VoyForums
[ Show ]
Support VoyForums
[ Shrink ]
VoyForums Announcement: Programming and providing support for this service has been a labor of love since 1997. We are one of the few services online who values our users' privacy, and have never sold your information. We have even fought hard to defend your privacy in legal cases; however, we've done it with almost no financial support -- paying out of pocket to continue providing the service. Due to the issues imposed on us by advertisers, we also stopped hosting most ads on the forums many years ago. We hope you appreciate our efforts.

Show your support by donating any amount. (Note: We are still technically a for-profit company, so your contribution is not tax-deductible.) PayPal Acct: Feedback:

Donate to VoyForums (PayPal):

Login ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: [1]2 ]


[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Date Posted: 04:26:28 12/26/03 Fri
Author: cyberkada
Subject: THE TRUTH ON ABS-CBN vs. GMA!

I want to share this article


THE TRUTH! ABS-CBN VS. GMA
Posted By: Komentarista
Date: Tuesday, 28 October 2003, at 6:06 a.m.

In Response To: Re: The Battle of TV Networks: GMA 7 versus ABS-CBN (lilfonc)

THE TRUTH ABOUT NETWORK WARS

Ako ay isang communication arts graduate from dlsu. gusto ko lang mag comment about dito sa nakakaaliw na labanan ng mga networks, nabasa ko ang mga comments ng iba, but i need also to bring out my point of view. nakapagwork na ko sa gma pero nasa abscbn na ko ngayon which you can really feel you are part of the family. di lang puro puso, meron ring kalinga... i have here some questions and answers na sinagutan ko.

1. Sino ang mas powerful? 2 or 7?

-sino pa nga ba? eh di syempre abscbn2. natural dahil mas mayaman, sa totoo lang! Lopezes is one of the 5 elites in the Philippines. pero si Atty. Gozon ng gma7 ay hindi. maraming kumpanya ang lopez (Sky cable, bayan tel, home cable, meralco, rockwell land and powerplant mall at marami pang iba). maraming tv stations pati sa cable(ANC, MYX, Lifestyle Network, Cinema one, pinoy central at studio 23). mga magazines, (pink, metro, star studio etc.) pati recording at film making ay meron sila. (star records and Star cinema- makers of quality film) pati ibang bansa ay mayroong The Filipino Channel (TFC) na natatanging mata at boses ng mga pilipino sa ibang bansa. Sa responsibilidad ng pagtulong sa kapwa at serbisyong totoo sa bayan ay mayroong bantay bata, bantay kalikasan, bantay usok at Abs-cbn foundation. Sa dinami dami di ko na kaya pang banggitin ang nakakalulang kayamanan ng abs-cbn na pagaari ng eletistang si Genie Lopez. na sa tingin ko ay 100% walang wala ang gma 7. nakakahiya man sa gma 7 sabihin pero ang totoo ay wala sila sa kalingkingan ng abscbn

2. Sino mas mataas magpasahod?

-Syempre ang mas mayaman, ang abscbn! ang tunay na may pera at may pusong handang magbigay ng sapat na sweldo sa mga empleyado at talents nito.

3. Kaninong network ang mas may magandang studio? facilities, lights, OB van, sounds at video graphic designs?

-ang studio ng gma ay mukhang basura! aminan na ito! kung ayaw mo maniwala ay pumunta ka sa broadway studios at wag magpabulag sa maliit na lupang kinatatayuan ng gma building sa kanto ng edsa kamuning.alam mo ba na sobrang ganda at sobrang lamig sa loob ng dos? para kang nasa hotel. sobrang hi-tech at ganda ng loob! i-try nyo na lang magpunta... lahat ng kagamitan ng dos ay puro bago, puro hi-tech! kung ikaw ay mascom, comarts or orgcom student i-try mo mag practi##### sa dalawang network nang malaman mo ang sinasabi ko, kung ano ang pagkakaiba ng facilities ng dalawa! nang mapatunayan nyo na mas maganda ang kagamitan ng dos. mas may pera ay mas may kayang gumastos sa mga shows at fascilities!

4. Sino ang tunay na manggagaya?

-pareho lang na naggagayahan... kung inaakala ng iba na 2 ang nanggagaya. mali po kayo! gumagaya din ang gma! alam na nating ginaya na ng gma ang station id, maalaala mo kaya, chinovelas, telenovela sa primetime, na dati sa gma ay puro non sense na anime / cartoons. pati ang talent center ay ginaya na nila na kung tawagin nila'y artists center. excuse me sa mga nagsasabing ginaya ng willingly yours ang wish ko lang... mali po kayo! bago pa magkaroon ng bernadette sembrano ay nauna na si sharon cuneta sa wish upon a mega ng abs-cbn. isa pa, sa ratings din lang eh talaga namang abscbn ang tunay na nangunguna! aminan na kasi! walang show at naging show ang gma na sumobrang patok hanggang labas ng bansa! di lang dahil sa walang TFC ang gma! wala silang "pangako sayo" na ipagmamalaki ng mga pinoy dahil ito ay pinapalabas na sa ibat ibang bansa na pinatungan ng ibat ibang lingwahe. wag nang isaksak pa sa isipan na dos lang ang nanggagaya. ang syete ay ganun din. pareho lang sila! bobo na lang siguro ang taong di nakikita ang lahat ng ito! sabihin ng gma ng taas noong never sila nanggaya eh baka sambahin ko sila! kaya sa mga taong nagbubulagbulagan! aminan na!

5. ano ang mas engrande sa pag gawa ng musical specials? 2 or 7?

-natural ulit syempre ang may pera! halos linggo linggo ay may musical special ang dos! at annually ang kanilang christmas special kung saan kumpleto ang pamilya sa pag gawa ng napaka engrandeng production taun taon! kung naaalala mo ang Back2back2christmas ng gma kung saan ay sila regine lang ang pangunahing kasama,katapat naman ang Isang pamilya isang puso ngayong pasko ng dos na halos lahat ng artista ay nandun na! isa lang ang ibig sabihin nito! mas malaki ang budget ng abscbn sa mga specials kesa sa gma! ano pa nga ba ang ibabatbat ng gma sa nakalipas na "kapamilya abs-cbn at 5o" powerful ang production! ang stage! ang umaapaw na wines sa pagpasok mo sa tent bago mag plenary hall ng picc. labas pa lang eh parang hollywood na sa red carpet treatment! powerful ang powerhouse family! ang mga ambassadors at mga eletistang tulad nina cojuanco at zobel de ayala. nakakaloka ang mga guest! ang mga invited ay alta sa syudad! pagsasamasama ng mga artista, eletista, mayayaman at mga sosyal sa pilipinas! na di kayang gawin at pagsama samahin ng gma!

6. Sa kabuuan ay:

- nag conduct na ko ng survey nito ng mag thesis ako. lumalabas na ang crowd ng gma ay mga masa kalimitan at ang crowd ng abscbn ay mga sosyal na tao kalimitan. hindi sinasabi ng survey na walang nanonood na masa sa dos at walang nanood na sosyal sa syete. pero, 80% ng mga sosyal ay sa dos at 72% ng masa ay sa syete. kung baduy ang paguusapan kayo na ang mag judge sa kinalabasan ng survey na ito. and standard na tinayo ng dos ay may touch of class, di kayang ibaba ang lebel nila bilang isa sa top corporate company na may standard na dapat tutukan. unlike ng gma, sumombra ang tutok nilang makuha ang masa na nakaapekto upang bumaba ang kanilang corporate standard. sa tanong na kabaduyan, saan ka ba sa dalawang network na ito nabibilang? kapuso ka ba o kapamilya?

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 3.00b, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2019 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.