Author: music tabloid news on-line
| [ Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
]
Date Posted: 07:51:37 08/10/06 Thu
Author Host/IP: 124.217.36.187 In reply to:
mmJun- songbird music news
's message, "Regine at Ogie, maganda ang chemistry" on 12:09:49 08/01/06 Tue
Ogie at Regine, 'di na naawat...
MALISYOSO talaga ang ibang manunulat. Aba naman, bigyan ba ng
malisya ang pagsasama nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa
negosyo.
Magkasosyo nga sina Ogie at Regine sa Indimusic, at si Dennis Trillo
nga ang unang recording artist nila.
Nilinaw ni Ogie na bagama't mistulang family affair ang pagsasama
nila nina Regine (with Kakai Velasquez at asawang si Ramon Mitra),
siya ang kumuha ng mas malaking share sa negosyo. Si Ogie nga ang
presidente ng Indimusic.
Pero sabi ni Ogie, lahat ng tao sa kanilang negosyo ay nagbibigay ng
desisyon. Hindi raw lahat ay sa kanya nagmumula ang mga dapat at
hindi dapat gawin.
Sabi ng manunulat, mas binibigyan nina Regine at Ogie ang mga tao na
bigyan ng kulay ang samahan nila. Hindi nga ba, hanggang ngayon ay
patuloy na pinagdududahan ang kanilang pagsasama?
"Okey lang. Ha! Ha! Ha! Ha!" sabi ni Ogie tungkol sa pagdududa sa
samahan nila ni Regine.
Sabi pa ng isang manunulat, mas may rason na ngayon kung bakit
kailangan na parating magsama sina Ogie at Regine. Mas legal na nga
raw, dahil may negosyo silang pinagsasamahan.
"Wala namang problema roon, eh," hirit ni Ogie.
Iginiit nga ni Ogie na walang problema at walang dapat na maging
isyu kung palagi niyang kasama si Regine. Unang-una, malaki ang
tiwala niya kay Regine pagdating sa negosyo.
"I love working with this woman (Regine)."
At mahal naman talaga niya si Regine, `di ba?
"Of course, I do. I love Regine…" nakangiting say niya.
"As a friend. Ha! Ha! Ha! Ha!" dugtong ni Ogie.
Malaking factor nga raw kung bakit mas maganda na palagi silang
magsama ni Regine sa proyekto ay `yung may kakaibang magic kasi sila
kapag magkasama. Na hindi talaga nabibigo ang proyekto, dahil
palaging tagumpay at nagugustuhan ng mga tao.
"Sana may ganu`n ding mangyari sa project na `to."
Siyanga pala, sa August 5 na ang show ni Ogie na Komikonsiyerto sa
Aliw Theatre. At pagkatapos noon ay agad din siyang aalis ng bansa
para naman sa mga concerts niya abroad, at para dalawin na rin ang
kanyang pamilya sa Australia.
Dondon Sermino
[
Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
] |