VoyForums
[ Show ]
Support VoyForums
[ Shrink ]
VoyForums Announcement: Programming and providing support for this service has been a labor of love since 1997. We are one of the few services online who values our users' privacy, and have never sold your information. We have even fought hard to defend your privacy in legal cases; however, we've done it with almost no financial support -- paying out of pocket to continue providing the service. Due to the issues imposed on us by advertisers, we also stopped hosting most ads on the forums many years ago. We hope you appreciate our efforts.

Show your support by donating any amount. (Note: We are still technically a for-profit company, so your contribution is not tax-deductible.) PayPal Acct: Feedback:

Donate to VoyForums (PayPal):

Login ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 12[3]45678910 ]
Subject: Article: "Regine, Willing Mag-Topless"


Author:
Pil. Star Ngayon, Aug. 2, 2004
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 15:05:32 08/01/04 Sun
Author Host/IP: NoHost/203.215.86.251

Aba. She's already topless in the picture
above on the front page of the forum! lolz..

----------------------------;-)-----------


Subject: "Regine, Willing Mag-Topless"

Pil. Star Ngayon, Aug. 2, 2004


Regine, Willing Mag-Topless
by Alex Datu

Seryoso si Regine Velasquez sa naging pahayag nitong handa siyang
mag-topless at buntot lang ang tanging suot kung bibigyan siya ng
pagkakataong pumapel na sirena sa pelikula o sa teleserye.

Ayon sa mang-aawit, very much willing siyang maging special guest sa
Marinara at kung siya ang masusunod, nais nitong maging sirena. Tuwang-tuwa
pa itong nagpahayag na wala siyang babaguhin sa kaanyuan at karakter ng
isang sirena na kadalasan ay nakikita ang boobs tuwing ito'y nagsisisid sa
ilalim ng karagatan.

Sa isang banda, pinabulaanan ni Regine at nilinaw ang isang isyu na
ginagamit siyang front sa paggawa ng Marinara para maitago itong kinopya sa
Marina ng Dos na bida si Claudine Barretto. Aniya, dalawang taon na naglaro
sa kanyang isipan ang tungkol sa Marinara at di hamak na noong naisip niya
ito ay wala pang Marina na namamayagpag sa telebisyon.

Naisip ng Asia's Songbird na maraming mga soap opera ang napapanood ngayon
sa telebisyon mula umaga hanggang gabi na mas lamang ang heavy drama kaya
naisip nitong bakit di gumawa ng isang panoorin na mag-spoof sa lahat ng
mga soap na napapanood ngayon.

Isa pa sa gustong gampanan ni Regine ay ang Darna na nagampanan na nito sa
isang pelikula kasama si Senador Bong Revilla. "Basta, I really wanna do
it," oneliner nito na ang pinakahuling balita ay napunta ang Darna kay Iza
Calzado at mapapanood ito sa GMA 7 bilang pangtapat sa Krystala ni Judy Ann
Santos ng Dos.

Sa pinakahuling balita tungkol sa Aga Muhlach-Judy Ann Santos-Regine
Velasquez movie ay inip na ang mang-aawit kung kailan sila magsisimula ng
shooting. Isa't kalahating buwan siyang naghihintay ngayon na walang
ginagawa maliban sa pag-supervise ng kanyang bagong album.

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


Post a message:
This forum requires an account to post.
[ Create Account ]
[ Login ]
[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 3.00b, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2019 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.