VoyForums

Support VoyForums by visiting our sponsor, www.PainEase.com.

VoyUser Login optional ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: [1]2345 ]
Subject: Re: Negatibo ang reaksyon ni Martin


Author:
owen (mas nakakahiya si martin kasi nakabuntis)
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 22:03:40 08/28/06 Mon
Author Host/IP: HSE-Ottawa-ppp3494783.sympatico.ca/65.92.57.2
In reply to: mmJun- from the Star web site 's message, "Negatibo ang reaksyon ni Martin" on 03:04:54 08/18/06 Fri

>Negatibo ang reaksyon ni Martin sa pagpapaseksi ni
>Pops!
>ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon
>Ang Pilipino STAR Ngayon 08/18/2006
>
>Nag-apologize naman si Martin Nievera dahil sa kanyang
>naging mga comments sa pagpo-pose ni Pops Fernandez ng
>sexy sa isang magazine. Sinabi ni Martin na wala naman
>siyang masamang intensiyon nang magbigay siya ng
>statement. Inamin niyang yon ay dala lamang ng kanyang
>concern sa ina ng kanyang mga anak.
>
>Palagay namin kung nakapagsalita man si Martin, normal
>lang iyon dahil hindi nga maiaalis na naging mag-asawa
>rin naman sila. Kahit na nga si Pops din, sa kabila ng
>katotohanang inaamin niya na may boyfriend na rin
>siyang iba, nagbigay pa rin siya ng statement nang
>mabuntis ang girlfriend ni Martin, hindi ba? Kasi
>talagang hindi naman maiaalis na matanong pa rin sila
>tungkol sa isa’t isa kasi dito sa atin, sabihin mang
>hiwalay na sila at may kanya-kanyang buhay, tanungin
>ninyo ang nakararami at ang sasabihin sa inyo ay
>mag-asawa pa rin ang dalawa.
>
>Sa kaso ni Martin, siguro nga matagal na silang
>hiwalay ni Pops at may kanya-kanya na rin naman silang
>buhay pero hindi maiiwasan kung makapag-comment man
>siya nang ganoon dahil si Pops ay nananatiling ina ng
>kanyang mga anak, at kung konserbatibo nga ba ang
>pananaw ng ibang tao, baka pati ang mga anak nila ay
>maapektuhan sa ginawang pagpapa-sexy ni Pops.
>
>Sa totoo lang iyong mga tao ngang wala namang
>kinalaman, may comments din eh. May kakilala nga
>kaming nagsabi na si Pops daw kung kailan pa tumanda
>at saka pa nag-pose ng ganoon.
>
>Hindi maiiwasan yan dahil ang image ni Pops ay singer
>at hindi naman sexy star. Isa pa, medyo may edad na
>nga si Pops at parang wala na sa ayos ang magpa-sexy
>pa siya ng ganyan.
>
> >href="http://www.philstar.com/philstar/PINOY20060818730
>4.htm">http://www.philstar.com/philstar/PINOY2006081873
>04.htm


[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 2.94, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2008 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.