Overwhelmed talaga si Regine Velasquez sa crowd na dumating upang panoorin ang concert niya sa Zirkoh Comedy Bar last week na Reigne For Life. Hindi kasi niya akalaing may crowd din pala siya sa mga comedy bars tulad ng Zirkoh.
Kaya naman upang pagbigyan ang mga hindi nakapanood ng kanyang concert, heto at next Saturday, March 12, magkakaroon ng repeat ang kanyang Reigne For Life.
Tulad din ng pagsisipag niya noon sa promo ng concert niya, doble sipag din ang kanyang gagawin sa pagpu-promote ng repeat ng concert niya. Available na ang tickets ng concert ni Regine sa Zirkoh, kaya go na agad sa Zirkoh tuwing gabi upang hindi kayo maubusan, huh!