VoyForums
[ Show ]
Support VoyForums
[ Shrink ]
VoyForums Announcement: Programming and providing support for this service has been a labor of love since 1997. We are one of the few services online who values our users' privacy, and have never sold your information. We have even fought hard to defend your privacy in legal cases; however, we've done it with almost no financial support -- paying out of pocket to continue providing the service. Due to the issues imposed on us by advertisers, we also stopped hosting most ads on the forums many years ago. We hope you appreciate our efforts.

Show your support by donating any amount. (Note: We are still technically a for-profit company, so your contribution is not tax-deductible.) PayPal Acct: Feedback:

Donate to VoyForums (PayPal):

Login ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 1[2] ]


[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Date Posted: 09:09:32 10/22/03 Wed
Author: cyberkada
Subject: PRO, huwag payagang bumoto sa Star Awards, TV o movies

ITO ANG L8ST NGAYON! Ni Eric John Salut
Pilipino STAR Ngayon 10/22/2003


Tila may ilang elemento na gustong guluhin ang pamunuan ng Philippine Movie Press Club o PMPC. Ang nakakalungkot, mismong officers at members ng nasabing entertainment writers organization ang nagpapasimuno nito. Ito ’yung mga members ng PMPC na hindi pabor sa naging resulta ng nakaraang Star Awards for Television. Ang hindi maganda, pawang mga publicists ng GMA 7 ang mga ito.

Marami na kaming naririnig na kwento kung paanong ang isang opisyal ay garapal na ikinukompromiso ang club sa GMA 7. Umpisa pa lang ng screening noong July ay bumuo na ng grupo ang officer na ito para makatiyak na mananalo ang mga shows na kanyang pini-PR.

Ilang taon na niya itong ginagawa. Noong panahon na presidente pa siya ng club ay nagawa niya ito. Dahil pinaiiral niya ang kanyang kapangyarihan sa mga members.

Ngayong taon ay hindi umubra ang garapal na sistema ng opisyal na ito. Talunan ang mga shows na kanyang pini-PR sa GMA 7. Pati ang istasyon na kanyang pinaglilingkuran ay talo rin.

Umiral ang kabastusan ng opisyal na ito noong gabi ng parangal ng Star Awards sa UP Theater. Nang sunud-sunod na humahakot ng awards ang mga shows ng ABS-CBN ay nag-walk out ito. Isang aksyon na mismong mga members ng club ay hindi nagustuhan.

"Garapal talaga ’yang taong yan! Ang feeling n’ya, siya ang natalo. Very obvious ang kulay niya," sabi ng isang member na hindi nagustuhan ang ikinilos ng kanilang opisyal. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na may gano’ng ikinilos ang isang opisyal ng club sa mismong gabi ng parangal.

Sumisigaw ang opisyal na ito sampu ng kanyang kapanalig ng ‘unfair’. Tanong ko lang, "Kailan magiging fair ang awards? Kapag GMA 7 ang nanalo? ‘Yun ba ang basehan ng isang fair na awards night?" * * *
Sa loob ng ilang taon of non-participation, muling sumali ang ABS-CBN sa Star Awards sa taong ito. Agad na nagpalabas ng memorandum si Senior Vice President for Television Cory Vidanes instructing all program heads na magpadala ng best entries sa Star Awards para ma-screen.

Sa katunayan, karamihan sa mga entries ay yaong mga ipinadala rin sa nalalapit na Asian Television Awards. Isang appreciation lunch din ang ipinatawag ni Ms. Charo Santos-Concio sa mga board members noong July. Take note, mga officers ng PMPC ang dumalo rito. Kabilang na ang sinasabi kong officer na una kong tinukoy. Ang nasabing lunch ay isang gesture of appreciation ng network para sa muling pag-welcome ng PMPC sa network sa Star Awards. But this was long before na magsimulang mag-screen ang members ng mga entries.

Ito rin ’yung panahon na inalis muna ng ABS-CBN ang PR Pool System para hindi malagyan ng kulay ang Star Awards. Up to this day, walang kahit isang member ng PMPC na may pini-PR na show sa ABS-CBN.

Samantalang mismong mga officers ng PMPC ay publicists ng ilang shows sa GMA. For delikadesa, dapat ay hindi ina-allow ang mga PMPC voting members na publicists ng mga shows sa alinmang network na makaboto. Ang problema, mismong ’yung GMA 7 faction sa club ay nag-solid na ipanalo ang GMA 7 and its shows.

Ngayon ay may move ang GMA 7 factions sa loob ng club na alisin ang pangulo ng club na si Julie Bonifacio sa kanyang pwesto. Hindi naman ito ia-allow ng mga members na mangyari lalo na ’yung mga naniniwala sa katotohanan. Mas marami pa ring members ng PMPC ang naniniwala na di hamak na mas tapat sa kanyang tungkulin si Julie kesa sa ilang mga past presidents na matagal nang ibinibenta ang club sa istasyon na gusto nilang paboran!

Isang mensahe lang ang gusto kong iparating sa puntong ito. Kung may delikadesa ang ilang members ng club, mag-resign kayo sa mga pini-PR ninyong shows sa mga networks, film companies & movie stars. Para hindi kayo putak nang putak kapag natatalo ang mga shows at tao na hawak n’yo!

Hindi lahat ng panahon ay GMA 7 ang pwedeng manalo. Darating ang panahon na aani naman ng parangal ang ABS-CBN na nangyari na nga!

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 3.00b, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2019 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.