VoyForums
[ Show ]
Support VoyForums
[ Shrink ]
VoyForums Announcement: Programming and providing support for this service has been a labor of love since 1997. We are one of the few services online who values our users' privacy, and have never sold your information. We have even fought hard to defend your privacy in legal cases; however, we've done it with almost no financial support -- paying out of pocket to continue providing the service. Due to the issues imposed on us by advertisers, we also stopped hosting most ads on the forums many years ago. We hope you appreciate our efforts.

Show your support by donating any amount. (Note: We are still technically a for-profit company, so your contribution is not tax-deductible.) PayPal Acct: Feedback:

Donate to VoyForums (PayPal):

Login ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 1[2]3456789 ]


[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Date Posted: 04:24:57 07/31/07 Tue
Author: rodilyn (happy)
Subject: Re: mga tayutay at mahahalagang dayalogo sa dekada '70
In reply to: arra 's message, "Re: mga tayutay at mahahalagang dayalogo sa dekada '70" on 04:44:23 06/21/07 Thu

Simili o Pagtutulad - paghahambing sa dalawang bagay na may magkatulad na katangian Halimbawa:

a. Kawangis mo ang hina ng isang ibong wala pang bagwis.

b. Ga-santol ang laki ng bukol sa ulo mo.

c. Paris na masel mo’y matigas na metal.

d. Tila sampaguita sa bango ang nilabhang damit ni Bebang.

e. Animo makopa sa pula ang pisngi ng dalaga.

f. Sintamis ng tsiko ang ngiti ng dalaga.

g. Animo’y mga ibong bago pa lamang nagkakabagwis sina Richard at Rap-rap.

h. Sintigas ng bato ang puso ng galit na ama.

i. Paris ng sundalo ay isang leon sa tapang na makipaglaban.

j. Tila yelo sa lamig ang kamay ng nenerbyos na mang-aawit.

2. Metapora o Pagwawangis - paggamit ng salita o pariralang pantulad nang tahasan.

Halimbawa:

a. Siya’y langit na di kayang abutin nino man.

b. Ang kanyang anak ay isang anghel sa kabaitan

c. Isang kalabaw sa lakas ang binatang iyon.

d. Mga galit na tigreng lumaban ang mga sundalo.

e. Walis tingting ang tigas ng kamay ni Neneng.

f. Si Chris ay isang pagong sa kabagalan.

g. Isang kampana sa lakas ang boses ng sumisigaw na matanda.

h. Si Leandrea ay isang rosas sa ganda.

i. Ang boses ng lalaki at ang kulog ay parehong malakas.

j. Mabibilis tumakbo ang mga manlalaro at ang usa.

3. Personipikasyon - ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.

Halimbawa:

a. napatalon sa gulat ang tubig na binagsakan ng bata.

b. Hinalikan ako ng malamig na hangin.

c. Sumayaw-sayaw sa saliw ng tugtugin ang bandila.

d. Lumuluha na ang kandila.

e. Nakangiti ang kanyang sapatos.

f. Gising na ang araw.

g. Nahihiyang nagtago ang buwan.

h. Tumalun-talon ang kumulong lugaw.

i. Humiyaw nang ubod nang lakas ang bulkan.

j. Tulog na ang haring araw.

4. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.

Halimbawa:

a. O, tukso. Layuan mo ako.

5. Pag-uulit

A. Aliterasyon - ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.
B. Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay.
C. Anadiplosis - paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.
D. Epipora - pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod.
E. Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag.
6. Pagmamalabis - ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.

7. Panghihimig o Onamatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.

8. Pag-uyam - isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin.

9. Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.

10. Paglilipat-wika o Transferred Epithet - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.

11. Balintunay - isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli.

Retrieved from "http://tl.wikipedia.org/wiki/Tayutay"

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


Replies:


Post a message:
This forum requires an account to post.
[ Create Account ]
[ Login ]
[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 3.00b, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2019 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.