VoyForums
[ Show ]
Support VoyForums
[ Shrink ]
VoyForums Announcement: Programming and providing support for this service has been a labor of love since 1997. We are one of the few services online who values our users' privacy, and have never sold your information. We have even fought hard to defend your privacy in legal cases; however, we've done it with almost no financial support -- paying out of pocket to continue providing the service. Due to the issues imposed on us by advertisers, we also stopped hosting most ads on the forums many years ago. We hope you appreciate our efforts.

Show your support by donating any amount. (Note: We are still technically a for-profit company, so your contribution is not tax-deductible.) PayPal Acct: Feedback:

Donate to VoyForums (PayPal):

Login ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 12345678[9]10 ]
Subject: wish


Author:
lalaine dimaano (happy)
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 11:28:58 03/03/08 Mon
Author Host/IP: 650_acl1.gw.smartbro.net/203.84.172.74

March 03,2008

Dear Wish Ko Lang,

Sumainyo po ang isang maganda at masaganang araw lalo na po sa inyo Ms. Bernadette.
Sumulat po ako dito sa inyong programa para humiling ng isang kahilingan para sa aking mga magulang at kapatid.

Ako po si lalaine dimaano ng Kinalaglagan Mataasnakahoy Batangas,panganay po sa 12 labindalawang magkakapatid.Nais ko pong makatulong sa aking mga magulang at kapatid,ngunit ang aking ninanais na pagtulong eh tila hndi q po yata maisasakatuparan sapagkat ako man ay hirap na hirap din sa aking buhay siguro ay dahil sa aking maagang pag aasawa,kaya po minabuti ko na sumulat sa inyo,ngbabakasakali na mapipili nyo ang aking liham para sa mga mahal q sa buhay.

Maaga po akong nakapag asawa at dahil po doon hindi q na po nasuklian ang paghihirap na aking mga magulang sa akin. Kami po ay 12 magkakapatid at ako po ang panganay,ang sumunod po sa akin ay may sarili na ring pamilya at ngaun po ay kapisan pa rin na aking mga magulang sa dahilang nakipaghiwalay po sya sa asawa nya. Hindi na rin po sya nakatulong sa aking mga magulang sapagkat noong dalaga pa sya eh nagkaroon po sya ng d maipaliwanag na karamdaman na lalong naging dahilan ng kanilang pghihirap. Ang aking pangatlong kapatid naman po na syang ngtatrabaho para makasuporta sa aking mga magulang at kapatid eh sa ngaun po ay wala na ring trabaho sapagkat sya po ay nag aral sa Greenlife Foundation na kung saan ay may pagkakataon po sila makapgtrabaho sa Japan ng walang gastos,sa ngaun po ay katatapos nya lang mag aral at nghihintay po ng tawag para sa trainee. Un lang po ang tanging pag asa ng aking mga magulang para makaahon sa hirap ngaun.Ang akin pong ama ay nangigisda lang samantalang ang aking ina ang syang nglalako ng isda na nahuhuli ng aking ama kung swerte na may huli. Ang kita po nila ay kulang na kulang para sa pang araw araw na pagkain at gastus.Ang aking ama nga po na may sakit pa sa puso(lumalaki ang puso)ay hindi na po makabili ng gamot para sa kanyang karamdaman. Awang awa po ako sa kanila ngunit wala naman akong magawa lalo na po ngaun na nauuso po sa aming bayan ung mga taong gumagala at nangangatok daw sa gabi,alalang alala po ako sapagkat ang aming tirahan po ay kayang kayang pasukin ng mga masasamang tao dahil maituturing lang pong kubo ito na dahil sa pagtitiyaga ng aking ama ay naayos nya para magkasya sila bagaman hindi rin po sila ligtas doon,bata pa po ung mga kapatid q kaya labis din ang pag aalala q.Wala po akong pinapangarap kundi ang masuportahan sila kahit man lng sa pang araw araw na pantawid gutom ngunit hindi ko po ito magawa sa kanila kaya sana po makatulong ang liham kong ito para matupad ang hiling ko para sa kanila.

Hanggang dito na lang po ang liham q at umaasa po aq na mabigyang katuparan ang aking munting kahilingan para sa aking mga magulang at kapatid.


Lubos na Umaasa,

Lalaine Dimaano

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


Post a message:
This forum requires an account to post.
[ Create Account ]
[ Login ]
[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT+8
VF Version: 3.00b, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2019 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.