VoyForums
[ Show ]
Support VoyForums
[ Shrink ]
VoyForums Announcement: Programming and providing support for this service has been a labor of love since 1997. We are one of the few services online who values our users' privacy, and have never sold your information. We have even fought hard to defend your privacy in legal cases; however, we've done it with almost no financial support -- paying out of pocket to continue providing the service. Due to the issues imposed on us by advertisers, we also stopped hosting most ads on the forums many years ago. We hope you appreciate our efforts.

Show your support by donating any amount. (Note: We are still technically a for-profit company, so your contribution is not tax-deductible.) PayPal Acct: Feedback:

Donate to VoyForums (PayPal):

Login ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 1[2] ]


[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Date Posted: 21:31:52 12/08/03 Mon
Author: balawis
Subject: MagpaGAGO pa kayo sa mga Lopez / ABS-CBN!!!

EDITORYAL - Taumbayan, piniprito ng Meralco sa sariling mantika

Pilipino STAR Ngayon 12/04/2003

NAGTATAAS ng 12 sentimo sa singil ng koryente ang Manila Electric Company (Meralco) sa January 2004. Ito ay aprubado na ng Energy Regulation Commission (ERC). Sa 12 sentimong dagdag singil, kikita ang Meralco ng P2 bilyon sa isang taon. Ayon sa ERC, inaprubahan nila ang dagdag-singil sapagkat ang income ay gagamitin para sa mga bagong proyekto ng Meralco. Sa puntong ito may pagkakamali na ang ERC sa pagpayag na humingi ng karagdagang singil ang Meralco. Bakit sa taumbayan o sa consumers nila kukunin ang perang gagamitin sa kanilang proyekto? Sa mga nakaraan, lagi nang pumapabor ang ERC sa Meralco at hindi na nakikita ang taumbayang nagpapasuweldo rin naman sa kanila.

Hindi pa natatapos ng Meralco ang pagre-refund sa mga consumers subalit narito na naman ang panibagong pagtataas. Maliwanag na ipiniprito ng Meralco sa sariling taba ang taumbayan. Sa 12 sentimong dagdag nila kukunin ang pang-refund pa na hanggang ngayon ay marami pa ang hindi nakatatanggap. Nag-refund nga pero nagtaas naman ng singil. Halos walang ipinagkaiba.

May P28 bilyon ang dapat i-refund ng Meralco sa mga consumers. Bago napilit ang Meralco na magbalik ng refund ay ilang beses silang umapela sa Korte Suprema para mapigilan ang pagbabalik ng pera. Sa ikatlong hirit ay ibinasura na ang kanilang petisyon at inatasang mag-refund ng sobrang siningil mula pa noong 1994. Walang nagawa ang Meralco subalit ginawang "patak-patak" ang pagre-refund. Kakatwang naging malupit sila sa mga consumers sa pagbabalik ng perang kanilang "ninakaw". Hindi nila nalalaman kung gaanong hirap ang dinaranas bago kitain ang pambayad sa koryente subalit sa pagre-refund ay unti-unti pa. Malupit sa mga hindi makapagbayad at agad na pinuputulan ng linya. Sa ganitong sitwasyon pa lamang masyado nang agrabyado ang consumers at ang ganito’y hindi naman nakikita ng ERC.

Laging sinasabi ng Arroyo administration na pagagaanin ang buhay ng mga Pilipino. May bahay, trabaho at pagkain sa bawat hapag. Pero kakatwa naman na sa pagdadagdag ng presyo ng koryente ay wala silang magawa at sunud-sunuran sa Meralco.

Pigilan ang Meralco sa pagpapahirap sa taumbayan. Huwag sa bulsa ng taumbayan kunin ang kung anumang pagkakagastusan ng kompanyang ito. Maawa naman sa taumbayang naghihirap at saklot ng pangamba sa mga krimeng nagaganap. Kung sadyang ang kapakanan ng taumbayan ang mahalaga at prayoridad, ipakita ito hindi sa salita kundi sa aksiyon. Huwag iprito sa sariling taba ang taumbayan.

____________________________________________________________


Eto pa ...

share ko lang sa inyong mga die-hard ABS-CBN fanatics.

info. ABS-CBN, Meralco and Maynilad are companies owned by the Lopezes. Matagal na kayong niloloko ng mga yan. Remeber yung mga overcharges ng Meralco for so many years? Mukhang babawiin na naman sa mga consumers. Masyado niyo lang pinayayaman ang mga Hudas na yan. Sinisipsin lang nga mga yan ang dugo ng sambayanang Pilipino. Yan ba ang KAPAMILYA? Kapamilya ba ang papatay sa kapwa Kapamilya. Magising kayo sa KATOTOHANAN.

Matagal na kayong pinagLOLOLOKO ng mga Lopez(ABS-CBN).


HURAMENTADO VS MERALCO!
Nina ERALYN PRADO, ROSE MIRANDA at BOYET JADULCO

--------------------------------------------------------------------------------


Maghuhuramentado ang publiko at makikikapit-bisig ang bilyong konsumer ng Manila Electric Company (Meralco) sa mga militanteng grupong laman ng kalsada oras na biguin ng pamalahaang Arroyo ang sigaw ng sambayanan na pigilin ang nakaumang na power rate increase sa Enero ng papasok na taon.

Partikular sa ipinanggagalaiti ng publiko ay ang pag-aapruba ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa hiling na bagong pagtataas ng singil ng Meralco na 12¢ bawat kilowatt hour nang hindi pa ito idinadaan sa serye at malawakang konsultasyon sa publiko na siyang sinusunod na proseso.

Ngunit tila hindi natinag sa bantang pagwawala ng bilyong Meralco consumer, sinabi kahapon ni presidential spokesman Ignacio Bunye na walang magagawa ang Malacañang para mapigilan ang power rate hike na ito.

Bagkus ay posibleng ‘tapyas increase’ lamang umano ang maaaring mahilot ng palasyo.

“Sa pamamagitan ng DOE (Department of Energy) ay hihilingin natin na medyo i-push for the least amount of increase as possible. But makikita natin na kailangan din ng company na umunlad at magkaroon ng panibagong pondo para sa kanilang expansion,” paliwanag ni Bunye.

Sinabi pa nito na nakahanda umanong magbaba ng ‘unpopular decision’ si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para panindigan ang kanyang pinaniniwalaang katwiran. Hindi naman nilinaw ni Bunye ang kanyang ibig ipakahulugan sa naturang statement.

Kahapon ay idiniin ni Partido Manggagawa Partylist Rep. Renato Magtubo na klaro umano ang pagsasabwatan ng Pangulo, ng ERC at Meralco sa pagpapahirap na ito sa sambayanan dahil sa halip na protektahan ang publiko ay nakakiling pa umano ang administrasyon sa interes ng higanteng kumpanya.

Ibinunyag naman ni Sen. Aquilino Pimentel Jr. na malakas ang kanyang kutob na ang hinihirit na power rate increase ng Meralco ay hindi gagamiting pampondo sa sinasabi nitong 42 proyekto ng expansion kundi para ipambayad sa refund sa overcharges nila sa mga konsumer na iniutos ng Korte Suprema.

Klaro umanong panloloko ito dahil sa konsumer din nila kukunin ang soli bayad sa mga tao.

Mahigpit namang binatikos ni dating Sen. Juan Ponce Enrile ang pagpapaubaya ng pamahalaang Arroyo sa dikta ng Meralco. Sa halip umanong protektahan nito ang inaabusong electric consumers na kitang-kitang ginigisa sa sariling mantika ay mas kinilingan pa nito ang higanteng kumpanya.

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 3.00b, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2019 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.