Subject: MADAM CHORAY'S KAEKLATAN CONCERNING THE RECENTLY HELD MISS PHILIPPINES 2003 |
Author: Madam Choray
| [ Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
]
Date Posted: 05:23:25 05/15/03 Thu
Halutch, halutchm halutch sa inyong lahat!!!!
Bakit nilagyan ng ng public password ang PBKT? AT di na makapagpost ang lola ninyo sa PBKT? Parte ba ito ng redefinition ng MB na yun? Ay naku, ewan ko ba? Matagal lang pong nawala sa ere ang lola ninyong maokray kasi po naman ako ay umuwi sa Roxas City upan pangalagaan ang kalusugan ng isa nating kamag-anak pero sa awa ng Diyos ay kinuha na siya. Wala po tayong panahon na magsulat ng kaeklatan.
E ngayon naman pong meron ay nawala naman sa internet world ang MB nito. Naku,shocking to the max ang lola ninyong vaklita. Ewan ko vah kung ano ang nangyayari doon. Una nagagalit na ang mga major sponsors ng Pawee papuntang Panama? Pero di ko maintindihan dahil hanapin ko man ang cause ng away nila ay di ko makita. Siguro nagsusulatan. Kaya bahala sila.
Nanood po ako ng Miss Philippines 2003 sa Bulwagang Aguinaldo. Hay naku, di ko ata kayang ipikit na ako fo ay nagvayad ng isang libong piso. Fara lang makafanood ng pagkafanalo ng isa na namang gilagid queen, nagvayad fo ang lola ninyo ng ganyang kaferahan. Vinivilang ko nga sa aking mga daliri kung ilang kafafahan na yan sa aming provinsiya.
Kaya po ako nandito dahil mang-ookray po tayo anich. Siymepre naman, we are not called Madam Choray without the usual okrayan. He he he.
Nagsimula ang show na ipinakilala ang mga kandidata sa audience. Me mga ek ek sila. Si Ate Sheryl Cruz, ay nag-ilokano. Bakit kaya di nag-Ibaloy ang Lola kong si Raquel. Naku Raquel wah ko feel yang ginawa mo. Di ka ba proud sa heritage nating mga Igorota? Yung mga iba, nagcebuano, nag-ilonggo at nagbicol. O di vah? Eventual winner Laura Marie Dunlap did not speak in her native tongue? Vakit?
Pagkatapos, rumampa ang mga kandidata sa kanilang swimsuit. Mabilisang rampahan. Nagtaka ang mga tao. E di naman sinabi kasi na may swimsuit competition na sa Club Manila EAst. Usap-usapan ng lahat at na-post pa sa orange MB na ang winnah sa swimsuit ay ang candidate number 20. Pero noong pageant night ay tinawag ang candidate numbere 13. Naloka ang lahat. Palakpakan ang mga fans ng lola sheryl cruz. Naku nakita kong pumalakfak ang lolang maganda. Ano vah yan!!! Parang tuwang-tuwa dahil hindi ang Samson ang nanalo kundi ang tulad rin niyang BE bet na si Natalie Tarin.
Tiningnan ko ang lugar ng mga fans ng Ate kong eto at parang tuwang-tuwa pa rin sila sa di pagkakapanalo ng Samson. O di vah!!!! Me lavan ka? Mukhang ang dalawang eto ang pinagsasabong sa loob ang AFP theater ah.
Sumunod ang evening gown parade. Yan mabilisan na naman ang rampahan. Naku, nagpakita na naman ang ate ninyo ng galing sa pagrampa. Win na naman siya sa long gown. Paano naman po kasi mananalo ang lola Lesley ninyo ay parang flag ho ng kung anong country ang damit niya? Akala ko ang pinakamagandang gown ang ipapasuot sa lola ninyo eto at isusubsub daw niya ang lola Sheryl Cruz ninyo sa ganda ng gown. Ayan, palakpakan ulit ang mga fans ng lola mong maganda.Pag ang lola lesley naman ang tinatawag na winner, ang mga hakot naman ng lesley ang sigawan.
Eto ang ang pinakaexciting na bahagi ng titah! Noong itinawag na ang Top 10. Siyempre tutok ang lahat sa lola ninyong si sheryl cruz at lesley. Nakasagot ang lola sheryl cruz ninyo pero di masyadaong emphatic. Naglabasan ang mga scores. Matataas ang lahat maliban sa dalwang judges. At alam ninyo ang scores? 71 at 77. Naku fluksena na ang ate mga nasa gitnang vahagi ng AFP theater.
Tapos pag ang lola lesley ninyo ay super taas ang binibigay ng dlawang judges na eto. o di vah. Mukhang may conspiracy na. Nakita ko ang mga mukha ng fans ng lola shelou ninyo. Alam na nila na wah na chance magwin ang lola ninyo. Eto ang gavi ng Lesley Samson. Maski anong gawin niya. Matataas pa rin ang scores niya. Sa swimsuit, maski di niya kayang magpirouette e, yun taas pa rin swimsuit niya. Sa evening gown, maski ginaya ang gown na pinapanalo ng Ate Shelou ninyo ay mataas pa rin ang lola Lesley ninyo. Mukhang tinotohanan ng manager ng lola Lesley ninyo ang sinavi niya sa NCR screening na ilalampaso nila ang lola Sheryl Cruz ninyo.
Ano vah yan. Pero noong lumavas ang lola ninyo sa evening gown, ay parang Diyosa ang lumavas. Yan tuloy, dafat na ibigay talaga ang gown sa lola ninyo. Yan tuloy ang nangyari mga kafatid.Dahil sa pukpukang pinaggagawa ng mga kandidatang numero 3 at numero 20, di nila alam na sila pala ay nauungusan na ng dalawang Amerikana. Amerikana? Naku malaking intriga? Si DUNLAP, ay amerikana? Si TARIN ay amerikana? Ang savi ng aking tweedle dee dee ay totoong-totoo eto. Nasa legal age na ang dalawang eto at ang nafili ng dalawang eto ay American citizenship? Totoo vah ang chikang eto? Patunayan, tweedle dee dee. O vaka intriga lang eto. Oy mga taga-carousel, savihin ang katotohanan? Eto ba'y totoo? Was ko kasi knows? May piktyures kasi doon sa kavilang MB na kasama ang foreignyer niyang fafa. Huwag ninyong savihing sa akin unang galing itilds mga kafatid, nasavi lang foh sa akin. Tutoo nga vah ang chism?
Eto fah, mga kafatid, etong si Lesley Jean pag tapos ng rumapa, e di sumusunod sa blocking. Imbes na si Natalie ang tatabihan ay ang Sheryl Cruz ang tinatavihan. Ganyan vah kakapal ang paligsahan ng dalawang eto? O sitsit lang manager ng lesley eto? O hayan, tinanong ko sa mga fans ng lola Shelou ninyo noong tinawag na Miss Fire ang Lesley jean e bakit sila pumapalakpak. Ang sagot ng isang mataray na bading, pumalakpak po kami dahil hindi nagkatutoo ang sinabi nila na "Ilalampaso niya ang Sheryl Lou. Di po niya nailampaso ang Shelou patuloy ng vading. Siya po ang ipinampunas sa sahig namin." Ay taray. Ano vah yan!!!! Malukresia Kasilag po ang lola ninyo. Yan tuloy, pareho silang naligwak. Huwag pong ganyan, all is fair in love and war di ba? O ate shelou, maalala mo ang tanong mo? Anong magiging epekto ng giyera ng Iraq sa global environment? At di ba kailangan din ng environmental peace? E ang Ate Lesley naman, ay ewan, basta me love and peace siya na sinabi parang ate carla balingit ata ang sagot niya. Naku nanginig po ako sa takot. Utang na loob ang magandang sagot niya sa preliminary interview ay isa palang rehearsed at memorized answer. At sa last eh, di na niya alam ang sasabihin. Hala mga fans ng dalawang vavaitang eto, humirit kayo at ipapakita ko sa inyo ang recorded CD ko sa palabas na yan.
Ang mga Amerikana naman ay super duper to the max ang ingles. Naku kung ako tatanungin ninyo, di maganda ang sagot nila. Maganda lang ang pagsavi. Yun na. Naawa po ako dito kay Dunlap. Kinokoronahan pa lang naupstage na. Sukat ba namang cameraman ng ABS-CBN ang lola ninyong si Sheryl Cruz ang nakafocus. Naku ha. Maski super ganda ang lola ninyo respetuhin ninyo naman ang reyna. Tuloy yung ibang newspaper ang fiktyur ng Sheryl Cruz ang nakalagay pero ang pangalan ay Laura Marie Dunlap. Napagkamalang siya nag winner. Tapos inintriga pa noong nasa VEnezia BAr. Sukat ba namang sabihin na siya ay di kagandahan pero matalino. O di vah, di nagtaray ang vagong Miss Philippines Earth. Nakakaloka di vah!!!!
O sige, sa susunod na ako tsitsika. Gandang Ricky Reyes po kayong lahat.
[
Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
] |
|