Author: mmJun- concert review
| [ Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
]
Date Posted: 11:16:26 05/29/06 Mon
Author Host/IP: 202.69.180.197
Regine Velasquez' "Forever After" in the U.S.
( concert review: L.A.)
Starmedia presents
F O R E V E R * A F T E R :
A Fantaconcierto with
MS. REGINE VELASQUEZ, MR. OGIE ALCASID,
MR. RICO J. PUNO and MS. AI-AI DELAS ALAS!
• San Diego Friday, June 2, 7:30 pm at Pala Casino
• Las Vegas NV Sunday, June 4, 5:00 pm at Cox Pavilion
• For info & tickets please call Starmedia 818.547.1456
/ 818.549.9005 www.starmediaentertainment.com
• Carousel Pinoy: 201.641.2726 / 347.234.8797
---------- >
- c o n c e r t + r e v i e w -
"FOREVER AFTER" Musical Concert, Panalo sa L.A.!
Binabati ko ang prodyuser ng musical concert na "Forever After" ng
StarMedia Entertainment na si Ana Co-Puno, at ang mga staff nito,
pati na rin ang line-prodyuser nitong si Vic Perez sa matagumpay na
presentasyon ng pinakaa-abangan at magarbong "fantasy concert" na
ginanap sa UCLA Pauley Pavillion nitong nakaraang Sabado, Mayo 13!
Hapon pa lamang ay marami nang tao sa ground entrance ng UCLA kung
saan may mga booths ng mga sponsors sa labas para pagkaabalahan at
hindi mainip ang mga tao. Ang "Milo" ay namigay ng mga tsokolateng
inumin, nag-promote din ang ilang mga establishments katulad ng
BENCH, "Enlighten" (ang bagong produkto ni Monet Lu),
LikasPinoy.Com, First Nations Funding, RSG Fine Jewelry, atbp.
Eksaktong nag-umpisa ng alas-siyete y medya ng gabi at natapos ito
ng mga alas diyes y medya ng gabi. Puno ang UCLA Pauley Pavilion, sa
7,000 capacity seats na inokupa ng StarMedia Entertainment. Bukod sa
UCLA staff ay inarkila pa ng prodyuser ang serbisyo ng ALL ACCESS
(see www.allaccessconcerts.com) para maayos ang ushering sa mga
seats.
Kapansin-pansin din na napakaraming sponsors ang nakuha ni Ana Puno
dahil sa mga streamers at mga booths na naroon. Tinanong ko ang
chain-owner ng Island Pacific Supermarket na si Niño kung bakit sa
StarMedia lang yata siya nag-i-sponsor ng shows? "Kasi alam ko'ng si
Ana lang yata ang prodyuser na kilala ko na siguradong hindi palpak
at alam kong laging "hit' ang mga shows niya! Sa promo pa lang,
nabibigyan din ng importansya ang mga sponsors dahil may full
article about the company. They are using the best marketing skills
and you get the best mileage for the money you put in," ang say pa
ng napakabatang entrepreneur.
Sa preskon na ginanap nuong nakaraang Huwebes, Mayo 11, tinanong si
Ms. Puno kung bakit she opted to produce this big-budgeted concert
ng kagaya nito. Sa panahong sunod-sunod ang mga shows at halos
walang shows na kumikita kamakailan, itinuturing na isang
malaking "risk" ang ginawa nito, considering na sa budget pa lamang
ng production design nito ay gumastos na ito ng $170,000 (take note,
in dollars ito, ha!). "I always wanted to give the public only
quality shows because they deserve what their money's worth. And I
wanted the public to know that Starmedia has the trademark of
producing ONLY quality shows," ang simpleng sagot nito.
True enough, mula sa ibang concerts na prinodyus nito, katulad
ng "The Songbird and the Songwriter" (Regine-Ogie tandem), "The
Greatest Hitmakers" (Rico Puno, Hajji Alejandro, Rey Valera, Nonoy
Zuñiga, at Marco Sison), "Queens on Fire" (Regine-Pops), at ang
nakaraang GMA 7 Launch sa San Francisco na pinamahalaan din niya,
lahat ng ito'y pulos blockbusters. I must say that all producers
should learn a lot from this producer! Considering halos tatlong
taon pa lamang ang Starmedia sa pagpro-prodyus, aba, pulos
malalaking concert ang na-prodyus niya, ha?
Ang "harness" na ginamit sa pagpapalipad ay tumataginting na $3,000
dollars bawa't isa! At ang nakakalokang 50 x 25 feet na "backdrop"
ay nakabibilib din. Syempre, nakaganda ang magandang paglapat ng
lightings. Ang video presentation ay nakadagdag ganda para
maintindihan ang istorya ng "FOREVER AFTER." (Ang narrator nito'y si
Allan K!) Maganda rin ang choreography at pili ang mga OPM at
foreign love songs na ginamit nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid,
Rico Puno at Ai-Ai de las Alas. As usual, "riot" at "effective" si
Ai-Ai de las Alas bilang "villain" sa istorya. Talagang nagnakaw ito
ng eksena sa tatlo!
Magagaling din ang dancers na kinuha nito (ang isa sa mga anak-
anakan ko from the famous VIP Dancers na si Ruben Enguio ay galing
pa ng Maynila, kasama ng isa ring dancers ng Hotlegs kung saan may
portion ang dalawa habang bumibirit si Regine ng isang kanta). Bago
ang show ay ipinaalam ni Ruben sa akin na dapat ay lilipad din siya
at ang partner nito pero nagluko ang isang "harness" at hindi rin
nadala ang mahabang pulang tela na magmumula sa Maynila. Ang bantog
na scriptwriter na si Ricky Lee ang sumulat ng musical play na ito
at idinirek ni Rowell Santiago.
I asked Ms. Ana Puno - what are the best ingredients para makapag-
produce ng isang successful concert na katulad nang sa'yo? Simple
lang ang sagot niya - "First, you should have a good concept. Dapat
maganda ang kumbinasyon ng mga artists na ihahain mo sa mga tao.
Secondly, dapat full-blast ang promotions mo- TV or newspaper
advertisements, para malaman ng mga tao at aware sila na may concert
na dapat nilang paghandaan!" sabi ni Ana. (Oo nga, hindi katulad ng
ibang mga "secret concerts" na alam ko, na nagtitipid na magpa-ads
sa mga diyaryo at parang ayaw pang ipaalam sa madlang
people!) "Dapat magaling ang marketing strategy mo," say pa ni Ana.
Kasama na rito ang pakikisama sa "press"-- iyong mga "working media"
(ang ibig niyang sabihin ay iyong mga "talagang nagsusulat")!
Sa tutoo lang, si Ana lang yata ang prodyuser na nakita ko na nag-
pro-prodyus sa bawa't key cities (at lahat nang ito'y kumita!). Kung
ang iba'y naniniguro at ibinebenta sa ibang key cities para menos sa
alalahanin dahil wala silang manpower sa ibang cities ay hindi si
Ana. Toronto, Vancouver, Atlantic City, Chicago, San Diego, hanggang
Las Vegas, ay nagagawa nitong makipag-communicate sa ibang cities
kahit ito'y nasa L.A. Bawa't city ay may "ally" at mga kakampi si
Ana. Ito rin ang isang factor na dapat matutunan ng mga bagong
prodyusers. Dapat silang magmasid sa entertainment industry at
kilalanin kung sinu-sino ang matagal na sa industry nang
magkatulungan ang mga prodyusers. (By the way, abangan ang launching
ng web site ng PEPA USA, Inc., ang organisasyon ng mga prodyusers na
may layunin na magkatulungan ang lahat ng mga prodyusers - at hindi
mag-away-away!)
Anim na siyudad ang pagtatanghalan ng FOREVER AFTER: Mayo 13 (Los
Angeles), Mayo 20 (Chicago), Mayo 26 (Atlantic City), Mayo 28 (Reno,
Nevada), Hunyo 2 (San Diego), at Hunyo 4 (Las Vegas). Nag-enjoy ako
dito at masasabi kong sulit ang ibinayad ng mga tao. I'm sure mag-e-
enjoy ang sinumang makakapanood nito, bata man o matanda, dahil
ito'y visually entertaining! Sana abangan ninyo ito dahil bihira ang
ganitong klase ng Pinoy entertainment. If there is one concert/show
not to be missed, it is this one!
To read Oliver Carnay's review on-line:
http://www.carouselpinoy.com/olivercarnaymay2006.html#celeb
-------------- >
To view pictures of Regine and company
and then other pinoy music artists & celebs :
http://www.picturetrail.com/olivercarnayphotos
< --------------
regine_velasquez · asia's songbird fans group!
http://groups.yahoo.com/group/regine_velasquez/
------------------- >
m. i. b.
http://insidebuzz.tripod.com
[
Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
] |