Author: mmJun - latest articles
| [ Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
]
Date Posted: 09:01:53 06/27/06 Tue
Author Host/IP: 58.69.126.43.pldt.net/58.69.126.43
Pops more happy with kids, life ( 2 articles )
Pops more happy with kids, life
( Does Pops Fernandez remind anyone of Nicole Kidman
for some reason or the other? - <;-) mmJun )
I’M sure, happy siya for me at sana ma-excite siya,” thus said Pops
Fernandez when asked kung ano’ng reaction ni Jomari Yllana nang
tanggapin niya ang villain role na Queen Femina sa “Zsa Zsa
Zaturnnah” ng Regal Entertainment.
"I accepted first the offer at saka ko sinabi sa kanya. I don’t have
to consult him naman because I have my own plans for my career." Her
ex-husband, Martin Nievera ay maraming pinagkaka-abalahan ngayon,
kaya wala itong reaction, ani Pops.
Although, walang diret-sang pag-amin sa relasyon nila ni Jomari,
Pops said na she’s super happy with her life now. Nababalanse niya
ang kanyang work, being a mom to his two grown-up kids (Robin and
Ram) and her personal life. "I’m more comfortable now with my life.
Every-thing is okey. My kids are okey. They’re very under-standing
and mature ang thinking. They know na hindi ko sila pinaba-bayaan,"
Pops said.
Nakapag-adjust na siya sa relationship nila ni Jomari, like paano
niya ito iintindihin and how she’ll gonna run her life. "Right now,
I’m okey and I don’t want to change anything. Gusto ko munang i-
enjoy ang mga kids ko," ani Pops.
Nangangarap pa rin siyang magsuot ng wedding gown at ikasal muli.
But she can never tell kung si Jomari ang magiging groom.
If ever, she gets pregnant out of wedlock, hindi niya itatago. "It’s
a blessing. I don’t believe it’s a mistake. My kids are the reasons
why I’m working hard," she said.
With regards sa isyung pregnant ang girlfriend ni Martin na si
Katrina Ojeda, Pops begged-off not to talk about it. Gusto raw
niyang manatiling may respeto sa kanila ang mga anak nila ni
Martin. "Martin and I are okey. We remained friends and our kids
understand the situation. No violent reaction from them." (RA)
http://www.tempo.com.ph/news.php?aid=25248
------------------- >
Pops, Rustom nagkulong sa ladies room
by Chit Ramos
HULING-HULI sina Rustom Padilla at Pops Fernandez na nagkukulong sa
ladies room sa 2nd floor ng Imperial Palace noong Biyernes.
Inamin nilang dati na silang close noon pa mang hindi pa naglaladlad
ang kuya ni Robin Padilla. At hindi na bago iyon ngayong kaharap na
niyang muli ang actor na magbibida rin sa pelikulang "Zsa Zsa
Zaturnnah" ng Regal Entertainment, kasama si Zsa Zsa Padilla sa
direksyon ni Joel Lamangan.
Actually, six months from now pa ang Metro Manila Filmfest entry na
ito ni Mother Lily pero excited na agad ang Regal Matriarch. Hindi
niya tuloy naitago at sinabing: "I’m planning to spend as much as
Pl00,000,000 to give the audience the best musical fantasy possible."
Bagama’t noong una ay si Zsa Zsa ang controversial dahil "sinulot"
daw niya ang project intended for Rufa Mae Quinto. Pero sa mismong
presscon ng movie, si Pops na ang iniintriga. Bakit daw tumanggap na
siya ng villainess role?
"It was the costume. Ang gaganda kasi," una niyang sagot. Tapos,
binawi ito. "Joke lang iyon. Nang mabasa ko ang script, nakita ko
agad na ang character ay iba kaysa karaniwang villainess role na
masamang-masama talaga ang dating sa moviegoers. May pagka-gray ang
character niya. At maaawa ka sa kanya, habang patapos ang kuwento at
patindi nang patindi ang mga eksena. I also watched the musical play
and I have that same feeling. I’m glad, I saw the play, kaya’t
convinced talaga ako na hindi dapat palagpasin ito."
‘Di na sana
Sana’y hindi na lang nag-pose na bakla si Rustom Padilla sa mga
pictorials kaugnay ng pelikulang "Zsazsa Zaturnnah." Hindi naman
niya kasi ito ginagawa sa personal. Damit lalaki pa rin siya at
kilos lalaki rin.
Sa kanyang personal na buhay, pusong babae lang siya at maitutulad
kina Boy Abunda at Bong Quintana na nire-respeto ang sarili at hindi
sinasalaula ang image ng buong pamilya.
Ganoon pa man, umaasa pa rin ang mga kaibigan niyang tulad ng
Tiyempo na iwasan na ito ni Rustom. Sana rin, ang mga pahayag
niyang "all out" siya sa proyektong ito ay hindi nangangahulugang
maghu-hubo na siya o kikisay-kisay na ang baywang kapag lumalakad.
Ang laki rin ng cast na kina-bibilangan din nina Chokoleit, Pauleen
Luna, Say Alonzo, Glaiza Heradura, Kitkat, Alwyn Uytingco, Giselle
Sanchez at marami pang iba.
http://www.tempo.com.ph/news.php?aid=25250
------------------ >
p i p a n i a n s
Pops Fans Yahoo Groupies
[
Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
] |