni Reg kasi gusto nya pa ring magkabalikan ang parents nya. Nakakatawa kasi nung paakyat na sila sa bahay ng tatay nila, ang bilis ng akyat ni Reg kasi nagugutom na raw sya. Nagluto (kunyari) si Maureen ng lasagna.
Nag-w-worry na raw si Freddie Webb kasi wala pa raw boyfriend tong si Angeline. Sabi ni Angeline, she's still looking for her soulmate. Ilang beses ko ba tong maririnig sa soap na to.
Nag-s-set na ng wedding sina Ariel at Cindy. Si Angeline ang wedding planner nila (small world after all).
Enter sa picture si Starstruck na isa ko pang crush (Jen). Anak sya ng older brother ni Ariel na namatay. Nagka-gusto si Joseph (brother) sa chimi-aa nila. At dahil strict ang father nila, pinapunta si Joseph sa States at pinag-hiwalay yung katulong at si Joseph. Ang kaso, namatay si Joseph. Pinalaki ng mag-isa si Jen (Joey ang name nya). Tinawagan ni Joey si Michael sa office para mag-meet sila. Ulila na kasi si Joey at walang matatakbuhan.
Si Raphael eh pinuntahan sa bahay ni Gabby (di ko sya talaga gusto). May client daw sila sa Tagaytay. Yung jowa ni Alma ang gumanap na client.
Nasa isang pekeng building na nga yung 3 main characters. I-m-meet ni Cindy si Angeline. Di masyadong na-coveran yung mga cracks ng building. Di pa man guho eh meron nang cracks. Si Ariel eh i-m-meet din yung pamangkin nyang si Joey. At si Raphael eh ni-meet yung client nya. Nasa lobby si Reg para hintayin si Cindy na nakipag-chikahan sa mga designers nya sa taas. Si Michael bumaba rin sa lobby kasi dun sya i-m-meet ni Joey. At pumutok na nga ang Taal Volcano. Ang lakas naman ng eruption, parang atomic bomb
Nag-start nang gumuho ang building na mukhang peke talaga. Nag-panic na yung ibang tao. Meron pang gumugulong sa stairs. Wawa naman.
** Marinaaaaaaaaraa**
Tapos na wento ko.
[
Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
] |
|