VoyForums
[ Show ]
Support VoyForums
[ Shrink ]
VoyForums Announcement: Programming and providing support for this service has been a labor of love since 1997. We are one of the few services online who values our users' privacy, and have never sold your information. We have even fought hard to defend your privacy in legal cases; however, we've done it with almost no financial support -- paying out of pocket to continue providing the service. Due to the issues imposed on us by advertisers, we also stopped hosting most ads on the forums many years ago. We hope you appreciate our efforts.

Show your support by donating any amount. (Note: We are still technically a for-profit company, so your contribution is not tax-deductible.) PayPal Acct: Feedback:

Donate to VoyForums (PayPal):

Login ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Search | Check update time ]
Subject: The Hidden Chapter (Next to Chapter 16)


Author:
No name
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 12:07:40 08/06/08 Wed

Last Song Syndrome
(Sex In Seminary)


The Hidden Chapter


Inihahanda ko pa nga lang ang mga baon naming pagkain sa isang mesa sa cottage eh masyadong excited na itong si Prince para magtampisaw sa napakagandang dagat na nasa aming harapan! Napakapayapa sa buong paligid. Kami lang dalawa ni Prince sa cottage, kaya solong-solo namin ang isa’t-isa. Malakas ang ihip ng malamig na hangin na sa tingin ko ay nakadagdag sa pagkaromantiko ng lugar. Naririnig din namin ang bawat palo ng maliliit na alon na nasa ibaba ng aming cottage.

Nakapatong kasi ang aming inarkilang cottage sa isang malaking bato na nagmistulang maliit na isla na nahiwalay sa dalampasigan. Ilang metro lang naman ng paglangoy na hanging dibdib ang lalim ay makakabalik na kami sa maputing dalampasigan dahil sa mala-asukal nitong buhangin.

Agad naman akong hinila ni Prince kahit hindi pa ako tapos sa pag-aarrange ng mga gamit namin na nasa mesa.

“ Halika ka na Tartttttt…”, panghaharot sa akin ni Prince habang hinihila ang aking bewang at kanang kamay.

“ Oo na nga ehh…hahalikan kita jan eh! Sobra namang excited nito! Para ka namang ngayon lang nakakita ng dagat at atat na atat kang maligo! Hmmm…”, sabi ko sa kanya habang kinukurot ko ang kanyang tenga at ang isa ko namang kamay ay inaayos ang tupperware na nilagyan ng mga kakanin.

Imbes na hilahin ako ay, nagpunta nalang si Prince sa aking likuran at niyakap ako sa bewang. Inilapit ang kanyang mainit na hininga sa aking batok at patungo sa akong tenga.

“ Ahehehe…ano ba Prince…nakikiliti ako sa ginagawa mo…kaw talaga! Badboy! Naughty! Naughty! Naughty!”, paglalambing ko sa kanya habang inaabot ng aking kaliwang kamay ang kanyang singit para kurutin sana pero iba ang aking nasagi, hehehe.

“ Asuzzz…ako pa ang pinagbintangang naughty…ehh sino ba ang nanghihipo????”, pang-aalaska nito sa akin habang kinagat-kagat ng pinung-pino ang dulo ng aking tenga at nakayakap parin sa aking likuran.

“ Excuse you!”, sagot ko naman agad kay Prince. “ Kukurutin sana kita noh…ehh kasi hindi pa nga ako tapos dito, tapos ang excited mo nang magtampisaw sa tubig!”

Mas lalong inilapit ni Prince ang kanyang bibig sa aking tenga at bumulong,”Hindi naman ako excited sa tubig ehh, excited akong makasama kita sa tubig….”

Kay sarap naman pakinggan ng mga katagang iyon! Talagang literary, napakasarap sa tenga… Napangiti nalang ako ng lihim.

“ Uyyy,,,kinikilig si Tart ko….”, pantutukso sa akin ni Prince.

Bigla akong lumayo sa kanya at hinarap siya. “ Bakit naman ako kikiligin ha??? Hmmpt!!!”, kunwaring hindi ako tinitablan sa panglalambing niya sa akin.

“ Halikan kita dyan eh!”, pabulong ko namang sabi sa kanya pero tila tengang kawali si mokong kaya nasagap agad ang aking binulong.

“ Aha!!!! May pagnanasa nga akin si Tart…..help!!! help!!!”, mahinang sigaw ni mokong na parang humihingi kuno ng tulong mula sa kabilang dalampasigan, ehhh wala kaya akong ginagawa sa kanya. If I know nagpapacute na naman ang mokong na’to!

“ Ewww…assuming si Prince Charming…ehh ikaw ba ang tinumbok kong halikan?”, pinakunot ko ang aking noo at panguso ang pagkakasabi na mas halata pang nagpapacute ako kay Prince ko.

“ Ay! oo nga pala!”, dugtong ko uli. “ Ayyyy…oo nga…dapat ka palang halikan dahil Frog Prince ka pala! Ahahahahhaha”,tawa ako ng tawa.

Kumunot naman agad ang noo ni mokong dahil sa aking sinabi at tila nagpapahiwatig ng harutan! “ Ahh Frog Prince pala ha?! Sige tignan mo ang pagtransform ni Frog Prince sa iyong harapan!”, panghahamon ni Prince sa akin.

Nako! Dahan-dahang hinubad ni Prince ang kanyang black fitting sando. Unti-unting lumitaw ang mabalahibong puson ni Prince na nagpapainit sa aking batok. Magaling pa namang gumiling si mokong, kaya ako tuloy ang napahiya sa pangtutukso ko sa kanya. Ako ang nagmistulang asong ulol ngayon na naglalaway dahil sa ginagawa ni Prince.

Muli pang itinaas ni Prince ang kanyang sando kaya nakita na ang kanyang flat abs! Nagsalubong na ang aking kilay sa tangkang iwasan ang pagkakatingin ko doon. Pero hindi pa nakontento si Prince kaya tuluyan na niyang hinubad ang kanyang sando! Wow! Kahit ilang ulit ko nang nakita ang katawan ni Prince, pero ewan ko ngaba dahil hanggang ngayon ay na-eexcite parin ako sa tuwing nakikita ko ito.

Ang ganda ng hubong ng kanyang katawan, lean pero pormado at madetalye ang bawat hubog nito. Pinkish ang nipples na parang nanghahalina ng dilang sabik na dumila. Ang makinis na kutis na kay sarap kagat-kagatin at panggigilan!

Itinaas ni Prince ang kanyang sando at iniwagayway sa hangin habang patuloy parin sa paggiling. Board short nalang ang natitira sa katawan ni Prince kaya alam kong ihahagis ni Prince ang kanyang sando para ang short na naman ang isusunod na huhubarin. Pero kahit inahasan kong ihahagis ni Prince ang kanyang sando, hindi ko naman inakala na sa aking mukha pala niya ihahagis ito! Aba’y! nakakaloko ito ahhh!!!

Dumikit nga sa aking mukha ang kanyang sando! Infairness, mabango nga ang katawan ni Prince na mas nakakalibog tuloy dahil sa kasamang pawis nito sa bandang likuran.

“ Hoy! Abay! Hinahamon mo yata ako ehhh….Akala mo bang hindi kita papatulan ha?”, pabiro kong panghahamon kay Prince.

“ Sige humanda ka sa akin!”, sabay kong hinubad ang aking red board short.
“ Uy! Ano ba yan Tart!”, gulat na bigkas ni Prince. Pero hindi parin ako tumigil. Sinunod ko agad ang aking brief!

“ Ha! Akala mo bang hindi ko mapapantayan ang ginawa mo?! Hahahaha!!!!”, pang-aasar ko sa kanya. Tuluyan kong tinanggal ang aking brief. “ Oh! Ito saluhin mo!”, (tsug!!!) 3 points! Dumikit nga sa mukha ni Prince ang aking brief! Hahaha…Hindi nakapagsalita ang gago. Nang napamulat si Prince ay isang mata lang ang kanyang nagamit dahil tamang-tama itong nashoot sa butas ng brief. Nagulat siya dahil sando nalang ang tanging saplot ko sa katawan. Hinila ko ang dulo ng aking sando para takpan ang aking pagmamay-ari.

Dali-daling hinila ni Prince ang aking brief na nakasabit sa kanyang ulo at tumakbo agad patungo sa akin.

“ Ano ba yang pinaggagawa mo ha?! Masyado ka namang daring!!!”, gamit ang kanyang katawan ay tinakpan niya ang aking harapan dahil baka daw makita ito diumano ng nasa kabilang dalampasigan.

“ Ahahahaha!! Oh ayan! Ikaw pala ang takot makakita ng katawan ko ehhh,, hehehe”, pagpapacute ko sa kanya habang nagkatitigan kami.

“ Oo na oo na! dali…isuot mo na yan! Kaw talaga Tart….”, pagmamadali niya habang isinusuot sa akin ang aking brief. Heheheh, napangiti nalang ako dahil para akong batang alagain ng isang gwapo at machong baby setter.

Nang maisuot ko na ang aking brief ay tumayo agad si Prince at siniil ako ng halik. Syempre ako naman ay hindi na nakatanggi at ninamnam ko na agad ang sarap ng halik ni Prince. Shit! Biglang nabuhayan ang aking pagkalalaki kaya obvious na obvious ang pagtigas nito dahil nakabrief lang ako. Napansin naman agad ito ni Prince kaya idiin niya ito sa kanyang harapan, habang ang mga dila namin ay patuloy parin sa pag-eespadahan. Napakainit ng aming katawan, lalo na kay Prince dahil nakahubad lang siya. Mababakas ang pamumula ng kanyang dibdib tanda ng pagtaas ng init ng kanyang katawan.

Bago pa humantong sa kapusukan ay pinutol ko na agad ang aming paghahalikan, sa halip ay itinulak ko si Prince at tumakbo sa likod ng mesa, na nagpapahiwatig na nagpapahabol ako kay Prince. Nakuha naman agad ni Prince ang nais kong gawin namin, kaya hinabol niya ako paikot ng mesa, pero umikot ako sa kabilang gilid nito. Tumakbo ako papuntang pintuan ng cottage kung saan malapit doon ang batong hagdanang papuntang ibaba kung sakaling gustong maligo sa dagat. Sumunod naman agad si Prince sa akin pero sa halip na tatakbo ako pababa ng hagdanan ay lumihis ako ng direksiyon. Hindi iyon napansin agad ni Prince, natapakan niya ang nakaipong tubig sa sahig….

“ Prince!!!!!!!!!!!!!!!!!!”, malakas kung sigaw nang makita kong hindi makontrol ni Prince ang kanyang pagkakadulas! Pilit ko siyang inabot, pero….

“Prince!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”, muling umalingawngaw ang aking sigaw ng dumiretso ang kanyang katawan sa dulo ng pangpang.




“Prince!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”, napamulat agad ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang mga mapang-usisang mata ng mga tao sa aking palagid, sa loob ng bus. Nag-iwas agad ako ng aking paningin mula sa kanila.

Hanggang sa aking panaginip ay hindi parin nawawala sa aking isipan si Prince. Ilang taon na ang nakalipas mula nang sinubok kami ng pagkakataon…

Muling bumalik sa akin ang nangyari ng gabing iyon….

Pagliko namin ni Prince ay bumulaga sa aming paningin ang kahindik-hindik na pangyayari!!!

Kahit malayo pa kami ay nakikita na namin kung ano ang nangyayari sa ibaba!!! Kapwa walang saplot ang dalawang pari na sina Father Joey at Father Guy! Nagse-sex sa isang malaki at lumang mesa gamit lamang ang isang kandila na nagsisilbing ilaw!

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa aking nakikita!!! Parang dinurog ang aking puso! Tumagaktak ang aking mga luha na hindi ko namamalayan habang nakatingin ako sa kanilang ginagawa. Hindi rin nakapagsalita si Prince. Tinakpan ko ang aking bibig para hindi lumabas ang aking boses sa pag-iyak. Hindi parin nila kami napapansin na nakatingin sa kanilang kawalang-hiyaang ginagawa!

Sa palagay ko ay sasabog na ang aking dibdib sa aking nakikita! Hindi ako nakapagpigil….

“ Mga walang hiya!!!!!!!!!!!!!!”, napasigaw ako! Umalingawngaw sa buong basement ang aking sigaw.

Napatingala sina Father Joey at Father Guy sa amin ni Prince! Mababakas ang gulat sa kanilang mga mukha! Dali-daling tinakpan ang kanilang mga katawan gamit ang kanilang pinaghubarang mga damit. Hindi ko na nakita ang sumunod na pangyayari dahil nag-walk-out ako! Hindi lang walk-out dahil tumakbo ako palabas ng kombento habang hinahabol ni Prince. Nagtatakbo ako hanggang maabutan ako ni Prince sa pathway patungong basketball court. Madilim, walang tao, at tahinik ang paligid.

Napaluhod ako sa daanan at inilabas ang aking saloobin! Umiyak ako ng malakas at tila nawawalan ng lakas sa buong katawan dahil sa aking nakita. Isinuntok ko ang aking kamao sa sahig at umiyak ng todo. Nagmadali namang lumuhod si Prince sa aking harapan para patigilin ako sa aking ginagawa. Niyakap niya ako at doon na bumuhos ang aking mga luha nang maramdaman kong may kakampi pala ako. Humagulgol ako sa balikat ni Prince habang hinimas-himas ni Prince ang aking likuran.

“ Tart!! Tart!!”, hinawakan ni Prince ang aking mukha. “ Tart! Makinig ka! Kailangan nating ipaalam ito kay Msgr. Jacobo ( May pinakamataas ng katungkulan sa seminaryo)!!!”, galit na pagkasabi ni Prince. “ Kailangang malaman nila ang walang kahiyaang pinaggagagawa ng mga pari nila!!!!”

“ Hindi!!!!!”, hinawakan ko ang mga balikat ni Prince habang kami ay nakaluhod parin sa gitna ng daan. “ Hindi!!!! Hindi natin yan gagawin Prince!!!”, pagmamatigas ko kay Prince!

“ Bakit hindi Tart???!!! Nakita mo ba ang ginawa nila??? Hindi nila nirespeto ang Dios!!!”, makikita ko ang galit sa mga mata ni Prince.

Pinikit ko ang aking mga mata at tumulo ang aking mga luha. “ Bakit Prince? Yong ginawa rin natin sa basement noon, sa tingin mo ba nirespeto rin natin ang Dios nun?’, mahinahon kong tanong kay Prince.

“ Hindi Tart!!! Iba sila dahil mga pari sila!!! Naiintindihan mo yon? PARI sila!!!!”, niyuyugyog ni Prince ang aking balikat.

“ Bakit Prince?, pari lang ba ang pinagbabawalan na gawin iyon? Kaya tayong ordinaryong mga tao o seminarista ay malaya nalang kung nakikipagtalik sa kapwa lalaki?! Yan ba ang ibig mong sabihin Prince? Mapa-pari man o ordinaryong tao… sa pagkakaalam ko ay hindi parin tama iyon!!! Kaya ang ginawa natin noon ay wala ‘ring pagkaiba sa ginawa ng mga paring iyon!!!”, sigaw ko kay Prince at hindi parin tumitigil sa pag-iyak.

“ Pero Tart…..”, nagsalubong ang mga ngipin ni Prince sa ibig niyang ipahiwatig sa akin. “ Intindihin mong mga pari sila! Mga alagad ng Dios! Naiintindihan mo ba ako??? Paano pa ako maniniwala sa sasabihin nila sa kanilang homily kung alam kong mga demonyo rin pala sila sa gabi?!!! Ipinagkatiwala sa kanila ang salita ng Panginoon….kaya sila ang mas walang karapatang bastusin iyon!!!!”, inilapit ni Prince ang kanyang mukha sa akin.

Umiyak nalang ako. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin sa puntong iyon. “Pero….Prince….huwag nalang tayong magsumbong sa pinakatataas…. Ayoko….”, niyakap ko si Prince pero umiwas siya, sa halip ay hinawakan ang aking balikat at tinignan ako.

“ Bakit ayaw mong isumbong sila???!!!”, niyugyog ni Prince ang aking katawan!

“ Bakit tart!!!!”, sigaw uli ni Prince!

“ Tama na Prince!!!!”, sigaw ko pabalik sa kanya habang humagulgol sa pag-iyak.

“ Sabihin mo sa akin!!!”, galit na talaga ang mukha ni Prince.

“ Dahil ama ko si Father Joey!”, niyakap ko si Prince at tuluyan nang humagulgol sa pag-iyak.

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]


Post a message:
This forum requires an account to post.
[ Create Account ]
[ Login ]
[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 3.00b, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2019 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.