Author: catherine operiano (sad)
| [ Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
]
Date Posted: 18:26:23 07/09/07 Mon
Author Host/IP: NoHost/203.84.188.10
Maam bernadette,
Magandang araw po sa inyo ako po si Catherine Operiano, dalawamput tatlong taong gulang. Mula nang mapanood ko po ang inyong programa nagkaroon po ako ng lakas ng loob na hanapin ang aking ama.
Mula po nang ako'y isinilang hindi ko po nakita o nakilala man lang ang aking ama.Nagtrabaho po kasi ang aking mama noon diyan sa Maynila at diyan po ako nabuo.
Hindi ko po alam ang pangalan ng aking ama at ni picture po ay hindi ko po nakita. Hindi po kasi niya akalain ng aking ina na buntis pala siya pag uwi niya dito sa Bohol at ng bumalik po siya diyan ay di na niya nakita ang aking ama. Sa aking palagay, hindi rin po alam ng aking ama na may anak siya, pero sa pagkasabi sa akin ng aking ina labis po talaga ang pagmamahal sa kanya ng aking ama pero hindi po niya ito mahal kaya minabuti niyang ako'y ipalaglag pero hindi po talaga ako nalaglag. Nalaman ko po ang lahat ng ito mula sa aking ina, kaya mapalad po talaga ako sa mundong ito, sabi ko po sa sarili ko, baka may misyon ako kaya hindi pinatigil ng Diyos ang aking paglabas sa mundong ibabaw.
Maam, hindi ko na po hiniling na makita pa siya kasi hindi ko naman alam kung buhay o patay na siya ngayon. nais ko lang po malaman kung ano ang pangalan at hitsura niya, iba po kasi ang pakiramdam kapag yung kalahati ng pagkatao mo ay hindi mo kilala.
Ngayon bago man lang po ako maging ina nais ko po sana munang maging anak na kompleto ang buong pagkatao. Hindi po kasi kami ganun ka close ng aking mama, kasi lumaki po ako sa lolo ko at di ko po siya makompronta sa ngayon tungkol sa aking pagkatao.Nasasaktan po ako minsan kapag naaalala ko po ang aking sitwasyon, na di man lang mabigyan ng tamang kasagutan sa isang simpleng tanong, "Kung sino talaga ang papa ko", maging sino man po siya yayakapin ko po talaga siya ng mahigpit kapag nagkita kami.Nasabi ko nga po sa sarili ko na pwede na siguro akong mamatay kapag nakita ko na siya.Alam ko pong Diyos lang ang nakakaalam kong nasaan na siya ngayon.Sya nga po pala ang tangi ko lang pong alam sa kanya ay "FERNANDEZ" po ang kanyang apelyido pero hindo ko po alam ang pangalan, sabi sabi lang po ng mga auntie ko JUNJUN po ang first name pero hindi po sila sigurado kasi malihim po talaga ang aking ina maging sa kanila.
Ito po ang kabuuan ng aking kahilingan, maraming salamat po sa pagbibibigay ng panahon sa pagbasa.
Lubos na Gumagalang,
Catherine
[
Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
] |