VoyForums
[ Show ]
Support VoyForums
[ Shrink ]
VoyForums Announcement: Programming and providing support for this service has been a labor of love since 1997. We are one of the few services online who values our users' privacy, and have never sold your information. We have even fought hard to defend your privacy in legal cases; however, we've done it with almost no financial support -- paying out of pocket to continue providing the service. Due to the issues imposed on us by advertisers, we also stopped hosting most ads on the forums many years ago. We hope you appreciate our efforts.

Show your support by donating any amount. (Note: We are still technically a for-profit company, so your contribution is not tax-deductible.) PayPal Acct: Feedback:

Donate to VoyForums (PayPal):

Login ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 12[3]4 ]
Subject: Emman-eto na yung kwneto ni Alodia sa PEX


Author:
RT
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 19:44:38 07/08/04 Thu

kami naman... KWENTONG FAP (kolaborasyon naming tatlo nina Grace at Aisa)
magsisimula ang kwento namin noong friday...

Hindi nga ba wala daw pinamimigay na ticket ang FAP? Ipinapamigay/ipinapa-raffle lang nila sa mga pupunta sa Fan's day.
Ang alam naming lahat, Sabado ng umaga ang Fan's day pero umaga palang ng Friday, napanood na nila Grace at Aisa sa Magandang Umaga Bayan na noong Friday na pala na yun ang Fan's day. Napatawag tuloy si Aisa kay Ate Marie, napatawag ako kay Aisa, napatawag ako sa FAP. At napatawag ulit kay Aisa. Para i-confirm kung kelan ba talaga kuya? (sabi ng FAP, Sabado pa raw ng umaga. 7:00am (huwat?))
Tapos nalaman pa namin na hindi makakapunta si Ate Marie. Paano yan wala kaming ate? Sino mag-aasikaso ng mga tickets, entrance, etc? Naku kelangan yatang gamitin na ng TATLONG MARYA (ako, aisa at grace) ang powers nila.
* ilabas na ang singsing ni Inday sa Balitaw: "Bata-batuting... sagutin ang aming hiling... SAAN BA KAMI KUKUHA NG TICKETS?????!!!!!!!"

Since 7:00am nga daw, ayaw naming magpahuli. Ang usapan 6:30am sa Pedro Gil kami magkikita. 6:19 dumating ang pinakamaagang si Aisa. At dahil late kami ni Grace, pinauna na namin siya. Nagpunta siya ng CCP pero hindi pala dun ang fans day kung hindi sa Folk Arts pala. Sabi sa kanya first 300 daw magkakaroon ng tickets... so kami ni Grace madali to the max!
Dumating ako expecting a very long line of "fans". Pero ang dinatnan ko si Aisa at si aisa saka si aisa! wow ang daming tao!!!!
Pagpasok namin ang free tickets ay hindi rin pala free. Kelangan mo muna magsim-swap sa Smart. Eh smart kami pareho. Nangulit-ngulit kami sa mga booth, hindi umubra ang charms namin. Desperado na kami dahil hindi namin alam ang gagawin. Remember wala ang ate to the rescue. Muntik na kaming sumali sa sing-alike at look-alike contest para lang magkaroon ng tickets para sa awards night kaso mas feel sana namin kung dance-alike (*shake body body dancer!) o act-alike na lang di ba? ("Wag mo kong Ma-Terry-terry!!!!"). Tapos may program para sa "MARAMING FANS" na nasa loob ng Folk Aarts (mga 10?). Utang na loob bore na bore na kami ni Aisa sa loob. Ang mga pinagkakanta pa ng mga contestants eh panahon pa ni Maruja! Lahat na yata nagawa at napag-usapan namin. Nililibang na lang namin ang sarili namin. Lakad dito lakad doon, kanta, sayaw, naisa-isa na rin ata namin ang mga pelikula ni inay... HINDI PA RIN KAMI MAKADISKARTE NG TICKETS!

Tapos eto pa nagtext ang grace nag-iinarte! So kaming dalawa lalong na-praning! Ang lagay dalawa lang kaming titili mamaya?
Lumayo na kami sa may stage (kasi kung hindi pa kami lalayo baka tuluyan na kaming mabore talaga!).

Tapos nagpacontest. Gift pack from Smart. Bring me! Astig! lol
Teka baka may tickets sa gift pack. First bring me. Picture ng idol nyo na may autograph. "Sabi na nga ba aisa dapat lagi kong dala yung pic ni inay na may autograph eh!." Second bring me. Cellphone na may logo ng fave star nyo! Ako naman nawindang! Takbo to the highest degree ang lola nyo! Habang binubuksan ang cellphone kong lobatt (kaboboto kay Inay sa FAP 326 -- courtesy of Ariel Madrid -- thanks!). Si aisa naman todo suporta with matching palakpak! Ang bilis daw ng takbo ko KAHIT WALA NAMAN PALANG IBANG NAG-AATEMPT NA MAKIPAGKOMPITENSYA SA AKIN!!! meaning mag-isa lang pala akong tumatakbo! Pagdating ko sa harap, welcome note pa lang (Maricel Rules) tapos ayun nakita na nila yung logo ko na face ni Inay. Wala akong sinasabi kung hindi. "Maricel Soriano. Si Maricel Soriano yan! Maricel. Maricel." Sabi ni Diego, hindi naman si Maricel yan eh, 2 messages received yan eh. pagtingin oo nga may 2 msgs ako. Cinancel ko para makita nila yung logo ni inay. Tapos nung ok na at binigay na sa akin yung gift pack, dali-dali kong binuklat yung bag (sabi pa nga nung host sana nag-thank you ka! harhar nakalimutan ko palang magpasalamat). Pagbuklat ko ng bag. T-shirt. Camera (Astig!), cap. notepad. ballpen.... notepad... ballpen.. notepad.. ballpen... halos ibaligtad ko na yung bag ng Smart... gusto ko nang ibalibag yung camera... "hindi kita kelangan, ticket ang kelangan ko!" waaaahhhhhh after kong kumaripas ng takbo WALA PA RIN KAMING TICKET!!!!!

next bring me. Picture na kasama ninyo ang idol nyo. Dahil busy kami sa paghahanap ng ticket hindi agad narinig ni Aisa. Eh meron pa naman siyang picture with Inay sa wallet nya. Sayang gusto pa naman daw niya sanang ipagsigawan na "Maricel Soriano. Si Maricel Soriano yan! Maricel. Maricel."

Ticket... ticket.. ticket pa rin. Almost 1:00 na wala pa kaming ticket. Muntik na kaming bumili ng tig-isang sim para sa ticket. Last try. Kinausap namin yung pinaka-bossing nila. kinulit. sabi namin paano kung Smart ka na nga, ipapa-swap mo pa rin? sabi sa amin magdownload lang kami. Download lang pala eh!!!!! Sinamahan kami sa booth tapos pinasulat yung name at number namin tapos binigyan kami ng ticket... YEHEY TICKET!!!!! Sabi ko habang naglalakad kami ni Aisa, "Mare may dinownload ka ba?" sabi niya, "Wala. Ikaw, may dinownload ka ba?", "Wala rin!" "Eh tara na! Lumabas na tayo dito!" Sabay takbo!!!!
grabe ang saya namin nun! Hindi kami makapaniwala na hawak na namin yung ticket na hinintay namin mula alas-siete ng umaga!

Eto na, nagtext na ang mga pipol. Nang malaman nila na nakakuha kami ng ticket, aba GO din daw sila!!! Namobrelama tuloy kami kung paano kami kukuha kasi karamihan sa kanila Globe! Lahat na ng paraan pinaggagawa namin, palitan ng sim, palitan ng fone, nanghila ng mga tao. hanggang makakuha kami ng 6 tickets... Kaso may dalawa pang humabol at wala nang ticket. Bahala na!

Go na kami sa RED CARPET ng CCP. Kasunod kami ng mga Smart people (yung mga nagbabantay ng booth ng Smart). Buti nalang at nanalo pala ako kanina. Dahil very useful yung bag, t-shirt at cap ng smart. Pumasa tuloy kaming Smart Fans (ewan kung ano yun). Basta ang importante pwede kaming malapit sa red carpet. malapit sa mga artista. malapit kay inay. (yun nga pala sa kanila kami nakadiskarte pa ng dalwang tickets. download naman ng caller ring tunes.... ano ang ginagawa ng "wala sa damit wala sa kulay ang pagmamahal nasa puso nasa utak!" harhar)

Nanliit kami sa mga suot namin kasi super formal nga sila ala-Oscars (although may baon kaming mga damit). Pero wala kaming paki kasi ang suot namin shirt ni Inay. Kami lang ang fans na nandun. Yung iba nasa kabilang kalsada pa kasi bawal doon sa loob (ang taray!).
Nagdatingan na ang mga artista. Pero kebs? Isa lang naman ang hinihintay namin eh. Lahat kami excited na makita si Inay na mag-walk sa red carpet. Sigurado kaming super beautiful ang lola natin! Sa sobrang excitement lahat ng sasakyang puti na malaki pinaghihinalaan naming kay Inay na na sasakyan yun.

Wala nang dumadating na artista. Nililigpit na ang mga ilaw at camera. Teka -- mukhang sa iba dumaan ang Inay. So nagdecide na kaming pumasok na sa loob. Tama bang sa third floor kami??? Kaloka!!! Ang layo namin!

Dahil hindi namin ma-sight ang beauty ni Inay kung ano-ano na ang naiisip namin. Darating kaya siya o hindi? Nakita namin si Meryll... pero teka bakit wala si Inay...

Pinaakyat lahat ng mga artista sa stage. Halos magkandaduling kami sa paghahanap sa Diamond Star. "Siya yun, yung naka-fushai!" "Hindi magfu-fushia yun!" "Sino yung nakaputi, naka-black, yung naka-red?" "Sino yung hinalikan ni Meryll? Siya yun!" "Hindi sya yun!"
Oo hindi siya yun kasi wala talaga siya dun, nangungulit lang kami. Umaasa pa ring ma-sight ang beauty ni Inay.... pero wala talaga.
Ibinaba ang backdrop. Natapos na ang speech ni Gina Alajar (pinarangalan yung mga bagong halal na mga artista -- Bong, Lito lapid,Jinggoy).

Hay naku... hindi na nga kaya talaga darating ang Diamond Star? Naramdaman tuloy namin ang gutom namin. Kaya ang kawawang isang bubblegum (courtesy of Ate Tess) ay pianghati-hatian namin (take note apat kami sa isang bubblegum! 1:4 )
Baka si Meryll na lang ang tatanggap ng trophy kung sakaling manalo si Inay...

Wag daw munang aalis ang mga artista hanggang hindi naibibigay ang best actor at best actress awards. Hala... hindi na nga ata talaga darating ang inay.
Ibinaba ulit ang backdrop. Tapos itinaas.
Tapos.... parang meron yatang pumasok galing sa right side ng stage. Babae. Nakaputi (or so we thought). Nagniningning sa ganda. Hindi man naming maaninaw nang husto ang mukha niya, ramdam agad naming SI INAY NA YUN!
Oo nga si Inay na nga yun!!!!!
Iba nga ata talaga kapag Diamond Star. Ramdam mo agad siya yun
Grabe ang ganda-ganda ni Inay!!!!!! Kahit malayo siya ang ganda-ganda-ganda talga niya. Nang pumasok siya, nangibabaw ang ganda niya, deadma na kami sa ibang artista! At astig di ba na lahat ng mga artista nakahilera sa stage tapos siya andun sa itaas. Kaloka!
Natural nung tawagin ang pangalan ni Inay para magpresent sa Best Actor, hiyawan ang mga hitad! Sabay taas sa banner at poster ni Inay!!! Kaloka!!!! Nawala ata ang gutom namin.

Kaloka! Paalis na ba siya? Eh lahat ng artista nandun pa rin sa stage. Bakit hindi siya magjo-join?
Ah hindi naman pala, bumalik siya...

Naku Best Actress na!!!! This is really is it! Kaloka!!! Hindi naman kami nag-eexpect talaga (after ba naman ng past awards night di ba? andun pa rin kami para suportahan siya kahit anong mangyari) pero syempre ever wishing pa rin angmga lola nyo na win si Inay. Kinakabahan kaming lahat. Kinakapos ng hininga. Ano ba yun?! Hindi na kami nasanay talaga! Parang kami ang nominated ah.

Laking pagkakamali lang ni Cherrie Gil nang tanungin niya kung sino ang gustong manalo. Aba? Kami pa? Natural sino pa ba ang isisigaw namin kung hindi MARICEL MARICEL MARICEL MARICEL MARICEL MARICEL MARICEL (narinig nyo ba?)

And the best actress goes to....
"MARICEL MARICEL MARICEL MARICEL MARICEL MARICEL MARICEL!"
MARICEL SORIANO!
Halos hindi namin narinig ang speech ni Inay. Hindi kami mapakali sa itaas. Totoo ba ito? Thank you Lord, nanalo si Inay!
Dyosme!!!!! Totoo ba ito? habang bumababa kami hindi pa rin kami makapaniwala na nagwin si inay!
Teka bakit kami bumababa? Saan kami pupunta?
Sumugod lang naman kami sa orchestra. Nang mag-final walk ang mga nanalo, hindi pa kami nakuntento, sumugod pa talaga kami sa harapan ng stage para makita ng mas malapit si InaySyempre nakita kami ng Inay. (tumabi ba naman kami kay Gerard Salonga eh... nakita nga daw kami sa ending harharhar)

Kumaway siya sa amin tapos sabi niya "Nanalo tayo!"

Tapos iniladlad namin yung malaking poster ni Inay (nakita yan sa TV! ), tawa nang tawa si Inay...

Ang nakakatuwa nung pababa na lahat ng mga winners, habang abala ang lahat sa pagbaba sa stage, nagbabay pa sa amin si Inay.
Natagalan pa kami sa loob dahil hindi namin alam kung saan kami lalabas. nag-worry pa nga kami na baka nakaalis na si Inay. Kaya heto na, takbo naman kami palabas. Nakita namin ang sasakyan niya. Akala namin nandun na siya sa loob kaya naman super kaway kami. Teka bakit ganun? Hindi yata binubuksan ang bintana? Hindi naman ganun si Inay ah? Hindi kaya niya kami nakikita?
Asus! Kaloka! Kaya naman pala... palabas pa lang siya ng CCP. Mukha kaming *****, kumakaway pala kami sa wala! Dami pa namang tao sa labas!

Hindi lang pala kami ang naghihintay kay Inay sa labas...marami ang gustong masilayan ang beauty ng Diamond Star. Kaloka!
Super ganda ni Inay at saka ang ganda-ganda rin ni Meryll... pero hindi nagpatalo si Mama Bec... sabi nga namin, "Star of the Night" siya! :-)

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 3.00b, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2019 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.