Author:
Ma.Corazon B.Rantayo (Sincerely)
[ Edit | View ]
|
Date Posted: 15:20:09 10/26/07 Fri
Author Host/IP: NoHost/124.217.83.180
Sumulat po ako sa inyong programa upang idulog po ang kahilingan ng aking kasintahan na pinagdamutan ng tadhanang makapag-aral muli. Siya po ay walang iba kundi si Ryan Key Bautista, labing-walong taong gulang , taga Brgy. Baleyadaan, Alaminos City, Pangasinan. Panganay sa kanilang pitong magkakapatid. Siya po ay kasalukuyang sumasama sa isang ronda ng kabubukas na shop dito sa Alaminos.
Nagpapasada po ang kanyang tatay ng tricycle sa maghapon, habang ang kanyang ina ay nasa kantina ng isang hospital lunes hanggang sabado. Mayroon po siyang dalawang kapatid na nasa elementarya, at tatlong kapatid sa sekondarya.
Ang pangalawa po sa kanila na si JR ay natapos na rin ng sekondarya na kasalukuyang ding naghahanap ng trabaho. Napilitang huminto ang magkapatid dahil na rin po sa maliit na kita ng kanilang magulang na pinagkakasya po nila sa pang-araw-araw na gastusin sa kanilang tahanan.
Minsan po sa aming pagsasama habang kami ay nagkwekwentuhan nasabi nya po sa akin, na bakit kami pinagkaitan? Bakit ganito ang aming buhay? Hindi man lang ako makapag-aral? Kung ako lang naman ang masusunod hindi ko gugustuhin ang kalagayan kong ito, ang hindi makapag-aral. Pero alam naman natin na wala kaming pera upang tustusan ang aking pag-aaral, hindi ba?
Aaminin ko po, naaawa ako sa aking kasintahan dahil sa kanyang sitwasyon. Gusto ko man po siyang tulungang makapag-aral ngunit di sapat ang kinikita sa isang buwan dahil pareho lang po kaming nahihirap. Kaya naisip ko pong, bakit hindi ko po subukang mag-sulat sa inyong programa, na lagi ko pong sinusubaybayan tuwing hapon ng sabado ang, “WISH KO LANG”.
Bb. Vicky Morales, nais ko po sanang bigyan ninyo muli ng kulay ang buhay ng aking kasintahan.
Maraming Salamat po!
[ Post a Reply to This Message ]
|