VoyForums
VoyForums has a no-popup policy. If you think you are receiving a pop-up originating from a VoyForum,
please report the Forum ID and any ad info using this contact form.

VoyUser Login optional ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 1[2]345 ]
Subject: "Queens on Fire"


Author:
from http://glennsevillamas.blogspot.com/
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 02:30:00 07/27/06 Thu
Author Host/IP: NoHost/124.217.40.75

"Queens on Fire"
Kakatapos ko lang manood ng "Queens on Fire" concert nina Pops Fernandez at Regine Velasquez sa D.C. Armory Stadium. Nakakatuwa kasi wala naman akong planong manood ng palabas na ito. Napakamahal naman kasi ng tiket. Mantakin mong $48 ang pinakamura! At para sa isang estudyanteng tulad ko na wala namang ibang mapagkukuhaan ng pera maliban sa kanyang scholarship allowance, isang tunay na luho ang manood ng mga palabas na ganito. Buti na lang at choreographer ng concert ang kaibigan kong si Val. (Nagsama kami sa dulang "Ang Kuripot/The Miser" sa Cultural Center of the Philippines ilang taon na ang nakararaan.) Mga alas kwatro ng hapon nung tinawagan ako ni Val at sinabihang nasa D.C. daw siya, at meron siyang walong complimentary tickets na pwedeng ibigay sa akin. (At sa mga upuang pang-$100 pa ang mga tiket na ito.) Sa tuwa ko, nakalimutan ko bigla ang aking mga gawain para sa eskwela! Humahanga kasi ako sa galing ni Regine. (Sa katunayan, karamihan sa mga CD na dinala ko dito sa D.C. e koleksyon ng mga kanta niya.) Kaya 'yon. Mabilis akong naligo, nagbihis at tumakbo sa pinakamalapit na Metro station.

Sa tulong ni Manang Julie (isa ko pang kaibigan na taga-Virginia naman), mabilis kong nahanap ang D.C. Armory Stadium. At pagdating ko sa venue, nagulat ako dahil puno na ito ng mga naghihiyawang mga Pilipino. Lahat tagahanga nina Pops at Regine, at ng bagong mang-aawit na si Erik Santos. Maayos naman ang palabas. Magaling pa rin si Regine, at okey din ang performance ni Pops. Sa katunayan, nung huli nilang kanta e tumayo talaga ako at nakiindak sa ibang mga manonood.

Nakakatuwa. Pakiramdam ko kasi nasa Folk Arts Theater lang ako. Na pagkatapos ng concert, lalabas ako at Roxas Boulevard ang bubulaga sa akin. Pero paglabas ko ng D.C. Armory Stadium, malamig na hangin ng Washington D.C. ang sumalubong sa akin. Hay, buhay!

Nung pauwi na ako, puro mga Pilipino ang nakasabay ko sa Metro train. Kay iingay nila. At ang dami-dami nilang sinasabi tungkol sa napanood na palabas. Na magaling pala talagang kumanta si Regine pero hindi pala ganun kagaling mag-adlib. Na seksi pa rin pala si Pops kahit dadalawa na ang mga anak niya. Na mas masaya sana ang palabas kung mas kilalang mga awit ang kinanta ng dalawa. Na ang cute-cute pala ng baguhang si Erik Santos. At kung anu-ano pa. Tawa sila nang tawa. At kay lakas-lakas ng mga tawa nila. Nung bandang huli, nakitawa na rin ako. Napansin kasi nila ako at sinali sa kanilang kulitan.

At sa pagkakataong iyon, habang nakikipagtawanan ako sa mga kapwa ko Pilipino sa loob ng D.C. Metro train, hindi ko masyadong naramdaman na wala pala ako sa Pilipinas.

And for one brief moment, while traversing the train track from the D.C. Armory Stadium to Metro Center, I really, truly felt I was home.

posted by Glenn Sevilla Mas
( taken from blog )

http://glennsevillamas.blogspot.com/

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 2.94, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2008 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.