VoyForums

VoyUser Login optional ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 1[2]345678910 ]


[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Date Posted: 23:22:36 03/03/04 Wed
Author: lemuel
Subject: Re: BOX-OFFICE PA RIN ANG FILIPINAS!!!
In reply to: JESSA 's message, "BOX-OFFICE PA RIN ANG FILIPINAS!!!" on 14:12:21 01/18/04 Sun

>Sa aming pakiwari, mas malaki ang kinita ng 2002 MMFF
>kumpara sa nakaraang MMFF na umabot lamang ng
>P328,812,507.77. Ang top grosser sa 2003 MMFF na
>Captain Barbell ay umabot lamang ng P61-M plus kumpara
>sa top grosser ng 2002, ang Mano Po.
>
>Although nakuha namin ang official figures ng bawat
>kalahok nung nakaraang MMFF, pinakiusapan kaming huwag
>umanong ilathala ang mga kinita at sa halip ay narito
>ang official ranking ng siyam na pelikulang nakalahok.
>pwede bang pakipost ung buod ng kwento

>Nanguna ang entry ng Premiere Productions na Captain
>Barbell; pumangalawa ang Fantastic Man ng OctoArts at
>M-Zet Films, pumangatlo ang Crying Ladies ng Unitel
>Pictures; pang-apat ang Mano Po 2 ng Regal Films,
>panglima ang Malikmata ng Canary Films, pang-anim ang
>Filipinas ng Viva Films; pangpito ang Bridal Shower ng
>Seiko Films, pangwalo ang Gagamboy ng MaQ Productions
>at pang-siyam naman ang Homecoming ng Teamwork
>Productions.
>
>Samantala, hindi ikinakaila ng Regal matriarch na si
>Mother Lily ang kanyang sama ng loob sa sinapit ng
>Mano Po 2 na hindi siyang nakakuha ng 1st Best Picture
>tulad ng naunang Mano Po na humakot din ng
>napakaraming awards liban pa sa pangunguna nito sa
>takilya. Kung nag-number one ang Mano Po 1 na
>pinamahalaan ni Joel Lamangan, pumang-apat naman sa
>taong ito ang Mano Po 2 na dinirek naman ni Erik Matti
>na siya ring director ng Gagamboy ni Vhong Navarro.
>
>Pero sa kabila na hindi gaanong happy si Mother Lily
>sa kinahinatnan ng dalawa niyang movie entries sa
>nakaraang MMFF, hindi raw ito nangangahulugan na hindi
>na siya magpu-produce ng pelikula. Katunayan, ready
>for showing na ang isang youth-oriented flick na Kuya
>na tinatampukan nina Cogie Domingo, Danilo Barrios,
>Richard Gutierrez, Oyo Boy Sotto, Railey Valeroso mula
>sa directorial movie debut ni Dominic Zapata.
>
>May dalawa ring nakalaang pelikula ang Regal para kay
>Kris Aquino, ang Single Mom at ang isa pang pelikula
>na pagtatambalan nila ni Vic Sotto. May nakalaan ding
>project si Mother Lily para kay Vilma Santos sa taong
>ito.

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


Replies:


VoyUser Login ] Not required to post.
Post a public reply to this message | Go post a new public message
* Notice: Posting problems? [ Click here ]
* HTML allowed in marked fields.
Message subject (required):

Name (required):

  Expression (Optional mood/title along with your name) Examples: (happy, sad, The Joyful, etc.) help)

  E-mail address (required):

* Type your message here:


Notice: Copies of your message may remain on this and other systems on internet. Please be respectful.

[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 2.94, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2008 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.