VoyForums
[ Show ]
Support VoyForums
[ Shrink ]
VoyForums Announcement: Programming and providing support for this service has been a labor of love since 1997. We are one of the few services online who values our users' privacy, and have never sold your information. We have even fought hard to defend your privacy in legal cases; however, we've done it with almost no financial support -- paying out of pocket to continue providing the service. Due to the issues imposed on us by advertisers, we also stopped hosting most ads on the forums many years ago. We hope you appreciate our efforts.

Show your support by donating any amount. (Note: We are still technically a for-profit company, so your contribution is not tax-deductible.) PayPal Acct: Feedback:

Donate to VoyForums (PayPal):

Login ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 12345678[9]10 ]
Subject: ROMEO FERNANDEZ' FAMILY SITUATION


Author:
Ma. Romina A. Lorenzo
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 18:08:20 03/12/08 Wed
Author Host/IP: 210.213.114.202.pldt.net/210.213.114.202

Marso 12, 2008

Wish Ko Lang, GMA Network Inc.
2nd Floor GMA Network Center
Edsa cor. Timog Avenue
Quezon City 1103

Dear Wish Ko Lang,


Isang mapagpalang araw po sa inyo.

Ako ay lumiham upang ilapit sa inyong mapagpalang puso ang katayuan ni Ginoong Romeo Fernandez ng #28 L. Tamaraw Hills Marulas, Valenzuela City.

Sa mga umaga na ako ay bumabagtas sa kahabaan ng Mc Arthur Hi-way, lulan ng aking sasakyan papasok sa aking trabaho, madalas kong makita ang isang scenario na tuwina’y umaantig sa aking puso. Isang lalaking sakay ng isang wheelchair na may angkas na isang batang lalake sa likod.

Sa ilang pagkakataong akin silang naabutan ng tulong, aking nababanaag sa kanilang mga mukha ang lubos na kasiyahan. Kung iisipin, maliit na halaga lamang ang aking naiaabot ngunit damang-dama ko ang kanilang pasasalamat. Aking napag-alaman mula sa aking pakikipag-usap sa kanila na sila pala ay mag-ama. Ang nakatatandang lalake ay si Ginoong Romeo Fernandez at ang bata ay si Rudy, edad 7. Si Mang Romeo pala ay dating namamasukan bilang isang pahinante ng isang trak na sinawimpalad na malumpo dahil sa isang aksidenteng tinamo sa pagtupad ng kanya trabaho. Matapos ang trahedyang kanyang sinapit, isang dagok muli ang kanyang natikman…siya ay iniwan ng kanyang maybahay. Dahil dito, wala na syang kakayahang itaguyod ang kanyang sarili at 2 dalawang anak maliban sa paghingi ng limos.

Si Rudy ay pumapasok sa isang pampublikong paaralan sa Valenzuela makatapos samahan ang kanyang ama sa araw-araw na pamamalimos. Ang kanyang nakababatang kapatid na si Rakim, edad 4 ay naiiwan sa pangangalaga ng lola na umuuwi din sa sariling pamilya pagdating ng mag-ama mula sa paglilimos. Sa kanilang kinikita lamang sa pamamalilimos pilit pingakakasya ang pambayad sa mga pangangailangan tulad ng pang-araw-araw na pagkain, baon ni Rudy sa eskwela, iba pang gastusin at ang buwanang upa sa tinutuluyang bahay na nagkakahalaga ng Php 800.00.

Malungkot na naibahagi sa akin ni Mang Romeo na may pumuntang kinatawan ng DSWD sa kanilang tahanan at nais kunin ang dalawang bata sa kadahilanang walang kakayahan si Mang Rudy na itaguyod at bigyan ng magandang kinabukasan ang magkapatid. Muli, may kumurot sa aking puso. Bilang isang ina, damang-dama ko ang takot at kalungkutan na pinagdadaanan ni Mang Romeo. Sinong magulang ba naman ang nag-nanais na mawalay ang mga supling sa kanya? Ngayon pa lamang, kanya nang nadadama ang takot na hindi na sila muling magkakasama ng mga anak at ang kaisipan na wala syang karamay sa kanyang pagtanda at pag-iisa.

Sa ganitong kadahilanan, naisipan kong idulog sa inyo ang kanilang sitwasyon. Batid ko na sa pamamagitan ng inyong programa, maraming mga kapuspalad ang nabahagihan ng bagong pag-asa. Nawa’y ang pamilyang ito ay mapabilang sa maraming taong inyong natulungan.

Maraming salamat, at nawa’y pagpalain kayo ng Puong Maykapal.



Umaasa,


Ma. Romina A. Lorenzo
663 Mc Arthur Hi-Way,
Bancal, Meyacauayan,
Bulacan

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


Post a message:
This forum requires an account to post.
[ Create Account ]
[ Login ]
[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT+8
VF Version: 3.00b, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2019 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.