VoyForums
[ Show ]
Support VoyForums
[ Shrink ]
VoyForums Announcement: Programming and providing support for this service has been a labor of love since 1997. We are one of the few services online who values our users' privacy, and have never sold your information. We have even fought hard to defend your privacy in legal cases; however, we've done it with almost no financial support -- paying out of pocket to continue providing the service. Due to the issues imposed on us by advertisers, we also stopped hosting most ads on the forums many years ago. We hope you appreciate our efforts.

Show your support by donating any amount. (Note: We are still technically a for-profit company, so your contribution is not tax-deductible.) PayPal Acct: Feedback:

Donate to VoyForums (PayPal):

Login ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Search | Check update time | Archives: 12[3]456 ]
Subject: When I Grow To Be A Lady 6


Author:
Lola Nila
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 17:20:03 06/30/03 Mon

Buong akala ko ang mga klasikong awiting na naituro sa amin ni Mrs. Mancera tulad ng "Slide, slide, 1,2,3.." at "Paa, tuhod, balikat, ulo.." ay ma-ihahambing kong walang kamatayan, ngunit sa "Robo-Robo" ko lamang nalaman ang awiting nakakagising ng damdamin sa lipunan, tulad ng kantang "Bastos ka walang galang, bakit ka nanggagapang.."

.."Aguy!aguy!TABANG!TABANG!(Aray!aray!SAKLOLO!SAKLOLO!) ang sigaw ni Gng. Balbuena habang patuloy nyang pinapalo ng payong ang aso. Sa tingin ko habang pinapalo ni Gng. Balbuena ang aso, lalo itong nangigil na kagatin ang tenga ni Ma'am. Salamat na lang at dumating si Manang Ising. Ewan ko kung ano mayroong kapangyarihan si Manang Ising at biglang tumakbo ang aso. Ah, baka takot lang siyang ma-azucena. Nangangatod pa rin akong bumaba mula sa puno ng santol. "Nilo bakit mo pinabayaan si Ma'am mo nakagatin ng aso? Bakit hindi mo binato ang aso?" ang tanong ni Manang Ising. Siguro I was destined to be a gay, kasi ang dali kong makahanap ng sagot."Manang Ising, ok lang yon, ganti-gantihan lang dahil nakakagat naman ang aso nina Ma'am noon, diba?" wika ko. Patuloy pa rin ang iyak ni Ma'am Balbuena. Naghalo na ang kangyang luha at sipon. "Naku, ang laki ng sugat Salvacion. Dapat kang magpa doktor. Alalahanin mo si Bebing Buang nabaliw dahil sa kagat ng aso!" dagdag ni Manang Ising. Sus, parang nananakot pa si Manang Ising. "Nilo kumuha ka ng bawang at suka sa bahay, gagamutin natin ang sugat ng Ma'am mo." Opo, mga sister sa amin ang first aid pag nakakagat ka ng aso, ahas o ano mang insekto, suka at bawang lang. Pag sugat dahon ng malunggay, o laway pwede na. Pero tanong lang, anong klaseng sugat na hindi naman ini-itak ngunit nahiwa, pero kahit anong baho na hindi pa rin inu-uod? Ah, ewan! bata pa ako noon noh! "Dalian mo at wag kang pakendeng-kendeng dyan!" sigaw ni Manang Ising. Si Manang Ising talaga akala ko sa paghalo lang ng tuba magaling na para isang chemist. Manghuhula din pala. Paano kaya niya nalalaman na ako'y magiging bading?

Nang matapos lagyang ng first aid ang tenga ni Ma'am Balbuena, ay buong lambing na hinahawakan ni Ma'am ang aking mga kamay, at sabay malumanay nyang sinasabi sa akin na... "Duy (lambing sa cebuano) nasaan na ang kaldero?" Dyos ko, si Ma'am talaga oo, halos maputulan na nga mg tenga, negosyo pa rin ang nasa-isip. Oo nga pala nasaan na ang kaldero?

itutuloy

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Replies:
[> Subject: HAHAHAHHAHA., siguro si DIDI ay nakagat din ng aso nuong araw, may pagka BALIW kasi , hahahahahah!!! TSUK....!!! More, more, more.....(I am particularly waiting for your "sex" episodes...)


Author:
HRH Galit Sa Bobo
[ Edit | View ]

Date Posted: 21:59:33 06/30/03 Mon


[> Subject: Lola, you never ceased to amaze me with your fabulous story.....dapat palitan mo na ang name mo ng LOLA BASYANG dahil sa galing mong magkuwento....isang maling PLANGGANA sa iyo!!!!


Author:
UDJAK
[ Edit | View ]

Date Posted: 02:20:20 07/01/03 Tue


[> Subject: Re: When I Grow To Be A Lady 6


Author:
Byutipol
[ Edit | View ]

Date Posted: 05:04:07 07/01/03 Tue


[> Subject: Juskoday! Sa amin..ang suka at bawang ay ginagamit ding sawsawan ng Tuyo at Daing !!!!!!


Author:
Gul Bangag
[ Edit | View ]

Date Posted: 05:26:45 07/01/03 Tue


[> Subject: LOLA..SUGGESTION LANG HA, I -COMPILE MO LAHAT ANG MGA KWENTO MO, AT I SUBMIT ITO SA MGA PUBLIKASYON SA PILIPINAS...NAKAKATAWA ITO! ISA KANG GIFTED CHILD! BWHAHAHAHAHAHA


Author:
GEE KAY
[ Edit | View ]

Date Posted: 05:31:16 07/01/03 Tue



[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-11
VF Version: 3.00b, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2019 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.