VoyForums
[ Show ]
Support VoyForums
[ Shrink ]
VoyForums Announcement: Programming and providing support for this service has been a labor of love since 1997. We are one of the few services online who values our users' privacy, and have never sold your information. We have even fought hard to defend your privacy in legal cases; however, we've done it with almost no financial support -- paying out of pocket to continue providing the service. Due to the issues imposed on us by advertisers, we also stopped hosting most ads on the forums many years ago. We hope you appreciate our efforts.

Show your support by donating any amount. (Note: We are still technically a for-profit company, so your contribution is not tax-deductible.) PayPal Acct: Feedback:

Donate to VoyForums (PayPal):

Login ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 12345678[9]10 ]
Subject: Wish Ko Lang....


Author:
An Christine Clodeth Remigio- Canonigo
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 23:19:06 02/23/08 Sat
Author Host/IP: NoHost/203.84.172.210

Dear Ma'am Bernadette,

Magandang araw po. Ako po si Clodeth Canonigo, 21 years old,sumulat po ako sa inyo dahil gusto ko mag-wish para sa mga magulang ko. Nahihirapan na po kasi akong makita si mama na halos araw-araw na lang umiiyak dahil sa hirap ng buhay. Minsan nga po sinasabi nya na gusto na nya tumalon sa ilog para matapos na ang mga problema nya.
Nagkasunod-sunod po kasi ang mga pagsubok na dumating sa buhay namin. Nawalan po ng trabaho ang papa ko dahil sa sakit niyang diabetis. Unti-unti na po kasi lumalabo ang kanyang paningin dahil sa komplikasyon ng kanyang sakit. Hangang sa dumating po ang pagkakataon na wala na siyang makita, nagpasya po kami na ipa-opera ang kanyang mga mata, lumapit po kami sa sa mga tao gobernador ng aming lalawigan para po mabigyan kami ng tulong,awa ng Diyos nabigyan po kami ng referal sa isang Hospital sa Quezon, City. Napakahirap po ng pinagdaanan namin bago po siya sumailalim sa operasyon, doctor's fee lamang po ang sagot nila, lumapit din po kami sa DSWD, ngunit di pa rin po sapat ang pera ibinigay nila sa amin para sa pambili ng gamot at pagpapa-examine ni papa para ma-operahan na siya. Dumating po ang pagkakataon na mamalimos na kami sa mga tao para lang po makaipon ng pera gagamitin ni papa para sa operasyon niya,sadya po mahal ang mga gamot niyang gagamitin para sa operasyon, maraming salamat na nga lang po dahil kung minsan ay may nakukuhanan kaming libreng gamot. Na-operahan na po siya noong september, ang nangyari pa nga po dahil sa maling instruction sa amin ng nurse ay walang nangyari sa operasyon niya, kaya sumailalim siya sa pangalawang operasyon. Tuimagal sila ng halos isang buwan sa ospital. Hindi na po namin alam kung saan kami kukuha ng panggastos noon. Hanggang sa naisanla namin ang aming bahay at lupa. Dahil sa wala na po kaming mautangan, baon na baon na po sa utang si mama kaya wala na kaming choice kundi isanla ang bahay at lupa namin. Ngayon po naoperahan na ulit si papa sa pagkakataon na ito,naging maayos na po ang operasyon. Ngunit, hindi na rin po namin napagpatuloy ang pagpapagamot sa papa, di na na namin siya napapacheck-up dahil wala na maipamasahe papunta sa Ospital, wala na rin kaming pambili ng gamot. Si mama na lang kasi ang naghahanap buhay sa amin, di sapat ang kinikita nya pangtustos sa pangaraw-raw namin pamumuhay.Nagaaral rin po ang dalawa ko pang kapatid,minsan nga po wala na sila maibaon. Mabuti na lang po at iskolar ang isa kong kapatid kaya nakakapagaral siya ng kolehiyo. Gusto ko po sana na makapagatapos siya ng pagaaral para nga po siya na ang makatulong kay mama para maiahon kami sa hirap,nabigo po kasi akong gawin yon dahil nakapag-asawa po ako ng maaga. Nagbabaka sakali lang po ako na mabigyan ninyo ng pansin ang sulat ko. Wish ko na magkaroon kami ng extra pangkabuhayan para po hindi na nahiihrapan si mama kung saan kukuha ng panggastos sa araw-araw. Hindi naman po kasi siya naghahangad ng sobra. Lagi lang po niyang sinasabi na magkaroon lang kami sapat na kita at hindi na mangungutang, at magkaroon lang ng pambili ng gamot si papa para sa maintenance ng blood sugar niya ay ok na. Maraming salamat po. More power to your show. Madami pa sana kyao matulungan na mga tao. Godbless....

Lubos na gumagalang,
Clodeth Canonigo

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


Post a message:
This forum requires an account to post.
[ Create Account ]
[ Login ]
[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT+8
VF Version: 3.00b, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2019 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.