Author:
JEAN SERAFICO (SAD)
[ Edit | View ]
|
Date Posted: 23:55:06 07/08/07 Sun
Author Host/IP: 124.105.192.157.pldt.net/124.105.192.157
To Ms. Bernadette Sembrano,
Binabati ko po kayo ng isang magandang araw, nagpapasalamat po ako at may mga ganitong programa na talaga naman pong gumuguhit sa aming puso ang mga istorya at drama ng buhay.
Ako po si Jean Serafico, ako po ay sumulat sa inyo upang matulungan nyo po ako sa aking suliranin.Sa loob po ng dalawapu't tatlong taon ako po ay nangulila sa aking ina, sa mga panahon pong ito ay hindi ko man lang nakita at nakapiling ang aking ina.
Ako po ay apat na taong gulang pa lamang ng magkahiwalay ang aking mga magulang, at kami pong magkakapatid ay naiwan sa aming ama, nagkaroon ng mga karelasyon ang aking ama ngunit hindi naging maganda ang pakikitungo at pagtrato sa amin ng aming mga naging madrasta, sa ngayon po ay mayron syang kinakasama at sila po ay labing walong taon ng nagsasama at mayron silang isang anak, ngunit sa kabila nito ay may mga panahon pa rin kami na hindi magkasundo sa kadahilanang hindi naman kami kadugo.Kaya ganon na lang ang aking pananabik na makita ang aking ina,at may mga panahong umiiyak ako sa sobrang kasabikang makasama ko sya.
Pangalawa po ako sa aming tatlong magkakapatid, ako po ay 27 yrs old, sa ngayon po ay may dalawa na po akong anak ,nakatira pa rin po kami ngayon kung saan kami iniwan ng aking ina dito sa Pasay.
Marami na pong pagkakataon na hinanap ko ang aking ina, nagpunta na po kami ng NSO upang kumuha ng marriage ceritificate at umaasang makakakuha ng impormasyon tungkol sa aking ina ngunit bigo po ako, sinubukan ko rin pong kumuha ng kanyang birth certificate ngunit wala po kaming nakuhang record, ni wala po kaming makuhang impormasyon na makapagsasabi kung saan namin makikita kahit kamag anak man lang na mapagtatanungan tungkol sa aking ina, sinubukan din naming tumawag sa bestfriend nya sa Amerika ngunit bigo pa rin kami makakuha ng anumang impormasyon, kaya nagbakasakali akong sumulat sa programa nyo at umaasang matutulungan nyo na akong matapos na ang labis labis kong pangungulila sa aking ina.Sana po ay mapagbigyan nyo ako bago man lang dumating ang aking kaarawan sa Aug.29, tatanawin ko pong napakalaking utang na loob anumang tulong na inyong maipagkakaloob.Sana po ay mapabilang nyo ko sa mga natulungan nyo na nakapiling ang kanilang mga mahal sa buhay, yun lang po ang pinapangarap ko nuon pa man mapagbigyan nyo po sana ako.Hindi pa man nagpapasalamat na po ako sa tulong na maipagkakaloob nyo sa akin.
Muli, humihingi po ako ng tulong sa inyo upang matugunan ang matagal ko ng inaasam na makita ang aking ina, inaasahan ko po ang inyong lubos na pang unawa at pagtulong.
Maraming salamat po and more power!!!
JEAN V. SERAFICO
429 INT. EDSA
PASAY CITY
TEL.# 8348860
[ Post a Reply to This Message ]
|