Author: Anna Mae Esmeralda (In Gods Will)
| [ Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
]
Date Posted: 01:44:14 08/20/06 Sun
Author Host/IP: NoHost/203.87.203.110 In reply to:
sheila mancao babatido
's message, "may nagmamahal kapamilya" on 12:04:03 04/08/06 Sat
>To Miss Bernadette Sembrano:
Good Day!
I just want to try my luck with you, sana matulungan nyo po ako. Ako po ay isang amerasian, lumaki po ako sa lola ko at sa kanya ko na rin po nalaman yung totoong pagkatao ko. Ngayon, I'm already married with 1 kid pero parang may kulang pa rin. 8 years old po ako nung binigay sa akin ng mother ko yung picture ng father ko, at hanggang ngayon, nakatago pa rin. Mula po nung binigay ng mother ko yung picture, nagsimula po akong mangarap na sana balang araw makita ko yung father ko, at nangako po ako sa sarili ko na no matter what happen, hahanapin ko talaga sya. Pangarap din po ng lola ko na makita ko yung father ko, pero ngayon po wala na po yung lola ko. Sana man lang kahit nasa heaven na sya, may mapapatunayan ako sa kanya. Pero nawawalan na po ako ng pag-asa kasi hindi ko po alam kung saan ako mag uumpisa. Smulat din po ako sa amerasian foundation but they always tell me na theres no reply yet. May nakita na daw po silang same name ng father ko, and they asked me to write a letter for him but still no reply. I just want to know lang sana kung sya nga yung father ko. Iniisip ko na lang din na baka ayaw na nya balikan yung past kaya ayaw nya rin makipag cooperate. May nakita din po sila na ka apelyedo ng father ko at nung tinawagan po nila sabi po anak daw po sya. I also send letter to him but still wala rin pong reply. Hindi ko na po alam kung anong next move ang gagawin ko kasi po hindi po sila nagrereply. Pareho po silang nakatira ngayon sa Columbia, Missouri, 65201. Ang name po ng father ko ay Sammie Fielder, at yung sinasabi pong anak nya ay Patrick Fielder. Hindi po ako sure kung sila na nga kasi ayaw po nila magreply. I have no intention para guluhin sila, gusto ko lang po malaman ang pinanggalingan ko. Sana kayo na po yung magiging tulay sa paghahanap ko sa father ko. Sana po matulunagn nyo ako. Thank you in advance.
[
Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
] |