VoyForums

VoyUser Login optional ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 12345 ]
Subject: Pops, iginawa ng kanta ng anak na si Robin


Author:
SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 19:22:45 10/23/06 Mon
Author Host/IP: NoHost/203.111.234.75

Pops, iginawa ng kanta ng anak na si Robin
SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio
Ang Pilipino STAR Ngayon 10/24/2006

Ang ganda ni Pops Fernandez ngayon, bagay yung pouting lips niya. Siguro bagong gawa lang nun at namamaga pa kaya hindi magandang tingnan pero, ngayon, nagpapagandang lalo ito sa kanya.

Obviously, hindi pag-ibig ang nagpapaganda sa kanya, kahit pa sabihin niyang okay ang lovelife niya at walang nagbabago dito. Nagtatawagan pa rin sila ni Jomari Yllana at minsan ay nagkikita pa rin pero sabi niya ay hanggang dinner na lamang ang friendship nila. Takot siya sa mga seryoso at ultimate promises, lalo na kapag manggaling sa aktor na walang ipinangako sa kanya na di nito tinupad.

Enjoy sa buhay niya si Pops kaya siya maganda. Oo nga’t single siya pero, di siya malungkot at marami siyang trabaho.

Hindi sila gimikerong mag-iina, kapag libre ay nasa bahay lamang sila, nagkukwentuhan. "Maswerte ako sa mga anak, madali nilang naunawaan ang kalagayan namin ng kanilang ama at pati career namin ay naiintindihan nila," pagmamalaki ng concert queen na sa Dec. 11 ay may malaking concert sa Clowne Plaza bilang b-day celeb niya at sa Dec. 31 ay mayro’n siyang New Year’s show.

Twenty five years na sa showbiz si Pops at bilang selebrasyon nito ay naglabas ng "Silver" album niya ang Universal Records na nagtatampok ng 10 cuts, may originals ("Kung Malalaman Mo" at "You Said Goodbye" ni Vehnee Saturno; "Anong Sabi ng Puso Mo" Moy Ortiz/Edith Gallardo; "Mahal Kita Dahil Mahal Kita", Babsie Molina/Edith Gallardo; "Huwag Kang Mangako" Cecile Azarcon; Jim Brickman’s "By Heart"; Martin Nievera’s "Still In Love With You" at Robin Nievera’s "Friends"). Sa huling awitin na kinompos ng anak ni Pops, sila ring dalawa ang nag-duet dito. Nakita sa awitin ang kahusayan bilang composer ni Robin, ang kahusayan nito sa gitara at ang magagandang lyrics ng awiting ginawa niya.

May revivals din si Pops sa album ng "What I Did For Love", "Wrong For Me To Say I Love You" ni Pia Zadora, carrier song ng album. * * *

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Replies:
[> Subject: Re: Pops, iginawa ng kanta ng anak na si Robin


Author:
estrella e
[Edit]

Date Posted: 01:20:48 01/01/07 Mon
Author Host/IP: NoHost/124.217.8.39

he's very good!


>Pops, iginawa ng kanta ng anak na si Robin
>SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio
>Ang Pilipino STAR Ngayon 10/24/2006
>

[ Post a Reply to This Message ]


VoyUser Login ] Not required to post.
Post a public reply to this message | Go post a new public message
* Notice: Posting problems? [ Click here ]
* HTML allowed in marked fields.
Message subject (required):

Name (required):

  Expression (Optional mood/title along with your name) Examples: (happy, sad, The Joyful, etc.) help)

  E-mail address (optional):

* Type your message here:

Choose Message Icon: [ View Emoticons ]

Notice: Copies of your message may remain on this and other systems on internet. Please be respectful.

[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 2.94, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2008 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.