VoyForums
[ Show ]
Support VoyForums
[ Shrink ]
VoyForums Announcement: Programming and providing support for this service has been a labor of love since 1997. We are one of the few services online who values our users' privacy, and have never sold your information. We have even fought hard to defend your privacy in legal cases; however, we've done it with almost no financial support -- paying out of pocket to continue providing the service. Due to the issues imposed on us by advertisers, we also stopped hosting most ads on the forums many years ago. We hope you appreciate our efforts.

Show your support by donating any amount. (Note: We are still technically a for-profit company, so your contribution is not tax-deductible.) PayPal Acct: Feedback:

Donate to VoyForums (PayPal):

Login ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 123456[7] ]


[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Date Posted: 23:21:01 06/22/07 Fri
Author: teresa (the fire of God)
Subject: HOW ARE YOU DOING, PINOYS?

Kumusta, mga kababayan sa Ireland!

Ako po si Teresa, isang manunulat mula sa Pilipinas. Ikinagagalak ko pong ibalita sa inyo na sa darating na Agosto 27-31, ay darating sa Dublin si Bishop Precioso Cantillas, SDB, na siyang Chairman po ng Episcopal Commission on Migrants (and Itinerant Peoples ECMI)sa CBCP o Catholic Bishops' Conference of the Philippines. Kasama ng obispo and kanyang kanang kamay sa ECMI na si Fr. Edwin Corros, at ang inyong lingkod na si Teresa Tunay, upang dumalo sa CONFERENCE of CHAPLAINS of Filipino migrants in Europe. Humigit kumulang 20 chaplains po ang inaasahang darating mula sa iba't ibang bansa sa Europa tulad ng Germany, Austria, Switzerland, UK, Italy, atbp.

Ang magandang balita po dito ay may kinalaman sa inyong ating mga kababayan na nariyan at naghahanap-buhay sa Ireland. Pagkakataon na po ninyo itong ilahad ang inyong mga kasaysayan sa amin: lungkot at ligaya,problema at pag-asa, kahit ano pa po, pakikinggan namin, itatala, at pararatingin sa mga kinauukulan dito sa ating Inang Bayan.

Kung magpa-pangkat pangkat po kayo ayon sa inyong lugar ng tirahan, parokya, o ayon sa inyong kinabibilangang organisasyon, magtatakda po kami ng ilang mga araw pagkatapos ng kumperensya upang makaniig kayo, dalawin kayo sa inyong mga tahanan, pagawaan, simbahan o social hall, kung saan man kayo komportableng makapagsasalita.

Ang makipag-usap sa mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa ay bahagi po ng aming tungkulin sa CBCP, at lagi po naming isinasagawa tuwing kami'y naipapadala sa ibang bansa. Ikalulugod po naming makilala kayo at maging bahagi ng aming gawaing ito para sa Simbahan--pakikinggan po namin kayo kahit na po ano ang relihiyon ninyo. Ang mahalaga lang po'y Pilipinong manggagawa kayo sa ibang bansa.

Mangyari lamang na pakalatin ang balitang ito at nang kami po naman ay makapaghanda, lalo na't kung napakarami ang magnanais na makipag-pulong sa amin.

Kung mayroon pa po kayong nais itanong kahit sa ngayon, huwag pong mag-atubili mag-email sa akin, sa teresa_de_manila@yahoo.com

maraming salamat po, at pagpalain tayo nawa ng Diyos.

Hanggang sa tayo'y magkilala!

Gumagalang,

Teresa Tunay

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 3.00b, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2019 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.