Subject: ROMELO VALEÑA - SEARCH FOR A STAR GRANDFINALIST |
Author: rev_slave
| [ Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
]
Date Posted: 07:56:33 02/22/04 Sun
Please vote for my friend, ROMELO VALEÑA. he is a grand finalist in Search for a Star. he won last july and was the first grand finalist of the said show. to refresh your memory, he won in the weekly finals by singing Martin Nievera's Ikaw Lang ang Mamahalin and in the semifinals, he impressed the judges with his rendition of Ogie Alcasid's Kailangan Ko'y Ikaw.
You may start sending your votes now by texting:
STAR [space] ROMELO
send it to:
2364 - globe and touch mobile
4627 - smart and talk n text
you may send as many text votes as you can! 30%
of his grade will be based on the total number of
text votes cast. so please vote for him. thanks a
lot!God bless you big time!
*********************************************************************
Here's an article written by Alfie Lorenzo which was published in his Abante column today (Feb 22):
Mas malaki nga ba ang tsansa ng isang tao kung sa Search For A Star siya sasali kesa sa ibang pakontes sa telebisyon?
Sabi ng Viva Films at GMA 7, kapag napasama ka sa grand finals ng Search For A Star, malaki na ang tsansa na makahanap ka ng magandang trabaho at sumikat balang araw.
Tulad na lang daw nitong sina ROMELO VALEÑA at Raymond Manalo, na nakapasok sa grand finals, hindi pa man sila nakasisigurado na sila ang mag-uuwi ng tropeo at pera, pakiramdam nila ay para na rin silang nanalo.
“This is more than what I prayed for,” sabi ni Romelo.
“`Yung feeling na maging isa ako sa mga finalists among hundreds of applicants is more than enough para maging masaya ako. Ang gusto ko lang ay ma-share ang talent ko,” dagdag pa niya.
Si Romelo ay isang SCHOLAR at MAGNA CUM LAUDE sa Far Eastern University. Bata pa lang siya ay gusto na niyang maging singer. Ngunit matagal ang kanyang hinintay upang maipakita ang talento sa publiko. Nangako kasi siya sa kanyang mga magulang na tatapusin muna niya ang kanyang pag-aaral.
First time din na sumali ni Romelo sa isang singing competition. At sa Search For A Star niya naisipan mag-join kung saan siya pa ang naging unang finalist pagkatapos niyang manalo sa monthly finals.
Kung first time ni Romelo sa isang singing contest, si Raymond naman ay minsan na ring naging contestant. Ngunit ayon sa huli, medyo nadismaya siya nang huli siyang sumali at nangakong ‘di na muling susubok. Hanggang sa na-inspire siya nang makita niya kung ano ang ginawa ng Viva sa career ni Sarah pagkatapos magwagi sa Star For A Night.
Sa loob ng tatlong buwan, feeling winner na rin si Raymond dahil ngayon pa lang ay may nagpapa-autograph na sa kanya.
“Nakakatuwa at nakakabigla dahil kahit paano ay may nakakakilala na sa akin pag pumupunta ako sa mall. Kahit nu’ng minsan na nakasakay ako sa jeep,” say ni Raymond.
Si Romelo at Raymond lang ang mga lalake sa mga finalists ng Search For A Star. Ang walo ay puro babae na. Mahirap daw na umasa na mananalo sila dahil kadalasan ay babae ang tinatanghal na grand winner sa mga singing competitions.
Bukod pa rito, di hamak na mas may edad na rin sila kumpara sa ibang contestants na karamihan ay teenagers pa lang. Pero naniniwala sila na patas ang labanan sa Search For A Star.
Siyanga pala, sa March 13, 7 p.m. na ang grand finals sa Ultra ng Search For A Star, na ihu-host siyempre ni Regine Velasquez. Maliban kina Romelo at Raymond, ang iba pang finalists ay sina Jerrianne Templo, Genevieve Villabroza, Camille Relevo, Cherryl Ubasa, Rachelle An Go, Iris Malazarte, Tina Braganza at Sarah Jean Badana.
**********************************************************************
PLEASE SUPPORT MY FRIEND, ROMELO VALEÑA. HE IS NOT JUST A GOOD SINGER, BUT A REALLY GOOD PERSON INSIDE AND OUT.
*SEARCH FOR HIS PROFILE IN FRIENDSTER AND READ HIS FRIENDS' TESTIMONIALS ABOUT HIM. IF YOU WISH, INVITE HIM TO BE PART OF YOUR FRIENDSTER NETWORK AND HE WILL SURELY RESPOND AS SOON AS HE CAN. THANKS! GOD BLESS!
[
Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
] |
|