Author: Madam Chuva Chuachuchu
| [ Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
]
Date Posted: 05:22:20 05/29/03 Thu
Greetings!!!!
Hay naku, kumusta kayo sisters in faith. Ano va naman ang MB na eto, natutulog na ata ang Madam Choray . Naglalabasan na lahat ang mga clone ng Madam ninyong maokray sa iba't ibang board. Mayron pa akong nakitang pamangkin niya raw. Lah di da…. Mukhang natutulog ka ata Madam Choray at ang mga iba mo pang madam, ay ganon din. Tutoo ngang madaming mga post na mga pictures rito pero wala na ang excitement. Wala naman ang balitaktakan. Hay naku, akala ko pa naman e mga Inday Garutay kayo. Mga tsismak kayo. At mga ek ek kalachuchu kayo. Ek ek chuva chuachuchu kayo. Was pala kayong ek ek. Kaya ikaw Madam Choray na Reyna ng mga Chorizo. Gumising ka. At patayuin mo lahat ang mga natutulog na …..na…..na….damdamin para meron namang excitement ang lahat ng pumapasyal rito. Akala mo siguro kung ano ang patatayuin mo ano? Oy bawal patayuin ang mga chorizo de bilbao ng mga men mo. If I know, iniwanan ka ng men mo kaya ka down and out ngayon. O kaya ano ba ang mga pinaggagawa mo ngayong mga panahon? Bwusy vah sa iyong career? O balita ko namumulubi ka na raw at sumama ka na sa mga taong grasa sa kalye? Ay naku, Madam Choray, gising na sa iyong pagkakahimlay. Baka sa paggising mo mas sikat na ako sa iyo. O di vah?
Pero Madam, wag mo na namang sabihing naggagaya ako sa style mo ha. Ganito rin lang akong magsulat. Kung ikaw nga noon ay napagkamalan kang ikaw si John Lapuz at Mariang Makiling, ako fah kaya? Pero kuwidaw ka, eto lang masasabi ko sa iyo. Mas maganda ako sa iyo. Mas bata. Mas malasa. Mas masabaw. At mas seksing tingnan. O tingnan natin kung hihirit ka pa.
At ikaw naman Madam Chaka Khan, kung akala mo maganda ka rin tulad ni Madam Choray, mag-ingat ka dahil naririnig ko sa paligid na ikaw ay isang Dakma Queen. Ay ewan, dakma queen ba dafat ang itatawag sa iyo. Kasi balita ko pala ikaw ang dinadakma. Naku ha. Ganyan ka ba bountiful?Ah ewan, pero pinag-uusapan ka ng mga kasamahan ko rito. Isa ka raw walang fez ( as in mukha loka) pero malusog daw ang lahat sa iyo. Harapan at saka likuran. Tutoo ba eto? Hala, magsavi ka nga ng tutoo. Savihin……wag magdeny…….kundi, isusumbong kita kay Chenelyn.
At ikaw naman Little Madam Butterfly. Ano ba naman ang drama mo sa buhay? Well, ganyan talaga ang tagsibol. Kung saan ang kati doon ka. O di vah. Kung saan ka masaya doon ka. Huwag mong isipin ang sasabihin ng iba. Pumunta ka sa kung saan mo gusto. If you don't try and feel for yourself yang mga tsika-tsika na yan e wah ka maabot. As in o di vah. Naiintindihan mo naman siguro ang ibig kong sabihin ano.
O sige, ito ang first salvo ko sa inyong MB. Dito ko gustong simulan ang chika career ko. Malay mo, maging sikat din ako tulad ng ivah diyan. O di vah?
[
Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
] |