Friday, May 2, 2008 - New servers are in! Click-in for more info!
VoyForums

VoyUser Login optional ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 1234[5]678910 ]
Subject: Kabayan Online


Author:
surfing...
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 09:01:35 08/13/04 Fri
Author Host/IP: spare-ip-7.edsamail.com.ph/210.16.72.7

Talent fee ni Regine V., nakakalula
8/13/2004 10:55:00 AM
Kabayan Online

Nakakalula pala ang talent fee ng tinaguriang Asia's Song Bird na si Miss Regine Velasquez sa mga show niya.

Bulung-bulungan ngayon na umabot sa apat na daang libo ang siningil niya nang mag-show siya sa Mimosa Holiday Inn Hotel sa Clark Angeles, Pampanga, kung saan nagkaroon ng isang birthday party doon ang bilyonaryang si Vivien Fermin (malayong kamag-anak ni Cristy Fermin) na nagbakasyon dito sa Pilipinas para dalawin ang kanyang mga matatalik na kaibigan dahil matagal siyang namalagi sa Los Angeles kung saan siya naka-base.

Para raw maging bongga ang nasabing party kinuha nito ang serbisyo ni Regine para mag-aliw sa kanyang mga bisita at gusto niya ring mapakinggan at makitang mag-perform ng live si Regine dahil matagal na niya itong hinahangaan.

Noong una ay hindi kami makapaniwala sa mga sitsit tungkol sa presyo ni Regine dahil nga hindi pa namin ito nasusubukang kunin sa mga show. Pero nang sabihin mismo ng bilyonarya na apat na daang libong piso ang ibinayad niya kay Regine katumbas ng apat na kanta, naloka kami. Agad naming kinuwenta kung magkano per song ang singil ni Regine. Doon namin nalamang tumataginting na isang daang libong piso ang sinisingil niya.

Sa panahon ngayong tag-hirap hindi pa rin pala nagbaba ng talent fee itong si Regine, kaya nasasayang lang ang panawagan ng iba niyang kasamahan sa industriya na magbaba sila ng talent fee para makatulong sa mahihirap na producer na gustong mag-produce rito sa atin para matulungan ang naghihingalong industriya.

Alam kaya ng Bureau of Internal Revenue ang sinisingil na talent fee ni Regine at idini-declare kaya niya ito nang tama sa kanyang annual tax declaration tuwing magbabayad siya ng tax? Nagtatanong lang po.

J. Colargo

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


VoyUser Login ] Not required to post.
Post a public reply to this message | Go post a new public message
Note: This forum is moderated -- new posts are not visible until approved.
* Notice: Posting problems? [ Click here ]
* HTML allowed in marked fields.
Message subject (required):

Name (required):

  Expression (Optional mood/title along with your name) Examples: (happy, sad, The Joyful, etc.) help)

  E-mail address (required):

* Type your message here:

Choose Message Icon: [ View Emoticons ]

Note: This forum is moderated -- new posts are not visible until approved.

Notice: Copies of your message may remain on this and other systems on internet. Please be respectful.

[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 2.94, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2008 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.